Chapter 10
Felix’ POV
I woke up nang nailawan ng sinag ng araw ang mukha ko. Sa labas na naman ako nakatulog dito sa balcony. Tinignan ko ang orasan, it’s already 8 in the morning. Bumangon ako at tinignan ko ang kuwarto. Wala na dun si Aline. Baka pumasok na sa trabaho. Eto nga pala ang first Monday na wala akong trabaho. And di pa ako sanay na sa bahay lang maghihintay ng bukas.
Pagpasok ko sa kuwarto at nakita ko na maayos ang kama, naalala ko si Aline. Naalala ko rin ang pangyayari kagabi. Di ko akalaing masasabi yun ni Aline. Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon? Siguro kahit papayag pa ako na ako ang magiging photographer, basta hangga’t di ko ipapakilala si Christie sa kanya, ay di niya ako mapapatawad. E di ko nga alam kung magkikita pa ba kami nun.
I just ran my hands on the soft silk of the bedsheet. I think hindi na muna ako hihiga rito. Dahil dito pa mahihiga si Aline, and I don’t think na papayag yun na dito ako matutulog tonight. So I guess I have to make the other room my bedroom.
Most of the day ay na-busy akong ayusin ang kabilang kwarto. Dun sana ang kwarto kung saan nakalagay ang mga iba kong gamit. Dun rin nakalagay ang mga maraming mga libro ko. Para itong study room ko, at sa mga dingding ay punung-puno ng mga nakasabit na mga pictures na ako mismo ang kumuha nung ako ay baguhan pa lamang sa Location Scotland na trabaho ko. Habang tinitignan ko ang paligid, nakita ko rin ang mga pictures na ako ang kumuha. Itong mga pictures na ito ay nakunan nung ako ay sumali dati sa isang Photography contest sa London, hosted by National Geographic. Haii, the good old days.
Pagkatapos kong i-arrange ang mga gamit sa kwarto, saka ko na inaayos ang sofa na nadun para gagawin kong higaan. Kumuha rin ako ng isang bedsheet cover at kinuha ko na rin ang unan ko. Pati yung lampshade na nasa tabi ko kapag matutulog ako dinala ko na rin. Napagod ako sa ginagawa ko, di ko dapat ginagawa dahil ito’y nagpapahiwatig na sumusuko na ako sa paratang ni Aline. Pero okay lang, kelangan ko itong gawin. Kailangan kong bumigay. Kahit ano naman siguro ang paliwanag ko sa kanya tungkol kay Christie ay di na yun maniniwala pa.
Kinuha ko ang cellphone ko. Siguro hihingi ako ng tulong kay Malcom. Teka. Oo nga pala, sabi niya na sasang-ayon na lang ako sa hinihiling ni Aline. Isinauli ko na lang ang cellphone sa kinalalagyan nito. Mamaya na lang ako tatawag kay Malcom kung talagang kelangan ko na ng tulong galing sa kanya.
I instead went to my laptop. Buti na lang at hindi ito kinuha ni Aline. Kung kinuha pa ito, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa amin. Pati ito, di ito makukuha ni Aline. Di na ako papayag. I just went about arranging the files in my laptop. Iniayos ko rin ito para kung sakaling kukunin ito ni Aline, ay may back up ang mga files.
While I checked my e-mails, napansin ko rin ang electronic calendar ko sa program. May nakalagay dun na reminder: Writing discussion with Malcom.
Oo nga pala. Nagplano kami ni Malcom na tuturuan niya ako sa mga advanced topics tungkol sa pagsusulat para magiging handa ako sa GrandCon. Pero paano ako makakaalis kung wala sa akin ang susi ko? Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa garage. Naalala ko ang sinabi niya na papalitan raw niya ito ng password. Nang sinubukan ko itong buksan gamit yung usual password namin, hindi ito gumana. Wala na nga. Kahit ang carport pinalitan na rin ng password.
Parang nasa kulungan ako sa sitwasyong ito. Sasabihan ko na lang si Malcom kung ano ang nangyayari. Mabilis akong lumakad papunta sa kuwarto kung saan nakalagay ang cellphone ko. I called him.
“O Felix, napatawag ka,” sagot ni Malcom after a few rings. Nasa balcony ako nagpapahangin. Masyadong mainit sa kuwarto dahil nakapatay ang AC unit.
“Malcom, I called about the writing discussion we had planned last Friday.”
“Oo nga pala. So matutuloy ba ngayon? Dito lang naman ako sa bahay at walang gagawin. Good thing at pumayag yung editor ko na di muna ako makikipagkita sa kanya.”
I need to tell him,“Dude, I need to talk with you – personally.”
He paused a moment. “Tungkol saan? Tungkol ba yan sa sinabi mo dati?”
“Yes. But I cannot talk here on phone. So I would go to your place para makipag-usap.”
“Sure. My house is open. You are free to come.”
“Uhm, pwede mo ako sunduin rito sa bahay? Di kasi ako makapunta jan gamit ang kotse ko.”
“Sure. Walang problema, dude. I’ll be there in about 30 minutes,” he assured.
I said my thanks saka ko binaba ang tawag ko. Mabuti naman at pumayag si Malcom. Siguro mabibigla yun si Malcom kapag malalaman niya kung ano ang nagbago kay Aline. Iba kasi ang pagkakakilala niya sa asawa ko. Kahit nga ako naninibaguhan ako sa nangyari kagabi.
Wala namang dapat pagselosan si Aline, dahil wala rin naman kaming masamang intensyon ni Christie. At hanggang kaibigan lang naman kami. Iniisip ko ang mga sinabi ni Aline kagabi. Iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag pinapakilala ko si Christie sa kanya. Baka ano pa ang gagawin niya. Umupo lang ako sa upuan kung saan ako nakatulog kagabi.
30-35 minutes later, napansin kong may huminto na maitim na kotse sa harap ng gate. Nandito na si Malcom. Tamang-tama na kakatapos akong maligo at pinapatuyo ko na lang ang basa kong buhok. I then took the cellphone with me. Binuksan ko rin ang maliit na cash box na nasa itaas ng wardrobe ko. Ito na lang ang natitira kong pera. Naibigay ko pala ang pitaka ko kay Aline at wala na iyon. Di ko alam kung saan niya inilagay.
I opened the gate and then pumasok sa loob ng kotse ni Malcom.
“Pasensya at di tayo makakapag-usap dun sa bahay. Dahil kahit ako di ako makakagamit sa bahay,” I spoke first nang umalis na ang sasakyan.
“What do you mean di ka makakagamit sa bahay? Ano ba ang nangyari?”
He gave me a curious look. Di ko siya matignan sa lubos na kahiyaan ko. Malaki na ang utang na loob ko kay Malcom dahil sa raming nagawa niya para sa akin. And now, siya na naman ang hinihingan ko ng tulong sa problema ko.
“Nagbago si Aline. Pinagdududahan niya ako dahil may kinakasama akong babae kahapon habang wala siya.”
Saka ko ikinuwento sa kanya ang buong pangyayari kagabi. Nabigla si Malcom. Tahimik lang siyang nakikinig at nagmamaneho sa kanyang kotse habang nagsalaysay ako. Walang reaksyon si Malcom. Iniisip niya ang kanyang isasagot.
“Nagbago na nga si Aline. I want to believe you, Felix, as you have been a very close friend of mine. However, the situation where you are right now is getting a bit difficult. Teka pag-iisipan natin yan ng mabuti pagrating natin sa condo.”
I couldn’t agree more as he sped on.
**
We arrived at his condo. Hindi kasi taga Portsmouth si Malcom. He just came to live here for a moment habang hinihintay niya na matapos ang Location Scotland sa Portsmouth at lilipat na naman papuntang Essex, England or papuntang Wales.
Malaki ang condo. It’s about 24-storeys high at maraming mga tourists, French, Irish, German, Russian, American, Italian, or even Asians like Japanese and Chinese. At saka di rin naman British si Malcom. He came from a long line of writers from Norway. Pumunta siya rito sa England nung pinapapunta siya dito ng Location Scotland, and that’s when I met him.
Mas matanda sa akin si Malcom ng limang taon. Kaya parang nakababatang kapatid ang turing niya sa akin habang tumatagal ang panahon. Siya rin ang nagrecommend sa akin na pumasok sa Location Scotland nang nalaman niyang mahilig ako sa photography. Tamang-tama rin at kinailangan ng Location Scotland ng mga empleyado for their growing company. I made out through with his help. Now I need his help again.
Nang makarating kami sa room ni Malcom sa hotel, umupo ako sa sofa habang pumunta siya sa kusina at pinaghandaan ako ng meryenda. Nasa kusina siya nang tinanong niya ako kung ano ang buong pangyayari. “Sabihin mo sa akin lahat-lahat, pati yung simula ng pagbabago sa pagtrato sayo ni Aline. Pero wag mo muna ako sabihin kung ano ang naramdaman mo sa mga nangyayari.”
So I told him everything. At dalawang beses niya ako sinabihan na wag ko raw sabihin sa kanya kung ano ang naramdaman ko. And every time na mangyari yun, I would smile at that mistake, even though there’s nothing to smile at. The situation is even worse than I thought. At sigurado akong di ko ito makakaya kung hindi ako tutulungan ni Malcom kahit advice man lang.
“Hmm, that is indeed difficult. I guess you give her what she needs, Felix. But if hindi mo talaga tutuparin ang hiniling niya na maging photographer ka, I’m sure na hindi niya babaguhin ang isip niya.” I just went silent at his response. I couldn’t look at him but I know he is looking at me, probably waiting for my reaction on his advice. “I had said it twice. You should have done it bago ito nangyari. Now the situation is getting worse. Lalung-lalo nang nakilala mo yung si Christie.”
“Women have a way of complicating things. I have heard of that from some person who was talking over from another table nung one time na kumain ako sa labas,” dagdag niya.
“What do you mean?”
“What I mean is, restrain your pride. Magpakumbaba ka sa kanya. Alam mo naman na hindi mo kaya ang kalabanin siya, diba? Given the fact that she has control over almost everything in your house; talk about financial control. Lalo lang magiging mahirap ang sitwasyon kapag hindi mo gagawin ang hinihiling niya.” I faced him and I drank my cup of tea. Inisip ko ang sinabi sa akin ni Malcom. “Does this Christie know that you are married?”
“Yes. Alam niya,” I answered.
“Then it won’t hurt to let her and Aline meet. That way, mawawala rin ang pagdududa ni Aline sayo.”
I tried to show him na hindi sa lahat ng oras ay tama si Aline sa paningin ni Malcom. I admit marami nga akong kamalian na ginawa. “Pero hindi naman dapat magseselos si Aline kay Christie dahil kaibigan lang naman talaga kami. And besides I don’t think I will meet Christie again dahil tapos na; naihatid ko na siya sa kanyang tinitirhan and her dog was already cured and taken care of.”
“Hmm. Then I would say that you give her time to consider about the situation with Christie. I’m sure lilipas rin yan. Ang pagtuunan mo na lang ng pansin ay ang hinihiling niyang maging Photographer ka sa kasal ng kaibigan niya.”
“So yun na lang ang gagawin ko? Ang maging photographer sa kasal ni Justine?” I asked.
“Justine. Ito ba ang kaibigan ni Aline na ikakasal next month?”
“Yes. Siya nga. Siya ang malapit na kaibigan ni Aline. Parang kapatid ang turingan nila sa isa’t isa. At kung gustuhin talagang gawin ng isa ang kanyang nais gawin para sa isa ay ginagawa talaga niya. At ganun ang ginagawa ni Aline. Naipangako raw niya kay Justine na ako ang magiging photographer sa kasal.”
“Okay. I got it. Now, I would again suggest you to give what your wife asks of you. Kahit yun na lang ang gawin mo. At least gagaan ang sitwasyon. Wag mo na lang ipakilala si Christie sa kanya if totoo talagang di na kayo magkikita nun. And if ever na magkikita pa kayo, wag mo lang bigyan ng mas maraming panahon si Christie kesa sa asawa mo para hindi na yun magseselos,” payo ni Malcom.
Maganda ang payo niya. At ito na lang siguro ang gagawin ko. Hindi na lang ako sasali sa GrandCon. Mas mahalaga para sa akin si Aline. Ayaw kong mawala siya kahit naging mahirap ang sitwasyon ngayon. Kahit masama ang turing niya sa akin. Ayaw ko siyang mawala.
I thanked Malcom for his advice. At least ngayon naliwanagan ako kung ano ang gagawin ko. I finished my tea at paalis na sana. But Malcom bade me to stay for the day at ninais pa rin niya akong tulungan sa pagsusulat. So I stayed. Okay na rin at makakain ako, dahil baka magagalit pa si Aline kung uubusin kong kainin ang pagkain sa bahay. At wala rin naman akong pera para magpapadeliver ng pagkain o kumain sa labas kahit sa mumurahing cafeteria.
I have to endure.
But I don’t know for how long.
==============
Aline’s POV
“Yes, ma’am. I will send in the reports first thing tomorrow,” sagot ko sa kausap ko sa phone. Pagkatapos kong ibaba ang phone, huminga ako ng malalim. That was our Finance Director sa company. She was hired by my daddy para mamahala sa buong business dito sa Europe, and I report directly to her.
I sat on the computer chair right in front of the computer. Sa labas ng opisina busy ang mga empleyado sa kani-kanilang ginagawa. Ako lang ang walang masyadong ginagawa dahil maaga kong natapos ang mga reports na isusumite ko sa Finance Director.
Kumatok sa pintuan ang aking secretary. “Ma’am, the Board of Directors are already at the Meeting Room. Ikaw na lang ang hinihintay,” sabi niya.
“Okay. Tell them to wait for me. I will be out a couple of minutes.”
“Yes, Ma’am.”
Bago siya makaalis, I called her, “By the way, please prepare the meal habang nagmemeeting kami.”
She agreed and then went out towards the pantry. We will be having a lunch meeting at the Meeting Room as we will be talking about the Final week’s report. Matatapos na ang buwan ng June. Ilang araw na lang, July na. Malapit na ang kasal ni Justine.
Hanggang ngayon di pa sigurado kung si Felix ba ang magiging Photographer para sa kasal o hindi. Haii. Kainis talaga siya. Di ko na alam kung ano pa ang kelangan gawin para mapapayag ko siya. Papalapit na ang araw ng kasal. Natatakot ako baka mabigo ako sa ipinangako ko kay Justine. Teka, dapat mawala muna si Felix sa isipan ko. Dapat makakalimutan ko siya kapag nandito ako sa opisina. Sasama lang ang mood ko. Tumayo ako sa upuan ko at binitbit ang aking report folder. Dala ko rin ang flashdisk para sa gagawin kong overhead display report.
**
The meeting ended and the Board of Directors agreed to the proposal na itutuloy namin ang shipment ng bagong mga products. According to the survey, malapit sa 30% na tataas ang sales namin dito sa London kahit marami kaming ka-kompetensya pagdating sa fashion industry. Pero okay lang. This is a challenge bilang isang company. Habang lumalaki ang company, rumarami rin ang kompetensya sa publiko.
I rested my mind habang nasa opisina ako. Since tapos na ang meeting, I can rest and think about other things now. Nais ko sanang buksan ang computer ko para hahanap sa internet ng ibang surveys tungkol sa aming products nang sa biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Felix na babaeng kanyang na-meet kahapon nung wala ako. Who’s that woman? And is it true na walang masamang intensyon siya sa buhay namin mag-asawa?
These days are going to be different. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Felix kapag totoo na niloloko na niya ako. Makakalimutan ko talaga ang dalawang taong pagiging mag-asawa namin. Makakalimutan ko talaga siya. Habang iniisip ko ang sitwasyon namin, a call suddenly came.
“Hello, Aline.”
It was Justine. “Oh, best. Napatawag ka.”
“Sorry to bother you, kahit alam kong busy ka. May ibabalita lang kasi ako.”
I can sense that this is something urgent. I know she knows I have work at this time, at di ako kadalasan sumasagot sa mga tawag sa phone ko kapag nasa work ako unless it’s urgent or it’s important for me to know. “Tungkol saan?”
“It’s about the wedding date. We have decided to move the date to an earlier day. So it will be two weeks from now, best. Mas malapit na ang wedding day,” masayang balita niya.
Oh! The wedding day! Edi mas maganda. I felt happy knowing the date is earlier. Lalo akong naging excited. Siguro mas excited ako sa kasal kesa sa excitement ni Justine mismo. Parang ako itong ikakasal. “Mabuti at na-move ito sa mas maagang date. Why the change?”
“Well, Kristoff and I decided to set it earlier para makapunta kami sa Germany the following week for the Grand Festival in Berlin. Dun siguro kami magho-honeymoon.”
Wow! Sa Germany. I have wanted to go there before. Well, I am very much happy for her. “That’s good news! Well, I’ll just tell Felix para makapaghanda na siya.” I assured her, though deep within, I don’t know if papayag na ba yun. Dapat papayag na yun since the date schedule is changed. Mas magiging okay na rin sa wakas thank God. Di ko inaasahan na ito rin pala ang mangyayari in the end. And I am very happy about it.
“Sige. I have also let everyone that are invited know of the changes, though only through text or through email. Ikaw lang ang tinawagan ko dahil madali kang sumasagot kapag ako ang tumawag,” biro nito. I agreed. It’s true, madali ko talagang sasagutin ang tawag kapag si Justine ang caller. Kahit nasa meeting pa ako, di talaga ako matagal sumagot sa phone ko.
“Talaga? Of course, you’re my best friend. I will always be here for you if you need anything.”
“Sige. Baka naka-istorbo pa ako sa work mo jan. I just called to let you know of the change. At may lakad pa kami ni Kristoff. So I will just text you.”
“Okay. Sige, take care and enjoy your outing together, best,” I answered. Then the call ended.
This is good news. At least ‘pag sinabi ko kay Felix na napalitan na ang schedule ng kasal, siguro magiging okay na yun sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro