Prologue
Felix' POV
Okay, another brand new day na naman, and this day is not going to be special tulad ng ibang mga araw, pero para sa akin, this day is going to be memorable. Bakit? Well, sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako from work. Pahinga in the sense na magiging absolute na rin ang aking pag-resign from my job as photographer.
Yes, isa akong Photographer para sa Location Scotland. Para sa di nakakilala nito, Location Scotland is one of the leading companies when it comes to location scouting, location management and full production co-ordination for stills, TV and film shoots throughout Scotland. Ang haba nun XD, but, allow me to summarize it, kami bale yung mga namamahala sa paghahanap ng mga places kung saan maganda mag-pictorial para sa mga batikang magazines like Elle Magazine, Vogue Magazine. There was one time nga nung kami ang pinili ng FHM UK para mag shoot sa kanilang FHM Models.
Ako nga pala si Felix Byrnes. And dito kami naninirahan ng kasama ko sa harap ng English Channel somewhere in Portsmouth, England (di ko na lang sasabihin yung exact address, for security purposes. Oo, medyo sosyal nga itong buhay photographer, pero di na magtatagal dahil paalis na rin ako. But before the effectivity of my resignation, magpipictorial muna ako para sa upcoming release for July's issue ng Vogue Magazine.
Hindi ako pinaalis or what, di rin naman masama ang mga tao dun na kelangan kong umalis. In fact, mababait naman silang lahat sa akin, dahil ako'y tumagal ng tatlong taon. Instead, ako mismo ang nag-request na magreresign ako. I want to rest muna from my very hectic schedule. And most importantly, I want to spend more time with my wife, Aline.
Yeah, 2 years na kaming kasal pero pareho kaming dalawa na masyadong busy sa aming mga trabaho. Kaya nga di pa kami nagkakapamilya until now. Err, honestly, ayaw ko pa rin muna sa ngayon ang magkaroon ng anak. Dahil, I want to be free in pursuing my other goals. Kaya napagdesisyonan kong tumigil muna sa trabaho ko para sa kanya. Di naman kami maghihirap dahil medyo malaki na rin ang naipon ko, tapos may sariling business si Aline, kaya di kami magkakaproblema when it comes to finances.
O sha, mahaba na itong nasabi ko. Alam ko na medyo kakapagod bumasa o makinig kung medyo mahaba ang ikinuwento, diba? Kaya pasensya kung ganon. By the way, aalis muna ako ha, tatlong oras na kasi akong nakaharap sa laptop. You know, I also write my own blogs and post stories online. And saka, tapos nang magluto ang pinakamamahal kong asawa. Sige, mauna na muna ako at makakain na.
Aline's POV
Ang daming mga bagong upcoming models. At magaganda nga sila. Good for Vogue. Mukhang di nga sila magkakaproblema sa paghahanap ng mga magagandang mga models for their issues. Right now, I heard from my previous colleagues from Vogue tungkol sa kanilang upcoming release for July's Issue.
Oh, by the way, allow me to introduce myself. Ako nga pala si Aline Byrnes. At not to be rude, di ako actually open pagdating sa pagpapakilala sa aking sarili. Pero, for the sake that you get to know me better, well, I'm a former model for Vogue Magazine until last year when I decided to stop. May family business kasi yung dad ko at dito niya itinayo sa Portsmouth, England. And since I like the view of the English Channel, pumayag ako. Of course, I like to relax after those strict standards ng Vogue. Honestly, medyo nahihirapan nga ako para ma-maintain ko lang yung posture ko, alam mo yun. Diet dito, diet doon, gosh, kahit alam nila na kasal ka na, at anytime ay magkakaroon ka ng baby, pero kelangan pa rin sundin yung standard nila. Na-miss ko na nga yung dati kong katawan na medyo chubby.
Di sa nagmamayabang ako, but, right now, kahit 1 year na akong di nagmomodeling, same pa rin ang katawan ko. My vital statistics is : 32-24-33. Sexy na ba yan para sa inyo? Para sa akin,… uhm, okay lang... Resulta na nga ito ng katawan kong nasanay na sa buhay Model ng isa sa pinakakilalang Fashion Magazine dito sa UK.
Pero di nagtagal, tumigil rin ako sa pagmomodel. You know, I need to run the Family's business. And I also like to rest and to spend my time with my ever-thoughtful husband. I'm sure makilala mo rin siya sooner or later. Oh, by the way, di ko pa ito nasabi kahit kanino, save my husband -- I still like modeling. And I find it enjoyable and fulfilling when I face the camera. And isa nga ito sa mga reasons kung bakit nagustuhan ko si Felix. Dahil isa siyang magaling na Photographer. Isa nga ako sa mga models dati na siya ang nagpipictorial, and I enjoyed the moments with him dati sa Vogue.
Ay, sorry, pero narinig kong tapos na ang bread toaster. Sige, aalis na muna ako at ipaghahanda ko na muna yung dining table at makakain na kami. May isa pang photoshoot yung asawa ko, and he needs to be there ahead of schedule.
=========================================================
2 years ago …
Felix' POV
"And now I announce you, man and wife. You may kiss the bride," idineklara ni Rev Simmons.
Sa wakas, matatapos na rin ang halos isang oras ng seremonya sa pagpapakasal. I smiled at her, while she also showed her rosy smile at me. I love her so much, and she has completed every part of me. And when I took off the velvet cover sa kanyang magandang mukha, I then gave her that kiss. It may not be the most romantic kiss I have given her, pero I made sure that it is very memorable, as memorable as this day.
Nang naglapat na ang mga labi namin, well, there's no more holding back. And I felt heaven opened his gates on us, habang naririnig kong nagpapalakpakan ang mga taong nandun, our families and friends. I held her arms tight as she held mine, habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang likod, and she leaned on it. Malakas ang pagpitik ng puso ko mula nung sinabi ni Reverend yung last sentences. Malakas na malakas na parang sasabog sa tuwa at saya. And after that 1 whole minute kiss, hinarap ko ulit siya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan na kanyang nadarama. Full of love and care, and she is indeed the perfect woman for me.
She smiled at me, at napansin kong nag-blush siya, kahit may nakalagay na itong make-up, pero makikita ko talaga alin dun ang totoong blush at alin dun ang make-up lang. "I love you, Felix," ang nabasa kong binigkas ng kanyang mga labi.
"I love you more," sagot ko naman. And then we kissed again kahit saglit lang, bago namin hinarap yung mga kaibigan naming until now, ay nagpapalakpakan. For me, this is the happiest day of my life. And I am excited to have more happy moments to come with her by my side.
I smiled in front of everybody, habang nandun na yung mga kaibigan kong mga photographers. Well, actually, I know she smiled as well, showing her angelic smile. And she does look very good in front of the camera. Well, who would know about it than her photographer mismo. And I was the one who took pictures for her habang nagmomodel siya sa Vogue.
"Felix, parang kinakabahan ka ah," bulong ni Aline sa akin. Huh? Pano niya nasabi yan? "your hands are shaking. Any problem?" she asked.
"No. I'm just too excited, that's all," I assured her. Di na siya nagtanong kung ano man ang ikina-eexcite ko. Buti na lang. Actually, medyo halu-halo kasi ang nararamdaman ko ngayon. Pero bahala na. As long as everything is going to be fine now, that we are finally married.
I held her arms by mine, while we walked down the aisle. Flower petals rained on us, and this is it. This is where my whole life will finally open up a new beginning for me.
Aline's POV
Everything felt like a dream. But then, I again opened my eyes. Totoo talaga. Finally, naikasal na ako sa taong pinakamamahal ko. Habang nakatayo kami sa harap ng altar, I feel that I am still dreaming. Then it all rose up to the point na halos ayaw ko nang gumising kung panaginip man lang. Pero lalo akong naging masaya, nang kanyang inalis yung telang nakaharang sa mukha ko. I'm tensed talaga, and nararamdaman kong bumibilis ang tibok nitong puso ko.
At nang inilapit niya mukha niya sakin, ito na talaga. Up until now, iniisip ko pa rin na panaginip lang ito. But when his lips touched mine, I then realized: I am not dreaming at all. This is real. He kissed me. A long and memorable kiss. Sa dalawang taon na naming magkakasama, di ko pa naranasan ang halik na ganun. Tulad ng iba, naramdaman ko talaga na napaka-romantic ang araw na ito, and it's because of that one long kiss.
Buong araw kong pinaghandaan talaga ang araw na ito. To tell you what, di nga ako nakatulog dahil sa sobrang excitement. Grabe, kahit ano gagawin ko para lang makakapag-beauty rest, ay di talaga magagawa. Marami ang pumasok sa isipan ko kagabi; kaya nga sobrang alala ako sa sarili ko baka makikita ng mga tao na puyat ako. Kahit sa dalawang taong pagmomodel ko, di ko pa rin alam kung magagawa kong i-project sarili ko sa harap ng mga tao kung puyat ako.
Pero di bale na. This is the day. Kelangan kong mag-enjoy sa araw na ito. Even Felix assured me nung sinabi niya, "You're still beautiful, Aline. And kahit ano pa ang magiging mukha mo on or off cam, pareho pa ring magandang Aline ang nakikita ko." I don't know what to say about that, except he has my full trust kaya di na ako nagtanong pa.
Pero di naglaon, ay iba ang napansin ko. Akala ko ako lang ang kinakabahan sa araw na ito. Pati pala itong lalaking kasama ko, at magiging kasama ko habang buhay. As I lay my hands on his arms, I felt his heart. Mabilis ang pagtibok nito na parang isang pison ng makina ng sasakyan. Hahaha, di lang pala ako, kundi pati siya.
Tinanong ko siya ano ang naramdaman niya. Unfair ata yun, dahil nalaman na niya itong kaba ko bago nagsimula ang kasal. Alam rin niya gano ako ka-excited sa magaganap ngayong araw na ito. Siguro it would be fair if malaman ko rin ang kinakabahan niya, diba?
He just answered me plainly, "I'm just too excited. That's all." Hmmm, well, I guess I won't ask him anymore, baka di niya masasabi kung ano. Di rin naman ako palaging nakiki-alam. Kahit di ako marunong bumasa ng isipan, I know, he, just like me, still felt that this is a dream; a dream where we need to work on as we go along to make it real.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro