Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

3 days ago

Felix’ POV

It was nice working with you, Felix,” compliment ni Madam Hugo sa akin pagkatapos kong kinuha ang severance pay ko. “Geez, I will dearly miss one of my best photographers on the field.

Napayuko lang ako, natutuwa sa kanyang sinabi sa akin. Di ko akalaing sa loob ng limang taong kasama ako sa Location Scotland company ay ako ang magiging pinakamagaling na photographer sa mata ni Madam Hugo. “I’m sure we will meet again, Boss,” I assured him. He smiled back at me habang nakaupo siya sa kanyang office desk. Sa likod naman niya nakatayo si Aaron, ang aming Production Director, at ang taga-pamahala sa magiging output ng aming mga projects.

So, where will you go next, Felix?” tanong ni Aaron.

Ramdam ko na nalulungkot rin si Aaron sa aking desisyon na titigil na sa pagiging Photographer sa Location Scotland. Limang taon kaming naging magkasama: siya ang supervisor ko nung bago pa lang ako, hanggang sa na-promote siya bilang Production Director, at ako naman ang humalili sa kanya bilang Lead Photographer.

Ngumiti ako habang tinignan ko siya. “Well, I will just rest back at home; enjoy the beautiful sceneries all around Portsmouth with my wife.

Wow, magiging maganda na pala ang buhay mo,” sabi ni Aaron.

Hugo then interrupted, “Of course, he has to enjoy his life as a married man. He had been with us for 2 years mula nang ikinasal siya, but still he has never failed to exceed my expectations.” Aaron nodded in agreement, habang tahimik lang ako, but I am flattered deep inside. “You deserve to enjoy, Felix.

Thanks, boss. Salamat rin sa pagkupkop sa akin bilang Photographer niyo at sa company,” I humbly answered.

Nah. No need to thank me, Felix. Instead, we should thank you for your efforts here in the company.

We all agreed sa sinabi ni Madam Hugo. Di ko maipinta ang kasiyahan at kalungkutan ko sa magiging huling araw ko sa company. Matapos ang ilang sandali ay natapos na rin si Madam Hugo sa pag-ayos ng mga last papers ko pati ang mga files ko that I had submitted to the company when I applied here 5 years ago.

By the way, Felix, I have something to share to you,” sabi ni Aaron.

He caught my attention. “Ano yun, dude?

Naalala mo nung may invitation sa atin ang Elle na may convention daw sila para sa Photography at Digital Media?

I then tried to recall about it. Medyo marami ang mga pangyayari na pumapasok sa aking isipan at nakalimutan ko na iyun. Oo nga pala, naalala ko na. We are invited to join for free dahil malapit naman kami sa Production Board and Staff ng Elle Magazine.

Makakasali pa ba ako dun kahit hindi na ako kasali sa Location Scotland?” I inquired.

Syempre naman. Actually it is an open convention, kahit hindi nga kilala ng mga Production Board ay makakasali, ikaw pa kaya na lubos nang kilala nila sa loob ng limang taon?” sagot ni Aaron. “Syempre, you can join and take part of that convention. Hindi ako makakasali eh, dahil two weeks from now ay pupunta kami ng asawa ko sa Switzerland. May aasikasuhin daw silang corporate business.

Oh, sayang naman kung hindi ka makakasali.

It’s okay. But I do hope you can join. You know, sayang naman ang talent mo kung hindi mo pa i-improve, diba?

He’s right, Felix,” dagdag ni Madam Hugo, “you have a great potential in you.

Tinignan ko silang dalawa. Tuwang-tuwa ako sa mga compliments na narinig ko mula sa kanila which I know are too much for me in this field. I thanked them both after I have taken note of the details para sa convention na sinabi ni Aaron. Sa pagkaka-alam ko, mahilig rin si Aaron sumali sa mga ganito. He would even pay a sum of British pounds just to travel anywhere tuwing may malalaman siyang may convention about Digital Media. But since this time ay may mas mahalaga siyang lalakarin ay hindi muna siya makakasali sa convention na sponsor ng Elle, but the good thing is he insisted me to join in his stead.

After I took my papers and documents, I surveyed, for the last time the halls of Location Scotland. Maraming mga advertisement boards, mga project plans, at higit sa lahat, maraming mga naka-post na mga Pictorials we conducted for our clients. Una kong tinignan ay yung mga pictures na kinunan namin for Elle Magazine. Marami dun ay ako mismo ang kumuha. Naalala ko ang mga karanasan ko habang tinitignan ko ang mga larawan.

Next I checked was from Vogue. Dito ako mas nagkaroon ng mas maraming projects and outputs. Dito ko mas naipapakita ang aking talent sa pagiging photographer. Dito ko nakakasama sa trabaho si Malcom. Siya ang isa mga mga staff researchers at ako naman ang kanyang partner na photographer. But as I scanned the board where all the pictures are posted, I saw Aline’s photo-shoots.

I suddenly remembered our current situation. Is this a dream or is this a reality? If this is just a dream, help ma to wake up; if this is reality, please help me to go into my dreams. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga envelopes na bitbit ko. Di ko alam kung anu-ano na ang mga emotions na pumapasok sa akin. These past few days had been a very sad experience for me.

I want to end this.

===============

Aline’s POV

I unlocked the passcodes and removed them. Habang tumatagal ay ramdam ko na parang unti-unti nang hindi maaayos ang buhay namin. Though my hatred for him has begun to subside, unti-unti na ring nawawala ang tiwala ko sa kanya. ayaw ko sanang maniwala na ganun na ang mga nangyayari, pero di ko naman maitatanggi.

I removed all the passwords. I don’t want to go through this anymore. It’s already been two weeks mula nung di na kami sang-ayon sa isa’t isa. And it’s already 4-5 days mula nung hindi na kami nagkakausap. He did tell me something early this morning that he will get his severance pay from Location Scotland. Gusto ko sanang paniwalaan siya, but right now, I am growing impatient.

It’s already 10 in the evening when I looked at our wall clock. Grabe naman niya! niloloko na naman ba niya ako? Parang ginawa niyang dahilan na kukuha raw siya ng kanyang severance pay para makipagkita ulit sa babaeng iyon!

Hindi ako mapakali. I walked around the open patio. Kahit malamig ang hangin sa labas ay di ko nararamdaman. Di ko na rin pinapansin na hinayaan kong nakabukas ang TV sa sala. After a few strides back and forth, I realized I will just have to wait for him at the balcony. Kaya pumasok ako sa bahay at pinatay ang TV, then walked hurriedly upstairs.

I went out of the balcony. And in just a few minutes, napansin kong may SUV na huminto sa harap ng gate namin. Hoping for Felix, I reluctantly looked on. Lumabas nga ang taong hinihintay ko. My emotions then steadied. Somehow deep inside, ramdam ko ang kasiyahan nang makit ko na siya muli sa wakas.

Pero bilang nag-iba ang lahat. Nawala. My smile suddenly turned into envy. Hinatid si Felix ng isang babae! I know most of the people from Location Scotland na malapit sa kanya, but this woman is new and unknown to me. Is this that same woman whom he had been meeting, and worse, dating?

Nang pumasok na si Felix sa bahay ay di sinubukan kong tumahimik muna. Nakaupo lang ako sa sofa namin at hinintay kung papansinin ba niya ako. Di ko naman inaasahan na papansinin niya ako, sabagay, mag-iisang linggo na kaming hindi nagpapansinan sa isa’t isa. Wala siyang kibo; patuloy lang siyang lumakad papuntang kusina. Di ko na mapigilan ang sarili ko. Ayaw ko na sanang makipagsagutan sa kanya, pero di ko kaya na ginaganyan ako habang kasal pa talaga kami. Sinundan ko siya sa kusina; mabilis ang lakad ko.

Sino yung kasama mo? Akala ko ba sa trabaho ka pumunta? Bakit may kasama kang ibang babae?” pasigaw na mga tanong ko.

Tumingin siya sa akin, nabigla at hindi makasagot. Isinara niya ang nakabukas na fridge at humarap sa akin. “Anong klaseng tanong na naman  ba iyan? Pumunta naman talaga ako sa office kanina ah –

You moron! You have been cheating on me for the past days?!” nagsimula nang lumuha ang mga mata ko. Halong inis at galit na naman ang nararamdaman ko.

He stared sharply at me, “What do you call me?

Moron! A*hole!” wala na ako sa sarili ko nang isigaw ko ito. Wala na rin akong pakialam kung marinig man kami ng mga kapitbahay; basta punung-puno na ako. Di ko na mapigilang ilabas ang saloobin ko.

Wait, that’s not it –

Shut up! I will no longer believe in you. Palibhasa binigyan kita ng second chance at sinikap kong maging mabait sayo, tapos ito ang ibabayad mo sa akin na kapalit? Anong klaseng tao ka?

He just stood silent. I clenched my fists, I want to punch him hard; I know a woman’s strength will not really hurt a man like him, but I know it will hurt him. I lift my hand about to slap him in the face, but he held them. I am already in tears and then I lift my other hand.

Wait!” he ceased me.

You have no respect for me. I hate you!” I shouted on his face. Then my hand landed on his left shoulder. Napa-urong siya at batid ko ay nasaktan siya sa tama na yun. He leaned on the fridge at binitawan ang kamay ko. He held his shoulder; I’m sure it’s swollen. Masakit rin ang kamay ko, pero di ko na pinansin. Masyadong malakas ang pagbatok ko sa kanya.

He just opened his mouth. Walang mga salita ang lumabas, I know he wants to explain, but I don’t give a damn. I slapped him on the face. He just looked at me. I don’t know what he is thinking, but judging by the calm look on his eyes, he is hurt. But he deserves it. He has been cheating on me. I cannot just give in to his nice-guy looks. I must not.

Aline, I don’t know what you are talking about –

Enough of your nonsense! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na may kasama kang babae sa labas. Ikaw pa ang hinatid nito sa harap mismo ng gate natin; tapos sasabihin mong hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko?!” I shouted at him.

I –

I don’t give a damn to your explanations! Bukas na bukas, lumayas ka sa bahay na ito. Hinding-hindi na kita mapapatawad, Felix! Di mo na ako madadala sa mga excuses mong hindi naman totoo.

I expected him to answer, but he didn’t answer back. Tahimik lang siya at lumakad paalis sa kusina. Hinawakan pa rin niya ang kanyang balikat na binatukan ko. Kitang-kita ko rin na namula mula ang kanyang mukha na sinampalan ko, pero hinayaan lang niya ito.

My breathing and heartbeat is following a fast rhythm. Kelanman ay di ko nagawa kahit kanino ang nagawa ko sa kanya. I want to talk to him but I cannot bear to hear any of his lies anymore. I would like to feel sorry for him, but I have decided to be firm and not to submit to my weak emotions. I have to be strong this time. With enough evidence that I have seen, I now have the perfect right to claim what is mine.

Uminom ako ng tubig to ease myself. Huminga rin ako ng malalim at sinubukang maging kalmado. I went straight to my bedroom. I looked around. But one thing happened – I began to cry. Kahit na ayaw kong umiyak, napapaiyak pa rin ako. Siguro dahil sa hindi ko na kaya ang makipag-away sa kanya. Kahit na kitang kita ko na ako ang niloloko, nawawala ang galit ko sa kanya, kahit na ano ang gagawin o iisipin ko para magalit sa kanya; sadyang nawawala lahat. Bakit? Bakit di ko kayang magalit sa kanya?

Kinuha ko ang unan ko at tinapon sa sahig. Gusto ko sanang itapon na rin ang natitirang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko na sanang matapos na ito lahat. Ayaw ko nang makita siya. Pero sa tuwing tatayo na sana ako at pupuntahan siya para makipaghiwalay na ay di ako makatayo. Masyadong mabigat ang damdamin ko. Humiga na lang ako at umiyak. Bakit pa umabot kami sa ganito?

Pumasok siya sa pintuan. Hindi ko siya hinarap. Batid kong lumapit siya sa akin at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama.

I have something very important to tell you,” he said. Ayaw ko sanang pansinin siya; pilit ko ring pinikit ang mata ko. “Let’s get a divorce.

It caught me by surprise. Is he meaning what he just said? Pinilit kong tigilan ang pag-iyak ko. Nais kong marinig at makuha ang kanyang susunod na sasabihin.

It seems we can no longer maintain this almost ruined relationship. And besides I already got to know of a girl.

Hinawakan ko nang maigi ang unan ko. I wanted to rip it apart while hearing his words. Ramdam ko na ang pagtataas ng galit ko sa kanya. I hope that it’s his cheating heart that I am crumpling with my hand. But it’s just a pillow. Gusto ko rin sanang batuhin siya ng table lamp na nasa harapan ko.

She’s a nice girl,” he continued, “and with good personality, too.

Sumikip ang dibdib ko. Nahirapan akong huminga. Kahit ayaw kong ipakita sa kanya, di ko maiwasang umiyak at masaktan habang naririnig ko ang mga masakit na salita niya. Sa tindi ng galit ko ay gusto ko sanang tumayo at batuhin na talaga siya ng table lamp. Pero gusto kong marinig muna ang lahat na sasabihin niya.

But he just went silent for a while. Maybe he is waiting for my response, or maybe he is already thinking that I am already asleep. But a few seconds later, he just continued saying those hurtful words, “Before, she says that she’ll support me fully in my pursuit for anything that I wanted to become after we got married.

Jealousy. I already started to feel jealous. Sinabi ko rin ito sa kanya dati ah! This is crazy! Nakuha pang sabihin ito ng babaeng yun sa kanya. Sana nandito kayo Justine, tulungan niyo ako, di ko na kaya ang labis na naramdaman kong sakit.

She loves me truly,” he continued. Gusto kong tumayo at sigawan siya. Hindi ko ba siya minahal nang totoo? Bakit ginanito niya ako? “Want to take a look at the photo I took for her?

Sasabog na ako sa galit nang marinig ko ang huli niyang salita. At kinunan pa niya ito ng picture! Di ko na mapigilan ang sarili ko. Tumayo ako at humarap sa kanya. Binalewala ko na ang luha na pumapatak sa mga mata ko. Bahala nang makita niya akong umiyak. Isa lang ang nasa isipan ko na gusto kong gagawin sa kanya; ang sampalin siya.

He reached for his chest pocket from his undershirt. Matagal na ba ang photo na iyan sa bulsa niya? I swear I have frisked all his pockets for anything. But I didn’t know na may chest pocket pala ang undershirt niya. ibig sabihin ba nito ay palagi niyang dala ang picture na iyon? Ganun na ba talaga kahalaga ang babaeng yan sa buhay niya? Kelan pa ba nila ako ginanito? Kelan ba niya napagdesisyonan na makipaghiwalay sa akin para pakasalan ang babaeng yan?

Nang makuha na niya ang photo, di ko na hinintay pang ipakita niya sa akin ang photo na iyon. Without thinking further, I slapped him – a hard slap. I made sure I left a burning slap on his face. He deserves it. “Ang kapal ng mukha mong ipakita pa sa akin ang photo ng babae mo!” I screamed at him.

He didn’t answer. He thought about it for awhile and then returned the photo back to his chest pocket. Gusto ko sanang abutin at nakawin yun para sunugin, pero wala na. Kahit ano pa ang gagawin ko ay wala na akong magagawa. Humiga ako ulit at tumalikod sa kanya. “Umalis ka baka di lang sampal ang aabutan mo,” I threatened him.

He stood up at narinig ko na lang na umalis siya at isinara ang pintuan ng kwarto. Umiyak ako sa galit sa kanya at sa aking sarili. Pakiramdam kong magkakasakit ako at di makapasok bukas. Err, ano ba itong mga iniisip ko?

Wag kang magpapa-apekto, Aline,” sabi ko sa sarili ko. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko para matulog. Sana panaginip lang itong lahat.

Sana maibalik ko ang mga sandaling mahal pa namin ang isa’t isa.

Sana nga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: