CHAPTER 8
[Chapter 8]
"Kon'nichiwa, min'na!" rinig namin mula kay Vlad habang papasok na kaming tatlo sa entrance ng Brunelleschi Art Center. First time ko talagang makapunta rito kaya halos napanganga ako sa aking nakikita sa buong paligid.
Malaki at malapad ang building at makikitang kakaiba ang istilo nito. Gawa ito sa mga glass walls at may mga ornaments pang makikita sa ibang bahagi ng building na talagang kahanga-hanga. 'Nang makapasok na rin kami sa loob ay hindi ko talagang mapigilang mapanganga dahil sa mga paintings na aking nakikita sa buong paligid. Pupuntahan ko sana ang mga ito isa-isa ngunit agad nahagip ng aking atensiyon nang makita ang dalawang matandang lalake na kasama ngayon ni Vlad.
"Guys, let me introduce Mr. Hiro Takahashi, a president and a chief executive officer of the National Arts Center Tokyo and Mr. Alexander McKinley, a president of National Arts Committee. They will going to host and organize the arts olympics next week...." pormal na pagpakilala ni Vlad sa amin dahilan upang mapangiti na rin kami sa kanila.
Ngumiti naman sila pabalik sa amin at saka nag-bow pa sa aming harapan. Si Mr. Takahashi ay isang japanese artist at isang propesor according sa aking mga narinig habang si Mr. McKinley naman ay isang multi-awarded artist galing New York. Wala akong idea kung bakit sila naparito at saka bakit sila lang dalawa ang dumating at hindi ang buong committee?
"Good morning. Are you three will going to participate in the Arts Olympics?" tanong sa amin ni Mr. Takahashi ngunit ang kaniyang pananalita sa ingles ay katulad na rin kung paano nagsasalita ang mga amerikano. Mukhang bihasa na siya sa pagsasalita nito.
"Hai, Takahashi-san. Watashitachiha, karikyuramukōdinētā ni yotte orinpikku ni sanka suru yō ni eraba remashita. (Yes, Mr. Takahashi. We were chosen by our curriculum coordinator to participate in the olympics.)" tugon naman ni Rainiel dahilan upang mabigla kami ni Cornelia sa kaniyang tabi.
"Teka, anong sabi niya? At saka kailan pa siya natutong magsalita ng Nihongo?" bulong sa akin ni Cornelia. Nagkibit balikat na lamang ako sa tanong niya dahil kahit ako ay hindi rin alam na marunong palang magsalita ng Nihongo si Rainiel.
"I see. You're good in speaking Nihongo. Hontōni kansha shite imasu. (I truly appreciate that.)" ngiti naman ni Mr. Takahashi kasabay ng pagsingkit ng mga mata niya.
"Mr. Takahashi and Mr. McKinley are here to inspect and check of the facilities that are going to use for each competition. Mukhang okay naman sa kanila ang ating mga facilities. But we just need to add more seats para sa mga spectators lalong-lalo na sa gustong manuod ng Theatre Competition." sabi naman ni Vlad habang nakatingin sa aming tatlo.
"Pupunta muna kami sa main campus ng Harrison High, guys ha? Cornelia-san, nandun na pala ang Graphics Senior Team sa Graphics Room na nasa third floor. At Rainiel-san, nandun na rin ang Theatrical team sa Drama room sa second floor. Puntahan niyo na lang sila upang paghandaan ang inyong mga gagawin." magiliw niyang sinabi sa amin habang may tunog na japanese accent sa kaniyang pananalita.
Ngunit nang tumingin na siya sa akin ay agad naman akong natigilian. Parang tumigil ang oras nang magsalubong ang aming mga mata. Ngumiti pa siya sa akin dahilan upang itapat ko ang aking kamay nang walang kamalay-malay sa aking dibdib. Pinapakiramdaman ko pa ang tibok ng aking puso ngunit bahagya naman akong nagulat pagkatapos 'nun. Eh?
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit hindi na ito tumitibok nang mabilis katulad 'nung nakaraang araw.
"Beanovelle, just proceed now to the Art Room. Your team is already waiting for you..." sabi pa niya at agad nang tumalikod kasama sina Mr. Takahashi at Mr. McKinley upang umalis papunta sa main campus ng Harrison High.
Napatulala na lamang ako sa mga oras na 'yun habang sila'y papaalis mula sa kanilang puwesto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang aking nararamdaman ngayon para kay Vlad. Para kasing wala na siyang dating sa akin. Parang naging plain na, wala nang spark! Baka siguro hindi na kami gaano nagkakausap bilang magkaibigan. Naguguluhan na ako! Feeling ko parang unti-unti nang lumalabo ang aking pagtingin kay Vlad. Ba't naman kaya?
Mag-aalas sais na nang gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Vlad. Nandito pa rin ako sa Art room na nasa first floor lamang kasama ang aking mga seniors ng team. May ginagawa kaming art sessions at pagkatapos 'nun ay nagme-meeting kami regarding sa papalapit na International Arts Olympics.
Habang nagsasalita ang aming team leader sa harapan ay agad akong napatingin sa cellphone at nakita ang message nina Cornelia at Rainiel na nasa aming group chat.
"Belle, mauuna na kami ni Rainiel aalis ha? Nandito na kasi si ate. See yah tomorrow!"
"Bellie loves, we're going home na. Bye!"
Kahit na binabasa ko ang kanilang mga messages ay naririnig ko pa rin ang kanilang mga boses. Napangiti naman ako nang maisip ko 'yun.
"Is that clear?!" rinig ko bigla mula sa aming team leader dahilan upang mabigla ako sa aking kinauupuan. Lahat naman ay tumugon sa kaniyang tanong at ako naman ay tumatango na lamang bilang pagsang-ayon kahit na hindi ako nakikinig sa kaniya.
Natapos na rin kami sa aming meeting at agad na rin kaming nagsi-alisan mula sa room na 'yun. Dali-dali naman akong lumabas upang hanapin si Paulter kasi ang sabi niya kanina ay pupuntahan niya ako rito. Ite-text ko na siya sana nang biglang may kumalabit na kamay sa aking balikat. Mukhang nabigla naman ako sa mga sandaling 'yun at saka nilingon kung sino 'yun.
"Beanovelle, are you alright?" rinig ko mula kay Vlad at saka nakita ang nag-aalala niyang mukha. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib dahil sa matinding pagkagulat. Ba't niya naman ginawa 'yun?
"I...I'm fine..." sabi ko na lamang at saka hinarap siya.
"I'm sorry..." usal niya bigla.
"I'm sorry if I have no time with you. Alam mo namang wala pang nakakaalam na matagal na tayong magkakilala at baka magtaka ang ibang mga guro't estudyante kapag naging malapit tayo sa isa't isa." sabi pa niya at saka nilapit pa ang kaniyang sarili dahilan upang mapaatras ako saglit.
"Uhm, ba't ka naman magso-sorry? There's nothing to apologize..." sabi ko na lang sa kaniya kahit na medyo nakaka-awkward na ang aming sitwasyon. Ngunit bigla niya lamang ako hinawakan sa braso dahilan upang magulat ako. Anong ginagawa niya? Baka may makakita sa amin na talagang bibigyan ng issue!
"Vlad....let me go..." sabi ko nang mahinahon ngunit hindi niya talaga binibitawan ang aking braso.
"I'm talking to you right now...."
"Puwede ka namang magsalita na hindi hinahawakan ang aking braso!" sabi ko na lang sa kaniya ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang kaniyang pagkakahawak.
"Let her go..." rinig namin mula sa kalayuan. Agad naman akong napalingon at saka nagulat nang makita si Paulter na papunta sa aming direksiyon. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang aming sitwasyon ngayon ni Vlad. Pilit naman akong kumawala mula kay Vlad at mabuti na lang din binitawan na niya ang aking braso.
"What's going on here?" kunot-noong tanong ni Paulter at saka napatingin ngayon kay Vlad. Napalunok na lamang ako sa mga oras na 'yun at nakita ang mga tingin nilang nag-aalab. Mga tingin na hindi nagpapatalo sa isa't isa! Dali-dali naman akong pumagitna sa kanila upang sila'y patigilin ngunit agad namang hinawakan ni Paulter ang aking braso at saka hinatak papalapit sa kaniya.
"It's already dark, Belle. We need to go home..." payak na sinabi niya sa akin at saka na kami tumalikod upang umuwi na. Ngunit makailang hakbang pa lamang kami ay agad namang nagsalita si Vlad.
"Nakakauwi na pala si Beanovelle sa inyong tahanan?"
"It's none of your business." tugon na lamang ni Paulter na hindi lumilingon sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sa akin at saka sinensiyahan na lumakad na kami papunta sa kotse niya na naka-park. Hindi ko na alam kung ano na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin magawang lumingon kay Vlad dahil sa ginawa niya kanina. Talagang nagulat ako 'run!
"Binabawi ko na ang sinabi ko noon tungkol sa kaniya..." rinig ko naman mula kay Paulter habang salubong pa rin ang mga kilay niya.
"He's not nice..."
*******
Nandito na kami ni Paulter sa hapagkainan at saka kinain ang binili naming fastfoods na dinaanan namin kanina nang papauwi na kami. Tahimik kaming kumakain at wala isa sa amin ang umimik sa mga oras na 'yun. Ngunit nang papatapos na akong kumain ay bigla na lamang siyang nagsalita.
"Don't get involved with him anymore..."
"What do you mean?" taka kong tanong at saka ininom na ang tubig mula sa aking baso.
"Basta..." tugon naman niya at saka sumubo ng kanin.
"Pau, class adviser ko si Vlad kaya---------"
"Ba't ba kasi siya nagtuturo sa ating school! May nakakaalam ba na matagal na kayong magkakilala ng lalakeng 'yun?" singit bigla ni Paulter dahilan upang hindi ko na matapos ang aking sasabihin.
"Teka, matanong lang. Kailan naman kayo nagkakilala ha?" tanong ko naman sa kaniya pabalik dahilan upang mapatigil siya sa pagkain.
"A day after you met him..." payak naman niyang tugon dahilan upang bumilog bigla ang aking mga mata.
"Ibig sabihin ay matagal mo na pala siyang nakilala?!" gulat kong sinabi iyon sa aking kakambal. Tumatango lang siya sa akin at saka sumubo ulit ng kanin.
"I approached him simula 'nung pumupunta ka na sa Art Museum. Talagang kumikinang pa ang mga mata mo everytime na magkikita kayo..." dagdag pa niya na talaga namang nagpagulat sa akin. Ganyan ba talaga ako ka-obvious noon?
"A..ano bang sinsabi mo riyan ha?" utal kong sinabi sa kaniya ngunit ngumisi lang siya sa akin.
"Ngunit nang makita ko ang mga mata mo kanina ay parang wala na itong kinang katulad 'nung dati...." 'Nang dahil sa sinabi niya ay agad ko na namang naaalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam ngunit talagang wala na nga akong nararamdamang kakaiba kay Vlad. Bigla lamang itong naglaho na parang isang bula.
"I think you're just crushing on him. Nothing else..."
"What do you mean?"
"Don't play dumb, Belle. Kitang-kita naman sa mga actions mo noh. 'Nung nakaraang araw nga ay nakita ko pa kayong nag-uusap sa hall. Ngumingiti ka pa nga habang kausap siya."
"Alangan namang iiyak ako sa kaniyang harapan..."
Tumikhim naman siya pagkatapos kong sinabi iyon. "You're so obvious, I swear. But what happened now? Kay bilis namang mawala ang feelings mo sa kaniya..."
"Hayss. I don't know..." Walang gana kong sinabi 'yun sa kaniya at saka nagsalin ng tubig sa baso mula sa glass pitcher.
"Most crushes are short-lived. It can last hours, days, weeks, months, or perhaps, even years. Three years had passed already and I guess your feelings towards him grew bigger. Meaning you already love him..."
"No. Isang taon ko lang siya nakilala. Then after a year ay umalis siya papuntang UK-----"
"But I bet all those years ay siya pa rin ang nilalaman ng iyong puso.." Natigilan naman ako saglit dahil sa sinabi niya. Hindi ko man maamin sa aking sarili ngunit tama ang kaniyang sinabi. All those years ay si Vlad talaga ang nasa isip ko noon.
"No, it's not love I think. Base sa nakikita ko talaga sa'yo kanina ay talagang kabigla-bigla. Mukhang nabura ang mga kinang at mga imaginary hearts na nakapalibot sa'yo kanina 'nang magkita kayo ulit." ngisi niya dahilan upang sumingkit bigla ang aking mga mata.
"Hindi ko alam na may nalalaman ka ring mga bagay tungkol dito. Kung hindi pagmamahal ang aking nararamdaman towards Vlad, eh anong tawag naman 'dun?" tanong ko naman sa kaniya na parang china-challenge sa magiging sagot niya. Let's see kung hanggang saan ang nalalaman mo tungkol sa paksa na ito, Pau! Masyado kang observant!
"It's infatuation. Usually, infatuation lasts between 18 months and three years. It's different from love." tugon naman niya.
"At paano mo namang masasabi na infatuation lang ang nararamdaman ko para sa kaniya?"
"Well to put it simply, You're just admiring him because of his affectionate actions towards you. And in addition, maybe because of his looks since may hitsura naman siya..." paliwanag naman niya habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko akalain na may nalalaman pala siya tungkol sa mga bagay na 'to. Akala ko'y science geek lang ang mokong kakambal ko.
"Infatuation sometimes disguised as true love. It is stronger compared to love. Many people think that having a deep connection for someone means they were already compatible for each other. But it was not. Kaya siguro maraming naghihiwalay dahil sa perception na 'yun." dagdag pa niya.
"Pero hindi ko namang sinasabi na mahal ko si Vlad. Inaamin ko na crush ko siya noon noh..."depensa ko.
"How about now? Crush mo ba pa rin siya? Does your feelings still remain on him?..." kuryosidad niyang tanong dahilan upang umurong ang aking dila. Wala akong masabi sa mga oras na 'yun. Hindi ko rin alam kung paano ko masasabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman ngayon para kay Vlad.
"Posible bang mawawala ang feelings ko sa kaniya kahit na bumalik muli ang tibok ng aking puso 'nung pinagtagpo kami ulit?" Wala sa sarili kong tanong habang inaalala ang pagkikita namin muli ni Vlad sa Harrison High. Hindi ko 'yun makakalimutan dahil isa iyon sa mga tagpong nagpapasaya sa akin dahil nagkita kami ulit sa hindi ko inaasahan.
"Well, siguro. May mga factors naman tayong kino-consider.."
"Katulad naman ng ano?"
"You lose attention on him dahil may mga bagay kang ginagawa that really got your interest. Nagiging busy ka na rin at hindi na kayo medyo nag-uusap. And someone has become close to you causing your feelings on him to switch to someone else. Baka naman may nagugustuhan ka na?" 'Nang dahil sa sinabi niya ay agad naman akong nabigla.
"Wala noh! Wala akong nagugustuhan na iba. And just like you said, nagiging busy talaga ako lalo na't sumali ako sa International Arts Olympics. Ano ba namang pinagsasabi mo riyan? At saka ikaw lang naman ang naging malapit sa akin aside kina Cornelia at Rainiel..." sabi ko na lang sa kaniya ngunit natigilan naman ako pagkatapos kong sinabi 'yun.
"Meaning ako lang pala ang nakapatigil sa nararamdaman mo sa lalakeng 'yun?" Nakita ko naman ang nakangisi niyang mukha dahilan upang ihahagis sana ang ginamit kong plato sa mukha niya.
"In your dreams!"
"Ibig sabihin ba neto ay talagang close na tayo? Do you like me already?" sabi pa niya at talagang kumikinang pa ang mga mata niya sa mga oras na' yun.
"You're gross! Puwede bang tumigil ka na!!" Talagang tumatayo ang aking balahibo 'nang marinig iyon mula sa kaniya. Para siyang batang galak na galak dahil may bago na siyang kalaro.
"I admit na hindi tayo gaano ka-close noon until to the point na parang hindi na tayo nagpapansinan kahit nasa iisang bubong tayo. But honestly when I started to know you, I just realized how responsible and passionate you are especially sa academics. I hope papa realizes that...." ngiti niya dahilan upang lumambot bigla ang aking puso.
Tama si Paulter. Hindi talaga kami gaano ka-close noon at medyo nagseselos na rin ako sa kaniya dahil siyempre bukam-bibig siya palagi ni papa. Ngunit ngayon nagbago na ang lahat at sa palagay ko ay nagiging masaya naman ako kasama siya. Siyempre at first na magkasama kami sa apartment ay medyo naiirita ako sa kaniya sa pagiging all-knowing nito ngunit sa kabila nang lahat ay ginagabayan niya pa rin ako at saka binibigyan pa ng advice in terms of studying. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang feelings and connections towards him at nagiging komportable na rin ako sa kaniya.
"You're my brother. And I am very happy to have you." ngiti ko at saka nilapitan ang aking kakambal. Awkward man kung tawagin ngunit nagawa kong yumakap sa kaniya. First time ko siyang niyakap actually. Nakaupo pa rin siya sa mga oras na 'yun kaya kailangan ko pang yumuko.
"I love you, Belle. We do love you. We're a family. Kahit anong mangyari ay hindi kita pababayaan. You're my sister and I promised to protect you what cost it takes." rinig ko mula sa kaniya at saka niyakap niya rin ako pabalik. Mainit namin tinanggap ang isa't isa sa mga oras na 'yun at isa iyon sa mga pangyayari na hinding-hindi ko talaga makakalimutan.
Kinabukasan ay maaga pa kaming pumasok ni Paulter sa school ngunit hindi na kami nakasuot ng uniform since wala naman kaming klase at puro preparations lang ang gagawin namin. Malapit na ang Harrison Special Week kaya kailangan talaga naming paghandaan iyon.
Marami ang nangyari sa araw na 'to. Unang-una ay ang finalization ng aming ginawang wall painting sa Gertrude Garden na inaprubahan pagkatapos ng aming school principal. Talagang masayang-masaya kami ng aming kaklase kasi talagang na-paid off ang lahat ng aming mga pagod. Pagkatapos 'nun ay agad na kaming dumiretso nina Cornelia at Rainiel sa Harrison Brew upang makipagkita kay Michael para sa magiging papel namin for next week.
"Hi Mike-senpai!" masiglang bati ni Rainiel habang papalapit na kami sa kinaroroonan ni Michael. Hindi naman kami magtatagal dahil pagkatapos 'nun ay kailangan pa naming pumunta sa Brunelleschi Art Center para sa aming preparation for the International Arts Olympics.
"So guys, 'eto yung gagawin ninyo bilang mga Athlete's Aide ng Purpure Cerberus. All you need is to provide needs and necessities ng ating mga atleta. Ganun lang kasimple guys. But don't worry dahil may nakaprovide nang mga gamit at pagkain na kailangan nila." paliwanag sa amin ni Michael.
"In other words parang yaya ang peg namin, ganun?" simangot naman ni Cornelia ngunit wala naman siyang choice.
"Walang problema sa amin Mike-senpai as long as puro mga gwapings ang ating mga athletes. Kahit ako pa ang magpupunas ng kanilang mga pawis at maglalagay ng pulbo sa kanilang likuran." At agad namang humagikgik si Rainiel dahilan upang mapatingin kami sa kaniya.
"Alright, it's already settled. Thank you for the cooperation guys and goodluck para sa inyong competition na gaganapin din by next week. Sana mauwi ninyo ang gintong medalya. I will pray for that." ngiti ni Michael dahilan upang mapangiti naman kaming tatlo sa kaniyang sinabi.
Pagkatapos 'nun ay agad naman kaming dumiretso papunta sa Brunelleschi Art Center upang makipagkita sa aming mga respective teams. Si Rainiel ay pumunta na sa drama room at agad nag-ensayo ng kaniyang script. Sumunod naman kami ni Cornelia sa kaniya dahil wala pa ang mga kasamahan namin.
Hamlet ang pamagat ng kanilang magiging play na isinulat ni William Shakespeare. Hindi ko alam ang kuwento nito ngunit ang sabi ng bakla ay gaganap siya bilang tiyo ni Hamlet. 'Nung makita ko kung paano niya ginawa ang role ay talaga wala akong masabi. May pagkamahinhin itong si Rainiel ngunit kapag lalake na ang role niya ay talagang mapapahanga ka dahil para bang naka-transform ito. Ang tindig at boses niya ay nagiging lalake na.
Pagkatapos 'nun ay agad naman kaming umalis ni Cornelia upang puntahan ang Graphics Room. Susunod na sana ako sa kaniya ngunit tumawag na ang aming team leader upang pumunta na sa Art Room. Sayang, gusto ko pa sanang makita kung ano ang nasa loob 'nun!
"Alright, for tomorrow we will consume the whole day for our sketching and painting session practice. Ms. Lunaire, I'm glad that you have already mastered the different approaches and techniques in sketching. Looking forward for your success for our team!" masayang ibinahagi naman ng aming team leader dahilan upang mas maging motivated ako.
Agad naman akong napatingin sa notebook na ibinigay noon ni Vlad na nakatungtong ngayon sa mesa dahil sa totoo lang 'eto talaga ang nagpahubog sa aking sketching skills. Kung hindi dahil dito ay talagang hindi ko maaabot kung ano ako ngayon kagaling. Sa mga oras na 'yun ay agad ko namang naaalala si Vlad. Nasaan na kaya siya? Gusto ko sanang isauli ang notebook na ibinigay niya.
Sinubukan ko pang ilagay ang aking kamay sa dibdib ngunit hindi na ito tumitibok nang mabilis katulad ng dati habang siya'y iniisip. Talaga ngang wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Mukhang tama nga si Paulter. I just infatuated Vlad and nothing else.
*******
"GO PAULTER!! WE LOVE YOU!!" hiyaw ng mga babae na nandito sa loob ng gymnasium. Pagkatapos kasi ng aming art session ay agad naman akong bumalik sa Harrison High dahil sabay kaming kakain ni Paulter ng lunch mamaya. Napasimangot naman ako sa mga babae na panay sigaw sa aking kakambal na para bang nagpapansin. Hindi kayo 'nun papansinin, I swear! Pau is a bit snobber if you don't know.
Hindi ko naman maitatanggi na magaling palang sumayaw ang aking kakambal. Hindi rin siya nagpapahuli sa indak ng musika at talagang ginalingan niya pang tumambling na ngayon ko lang nakita. Saan naman kaya niya natutunan 'yun? Eh, hindi naman siya nag-dance class noon during summer break.
"How did you do that?" mangha kong tanong habang sinasalubong ang aking kakambal. Kakatapos na nilang magpractice at kailangan pa nilang magrehearse ulit by 1:30 o'clock. Ngumiti siya sa akin at agad ginulo ang aking buhok.
"What?"
"Nothing. Just wait here, magbibihis muna ako..." sabi pa niya at saka dumiretso papunta sa kanilang locker room. Habang hinihintay siya sa labas ay agad namang tumawag si Cornelia sa phone at saka ko naman iyon sinagot. Siguro gutom na ang babaeng 'to.
"Belle, nandito na kami ni Rainiel sa cafeteria..."
"O sige, sige. Hinihintay ko pa si Paulter sa kaniyang locker room----" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mahagip ng aking mga mata ang imahe ni Vlad na papunta sa aking direksiyon. Napalunok na lamang ako sa mga oras na 'yun at saka nakita ang payak niyang ekspresiyon.
"Cornelia, pupuntahan namin kayo riyan ni Pau mamaya..." sabi ko na lang at mabilis binaba ang phone call.
"Vlad...."
"We need to talk about us..." sabi niya na hindi ngumingiti sa akin.
"Us? What do you mean? And we are talking right now.."
"I mean we have to talk privately. Baka may makakakita sa atin dito sa gym..."
"There's nothing for you to talk with my sister...." rinig ko bigla mula sa boses ni Paulter dahilan upang mapalingon ako sa kaniya.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko.." buwelta naman ni Vlad at saka masakit na tiningnan ang aking kakambal.
"Just leave her alone, will you? Baka sa kakadikit mo sa kapatid ko ay ito pa ang kaniyang ipapahamak! Alam mo namang bawal makipagrelasyon ang isang guro sa kaniyang estudyante, hindi ba? It is a forbidden act."
"Mahirap bang makiusap na kausapin ko muna ang iyong kapatid, Paulter? We just need a private conversation." sabi naman ni Vlad na mukhang mauubusan ng pasensiya.
Kailangan ko na silang patigilin dahil sa namumuong init at tensiyon sa pagitan nila. Baka magrarambol pa ang dalawa nang wala sa oras kapag ipinagpatuloy pa nila ang kanilang hidwaan!
"Pau, that's enough..." kalmado kong sinabi sa kaniya at saka hinawakan ang balikat nito. Agad naman siyang kumalma at saka napabuntong hininga. Ngunit pagkatapos 'nun ay nakita ko namang ibinalik niya ang mga tingin kay Vlad.
"Beanovelle, shall we have a talk for a moment?..." pakiusap ni Vlad ngunit agad naman akong umiling.
"Please, stop this." sabi ko at agad iniwas ang aking paningin.
"What do you mean? I thought you love me already..." pagsusumamo niya dahilan upang magulat ako. Alam kong ito na ang pag-uusapan namin kaya nilakasan ko na ang aking loob at sabihin ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya.
"What you think is wrong! I admit that I have a crush on you during our first met. Pero hanggang lang diyan, Vlad. I just infatuated you, not love. Hope you understand that." paliwanag ko at agad nakita ang pagkabigla sa kaniyang mukha.
"No, that's not true. Wala ka na bang nararamdaman para sa akin? Why can't I see your face blush anymore?" tanong niya na para bang nawawalan na ng pag-asa.
Muli akong umiling at saka tumingin sa kaniya. "I'm sorry, Vlad. There's nothing anything on us."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro