Chapter 5
Aline's POV
Humiga kami ng asawa ko habang nagpapalipas ng oras. Wala lang. Minsan minsan talaga ay ito ang ginagawa namin pagkatapos naming kumain. Yun ay kung wala kaming gagawin. At minsan lang talaga kami kumakain sa bahay.
I was tracing my fingers on his broad chest. Siya naman ay hinimas-himas lang ang buhok ko. He likes it, anyway. At alam kong nakikiliti siya sa ginagawa ko, pero okay lang sa kanya.
**
"I guarantee you, my friend is gonna pay you for the shoot, Hobs," I explained. Tahimik siya at inalis niya yung kamay niya mula sa buhok ko.
What's the matter? Ayaw ba niya? I faced him. Napansin kong may iniisip siya at hindi tumingin sa akin. "May problema ba, Hobs?"
Lumingon siya. "Wala naman."
Di ako convinced sa sagot niya."Wala? Parang may problema. Ayaw mo bang maging photographer sa kasal?" I asked him straight.
"It's not that. Meron sana akong sasabihin sayo," sagot niya. I sat up straight and still eyes fixed on him.
Ano ba ang sasabihin niya? May mangyayari ba dun sa petsa ng kasal ni Justine? At first parang masayang-masaya siya sa balitang ikakasal na ang best friend ko. Kanina nga lang nagbigay pa siya ng best wishes para sa araw na yun. But after niyang malaman ang petsa ng kasal, parang nag-iba lang bigla ang paligid.
"Aline, conflict e. I haven't told you this yet, but -,"
"But what?"
"The Wedding day is the same day as the Grand Convention. You know I wanted to join that convention, diba?"
I paused. Grand Convention? Saan? Bakit? Maraming pumapasok sa isipan ko, na kung ilalagay ko dito ay di magkakasya. Pero alam rin niya na gusto ko talaga ang samahan si Justine para sa araw na yun; ang magiging pinaka-importanteng araw buhay niya. I want to see my best friend see me on that day. If I remember correctly, nung araw ng kasal namin ni Felix, pinilit ko talaga si Justine na pumunta dito sa UK kahit na nasa US siya para lang sa aming kasal. Now I want to return the favor. Pumunta rin lang si Justine dito sa UK para lang makita ako at balitaan ako na ikakasal na siya. Ang grabe talaga ng effort ng best friend ko para lang di ako magiging huli sa balita tulad na yun.
That's why I cannot let her down. I must be present along with the guests on her wedding day. And I want Felix to be there, too. And I want him to be the Official Photographer for that special day. I cannot let her down; di na maaari dahil nangako na ako na si Felix ang magiging photographer.
"Hobs, I am now about to become a writer," biglang sabi ni Felix sa akin. Naghalu-halo na ang mga nararamdaman kong inis at galit. Di ko talaga matatanggi si Justine. "and that Grand Convention is something I cannot miss."
Is he sane? I looked at him. Parang malungkot na ang kanyang mukha. Nawawala na ang sigla at saya sa kanyang mga mata na nakita ko kelan lang, mula nung magkasama kami sa labas habang kumakain ng almusal, hanggang yung sinamahan niya ako dito sa kuwarto kung saan binigay ko sarili ko sa kanya, hanggang sa pagkain naming ng tanghalian, at ngayon. Nawala na ang kasiyahan niya.
Why of all the things, ito pa ang ayaw niyang maibigay sa akin? Minsan na nga lang ako humiling sa kanya. Huminga ako nang malalim at di ko na tinignan ang mga mata niya. Wala rin naman akong makikita dun maliban sa pagtatanggi niya sa hiling ko.
"And you can dare to miss the special day for your friend? Akala ko ba close friend mo rin siya? Bakit di mo man magawang pagbigyan nang konting oras para sa magiging pinaka-espesyal na araw niya?" I asked. Di ko na namalayang medyo malakas na ang boses ko. I know he knew that there is clearly a change of the ambiance.
Lahat ng mga magagandang alala namin sa mga nangyari sa nakalipas na limang oras ay nawawala na. Naiinis talaga ako nang tinanong ko yun sa kanya. Tumayo siya at pumunta sa glass window. Malayo ang tinitignan.
"You know I always wanted to become a writer, Hobs..."
Marami siyang sinabi sa akin, pero di ko na pinakinggan. Naiinis lang ako sa mga salitang sinasabi niya. Grabe naman niya. Simpleng hiling lang naman di pa niya kayang ibigay. Ganun na ba ako ka walang halaga sa kanya?Patuloy pa rin siyang nagsasalita nang sa bigla akong napasigaw.
"Then wag kang magsulat para makakapagbigay ka ng panahon para sa kasal ni Justine!"
I glared at him. Napatahimik siya matapos niyang narinig ang pagtataas ko ng boses sa kanya. He just faced me. But I did not bother to look him anymore in the face. Di ko na alam ano ang nararamdaman niya. Di rin naman dapat niyang tatanggihan si Justine. Close friend rin ang turing ni Justine sa kanya, pero siya di man lang niya maibigay yan?
Pagkatapos ng ilang sandali, di ko na narinig kung may sinasabi ba siya o wala. But I know he still faced me.
And I know where this will lead to.
None of this would have happened if pumayag lang siya sa hinihiling ko.
================
Felix's POV
All my life, I have wanted to become a writer. Gusto ko sanang makapagsulat at makapagtapos ng kahit isang nobela man lang. Kahit wala nang magbabasa nito, kahit di maganda.
Binigyan ako ng inspirasyon ni Malcom para makapagsulat. Iyon ang ginawa naming the rest of the day after nung photoshoot ko sa studio namin. And sabi niya sa akin na ang Grand Convention na gaganapin next month ay once in a lifetime lang magaganap dahil pupunta dun ang mga tampok na mga manunulat. R.F Salvatore, J.K. Rowling, Tom Clancy, at iba pang mga batikang manunulat. It's my only chance to meet them, and I must not miss it.
But now, it's very difficult for me.
Umupo lang ako sa kama, at tumayo si Aline. Di na siya tumingin sa akin. But I know how she looks like kahit nakatalikod na siya.
Di na rin ba ako pwede humingi ng kahit isang favor man lang, na di ako makakasama sa kasal ni Justine? I know how important it is; how special; also a once in a lifetime. Bakit pa ba naman kasi sa ganung araw rin ang kasal. Kung pwede lang sanang i-reschedule? I'm sure hindi na rin pwede. At hindi rin pwede i-reschedule yung Grand Convention.
Umalis na si Aline na walang binitiwang salita. First time kong narinig siyang tumaas ang boses. Galit at inis, sigurado. But I can't say anything. Natahimik ako. Maybe it's because di ako sanay na napagtaasan ng boses. Umalis si Aline na mabigat ang dinaramdam. I feel sorry for her. I want to explain to her about this, I know she will understand.
But wala na - umalis na siya. She closed the door behind her, and I am just alone in our room. Tumayo ako at pumunta sa may bintana. After a couple of minutes, there I saw her. She sat by the pool. I am undecided right now. Gustung-gusto ko talaga ang makapunta sa kasal. Everybody knows I wanted to. But I just can't.
Bumaba ako at pinuntahan ko si Aline sa may pool. Pagbukas ko sa pintuan, nagbigay ito ng tunog at narinig ni Aline na lumabas rin ako. I looked at her. She's just there, trying to ignore me walking towards her.
I drag a chair near her, but not too near. Tamang-tama lang na maririnig namin ang isa't isa.
"Go ahead. Don't join the wedding. Yan ka naman eh. Binabalewala mo na ako ngayon," she grumbled.
"Of course not, I -"
"Unless you will be the photographer for the wedding, I will not hear any of your explanations," she pointed it clearly.
Ouch. Grabe naman nun. Di man lang ako pinapatuloy magpaliwanag sa nais kong sabihin sa kanya. Nevertheless, it will be pointless if I will argue. I know it will only get worse. Ayaw ko rin naman makita siyang magagalit, I don't want us to quarrel about this matter.
After a short while, umalis na lang ako. I walked back inside. Di ko na alam ano ang iniisip niya. I guess it would be better na di ko muna siya iistorbohin. I know my wife. Madali lang siyang babalik sa dati niya; kelangan lang ng konting time and space. Wala ring mangyayari kung tutunganga lang ako dun di naman yun makikinig unless about sa kasal ni Justine ang pag-uusapan namin.
Pumunta ako sa kuwarto kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Nandun ang camera ko, ang laptop ko, may TV, DVD player, complete entertainment set ang nasa kwarto na ito. Dito ako minsan tumatambay kapag walang ginagawa sa bahay.
I guess it would be better if as early as now, sasabihin ko na lang kay Justine na di pa final ang decision at baka di ako ang magiging photographer ng kanilang kasal. Tama. I'll tell her, I know she'll understand. I closed the laptop and shut it down. Nais ko sanang magliwaliw by playing a game para lang makalimutan sandal ang nangyari kelan lang. Pero di na lang. I need to tell Justine.
She's still here in UK, right? Siguro. Then I know she will be able to answer my call. Pero biglang narinig kong may lumalakad sa may hallway. And suddenly, nandun si Aline at binuksan ang pintuan. I looked at her. Nawala na yung inis sa mukha niya. Kalmado na siya ngayon, or so I guess.
"I have something to tell you," she said in a low voice. Mukhang seryoso ang sasabihin niya. Usually kapag mahinang mahina ang boses niya, seryosong seryoso ang sasabihin niya. And this time, it's something na di magbabago ang magiging desisyon niya. "Ayaw mo ba talagang maging photographer sa kasal ni Justine?"
She entered the room and leaned on the wall sa likod niya. I stood up, faced her, looked her on the face. I observed her carefully, wala nang pagmamakaawa sa kanyang mukha. She is really and totally in control of her emotions this time. Ganito ba ang mga babae, magaling mag-control ng kanilang mga emosyon? Or am I only seeing this since my wife is a model?
"I don't want to make a promise that I may break later on -"
"So is that a no?"
I hesitated at first. I know this will be hard. Gustong-gusto ko talaga siyang sabihin na di ako pwede. "Okay, how about this; since next month pa yun, antayin lang natin. Right now, I will not assure you and Justine na ako ang magiging photographer. It's better that I will not promise you."
She paused for a moment. But I know by looking at her stern eyes, di siya madadala kung anuman ang sasabihin ko sa kanya.
"Until then, you will not be using the appliances here in this house, Felix," she declared.
What?! Tama ba itong narinig ko? Alam kong parang dumilat ang mga mata ko; di makapaniwala sa narinig ko. Ganun na ba ka-tindi ang magiging kasalanan ko kahit di pa buo ang desisyon ko na maging photographer sa kasal o hindi?
"Hangga't hindi buo ang desisyon mong maging photographer sa kasal ni Justine, di ka makakagamit ng mga bagay na nandito sa bahay."
"Is it a jest?" Gusto kong malaman if totoo bay yung narinig ko.
But on her face, makikita ang bahid ng kaseryosohan. "No I am not joking, Felix. I own half of the appliances in this house. And I have the right na ibahagi sayo yun o hindi." What the?! "At kung di pa sigurado desisyon mo, sigurado na ako sa sinabi ko."
"At parang daig mo pa ang magulang ko ah. Parang grounded ako sa sarili kong bahay," this time, parang lumakas na ang boses ko. Siyempre di ata yun fair para sa akin.
Tumalikod na siya sa akin. Tumayo siya may pintuan. I don't know how she is feeling or what she is thinking right now, maliban sa galit niya sa akin. I clutched my hands. I need to stop myself. I have to remain strong on my resolve.
No matter what.
**
It took about 20 minutes according sa napansin ko sa relo sa kamay ko nang walang nagsasalita sa aming dalawa. Silence. Kahit ang tunog ng pagtakbo ng oras sa relo ko ay naririnig ko.
She just went out of the room, and closed the door behind her. This is going to be a big problem. She wants it that way...
Then fine with me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro