Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Present …

Aline's POV

"Alright, Dad. You take care of everything there," sabi ko sa daddy ko. Matagal na kaming di nagkasama dahil sila ay nakatira sa US ngayon, habang dito naman kami ni Felix sa UK.

Sobra ko nang na-miss ang mga parents ko. I think simula nung pumunta ako dito sa London ay yun na rin ang pagkakahiwalay namin ni Mama at Papa. And it was 5 years already. Kahit na nagkakausap kami through phone or through the internet, iba pa rin ang feeling kung makakasama mo sila. If pwede lang sana na dito sila tumira, siguro magiging kumpleto na ulit ang buhay ko. Pero di bale na; it's good that Felix somehow filled that gap in my life. Kaya, I'm still happy being here. Well, apart from the beautiful sceneries here, I would still be happy as long as we're together.

Binaba ko na ang phone. Though medyo mataas ang rates sa International calls from here to the US, somehow, sulit pa rin ang pag-uusap namin ni Papa. Malaki na ang business empire ni Papa. And he chose to stay there to manage it. And last year nagtayo rin siya ng isang branch dito sa London at ako naman ang namamahala dito.

Geez, it makes me feel like I am beginning to miss my previous job. All those brand new dresses, accessories, the spotlight and the cameras, the ramp, lahat-lahat. Nakakamiss ang mundo ng Fashion Modeling. Pero anyway, that was a year ago. I must move on from there. Pero, as a privilege of being one of the top models from Vogue, masaya naman ako dahil binibigyan naman kami ng 2-years free subscription ng Vogue Magazine. And I am also proud of Felix, dahil halos lahat ng mga models dun ay siya mismo ang nagpipictorial.

"Hobs, kukunin na namin yung ipapadala sa office," sabi ni Felix. Nasa likod ko lang siya at may ginagawa sa harap ng Laptop niya. Ako naman ay nakatayo lang sa harap ng glass windows ng bahay. Tumitingin lang ako sa magandang tanawin sa labas. Dito ako minsan nagiistambay at tumitingin lang sa labas, pinapakinggan ang awit ng hangin at hampas ng dagat sa baybayin. Dito ako nakakapag-relax.

"Alis na kami ni Malcom," sabi ni Felix at ito'y umalis. Di na niya sinara ang pintuan. At narinig ko na lang na bumaba na siya sa hagdanan. Ilang sandali lang ay nakita ko nang umalis ang sasakyan na minamaneho ni Felix. At automatic na sumara yung gate sa labas. Automatic ( hightech kasi halos kalahati ng bahay namin). Thanks to all our savings, kaya medyo magaan ang buhay namin sa bahay. Tulong na rin ito para di kami na-iistress everytime uuwi kami galing trabaho.

Oh, teka, di ko na siya naitanong. Umalis na pala siya. Pero sige na lang. Pumasok ako sa loob ng aming kwarto at humiga ako sa aming queen-sized bed. Masarap ang humiga dito buong maghapon, habang naka-on naman ang Heater sa kwarto. Pumapasok rin ang sinag ng araw at nagbibigay liwanag sa kwarto. Maraming beses na akong nakakatulog dito kahit di ko nais matulog. Napaka-relaxing kasi, at ang paligid ay napakatahimik, ang naririnig mo lang ay yung dagat sa labas.

So, humiga ako ng hmmm, I think two minutes bago ako bumangon ulit. Narinig ko ang ringtone ng aking cellphone. May message na natanggap. Sino kaya yun? Felix? Friends? Colleagues? I don't know. Nang nakuha ko na ang cellphone ko, ayun, galing kay Justine Wessel, one of my very close friends.

Ano na kaya ang balita sa kanya? Medyo matagal na kaming di nagkikita ah. I guess yung huli naming pagkikita ay yung Wedding day ko. I would still laugh at how she got the bride's bouquet I threw right after the wedding celebration. Wala lang. Di ko akalaing of all the people, siya pa ang makakakuha nun. Loner kasi si Justine at di masyadong nakikihalubilo sa mga tao. Shy type, kung baga. Pero I guess she's changed now. It's already 2 years from that time. I would really be surprised if she's about to get married, well, if totoo yung theories na ang taong sunod na ikakasal ay yung makakakuha ng bride's bouquet.

Nang binuksan ko ang message niya, nabigla ako. Finally, nais raw niyang makipagkita sa akin. Gosh excited akong makita siya muli! She's been one of the very best friends I have, kahit na matagal na kaming di nagkikita. Pagkatapos kong magreply, inilagay ko ang cellphone sa bag ko at pumunta agad sa wardrobe.

Maraming mga damit akong nakikita. Actually, minsan nahihirapan akong pumili kung alin ang susuotin ko kahit nasa bahay lang ako. Not to mention, kaka-shopping spree lang namin ni Felix last week at bumili ako ng isang dosenang mga damit, including mga assorted bags and ladies' shoes and sandals. Buti naman at pumapayag lang si Felix na bumibili ako ng mga ganito. So, alin kaya dito ang isusuot ko? I know simpleng pagkikita lang naman ang gagawin namin ni Justine. Hmm, well, okay, I guess I'll just pick simple clothes. For once, I'll try to be a very simple woman.

Why not?

========================

Felix' POV

At 60 kph, medyo mabagal lang ang minamaneho kong 2012 Chevrolet Camaro 45th Anniversary. I know, medyo cool pakinggan. Yes, it's very cool and the price says it all. $45,000 ito when I bought it from Australia 5 months ago. Hanep diba? Well, kahit I'm not into cars, but, nung one time na nai-feature ito sa Maxim Australia, I find it good to buy this car. (it's actually in Maxim Australia, August 2011 issue..)

Kasama ko si Malcom, ang isa sa aking pinakamalapit na kaibigan. Isa siyang writer for Elle Magazine, another famous magazine worldwide. Hanep mga kasama ko, diba? Pero yeah, magaling nga siyang writer. I also idolize him for that talent. Mukhang dalawa lang ata ang lamang ko sa kanya kung nanaisin kong ikukumpara siya sa akin; una ay isa akong photographer at siya ay hindi. Pangalawa, di pa siya kasal, hahahaha. I know, of course, napakaganda ata ng asawa ko. Pinakamaganda na nilalang na nakikita ko.

Anyway, after I turned on the corner of Winston Churchill Avenue, medyo antahimik lang. I had already driven 2 miles from home, pero parang di pa kami nag-uusap. Well, I know, Malcom is a serious kind of guy. And di rin siya masyadong nag-oopen up ng kahit anong bagay, unless ikaw mismo ang magtanong sa kanya.

"Hey, man, how's the plan for tomorrow? I guess maraming pupunta dun for the signing of the book. You know, marami talagang taga-press ang pupunta dun for the interview," sa wakas nagtanong na rin ako. Wala ako masyadong naiisip na pwedeng pagsimulan ng pag-uusapan namin ni Malcom.  He's been silent since we left the house.

"Huh? Uhm, yeah, marami nga ang pupunta dun. As usual, same thing is gonna happen there. Actually, I'm planning to just be there until the event ends," sagot niya.

Tumingin ako sa kanya. I did not expect that to be his answer. I thought na magiging masaya siya since he has finally published his 2nd novel, and nagiging patok naman ito sa mga readers, and that he will stay there for the autograph signing.

"Why? Aren't you happy for the 2nd successful novel?" I asked.

"Yes, I am happy. In fact, I am very grateful at pumayag ang editor na ipublish yung book. I never thought it would be that good."

Never thought it would be good? As far as I can tell, he is a very talented writer. Di malayo na lahat ng works niya ay pwedeng mai-publish, kung nanaisin lang rin niya. Sabagay, I know him well for the entire 5 years na naging magkaibigan kami.

He then continued, "As you know, the sequel of a story usually won't be as famous as the prequel. And I just don't expect too much out of it."

"Kahit na," sagot ko naman. "You should still be proud since it's your work. And how many authors out there ang gustong maipublish nila ang kanilang mga gawa? How many aspiring writers there who want even their written works to at least be read? Marami diba?"

Di siya sumagot. And honestly, pati ako; nais ko sana na at least may babasa sa mga stories na ginawa ko. Kahit di na nila i-rerecommend to their friends, at least they read my story through to the end. Karamihan kasi sa umpisa lang ang binabasa, tapos di na tatapusin ang kwento. Eh pano nila ma-aappreciate kung ganun, eh kadalasan ay nasa huling part ang mga magagandang basahin?

Sumingit lang si Malcom, "Hmm, like you, Felix? Geez, man,  I know na gusto mo rin na may bumabasa sa mga works mo. And not meaning to be rude or sarcastic, but I understand what you mean, so no offense."

Nabigla ako. Pano niya nalaman yun? Yes, totoo, isa rin akong die-hard na writer, at kahit parang di magaganda ang mga sinusulat ko, patuloy pa rin akong nagsusulat, dahil I know na someday may makakabasa rin nito at magugustuhan itong i-publish. Nang sa ganun, ay magiging katulad rin ako ni Malcom na halos bawat taon ay may nai-publish na bagong aklat.

Nagmaneho lang ako, at di ko masyadong nakukuha yung sinasabi ni Malcom. I know, eto na naman tayo sa matataas na explanation niya. Mahilig kasi siyang mag-explain ng bagay-bagay. Nagagawa nga niyang magpaliwanag kung bakit kumakagat ang pulang langgam at iyung maitim ay hindi. Magagawa pa niya itong i-explain in 1000 words. Grabe! Hanep mag-isip ito at marami talaga siyang nasasabi pagdating sa pagsusulat ng mga ganyan.

Malapit na kami sa office, mga  kalahating milya na lang. Pero di rin naman namin kailangang magmadali. Kaya di ko binilisan ang pagtakbo ng Chevy ko. Somehow, I maintained a speed between 40-60. I also enjoyed the sunlight, like I do back home.

"Hey, how about if I help you so you can improve on your writing?" tanong niya sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano. Di ko na namalayan ang bilis ng takbo ng Chevy,  actually, unti-unting bumagal ang takbo nito.

"Sure? That would be great!" Gosh, salamat at sa wakas ay naisipan na niyang turuan ako. Gustung-gusto ko talaga ang magsulat. Though di ko lang alam saan at paano ako magsisimula. Excited ako para sa ganun. After Malcom assured me, naging masaya ako. Kaya binilisan ko ulit yung sasakyan nang sa makarating na kami sa opisina.

Finally, I can begin writing about something.

========================

Aline's POV

Mabuti at di masyadong malayo ang pupuntahan ko para sa pagkikita namin ni Justine. The meeting place is just a 30-minute drive away from home. Malaki ang park at tamang-tama dahil hindi masyadong mainit o malamig ang panahon. Ayaw ko kasing magiging tan ang kulay ng balat ko. Hindi naman ganun ka sobra ang concern ko sa magiging kulay ng balat ko, pero marami na akong nababalitaang nagdudulot daw ito ng sakit sa balat. And alam ko rin naman na di rin gusto ni Justine kung masyadong mainit sa labas.

I parked my car (it's a Porsche Boxster S981-2012) at the parking lot just around the corner. Pinili ko yung spot na may maraming kahoy para di masyadong tapat sa init ng araw.

Okay, konting make-up sa sarili at pagsusuklay naman sa buhok para at least maganda pa rin ako kahit medyo puyat kagabi. Tumingin ako sa relo ko. It's 4 in the afternoon. Siguro magdi-dinner na rin kami ni Justine. I guess I'll just tell Felix that I won't be home for dinner.

Kinuha ko phone ko and then sent him a message.

Di ko na hinintay ang reply niya dahil for sure ay busy rin yun sa kanilang ginagawa sa set. Kaya bumaba na ako and locked the car door. Pagkatapos kong ilagay ang car keys sa bag, may tumawag sa akin. And it's a familiar voice which I haven't heard for two years already. Sumaya pakiramdam ko.

"Aline!" sigaw ni Justine. Paglingon ko, napasigaw ako nang makita ko na siya. I ran towards her and we shook hands. Pareho kaming parang dalawang taong ngayon lang nagkikita muli after 10 years. Ewan, basta grabe kong nami-miss ang kaibigan ko.

"Kumusta ka na, Justine?" tanong ko sa kanya. Dahil siguro sa sobrang tuwa ko di ko na namamalayan na parang sumisigaw pa rin ako. Tumawa kaming dalawa nang pinigilan ako ni Justine. Napansin kasi niya na tumingin ang ibang tao sa amin. Para sa akin, okay lang; dahil tuwing kasama ko siya, parang bumabata kami.

"I'm doing great, now that we have finally met," sagot naman niya. I just grinned in response.

Yes, two years na kaming hindi nagkikita. But we still kept communication going through e-mails or chats. Pero huling pag-chat namin ay isang taon na ang nakalipas. And since then, I have not heard anything from her .

"Aba, Justine, naninibaguhan na ako ha. Last I remember, di ka masyadong lumalabas ng bahay. And now, here you are! Ano na ang nangyari sa buhay mo?" maigi kong tanong sa kanya.

"Okay, since gusto mong malaman, medyo mahaba ang ikukuwento ko. Kaya maupo muna tayo," she suggested. Lumakad kami patungo sa pinakamalapit na bench.

Unlike some other days, I feel very complete nang makita ko ulit siya. If I would look at myself in the mirror, for sure kahit ako masasabi kong blooming na blooming ako. Excited ako sa aming pagkikita. Now, I'm even more excited sa ikukuwento niya. At habang makikita sa mukha ko ang di mapantayang kasiyahan, iba namaan ang nakikita ko sa mukha ng close friend ko.

Pasulyap kong tinignan siya. Ano ang nangyari? Bakit parang nawala bigla ang tuwa sa mukha niya? Parang kelan lang ay pareho kaming masayang-masaya, pero ngayon ay biglang nababahiran ng lungkot ang mukha niya. Di ko na pinakita sa kanya na nakahalata ako. Hihintayin ko lang siguro siya na mag-open up tungkol sa anumang dinaramdam niya.

At nang nakaupo na kami, I tried to maintain myself. Di ko iniiba yung kasiyahan ko, para hindi muna mababahala si Justine. But deep inside maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ko.

Whatever it is, Justine, I'm your best friend. We'll get over it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: