Chapter 02
CHAPTER 02
Curious
"Angela, halika nga muna rito saglit!" sigaw ni mama mula sa labas ng pinto.
Mabilis kong inilagay sa loob ng locker ang cellphone at itinali ng maayos ang itim na apron bago tuluyang lumabas ng personnel's area.
Maraming customers ngayong araw sapagkat Linggo. Walang pasok ang ibang estudyante. Idagdag mo pa na dito rin sa café namin madalas tumambay ang mga businessman upang mag-business meeting. Malapit din sa isang university itong shop kaya lapitin ng mga estudyante.
"Magbreak ka muna, Mama."
"Ikaw muna bahala rito. Bibili muna kami ni Luigi ng iilang stocks, nagkakaubusan na kasi."
"Opo."
Nakita ko si kuya Luigi'ng lumabas ng CR tsaka niya ako ningitian. He's one of mommy's trusted barista rito sa shop at para ko na rin siyang kuya.
"Mag-ingat po kayo!" sigaw ko ng makapasok sila sa loob ng kotse.
May kasama naman ako kaso hindi ko sila gaanung nakakausap. Si ate Vivian, ex ni kuya Luigi, lang iyong nakakasundo ko tsaka, bagong salta naman itong si June, masyado siyang tahimik kaya hindi ko siya gaanung nakakausap.
"Angela, pakisabi nga pala kay manager na may gustong mag-apply dito bukas. Sabi niya kasi kailangan niya ng isa pang barista." anito ni ate Vivian habang naghahanda sa kanyang pag-alis sapagkat tapos na ang kanyang shift.
"Nasaan po iyong resume ng mag-aapply?"
"Nilagay ko sa ibabaw ng fridge sa loob. Tignan mo na lang kung may panahon ka, aalis na ako," ngumiti siya at kumaway palabas.
"Sige po."
At dahil hindi pa masyadong busy dahil hindi pa nagsisidatingan ang customers, napagdesisyunan ko munang tignan ang resume na sinasabi ni ate. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng fridge at iniscan ang detalye ng lalaking mag-aapply. Hindi dapat ako nangingialam sa mga ganitong bagay pero curious ako, e. Wala namang makakaalam na ginalaw ko ang resume.
"Kaibigan ko nga pala ang mag-aapply," sambit ng isang boses..
Napaangat ako ng tingin at nakita si June na nakatingin lang sa ginagawa ko. Agad kong isinara ang folder at nag-ssh sign.
"Don't tell my mom about this. Bawal akong mangialam, e," I winked.
"Hindi ko sasabihin," aniya at tumabi sa akin. "Si Carlo ang mag-aapply bukas. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol dito tsaka, kailangan din namin ng pera para sa tuition fee. He needs the work kaya sana matanggap siya."
"I'm pretty sure tatanggapin siya ni mama."
Madalas sa workers dito ay working student kaya hindi na ako magtataka kung magtatrabaho na bukas ang kaibigan niya.
Hinayaan ko muna si June na magkahera sa harap. She was trained by ate Vivian kaya alam na alam na niya ang basic techniques sa pagcacashier habang ako naman itong nagseserve ng pagkain at inumin sa mga customers.
Pangiti-ngiti lang ako buong oras hanggang sa nagsawa ang labi ko sa ginagawa nito. I heard the door chime rang, napalingon ako at binati ang mga lalaking pumasok sa loob, but my smile fades when I saw the Ugly and Hambog Markian Baltazar inside our shop, smiling with his hot friends!
"G-G-Good afternoon, Sir," I stuttered to my disbelief.
Paano siya napadpad sa coffee shop namin?
He made an eye-to-eye contact with me but it didn't last long. Ni walang bahid ng pagkagulat at pang-aasar ang kanyang titig sa akin kanina. Maybe he's pretending that he doesn't know me. Kung ganun, magpapanggap din ako na hindi ko siya kilala.
Lumapit ako sa table kung saan sila nakaupo upang kunin ang kanilang orders.
"Ano pong order natin mga sir?"
"Kayo, anong gusto niyo?" tanong ng kasama niyang gwapo na may kulay brown na buhok.
"Apple pie and tea... just a warm and plain tea," sagot naman ng lalaki na mukhang foreigner.
"Pang-matanda talaga ang order mo, Gab. Cappuccino tsaka cheesecake sa akin, Miss." sagot ng isa na may pamilyar na mukha. Parang nakita ko na siya sa building namin, e. Hindi kaya batchmate ko siya tsaka kakurso pa?
Nilista ko pareho iyong sinabi nila. "May ipapadagdag pa ba kayo, sir?"
"What about you, Mark, hindi ka ba oorder?" tanong ng may brown na buhok.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanya, hinihintay ang gusto niyang pagkain.
"Paorder ng isang..."
"Isang?" ulit ko.
Pa-suspense pa ang hayop. Gusto ko siyang sunggaban ng ballpen pero bawal bastusin ang customers, e, tsaka ayoko rin mag-eskandalo sa loob ng sariling shop.
"Magandang waitress," ngisi niya dahilan para uminit ang pisngi ko.
Kalmado kong sinagot ang walang kwentang order ng customer. "Walang ganun dito."
"Tangina mo talaga, Mark, kahit kailan," natatawang sambit ng batchmate ko.
"Batukan mo nga ito, Seph," utos ni Gab sa lalaking may kulay brown na buhok.
"Kung wala na po kayong ipapadagdag, iseserve ko na ang order niyo."
"Strawberry shortcake na lang pala," bawi ni Baltazar sa sinabing kababalaghan kanina.
Akala niya siguro natutuwa ako sa pagganyan-ganyan niya, tangina siya. Baka gusto niyang ipost ko sa labas iyang mukha niya tsaka ko iaannounce na ban siya sa shop namin sa loob ng sampung taon.
Inis na inis kong sinerve ang order nilang lahat. Iyong Seph na ang nagbayad ng kinain nila gamit ang credit card. Hindi pa alam ni June kung paano iyon isaswipe kaya ako na ang gumawa para sa kanya. Nilagay ko sa tray ang sukli at resibo tsaka ako naglakad pabalik sa kanilang mesa. Napansin ko rin kung paano sila magtawanan sa isa't-isa, lalo na si Baltazar, nakakapanibago lang.
"Kanina ka pa nakatitig sa kanila, ah? May bet ka ba riyan?" pagtataka ni June ng mapansin na nakatingin ako sa mesa nila.
"Wala naman, kilala ko kasi ang isa diyan."
"Talaga? Tanungin mo kung anong pangalan ng mga kasama niya, baka makatuluyan ko ang isa sa kanila."
Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o hindi, mukha kasing seryoso si June.
"Ayoko. Hindi naman kami close, tsaka nakita mo kung paano niya ako balewalain simula pa kanina."
Wala naman akong pakialam kung hindi niya ako pansinin, e. Mukhang nasanay lang ako na ginagalit at inaasar niya ako sa tuwing nagkikita kami maliban ngayong araw.
Hinubad ko kaagad ang apron ko nang makita ang papalapit na kotse nila mama. Tutulungan ko sila sa paglabas ng ingredients at coffee beans. Pinagbantay ko muna si June sa kahera.
"Ipasok mo iyong coffee beans tsaka iilang coffee grinders sa loob, Gelai. Hayaan mo na si Luigi sa mabibigat na bagay," utos ni mama, wala akong nagawa kundi ang tumango.
Inalalayan ako ni kuya Luigi sa pagdadala ng mga coffee grinders. Mukhang mamahalin kaya ingat na ingat kami pareho sa pagdadala.
"Saan kayo namili nito, Kuya?" tanong ko ng makapasok kami sa loob ng personnel's area.
"Ewan ko kay Manager. Galing pa yatang ibang bansa itong grinders tsaka coffee beans, pero iyong ingredients sa Supermarket lang namin binili."
"Siya nga pala, Ma, may resume diyan sa ibabaw ng fridge. May mag-aapply daw na barista sabi ni ate Viv kanina."
"Titignan ko mamaya."
Lumabas ulit ako pagkatapos ilagay ang coffee beans at ingredients sa loob. Sila mama at Luigi na ang bahalang mag-ayos ng mga iyon. And unfortunately, hindi pa rin pala umaalis ang grupo ni Baltazar.
Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ng makita kung sino ang lalaking kapapasok lang sa shop, pero napawi rin iyon ng mapansin ko na may nakasunod pala sa kanyang babae. Parang tinusok ng paulit-ulit ang dibdib ko. Ang sakit nilang dalawa sa mata.
"Ah, ayan na pala si Yuan... at Mariel?" pagtataka ng batchmate ko.
Napansin ko ang sikretong tingin ng apat ngunit hindi na lang sila nagsalita pa. Kahit ako, curious kung bakit magkasama iyang dalawa. The girl is beautiful, makinis, matangkad, tsaka maganda talaga. Hindi siya ganun kaagaw atensyon pero maganda talaga siya. Magkatabi silang naupo ni Yuan. Pinagmasdan ko lang sila, inoobserbahan na baka girlfriend niya nga iyon pero mukhang hindi... sana naman hindi.
"Bakit ka nakasilip diyan, Anak?"
Napatalon ako sa lakas ng boses ni Mama kaya pumasok ako agad pabalik sa loob. "Mama talaga! May tinitignan lang po."
"At sino naman?" sumilip siya sa pinto ngunit hinila ko pabalik.
"Mama naman!"
"Umuwi ka na, Gelai, baka gabihin ka pa mamaya sa daan, e. Text na nang text si Ruby sa akin simula kanina."
"Opo."
Kainis. Gusto ko pang magmasid sa maaaring mangyari pero mukhang imposible na iyong mangyari. Gusto kong tanungin si Yuan tungkol sa babaeng bangus pero baka isipin niya na masyado akong pakealamera sa lovelife niya.
"May girlfriend si Yuan? Nakita mo ba?" tanong ni Ruby, nasa hapagkainan kami ngayon at ibinalita ko sa kanya ang nasaksihan ko kanina.
"Oo nga. Hindi ko pa sure kung gf niya iyon, bagay kasi sila."
But the way those four guys looked at Yuan kanina, parang may mali, e. Parang hindi nila alam na gf ni Yuan iyong Mariel.
"Alamin mo muna bago mo i-chika sa akin. Di porket bagay, e jowa na. Hindi iyon ganun, Gelai."
Pagkatapos ng klase namin sa Financial Accounting, dumiretso ako sa Engineering Building, hindi para makita at makausap si Yuan, kundi para tanungin ang isa sa mga kaibigan niya tungkol dun. Oo tama. Wala akong ibang choice kundi ang kausapin si Baltazar dahil alam ko na may alam siya tungkol sa lovelife ni Yuan. Alam niya nga na maraming nalilink sa kanya, e, tsaka siya lang ang kilala ko sa apat na gwapong lalaki kahapon.
Kanina pa ako paikot-ikot sa building nila at hindi ko man lang nahagilap si Baltazar. Bakit ang hirap niyang mamataan? Gaano ba siya ka-invisible? Tanga ka rin kasi, Angela. You didn't ask kung anong seksyon at floor ang classroom nila, o kung may klase siya ngayon.
"Ambobo mo naman, Angela," bulong ko sa sariling katangahan.
"Looking for me?" a raspy voice asked.
May hawak siyang makapal na libro, his dark eyeglasses was covering his chocolate brown eyes, and his hair was nowhere fixed. Ang gulo ng buhok niya.
"Uhm... oo. Busy ka?"
For a moment, I thought it was someone else dahil ibang-iba ang itsura niya ngayon sa nakasanayan ko kapag nasa boarding house kami.
"Galing akong library dahil may quiz kami. Do you need something from me, Panget?"
I didn't mind him calling me that. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa tawag niya sa akin... e hindi rin naman totoo kasi alam naman nating lahat na maganda ako.
"Itatanong ko lang iyong tungkol sa k-kahapon... iyong kay Y-Yuan," halos hindi ko maigalaw ang bibig ko dahil sa kaba. Takot ba akong malaman ang totoo, na baka girlfriend niya nga ang babaeng iyon?
His brows furrowed, nalilito siya sa gusto kong sabihin.
"Girlfriendniyabaiyongkasamaniyakahapon?"
He laughed at my query. Akala niya ba nagbibiro ako? Hindi ko lang talaga kayang itanong kasi baka totoo ang hinala ko... pero sana huwag naman.
"You mean Mariel?"
Tumango ako.
"Why don't you ask, Yuan? Natatakot ka ba sa maaari mong malaman?" he scoffed.
"Just... just answer me please," kalmado ko siyang tinignan sa mga mata.
Bakit parang sinasabi niya na tama nga ang hinala ko?
"Baka..." he simply replied.
And that made my heart breaks.
"T-Thanks," pinilit kong ngumiti pero nabigo ako.
"Baka hindi niya girlfriend..." dagdag niya dahilan upang lingunin ko siya pabalik. "Yuan would tell us if someone's flirting with him or if he's in a relationship, pero wala naman siyang nakukuwento tungkol sa kanilang dalawa. Besides, Mariel is Seph's ex-girlfriend. Bro code."
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I sighed in relieve because of what he just said.
"Teka, why did you ask?"
"Curious lang ako," ang kanina'y busangot na mukha ko ay napalitan na ng ngiti. "Thanks, Baltazar, makakatulog na ako ng mahimbing mamaya."
"Wait..." he called kaya tumigil ako sa pagbaba ng hagdan. "The guy at the coffee shop yesterday, is he your boyfriend?"
"Si Kuya Luigi? Hindi no, tanga! Barista siya ni mama dun sa shop. Bakit mo naman natanong?"
"Curious lang ako," ngisi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro