Chapter 6
Aline’s POV
I don’t know what I have said and done. Nainis ako sa sarili ko. Nainis ako sa kanya. Ganun na ba kadali tanggihan ang hinihiling ko sa kanya? Grabe siya! Kainis!
Di na ako nagsalita. Whatever I have said, I must live up to it. Whew, and it took me minutes standing there in front of him. Wala man lang siyang kibo. Wala siyang reaction sa sinabi ko. Ano? Okay na ba yun sa kanya? Fine. So be it!
Umalis ako sa kuwarto and closed the door. Bahala siya. Anyway, akin naman itong bahay na ‘to. This was given to me by my father bago siya nagtayo ng business dito. Though may mga gamit rin naman si Felix na dito niya ibinabahagi, majority of the appliances here are mine. And di sa nagmamayabang ako, it’s just that I have the authority kung payag akong pagamitin siya o hindi. And if ayaw talaga niya, hmph! E di magdusa siya.
Marahan akong lumakad pababa ng hagdan, at ang nakakainis lalo ay wala man lang siyang sinabi. Talagang sinusubukan niya ako ah. Tignan na lang natin kung hanggang saan ang pagiging naïve mo, Felix. Sa kusina ako pumunta. Uminom ako ng tubig dahil never in my whole life here na tumaas ang boses ko sa isang tao – muntik nang tumuyo bibig ko sa nangyari. Ang masaklap pa dun, sa taong minahal ko pa nasabi yun. Well he deserves it.
Magluto ka para sa sarili mo, Felix. Or better yet, try to plan ahead saan ka bibili ng magiging pangangangailangan mo sa araw-araw, dahil hindi na kita ipagluto, hangga’t di ka papayag na magiging photographer sa kasal ni Justine. And I mean it.
After kong uminom ng isang basong tubig, pumunta ako sa sala namin, (err, sala ng aking bahay). I need to rest myself. I cannot go to the room, dahil baka nandun siya. I need some space. Everybody needs one, right? Most especially if you are at the brink of explosion. To ease it off, I need to cool down a bit. Ayaw ko muna makausap siya. He was the one who started this by denying my simple request. Dapat siya ang hahanap ng paraan kung gusto niyang magkaayos pa kami. So I sat on our sofa. And even to my surprise, wala akong ginawa dun kundi ang umupo lang; di ko na namanalayan ang mabilis na pagtakbo ng relo na nakasabit sa dingding.
Wala.. I left my mind blank. I placed the pillow around the corner at humiga ako. Di ko na pinansin ang paligid ko; anyway, tahimik rin naman eh. Then extreme stress and the need to ease off made me close my eyes. I’ll take a quick nap. Siguro 1 hour will be enough. So I closed my eyes. Nanatili pa rin akong panatag sa desisyon ko. He must apologize; not me. Teka, bakit hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isipan ko? Yung taong yun?
He doesn’t deserve a little space in my mind and dream. He just don’t deserve… to…
I opened my eyes. Wait, anong oras na ba? Parang medyo gutom na ako ah. Paglingon ko sa relo na nakasabit sa dingding, Waaa!!!.. Napatayo ako sa nakita ko. It’s already past 6pm! Wala pa akong kain. Dali akong lumakad papunta sa kusina.
Nakita ko si Felix. Nag-ayos siya sa mga pinggan at isa-isang inilagay sa dishtray. For the first time since nagkasama kami, iba na ang naramdaman ko nang nakita ko siya. Nandun pa rin ang inis ko sa kanya. My feelings for him are the same, minus the love. Nakita niya akong pumasok sa kusina.
“I prepared you your meal. Nandun lang sa dining table,” anyaya niya.
No response. I don’t know what I am thinking right now, but dinedma ko siya. Agad ko siyang tinalikuran at umalis papunta sa sala. Nawalan ako ng ganang kumain. I just can’t take the favor he is doing.
“Di mo na lang sana ako pinaghandaan; di rin naman ako dito kakain,” sagot ko sa kanya.
Di ko na narinig ang sagot niya, anyway nasa sala na ako nang nasabi ko yun. I just reached for my cellphone and then pumunta sa kuwarto. Sa labas lang ako kakain. Siguro mas magkakagana ako kung sa labas lang muna. I need some space muna and to ease myself.
Pag-akyat ko sa kuwarto, natanggap ko ang tawag ng isa sa mga kaibigan ko. “Si Valerie,” sabi ko sa sarili ko.
“Hello, Valerie, si Aline ‘to.”
“Aline, sis, musta?”
“Okay lang naman, sis. Ikaw, musta na? Ba’t napatawag ka?”
“Okay lang rin ako. May ibabalita lang sana ako sa’yo,” sagot niya. This is so new of her; di kasi siya tumatawag kapag gabi na. And tumatawag rin lang siya kung talagang napaka-importante ang kanyang sasabihin. “Alam mo bang ikakasal na pala yung kaibigan nating si Justine?”
“Oh! Kala ko ano,” I smiled, though deep within, naglalaban pa rin ang mga emotions ko dahil sa mga nangyari kelan lang. “Yes, sinabihan na ako ni Justine. Good thing at sinabihan ka na rin.”
“Oo nga. Na-shock nga ako nang narinig ko yun, knowing what kind of a girl Justine is. Nagbago na nga siya.”
“Pareho tayo. Well, it’s right rin naman eh. Darating rin ang time na makahanap ang isang tao ng kanyang magiging kabiyak sa buhay. And that’s what she has found,” sagot ko sa kanya. Speaking of which, yun rin pala ang nangyari sa akin – tungkol sa kabiyak sa buhay.
For a moment pumasok sa isipan ko ang sitwasyon sa amin ni Felix. Kabiyak sa buhay; gaya ng inisip ko para kay Justine. Bakit ba inisip ko na parang problema ito? Hai, di ko na yon problemahin pa. Simpleng hiling lang tatanggihan pa. Bahala na muna yun.
“Kilala mo ba ang fiancé niya? I mean, have you met him already?” tanong niya.
Oo nga noh? Di ko pa pala nakita ang fiancé ni Justine. But ayon sa naikuwento niya sa akin, okay na okay naman daw yung guy. “Ikinuwento lang niya sa akin kahapon nung nagkita kami. Ikaw, kilala mo bay un?”
“Hindi rin. But I’m sure ipakilala rin siya ni Justine sa atin.” Alam kong excited siyang makita ang fiancé ni Justine. And I am as well.
“Pwede tayong makipagkita sa kanya bukas if okay lang sa kanya,” I suggested. Di ko na lang muna isipin ang nangyari kanina. Siguro sa pamamagitan nito ay somehow magiging magaan ang sitwasyon para sa akin. “Ako ang tatanong sa kanya kung okay lang sa kanya.”
“Really? That’s great! Sige. Just give me a call or leave me a message on my voicemail. I’ll be waiting for it,” sagot niya. I just smiled then said my goodbyes; she then ended the call.
I was already at the poolside desk. I’ll eat first. Maybe I’ll order some and wait. It’ll be less than 20 minutes at the longest. So it would be okay. Di ko kayang tanggapin ang favor na ginawa niya. It would seem I am soft. He should know na di ako medaling magbago sa desisyon ko.
Hinanap ko sa phonebook ang isa sa paborito kong restaurant na may delivery service. Good thing it is less than 15 minutes indeed, konting tiis lang. Habang hinihintay ko ang delivery boy, tatawagan ko na lang siguro si Justine. Aanyahin ko siyang makipagkita bukas. Anyway wala rin naman akong gagawin dito sa bahay buong araw. I will not try to talk to him for a while. I know him. Di niya ako matitiis.
He will soon agree – I hope.
======================
Felix’s POV
Binuksan ko ang sliding window sa kuwarto. Pinapasok ko ang malamig na hangin para mapalamig ko ang sarili ko. What the hell happened with her? Ayaw ba niyang kumain? O talagang umiiral na ang pride niya? Siya pa ang pinaghandaan ng makakain jan siya pa ‘tong may ganang talikurin yun.
Teka, ano ba ‘tong iniisip ko? Mukhang mas malala ito kesa inaasahan ko ah. Umupo ako sa lazyboy seat at humarap sa labas. Siguradong lilipas rin yan bukas na bukas. Nabigla lang yun sigurado sa sinabi ko sa kanya.
I sat for almost 10 minutes. Walang magawa. Usually by this time, magkatabi na kami niya manonood ng TV. But I don’t think that will happen now. Anyway, sa kanya rin naman ang TV, and for sure, di niya ako papagamitin sa TV. Dito na lang muna siguro ako. Tinignan ko ang relo sa braso ko. It’s already 7pm.
Wala bang planong kumain si Aline? Ganun na talaga kalaki ang inis niya sa nangyari? Hay. Bakit ba naman kasi ayaw niyang makapag-intindi. Kami lang ang nahihirapan nito.
Boring. I checked again, it’s 7:15pm nang narinig kong may nag-doorbell. Tumayo ako pero narinig kong lumabas ng bahay si Aline. Nagpapa-deliver na lang siya? Grabe! Talagang tinanggihan niya ang pinaghandaan ko! I need to get out of this. Out of this pressure.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. I checked the phonebook. I saw my friend’s name. Naka-speed dialing na ang number niya. Siguro dapat tawagin ko siya. Siya lang siguro ang makakaintindi sa problema ko ngayon.
At first, I hesitated to share anything about this. But now I have decided. At matagal na rin kaming magkaibigan ni Malcom, at siya lang talaga ang nalalapitan ko ever since na lumayo ako sa parents ko.
Naalala ko yung mga nakaraan nung umalis ako sa bahay at dun nakitira sa bahay nila. Mabuti naman at pinatira nila ako dun. At sa tulong ni Malcom, nakahanap ako ng trabaho at naging Professional Photographer. Utang ko sa kanya halos lahat. And what’s good with him is that he never wanted me to return the favor. Kahit ano gagawin ko para lang mabayaran ang utang na loob ko sa kanya, ayaw niyang tanggapin. Halos lahat ng mga naging problema ko siya ang nakakatulong. Maybe this time, he can help me.
I dialed his number and waited for him to answer my call.
“Hey man, what’s up?”
“Hey, sorry if naka-istorbo ako –“
“Nah! It’s okay. Basta ikaw, dude. So, what’s the matter?”
I know he knows I have a problem. Kilala na ata niya ako sa tagal naming naging malapit na magkaibigan.
“Dude, again, may problema ako. And I need your advice kung ano ang gagawin ko.”
“Sure. Let’s hear of it.”
I leaned on the chair para medyo ma-relax ako sa kina-uupuan ko. “Dumating sa point na di na kami nagkakaintindihan ni Aline.” I paused, waited for his reaction. But hindi siya nagsalita. Kaya pinapatuloy ko na lang para maintindihan niya agad. “may kasal na magaganap sa araw ng GrandCon next month. At ako ang pinipilit niya na magiging photographer sa kasal.”
“Let me guess, tinanggihan mo ang hiling ng asawa mo para makasali sa GrandCon, tama?”
I knew it. He knows the situation. Sadyang magaling siyang makakakuha ng mga pangyayari. “Yes. And alam mo naman kung gano ko ka-gusto makasali sa GrandCon. Pinaghandaan ko talaga para yun. At saka sinabi mo rin na once in a lifetime lang ito mangyari na magsasamasama ang mga kilalang mga international writers. I want to join, dude. You know that.”
“I see. Dude, which is more important? Yung hinihiling ng asawa mo na ikaw ang magiging photographer o ang makasali ng once in a lifetime sa GrandCon? I’m sure you know which is more important.”
Straightforward talaga siya. Di na ako nabigla sa sagot niya. But di ako makasagot sa choices na binigay niya. “Of course importante para sa akin si Aline –“
“Then it’s decided. Sa kasal ka pumunta.”
“But how about the GrandCon? I really need it.”
Lumipas muna ang ilang segundo bago siya nagsalita ulit. Mukhang malalim na naman ang iniisip nun para sa akin. “Dude, if importante para sa’yo ang pagsasama ng asawa mo, then sa kasal ka pumunta. Advice ko lang yan sayo. Though once in a lifetime ang GrandCon next month, it’s not that necessary.”
I sighed. “So what are you suggesting?”
“Suggesting? No I’m not suggesting, dude. What I’m saying is, if I am at your shoes, I will be the photographer for the wedding which is next month. Next month, right?”
“Yes, next month.” I laid down my head. Naka-adjust na rin ang lazyboy chair at ako’y nakahiga na.
“Okay. So sumali ka na lang sa kasal na hinihiling ng asawa mo. Ayaw mo rin naman na mag-away kayo diba? So just give in to her instead,” sabi niya.
“Sige. Thanks dude. Pag-isipan ko na lang.”
I ended the call. This time, si Malcom na ang nagsabi na di na lang daw ako sasali sa Grand Convention. Hay, gusto ko sanang makasali dun. Gustong-gusto ko talaga. Napaka-wrong timing talaga ng kasal ni Justine. But biglang nag-iba ang nasa isip ko; si Aline.
Bakit ba hindi siya kumain sa ipinagluto ko. Masasayang lang yun. Talaga bang sinadya niya ang ganun? At ngayon nagpapagutom pa siya sa kakaantay ng pinapadeliver niya. Huminga ako ng malalim. Pinikit ko saglit ang mga mata ko habang dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin.
**
Narinig ko na lang ang busina ng isang sasakyan sa labas ng bahay at nagising ako. Umaga na pala. Nakatulog na pala ako. Hay. Busina na naman ng isang pulang BMW sa labas ng gate. Pagbangon ko, narinig kong lumabas si Aline sa kuwarto papunta sa hagdanan. Pumasok ako mula sa balkonahe. Nakasuot siya ng damit panglabas.
“Good morning." I greeted her but she didn't respond. "Saan ang lakad ngayon?”
Di na siya lumingon sa akin at parang walang kibo. Nakalabas na siya ng kuwarto bago siya sumagot. “May lakad ako kasama sina Valerie at Justine.”
“Saan kayo pupunta? Ang aga niyo ata, and it’s a Sunday.”
“Wala ka nang paki-alam dun. Kami na bahala sa sarili namin. Ikaw na rin ang bahala sa sarili mo sa ngayon. Wala rin naman akong gagawin dito.” Then all of the sudden she closed the bedroom door behind her.
What the… parang ibang tao lang ako dito ah. Mukhang hindi siya naka-get over sa nangyari kahapon. Pinoproblema niya ata yun. Hay, babae talaga. Bahala siya. Pumunta na lang ako sa banyo para maghugas at magsipilyo.
Nang matapos na ako, wala nang tao sa baba. Lumakad ako papunta sa balkonahe kung saan ako nakatulog kagabi. Wala na ang BMW. Dun ko naalala na sasakyan pala yun ni Valerie.
Isa si Valerie sa mga models ng Vogue magazine kasama si Aline. Malapit silang magkaibigan ng asawa ko, kaya palagi silang nagsasamang tatlo ni Justine dati. Siguro nais ni Aline na mailabas ang saloobin niya, or I think so. Ganun ba ang mga babae? Akala ko kwento-kwento lang na ang mga babae ay mahilig magpalabas ng saloobin sa harap ng mga kaibigan kung may problema sila. Totoo pala yun.
Wait, problema… hmmm, pinoproblema nga ito ni Aline!
Mukhang medyo mahirap ayusin to. At kelangan na ako mismo ang bibigay sa kahilingan niya para maiayos to. Naman!
Bakit kelangang ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro