
Chapter 7
Felix’ POV
Pagkatapos kong kumain ng almusal, hinugasan ko ang ginamit ko. Malalim pa rin ang inisip ko dahil hindi talaga kinain ni Aline ang pagkaing niluto ko. Ayun tuloy, nasayang lang. Hay,. Iniligpit ko ang natirang pagkain kagabi at nilinis ang buong kusina at pinapaandar ang vacuum. Nilinis ko rin ang dining room namin at pumunta agad sa kuwarto para magpalit ng damit. Today is a Sunday.
Usually, every Sunday morning ay nag-eexercise ako – jogging. I would jog around the neighborhood just to maintain my physique. This time, magjojogging ako hindi para ma-maintain itong katawan ko. Instead, I will jog just to ease off. Maybe a couple of rounds around the block will ease me off. Kung ang mga babae ay iniiyakan yan sa harap ng mga kaibigan, akin ay i-jogging ko na lang.
Isinabit ko ang jogging meter sa leeg ko at naglagay naman ng headphones. I turned on the music on my Ipod at huminga ng marahan at pabilis nang pabilis. I will first psych myself up para di ako medaling mapagod mamaya. Pagkatapos nang ilang rounds ng breathing exercise, ay lumabas ako sa bahay at tinignan ang paligid. Presko ang hangin at tamang-tama lang ang sinag ng araw. Tamang-tama ito para sa jogging exercise ko. When I turned on the music, I then started jogging.
**
Whew, mabilis ang paghinga ko habang unti-unti akong bumabagal sa pagjogging. Dalawang bahay na lang, makakarating na ako sa amin. Tumutulo na ang pawis ko. Nang makarating na ako sa kanto ng bahay naming, lumakad na lang ako. I just left my arms hanging down at my sides. Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang tumatakbo pa ito sa bilis. Pero di na muna ako tutuloy. Nakalimang rounds ako sa pagjogging. Sobra ata ng dalawa kesa ninais kong gawin.
Pinatay ko ang Ipod ko nang makarating na ako sa aming gate. Kumuha ako ng isang bote ng mineral water at nag-breathing exercise naman para unti-unting babagal ang katawan ko, to ease me down. Whew, kahit ang face towel ko di kinaya ang pawis ko sa mukha, sa leeg, at sa likod ko. Pagkatapos ng lahat, umupo ako sa poolside bench.
Tapos na ang pinaplano kong gawin for this morning. Hai. Ano pa ba ang kelangan kong gawin? Wala. Napakaboring talaga, dahil wala akong kasama ngayon. Di ako nasanay na wala dito ang kasama ko sa bahay tuwing araw ng linggo.
I took a quick shower para maging presko ulit ang pakiramdam ko. After that, nang pumunta ako sa sala, maayos naman ang pagkakaayos. Mabuti at di ko na kelangang ayusin pa. Medyo pagod pa ako sa exercise ko kanina. Umupo ako sa sofa. Tinitignan ang paligid. Totoo ba ang sinabi ni Aline kahapon? Na di raw ako makakagamit sa mga appliances ng bahay? Did she really mean it? I hope not.
Nang nakita ko ang TV, I reached for the remote. I turned the cable box on, waited for the indicator. Wala. What happened? May kuryente naman dahil naka-on naman ang aquarium sa gilid. Yun kasi ang kadalasang pinagkunan ko ng basehan kung may kuryente ba o wala. Bakit di naka-turn on ang cable box? I checked the plug. Okay naman. Hay. Tumayo ako at pumunta na lang sa TV. When I pressed the power button, ayun, humingi na ng Parental Password. What? Di ko ‘to nilagyan ng password ah.
I tried all the password combinations na alam ko. Hindi ito tinanggap. Ano kaya ang password nito? Sinubukan ko rin ang mga pwedeng mga gagamitin ni Aline. Kahit mga pangalan na alam kong malapit sa kanya, di pa rin gumana. What the hell is the password? And she really meant it. Grabe! After the 30th try, di pa rin ako makapasok. Pinatay ko na lang. Maraming pumasok sa isipan ko. Di ‘to pwede. Ano pa kaya ang ipinapabawal niya? Ano pa kayang mga gamit dito sa bahay ang ayaw niyang ipapagamit sa akin?
Tinignan ko ang DVD player, wala. Naka-lock rin. Di ko na lang sinubukan ng mga passwords na ginamit ko sa TV, for sure di ko rin yun makukuha. Ano pa kaya? Lumakad ako ng mabilis sa kuwarto. Yung Wii may password rin! Grabe talaga kapag mga password-protected ang kadalasan sa mga appliances mo. Di ka makakagamit. Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan nakalagay ang iba kong gadgets. Mabuti at magagamit ko pa ang laptop ko. Magagamit ko pa rin ang camera ko. Sabagay, di yun pagmamay-ari ni Aline.
Lumabas ako ng kuwarto. Haii. Walang magagawa sa bahay. Might as well, I go out rin at mamasyal na lang. Paglabas ko ng bahay, may nakita akong isang babae na naglalakad kasama ang kanyang asong Golden Retriever. For sure di yun tagarito kasi ngayon ko lang siya nakita. I am fond of dogs, especially those rare breeds na bihira lang makikita dito sa UK.
She happens to see me na tumingin sa kanya at sa aso niya. Ngumiti ito. Pinapakita niya ang kanyang mala-anghel na mukha. Pero di ko na siya masyadong pinapansin habang paparaan na siya. Pero nang sa biglang may bumisinang malakas galing sa mabilis na tumatakbong kotse. The woman was already at the corner of the street nang sa biglang may dumaan na kotse. Nasagasaan nito ang aso na di agad nakaiwas.
Wham! Maingay ang tunog ng pagpreno ng sasakyan at ang babae ay napasigaw sa takot. Narinig ko rin ang pag-iyak ng nasaktang aso. Masyadong mabilis ang pangyayari at ako’y napatakbo papunta sa nangyaring aksidente. Tumatalon ang puso ko sa kaba kung napano ang babae at ang aso nito.
Nang nabuksan ko na ang gate namin, narinig ko na lang ang galit na sigaw ng babae habang tumakbo papalayo ang kotse. Naiwan lang ang babae at ang aso nitong duguan sa binti nito.
“Curses!” sigaw ng babae. Ako’y lumapit at nakita na ang aso ay nakahiga na at mabilis ang paghihinga nito. Umiiyak pa rin ito at ang babae ay lumuhod at hinimas himas ang tiyan ng aso habang siya’y umiyak rin. “Walang hiya yung taong yun.” iyak ng babae.
“Miss, nakita ko ang nangyari. I-report na lang natin yun sa kinauukulan. Sayang walang Traffic enforcing office sa malapit.” Tumingin sa akin ang babae.
“Sir, please help me. Dalhin natin siya sa pinakamalapit na veterinary clinic. Ayaw kong mawala sa akin si Maxxie.”
I feel sorry for her. The dog needs to live and doesn’t deserve to die at the hand of that stupid driver. I agreed, “Wait here, kunin ko lang yung kotse ko.” Sumang-ayon ang babae and wrapped the wounded dog’s leg with a towel. Umaangol ang aso. Pagkarinig ko nun ay dali-dali akong tumakbo papunta sa carport. Saan kaya ang pinakamalapit na ospital dito para sa mga hayop?
Nakabalot na ang duguang binti ng aso at sigurado na akong hindi maduduguan ang upuan ng kotse ko. Nasa likod ang aso kasama ang babae habang mabilis ko namang minamaneho ang sasakyan. Naririnig kong umiiyak ang aso sa tinding sakit na nadarama nito. Inaasikaso naman ng babae para di ito masyadong nasasaktan.
“Walang awa talaga yung tao, hinayaan lang kami at mabilis na umalis.” Reklamo ng babae. Nasa daan sa harap ko ang mga mata ko habang unti-unting pinapabilis ang takbo ng kotse. Di ko agad na nakuha yung sunod na sinabi ng babae.
Nung turn naman namin ang pinahinto sa traffic, tumingin ako sa rear mirror at nakita na pinunasan ng babae ang kanyang mga luha. “Di mo ba napansin ang sasakyan bago kayo tinakbuhan?”
“Wala. Even a simple blowing of the horn since he’s on the corner and about to make a turn, di nga niya magawa.”
I fell silent. And after a few crossroads, nakita ko rin ang signboard, Oakshire Family Veterinary Home. “There, a veterinary clinic. Dun natin dadalhin si Maxxie.” Maxxie tama? I think I forgot the name of her dog. Pero di bale na. The woman just nodded. No reaction about the name whatsoever. So siguro tama ako sa pangalan ng aso. Pero ano ba ang pangalan ng babae? Di ko pa nga pala naitanong.
Pero mamaya ko na lang tatanungin.
========================
Aline’s POV
Tahimik ako pagkatapos naming mag-chika ni Valerie sa loob ng kanyang kotse. Sila naman ng asawa nitong si Tristan ang nagkausap. Di ko na rin pinakinggan anuman ang pinag-usapan nila sa harapan ng sasakyan habang ako naman ang mag-isang nasa likod. Pero di maiwasang makuha nila ang pansin ko sa pagiging lambing sa isa’t isa.
Three years nang kasal sina Tristan at si Valerie. Surgeon and Radiologist si Tristan sa isa sa pinakamalaking ospital dito sa Portsmouth, habang Fashion designer naman si Valerie for Vogue. Yes, sa Vogue si Valerie nagtatrabaho kaya’t naging malapit na magkaibigan kami. I remember, si Valerie yung nagdedesign sa mga bagong gowns and casual attire na ako naman ang nagsusuot para sa pictorial.
Buti pa sila. Ang lambing nila kahit 3 years na silang kasal, habang kami naman ni Felix, 2 years pa lang nga, ganito na ang nangyari sa amin. I wonder what would happen if ever ayaw pa rin ni Felix gawin yung hinihiling ko sa kanya.
“Aline, ang tahimik mo ata. May problema ka ba?” tanong ni Valerie. Napansin na pala nila akong medyo matagal nang tahimik dito sa likod.
“Wala. May iniisip lang ako. Excited ako sa pagkikita natin kay Justine at sa kanyang fiancé,” alibi ko naman para hindi nila mapansin na iniisip ko ang problema namin ni Felix. Baka masira pa ang mood sa pagkikita namin.
“By the way, bakit di mo isinama si Felix? Busy ba siya?” tanong ni Tristan.
“Uh, yes. May ginagawa kasi si Felix. You know, malapit na kasi ang deadline ng kanilang pictorial outputs, at may lalakarin rin naman siya. May aasikasuhin ata.” I lied this time. I don’t know kung ano ang gagawin ni Felix sa bahay kung halos lahat ng mga appliances dun ay naka-lock na.
Sinadya kong lagyan ng password ang mga gamit sa bahay. May passwords ito dati na kaming dalawa ni Felix ang nakakaalam, pero after what happened, I decided to be true sa sinabi ko sa kanya na di siya makakagamit sa halos lahat ng mga bagay dun kapag di siya ang magiging photographer sa kasal ni Justine.
“Ganun ba? Sayang naman. If sumama lang sana siya, magiging masaya siguro ang bonding nating anim,” tugon ni Valerie.
Di ko na siya sinagot. Nakita na rin naman ang hotel kung saan nag-stay sina Justine at ang kanyang fiancé. Tumaas ang excitement namin ni Valerie. Well, for me, it is. I know na ganun rin ang naramdaman ni Valerie.
Tristan parked in front of the hotel entrance. The bellboy was then given the car keys at kanya namang minamaneho ang kotse patungo sa parking area ng hotel na nasa likod nito. Lumakad rin kami papasok habang sinubukang tawagan ni Valerie si Justine para sabihing nandito na kami sa harap ng hotel. We just waited on the lobby on the reception hall. Maraming mga tao ang labas-masok sa hotel, karamihan mga foreigne – Americans, Chinese, Japanese, French, Russians, at marami pa.
A few minutes later, lumabas na si Justine sa elevator at patakbo itong lumapit sa amin. Gumaan ang pakiramdam ko; I totally forgot what I was thinking while we are driving papunta dito sa hotel. Nawala sa isipan ko si Felix habang patakbo rin kami ni Valerie patungo kay Justine. Tatlo kaming magkayakap na parang mga bata habang maraming mga tao ang nanonood sa amin.
“Justine!” I and Valerie chorused. Tumawa si Justine at pinalapit sa amin yung lalakeng sumunod sa kanya. We stared at him. Napaka-gwapo ng guy.
“Guys, allow me to introduce to you my fiancé, Kristoff Conner.”
Justine’s fiancé is a tall broad-chested man. Lumapit siya sa amin ni Valerie at isa-isa kaming binati. Ngumiti si Justine at pagkatapos ng mga pagpapakilala sa isa’t isa ay pumasok na kami sa hotel papuntang 12th floor kung saan may restaurant.
Good thing at nagdala ako ng pera. Di ko akalaing dito pala sa loob ng hotel kami mag-lunch. Pero kahit ganun, napaka-awkward pa rin para sa akin ang situation habang magkasama kaming pumasok sa restaurant. Bakit? Well, si Valerie may Tristan na kasama; si Justine naman ay merong Kristoff. Pero ako, wala dito si Felix. Hai, di bale na. Siguro mas mabuting wala si Felix dito. Siguradong di kami magpapansinan at baka mapansin pa nina Justine at Valerie na may nangyaring hindi maganda sa amin ni Felix.
Umupo kami sa gilid ng restaurant malapit sa glass window at makikita ang view ng buong Gunwharf Quays, at makikita rin ang Spinnaker Tower, ang pinaka-sikat na Tourist Attraction sa buong Portsmouth. Ang Gunwharf Quays ay isa sa maraming mga industrial at commercial centers ng Portsmouth at kung saan naka-dockside ang mga sikat na naval ships ng UK. I guess, if I am not mistaken, naval center kasi itong Portsmouth para sa Hampshire, England at maraming mga naval ships ang nagpiling dito mag-anchorage.
Anyway, we ate, and enjoyed talking. Marami kaming pinag-usapan tungkol sa kanilang dalawa ni Justine at Kristoff. Masaya akong nakikinig sa kanilang kwento. Habang sa likod naman ng isipan ko, isang tao ang nananatili. Di ko alam kung ano ang pakiramdam ko habang pumapasok siya sa isipan ko. Di ko alam kung bakit di siya maalis. Ganito ba kapag pinoproblema ang isang tao?
I finished my meal and wiped the cream off my mouth with the table napkin. Kristoff then whistled for the waiter.Hiningi nito ang bills at kanya namang binigay ang credit card niya. Woah! Libre ito lahat ng fiancé ni Justine? Ganun siya kayaman? Wow! Swerte talaga ni Justine. Di lang guwapo at matangkad ang asawa niya, napakayaman rin nito.
“So, nakapunta na talaga kayo jan sa Spinnaker Tower?” tanong ni Valerie. She is curious, I believe so. Iilang tao rin naman kasi ang nakakapasok dun. Medyo sosyal ang building na yun. Sa naalala ko nung naging laman yan ng mga magazines last year na yun ang pinakamataas na gusali dito sa Portsmouth.
“Yes, pumunta na kami dun and I tell you, napakaganda talaga ng mga viewing decks jan – as in makikita mo ang buong Portsmouth docks jan, pati ang mga lugar hanggang dun sa Portsmouth city center,” sagot ni Justine.
“Wow, kakainggit. Hahaha,” tawa ni Valerie. Tumawa silang lahat. Pinilit ko na ring tumawa kasama sila para hindi ako mag-iisang walang kibo. I tried to be attentive to our conversation kahit minsan ay umaalis ang isipan ko papunta dun sa bahay.
“Sana makapunta rin kayo dun, mga sis. Trust me, it’s breathtaking out there,” anyaya ni Justine. Kinumpirma naman ito ni Kristoff.
“Sana nga. Kaso parang may fear of heights ata itong si Valerie,” patawang pag-amin naman ni Tristan. Tumawa kami habang pinapatahimik siya ni Valerie. Yes, I remember, takot si Valerie sa mga matataas na mga lugar.
“Okay lang yun, Valerie. Di naman lahat dun ay nakakatakot dahil marami kang magagawa dun para makalimutan mo ang fear of heights mo,” Justine assured her. Ngumiti lang si Valerie.
Tinignan ko ang Spinnaker Tower. Ang ganda kung makapunta rin dun. Siguro di na ako makapunta jan, or if makapunta man ako, baka matagal pa yun. Di rin naman pwedeng pumunta jan na mag-isa ka lang. It would be weird.
“So the wedding day is final?” tanong ni Tristan.
“Yes, it is. God willing, rain or shine, it will push through,” sagot ni Kristoff.
“Excited akong makita kang nakasuot ng wedding gown, Justine,” sabi ni Valerie. “You know, I happen to design gowns dati.” Tristan nodded in confirmation.
Ngumiti si Justine. Tumingin lang si Kristoff sa kanya kung ano ang isasagot ni bestfriend. “We already have made contact with Queen Elizabeth’s Wedding and Boutique. And guess who is going to be the official photographer of the wedding?”
Napatingin ako sa kanya habang ngumiti naman siya sa akin. Napatanong si Valerie, “Someone we know?” Justine nodded. “Then who?”
“Sino pa ba? E di yung kaibigan rin nating magaling na photographer. Si Mr. Byrnes,” announce ni Justine. I just fell silent after knowing what Felix’ response was.
“Really? Wow! That’s great!” sigaw ni Valerie. “Sabagay, magaling naman na photographer si Felix.” Justine seconded. Alam nilang lahat maliban kay Kristoff na magaling na photographer si Felix. Di ko alam ano ang magiging reaksyon ko sa pag-announce ni Justine. Kahit ako di ako sigurado kung matutuloy ba si Felix. Paano kung hindi siya tutuloy? Baka masisira ang plano ni Justine.
“For sure libre rin yun ni Felix,” Tristan guessed. He looked at me. I am already on the spotlight this time. Medyo matagal na kasi akong tahimik lang habang nakikinig lang sa kanilang apat na nagkukwentuhan.
“Of course, Aline first offered it’s free, pero sobra naman ata kung hindi pa kami babayad,” sagot ni Justine.
I need to speak up. Baka mahalata nila na matagal na akong tahimik. “Yes, pero may discounts pa rin.” Tumawa si Justine at si Valerie. Ngumiti lang si Kristoff.
“Oh? Maganda pa rin. At least discounted.” Tristan commented.
Pano na ‘to? Umaasa talaga si Justine sa pinag-usapan namin na si Felix ang magiging photographer sa kasal. Sabagay, there is still one month to convince Felix. He has to agree.
I will make him agree.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro