Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Felix's POV

"Okay, one…two…project, and flash," sabi ko sabay pagpindot sa shutter button ng camera. Umilaw saglit ang buong studio.

Pagkatapos ng tatlong shots, narinig ko ang sinasabi ni Madame Hugo, "Okay, next set models. Bring in Set E." Agad agad namang sumunod ang mga models pati ang mga kasama sa set. Humalili rin ang ibang models at kanila namang products ngayon ay from Dolce and Gabbana.

Huminto muna ako at ina-adjust ko naman ang lens ng camera, habang iniayos naman ng kasama ko ang angulo ng lighting systems sa studio. Abalang-abala naman ang mga make-up artists ni Madame Elizabeth sa pagpapaayos ng mga make-up ng mga models. Hay, buhay fashion. Kahit gaano pa ka-husay ang mga paghahanda at pag-project ng mga models, nasa akin pa rin nakasalalay ang buong resulta ng output.

Kaya everytime na nandito ako, dito talaga ang buong atensyon ko. Well, even though magiging last week ko na to sa production set, I still devote myself na para bang lifetime passion ko na to. Alam naman ni Madame Hugo kung saan at ano ang inisip ko kung hindi itong trabaho ko.

"Hey Felix, please adjust the color settings as well as the noise of the camera para mas magiging maganda ang output for this set," sabi niya sa akin.

"Yes, boss.” Bago ko ina-adjust ang settings ng camera ko, tinignan ko muna ang mga tao sa set. Mami-miss ko talaga sila. Nung una kong pagpasok dito, mainit naman ang pagtanggap nila sa akin. Parang matagal na kaming magkakakilala kahit bago pa lang ako.

Marami akong masasabi tungkol sa mga naging kaibigan ko rito. Una sa lahat, si Madam Hugo. Siya ang Supervisor ko and the Director of Photography for the whole Location Scotland company. He is gay, that's why I call him Madame. Well, surprise surprise; dito tayo sa mundo ng Fashion and Modeling where gay population even exceeds than those of 100% men. Natatawa nga ako minsan dahil I don't usually get close with gays. Wala lang, hehehe, but Madame Hugo is none like any other. He's somewhat discreet at di pinapakita sa labas ng office ang kabaklaan niya. Ewan, ko rin bakit ganun siya. He's. however, in control of his feelings and actions. And his expertise when it comes to photography is sky-high. Marami talaga akong natutunan sa kanya.

Well, after I adjusted the cam's settings, I did a couple of test shots. Tamang-tama na siguro to para sa shoot mamaya. Then nakita kong may sinasabi si Madame Hugo sa mga models. He's very open and a good team leader.

"The picture is perfect," comment naman ni Aaron. I'm happy that the output is perfect. And geez, it's just a one-time photo-shoot. Whew, nakakapagod rin ang magpipictorial kahit pipindot ka lang sa camera.

Anyway, Aaron is also a close friend of mine. Siya naman ang namamahala sa pag-eedit ng mga photos bago i-aadjust para sa lay-out ng magiging magazine. Mabait siyang tao, at madali lang siyang lapitan tuwing may tanong ako tungkol sa pag-position sa camera para mas madali niyang ma-edit. That way, mas madali ang pag-lay-out. And before I forgot, siya nga pala iyung nagpapakilala sa aming dalawa ni Aline. And malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung di dahil sa kanya, di ko sana nakilala ang taong kukumpleto sa buhay ko. :)

"Felix, let's just adjust the lighting I guess a bit dimmer. Kasi request ng Vogue na medyo makulimlim ang picture na ilalagay dito," payo ni Aaron.

I agreed.

I have it in mind habang inaadjust ko ang lens at zoom quality ng camera. Okay, tamang-tama na ito. I'll just wait for Madame Elizabeth and her team to finish their part. Nang sa makauwi na rin ako. Sasamahan ko pa kasi asawa ko para mag-dinner. Baka una yung makakauwi sa bahay at wala pa ako.

Okay, nakapuwesto na ang mga models sa harap at tama na ang set-up ng mga lighting systems. The smoking system was turned on para may karagdagang effect. Dark Fantasy ang theme ng D&G para sa kanilang pictorial. Kaya ito rin ang ginawa namin. I took a deep breath and then peered through the camera. Inadjust ko ang zoom gauge ng camera para ma-focus ko sa balikat ng model at makukuha ang bitbit nitong D&G bag.

"One, two, project, and flash," sabay pindot sa shutter button. Parang same rin ang sinabi ko kanina noh? Well, that's my usual line tuwing ako ang magphotoshoot.

It's my own. My way.

=============================

Aline's POV

May dalawang taong nag-jojogging ang dumaan sa gilid namin. Parang kanina pa sila nag-jogging, bago pa man ako nakarating dito. Naririnig ko ang paghihinga nilang dalawa. I remember my man nung nagjojogging rin siya early in every morning.

Anyways, di na yun sila ang concern ko. My concern right now is the answer to my questions. Bakit parang nawala bigla ang saya ni Justine. Parang may dinadala itong problema. Nang nakaupo na kami sa bench, di muna siya nagsalita at tumingin sa malayo. That gave me chance para tignan nang mabuti ang mukha niya. Di naman siya obvious na nalulungjkot talaga. Dahil simpleng simple lang naman ang pinapakita niya sa kanyang mukha.

"Aline, it's been 2 years since huli tayong nagkita. And I would like to let you know that within those 2 years, marami talaga ang mga nangyayari, and I wish to tell you all about what happened," sabi ni Justine.

Kinakabahan na ako. Ano ba ang mga nangyari? Ano kaya ang mga magiging epekto nito sa akin? Masisira ba ang frienship namin nito? Marami ang mga tanong na pumasok sa isipan ko. Tinitigan ko ang mga mata niya. May bahid ito ng kahirapan at kalungkutan. Gosh, Justine. Wag kang ganyan. Kaibigan mo ako. Isa ito sa mga iniisip ko. Di ko na actually mai-salaysay lahat dito dahil sabay sabay silang labas-masok, at di ko nakukuha mga sinasabi nila. This is not like you, Justine. Nagbago ka na nga.

Huminga lang ng malalim si Justine. Up until now, di pa nagawang tumingin si Justine sa akin habang isasabi na niya ang kanyang nais sabihin. Di ko na rin pinansin ang mga bagay-bagay sa paligid dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa kanya. Sa wakas, after almost 5 minutes of silence, humarap siya sa akin at pinakita talaga sa akin ang mga malulungkot niyang mga mata na para nang luluha.

Mapapaluha na talaga ako. Actually di ako mahilig mag-assume ng kahit na ano na pwedeng nangyari or what na nasa isipan pa ni Justine at di pa kayang ikuwento sa akin. Nadarama ko na na lumuluha na ako. Kahit medyo nagtataka ako dahil up until now ay di pa nagbago ang mukha ni Justine. Parang neutral pa lang siya. Kung masama man ang balitang ikukuwento niya, edi sana napaiyak na siya kanina pa. Pero hindi eh. Ano kaya ang problema?

Then all of a sudden, tumawa nang malakas si Justine. Arrrrgghh!! Di ko maipinta ang pagmumukha ko nang bigla siyang tumawa nang malakas.

Huh?

"Hahaha! Binibiro lang kita, Aline," tawa ni Justine. "Oh, bakit parang ang lungkot lungkot mo na ngayon at tila iiyak ka na? Chillax!" Patuloy ang pagtawa niya while I was left clueless for a plit second.

Waaaaa!! Kung maisisigaw ko lang lahat na nasa isipan ko, siguro mabibingi si Justine sa akin, at ako naman ay mauubusan ng boses. Grabe!! Arrrgh! Sa lahat ng ayaw ko sa isang tao ay yung pinapaniwala ako sa di naman totoo. Waaaa!!

Tinulak ko si Justine habang patuloy naman ang kanyang paghalakhak sa kakatawa. Tumawa na rin ako at pinahiran ang kaliwa kong mata na feeling ko ay lumuluha na kanina. Pero buti na lang at walang luha. Grabe talaga ang kabang naramdaman ko.

"Grabe ka, Justine! Hanggang ngayon nakuha mo pa ring mangloloko at magpapaniwala sa isang bagay na di naman pala totoo," ito na lang ang nasabi ko habang unti-unting nagbago ang mukha ko at unti unti na rin akong ngumingiti.

Patuloy pa rin ang pagtawa ni Justine. "Chill, Aline. Napansin ko lang kasi na seryoso ka na ngayon nang ikinasal ka na. Kaya sinubukan ko naman kung totoo talaga yung hinala ko. And guess what, totoo pala. And ang galing ko palang mag-acting."

Hahahahah.!! Adik talaga ng close friend ko. Akala ko ano na. Yun pala ay ako pa ang sinubukan dito. Buti at kaibigan ko si Justine. If not, naku, she would feel the same way as a man slaps a woman. Iba talaga ang feeling ano kung ikaw ay nadadala na at naniniwala na sa ipinapakita ng tao sa iyo tapos sa bandang huli ay di pala totoo. Hahahaha!!

Di ko akalaing malaki na ang pagbabago ni Justine. Though mahilig nga siyang magbiro, pero nakakagulat talaga ang magdrama siya na parang artista.

"Gosh, so ibig sabihin ba niyan, artista ka na?" tanong ko.

She just grinned. That same grin I haven't seen for two years ang kanyang isinagot sa akin. "Yeah, obvious ba? Hahaha,.. Biro lang. I'm just so happy we met again after two years. Gosh I missed you, Aline."

"I missed you, too, Justine."

"Eto, may ikukwento na ako sayo. This time, it's something serious."

Tumigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya. I know na di ito madramang bagay na ika-alala ko. Di ko rin naman nakikita sa kanyang mukha na malungkot siya.

"Aline, I am finally getting married!" she shouted with joy. The moment I heard that, para akong na-starstruck. Napasigaw rin ako sa tuwa.

"Oh my God! Hahaha! Congratulations, Justine!"

"Thank you, Aline. I'm so happy that I will be marrying the man I love," she said.

"The more you'll be happier once you walk the aisle on the way to him at the front of the altar, Justine."

"Yes, now I cannot wait for that moment."

"By the way, kelan ang kasal niyo? At saan naman ito magaganap?"

"A month from now. Right now, we are making a lot of preparations. And as for the place, we are still looking for a good place. Anyway, di pa naman lahat nakakaalam nito. Ang mga parents ko lang at ikaw," sagot ni Justine.

"Wow. I'm honoured bilang isa sa pinakaunang nakakaalam."

"Siyempre. Ikaw ata ang best friend ko."

We smiled and laughed habang nakaupo dun; habang tumatakbo ang oras. And as planned, we both had our friendly dinner at a nearby restaurant.

================================

Felix' POV

It's already 5:40 in the afternoon nang natapos na ang pictorial. Everybody began arranging the studio habang naghahanda na rin sa pag-uuwi. Pumunta ako sa likod ng studio at iniayos ang mga electric wires na nakakalat sa buong studio. Gusto ko lang tulungan ang aming kaibigan from the Utility Department. Sila sana ang mga taga-ayos sa studio pagkatapos ng pictorial.

"Felix, ako na dito. Umuwi ka na, baka hahanapin ka na ng asawa mo," sabi ni Denver. Siya ang taong tinukoy ko na taga-ayos ng studio pagkatapos naming gamitin.

"No, it's okay. Gusto ko rin naman kitang tulungan. Gusto kong makatulong sa pagligpit nito kahit isang beses lang, anyway, this is going to be my last week here."

Kinamot niya ulo niya pagkatapos ay isinuot niya ang kanyang sumbrero na kulay green. Green ata favorite niyang kulay, ewan, dahil pati kanyang mga gloves ay kulay green rin. Di naman sa may ibig sabihin ang kulay ng bagay, pero sa palagay ko, para sa kanya sariwa ang kulay green.

"Just don't mind me, Denver. Marami namang mga bagay dito na kelangang ayusin," sabi ko sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang pumayag nalang.

Matapos ang ilang minutong pagtutulungan naming ayusin ang buong studio, saka na ako nakaramdam ng pagod at gutom. After saying farewell to my friend Denver, I went to our Locker room. Kinuha ko ang backpack ko. At tinignan ko muna ang cellphone; may text galing kay Aline. Ano kaya ito? Nang binuksan ko ang message, dun ko nalaman na umalis pala siya at nakikipagkita kay Justine. Di na siya sa bahay kakain? Okay. I guess I'll just let her do what she want to do.

I just replied:

To: Hobs

Re: Hobs,

Hobs, dear, I'm sorry di ko agad ito napansin. Naging busy lang sa pictorial kanina, plus, I helped our friend Denver sa pag-ayos ng buong studio. Okay, you take care of yourself, and God Bless. I love you.

Sent.

=================

Pagkatapos ko siyang i-text, sinubukan kong tawagan si Malcom. Since di sa bahay ang asawa ko kakain, ako naman ay pupunta sa bahay ni Malcom. Of course, desidido akong magpaturo sa kanya ng pagsulat. Nais kong matuto para maiayos at mapabuti ko ang writing skills ko. Tinawagan ko siya sa phone. And we had a short talk and after a few minutes, I drove my car and sped down to his house.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: