Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

[Chapter 4]


Nandito na kami sa loob ng auditorium at talagang maririnig mo ang mga iba't ibang ingay ng mga estudyante. Dito kami nina Cornelia at Rainiel na umupo sa left side malapit sa aisle. Pati ang sitting arrangement ay naka-grupo rin according sa curriculum. Kung ang SAC ay nasa left side, ang mga SSTC naman ay nasa right side. Ang SMBC naman ay nasa itaas kung saan talagang makikita nila ang malapad na stage ng auditorium sa kanilang harapan.

Mga ilang oras din ang nakalipas ay nakita na namin ang SSTC coordinator na si Ma'am Steffie na papaakyat ng stage at saka pumunta sa glass lectern. Kilalang strict and disciplinarian si Ma'am Steffie dahil siguro isa siyang matandang dalaga. Bihasa siya sa larangan ng chemistry kaya wala siyang inaawaan na mga estudyante kahit ma-fail pa ang mga ito. Pamatay din siya sa pagbibigay ng mga quizzes and exams at konti lang talaga ang nakakapasa. Agad siyang nagbigay ng pamatay na tingin sa amin hudyat na kami ay magsitahimik na.

"Good morning, students." intro niya.

"For this morning, we are going to have a school assembly regarding for the events that will happen by next month. So you must listen eagerly as our school principal himself will deliver his speech. Mr. Principal?" tawag ni Ma'am Steffie at agad namang tumayo ang aming school principal na nasa aming unahan at saka umakyat na sa stage. Nakipagtango pa si Ma'am Steffie sa kaniya bago makababa galing sa kaniyang kinatatayuan kanina.

Agad na ring nasa glass lectern ang aming principal, nakatingin sa amin na para bang nagbibigay ng signal upang tumahimik kaming muli. Nasa early 60's na siya at makikitang may mga puting buhok na ito at may puting bigote at balbas din. Kahit na matanda si Sir Bernas ay makikita mo pa rin sa kaniya ang kalakasan at katalinuhan sa pagsasalita sa harapan ng mga tao.

"Good morning my beloved students!" intro niya at agad naman kaming tumugon sa kaniya dahilan upang mapangiti siya. "For this morning, I would like to discuss for our most awaited event next month and I am very glad to announce that the three curriculums will unite as we welcome the Harrison Special Week that will be held on the first week of September..." 'Nang dahil sa sinabi ng aming principal ay samu't saring reaksiyon ang aking naririnig mula sa iba't ibang estudyante.

"For real?!"

"My gosh, it means makakasama natin ang SAC at ang SMBC on that event? Oh, please!"

"Makakasama natin ang taga-SSTC? Ang pa-plastic pa naman nila. Akala mo kung sino 'yung matatalino!"

"Ba't ba kasi may Harrison Special Week pa? Contented naman kami dati na per curriculum ang event!! Ayaw ko pa naman makasama ang mga taga-SMBC puro mga wierdo 'run eh!"

Iyan ang aking mga naririnig sa mga oras na 'yun. Kahit ako ay nabigla rin sa naging announcement ng aming school principal. Sino ba naman ang hindi magugulat dahil first time in history na magsasama ang three curriculums in one event. Sino kaya ang may pakana nito?

"Students, please keep quiet!" rinig namin mula sa school principal kaya agad na rin kaming tumahimik. Siniko ko naman si Rainiel sa aking tabi dahil nagrereklamo rin siya nang kung ano-ano against sa SSTC.

"I know you were all surprised because SSTC, SAC and SMBC have never been unified in terms of celebrating events inside our campus. But it made me think that what if this year is the right year for you to unify? I've heard some reports that you were all competing to each other and I don't know why you were all acting like that as if you were not a Harrison."

"Harrison High should uplift each others back, not to be treated as each competitors. Well, being competitive is not bad but competing with each other will only cause bitterness. Teachers?..." At agad tumingin sa mga guro kung saan sila nakaupo na nasa unahan lamang ng stage.

"I know you were tolerating your students and I would like to stop that kind of mindset. Teachers should teach good manners and right conduct but what have you done?" Nasa himig talaga ni Sir Bernas ang pagiging disappointed nito.

"Starting today, no more boundaries! There's no SSTC, SAC and SMBC. I want all of you to be a student of Harrison High! And I want all students to participate during the said event! This special week will test your team building, friendliness, hardwork, and dedication!" rinig namin at mukhang wala naman akong nakikitang objection mula sa mga students at sa mga teachers.

"Starting today, Mr. Avelino from the SAC Curriculum will be assigned to make five groupings from first year to fourth year students. The groupings are composed of three curriculums!" 'Nang dahil muli sa sinabi niya ay agad namang nag-ingay ang mga estudyante sa buong paligid.

"Hell, no! Hinding-hindi kami gu-grupo sa mga weirdo at walang asal na mga taga-SSTC!"

"What?! No, no!!!"

"Why are you doing this, Mr. Principal? Ugh! This is unbelievable!"

Rinig kong mga komento mula sa mga iba't ibang estudyante kaya pati na rin sina Cornelia at Rainiel ay mukhang hindi rin pabor sa naging desisyon ng aming principal.

"Shocks!! It's a big no for me! Okay lang sa akin na makahalubilo ang mga taga-SMBC but sa SSTC, shut my mouth muna ako ngayon!" rinig ko mula kay Cornelia habang nakatingin sa mga SSTC na mukhang nagkukulubot din ang mga mukha.

"Yeah, agree. Kahit ako ay hindi ko talagang bet makasama ang mga genius with no manners na katulad nila. Chaka ha!" dagdag naman ni Rainiel at agad ikinumpas ang dala niyang abaniko na kunwari ay naiinitan sa aming sitwasyon.

Napasapol naman ako ng aking mukha dahil sa totoo lang ay hindi ko rin gustong makahalubilo ang mga taga-SSTC lalong-lalo na sa mga batchmates ko noon. Naaalala ko na naman si Stella sa mga oras na 'yun at saka napalinga-linga sa kanilang area. Mabuti na lamang at nakita ko rin siya at mababakas mo talaga sa kaniyang mukha na hindi rin siya nasisiyahan sa kaniyang naririnig.

Wala namang naidagdag pang announcement si Sir Bernas kaya agad na siyang nagbitiw ng kaniyang closing remarks bago umalis sa lectern.

"Okay, students. As you have heard our school principal, the Harrison Special Week will likely to happen at the first week of September." sabi ni Ma'am Steffie nang siya'y bumalik muli sa glass lectern.

"Expect that the groupings will be posted at the main bulletin in Mendel Hall. Following announcements and activities will be announced as soon as possible. Is that clear?" dagdag niyang muli habang nakataas ang isa nitong kilay. Wala naman siyang narinig na anumang komento mula sa amin kaya agad siyang tumikhim at saka napatingin sa mga SSTC students.

"Alright! For the SSTC students, please kindly proceed to Mendel Hall. You are going to continue with your third period classes!" sabi niya dahilan upang mas lalong masira ang mga araw ng SciTeks.

"Hayss! Kahit kailan ang KJ ni Ma'am Steffie!" rinig ko sa ibang estudyante ng SSTC kaya bigla ko namang narinig ang pagtawa ng ibang SAC na nasa aking likuran.

"Karma is real! Ang aarte niyo kasi!"

"Yeah, yeah!"

"Ang hirap talagang maging SciTeks noh? Mabuti na lamang at lumipat ka sa aming puder, Belle. Sa SAC ay magiging masaya at makulay ang buhay mo!" sabi ni Cornelia at saka umakbay sa akin na parang isang tambay. Napatingin naman ako sa kaniya nang bigla namang hinablot ni Rainiel ang aking scarf dahilan upang tumabingi ako sa kaniyang direksiyon.

"Correct, sis. Malaking tumpak! It's good that you're here Bellie at hindi sa mga hambog na katulad na lang sa tabi-tabi..." dagdag pa ni Rainiel. Hindi ko naman sila masisisi kung ganyan ang kanilang feedback tungkol sa mga taga-SSTC. Kahit ako ay nakaranas din ng matinding diskriminasyon at bully 'nung ako'y nasa kanilang puder noon.

Natapos na rin sa wakas ang school assembly at ang auditorium ay puno muli ng ingay ng mga estudyante. Aalis na rin sana kami na mga taga-SAC kaso bigla ko na lang narinig ang boses ni Vlad sa microphone dahilan upang mapatingin muli ako sa lectern.

"Arties, please sit for awhile. I have some announcements for you.." ngiti niya.

"OMG! 'Di ba siya 'yung bago nating teacher sa Visual Arts? Ang pogi niya talaga I swear."

"Mukhang bata pa si sir. Ano kaya 'yung age niya? Hindi naman siguro magkakalayo 'yung edad natin sa kaniya, noh?"

"Nakakainggit naman 'yung Section Michelangelo dahil siya 'yung naging adviser nila. Hmmp!"

"Hindi naman siguro magtatagal dahil babalik pa naman si Sir Eric!" Ilan lang ito sa aking naririnig sa mga oras na 'yun at ang kanilang tinutukoy na section ay sa amin. Oo, class adviser namin for the meantime si Vlad habang nasa Paris ngayon si Sir Eric.

Umupo muli kami sa aming inuupuan kanina at saka napatingin kay Vlad na mukhang masaya ang araw na hindi ko alam kung bakit. May kinalaman kaya siya sa idea ng Harrison Special Week?

"Alright! Good morning, students. I would like to introduce myself again, I am Vladymhir Onyx Avelino but you can call me Sir Vlad, or Sir Avelino if you want. As a substitute of Sir Eric, I would like to announce regarding for the said project of SAC for the incoming event of Harrison Special Week. This project will be entitled as Harrison Wall Painting. As the title implies, we are tasked to paint the cemented walls before the opening of the said event next month. The walls that we are going to paint can be found at the inner back gate beside the gymnasium and the walls near the field and Gertrude Garden."

"All sections from first year to fourth year should do this task. But don't worry since each sections have already an assigned wall. For the first year and second year, you are going to paint at the inner back gate. Third year at Gertrude Garden and fourth year at the field. Are there any questions to be clarified?" tanong ni Vlad. Wala namang may nagsalita sa amin kaya nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

"And another thing for all third year students. Since I'll be handling you, I'm going to give your assigned walls in Gertrude Garden. So please, listen carefully..." At agad ibinuklat ang dala niyang notepad na ngayon ko lang napansin. Naghihintay naman kaming lahat sa kaniyang sasabihin.

"Section 3A- Michelangelo, the wall that you should paint is on the rear part of the Greenhouse C." rinig ko sa kaniya at bigla namang nagsitayuan ang aking mga balahibo at nararamdaman ang pagdaloy ng dugo sa aking pisngi. Natatandaan ko na naman ang nangyari sa amin kanina. Hays! Napailing na lang ako sa aking mga iniisip hanggang sa nararamdaman ko na lang ang pagsiko sa akin ni Cornelia sa braso.

"Belle, mukhang ito na talaga ang chance natin na makapunta sa Gertrude Garden! Matagal ko na talagang gustong makapunta 'run at mukhang tinugon na nga ni Lord ang aking panalangin. I love you na talaga, Sir Vlad! Mag-aaral na po ako nang maiigi for you!!" galak niya at agad naman akong napatawa dahil sa reaksiyon nito.

Mahilig talaga si Cornelia sa mga bulaklak o anumang mga ornamental plants. Kahit na sa kanilang apartment ay makikita mong may mga iba't ibang klaseng mga tanim ang naka-display at kahit mamahalin pa ang presyo at kapag bet niya ay talagang bibilhin niya ito. Noon pa man ay gusto niya talagang makapasok sa garden ngunit kailangan pa ng permission mula sa principal.

"And may I call an attention of Ms. Cornelia Angelique Licera, Mr. Rainiel Shaun Gonzaga and Ms. Beanovelle Ress Lunaire...." At pagkatapos 'nun ay muli akong napatingin sa kaniya sa stage ngunit bigla na lamang akong nagulat nang magtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako nang bahagya sa kaniya. Ba't naman kaya napa-special mention ang aming pangalan?

"Please kindly proceed to Sir Harold's office after this. He just wanted to have a talk with you guys." dagdag niya dahilan upang mapaisip naman ako sa mga sandaling 'yun. Never pa kaming napatawag na tatlo ng aming SAC coordinator. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Tungkol ba 'to sa aming grades? Hindi naman sana!

"And again, thank you so much for listening students. So, it's already 10 'o clock and I think you should proceed now to your respective classes. Anyway, to Section 3B- Da Vinci, please kindly pass your assignments to your class president. I'm gonna be late for ten minutes." sabi pa niya sabay ngiti. Pagkatapos ng announcement na iyon ay tuluyan na nga kaming tumayo at umalis mula sa aming pagkakaupo.

"Ano naman kaya ang pag-uusapan natin mamaya kay Sir Riche? Ano sa tingin mo baks?" tanong ni Cornelia bigla habang nakasimangot. Alam kong kapag grades na ang pag-uusapan ay talagang nangangamba na siya.

"Feel ko tungkol 'to sa ating grades.." tugon naman ni Rainiel dahilan upang mapatingin kami sa kaniya.

"Hoy! Huwag naman..." At agad namang humalakhak ang bakla saka pinisil pa ang mukha ni Cornelia. Kahit kailan kay hilig talaga ni Rainiel na asarin si Cornelia.

"Hindi naman siguro mababa ang mga grades mo, Cornelia. Remember sa Media arts, ikaw lang naman ang may pinakamataas na nakakuha ng grado 'nun. Siguro kailangan mo nang time sa pag-practice ng drawing at sketching..." sabi ko naman kay Cornelia habang pinapagaan ngayon ang kaniyang pakiramdam.

"Eh, sa Media arts talaga nag-eexcel si Cornelia eh. Ako naman sa Theatrical Arts ngunit talagang gifted talaga ako sa pagguhit at pagpinta.." pabirong tawa ni Rainiel at agad tumabi kay Cornelia upang pagaanin din ang pakiramdam niya.

"Baks, don't cha worry. We're here at your side. Tutulungan ka naman namin ni Bellie loves eh. At siyempre, tutulungan mo rin kami sa Media Arts. Alam mo namang hindi namin 'yan forte."

"Oo nga naman Cornelia. Tulong-tulong lang tayo sa pag-aaral upang hindi tayo mahirapan. 'Di ba sabi natin sabay-sabay tayong ga-graduate?" ngiti ko naman dahilan upang mapangiti rin sila sa akin.

"Tama si Bellie loves, baks. Kaya huwag ka na ngang sumimangot diyan. Ang arte mo minsan, ha?" tawa naman namin habang tinatahak na ang hallway papunta sa office ni Sir Harold Riche na nasa aming curriculum building malapit sa Mendel Hall.

Nasa third floor pa ang kaniyang office kaya gumamit na lang kami ng elevator para mapabilis ang pagpunta namin 'dun. Pagdating na nga namin sa third floor ay mabilis na naming tinahak ang hallway hanggang sa dinala na rin kami ng aming mga paa sa harapan ng malaking pintuan. Nandito na rin kami sa wakas sa labas ng office ni Sir Riche.

"Mabuti at nahabol ko rin kayo..." rinig namin bigla kaya mabilis din kaming lumingon upang makita kung sino ang nagsasalita.

"Sir Vlad?!" rinig ko mula sa dalawa kong kasama habang ako naman ay nakatulala pa rin sa pigura ng lalakeng 'to. Ba't naman kaya siya naparito?

"Uhm, sorry kung nagulat ko kayo. So, shall we?" sabi niya sa amin at saka binuksan na ang pintuan. Agad namang pumasok ang dalawa kong kaibigan hanggang sa kami na lang ang natira sa labas. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nanginig ang buo kong katawan at nararamdaman ang pagdaloy ng dugo sa aking pisngi. Teka, kinakabahan ba ako? At bakit naman?

Agad naman akong bumalik sa aking katinuan nang tawagin ako ni Vlad. Tumingin ako sa kaniya sa mga oras na 'yun at saka nakita na naman ang matamis niyang ngiti.

"Beanovelle?"

"Uhm, yeah." sabi ko na lang at saka tuluyan na rin kaming nakapasok sa loob ng office.

Nakita ko sina Cornelia at Rainiel na magkatabing umupo sa sofa na nasa harapang gilid ng table ni Sir Riche. May bakanteng sofa rin na nasa kanilang tapat kaya tumungo na rin ako 'run kasama si Vlad. Umupo kami sa left side ni Vlad habang ang dalawa kong kaibigan ay nakaupo sa right side. Halos mga five minutes ang aming paghihintay at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

"Uhm, nasaan kaya si Sir Riche?" halos pabulong na tanong ni Cornelia sa amin kaya napatingin na rin ako sa kaniya.

"He's gonna be here any moment. Mukhang may pinuntahan lang si Sir Harold." tugon naman ni Vlad at sakto namang nagbukas ang pintuan at niluwa nito ang pigura ng aming curriculum coordinator kasama ang secretary niya. Pagkita niya sa amin ay talagang nagulat siya ngunit ngumiti lang siya pagkatapos.

"Good morning, Sir Riche." bati naming tatlo sa kaniya. Umupo na rin siya sa kaniyang table at saka sinuot ang glasses upang kami'y salubungin.

"Good morning, good morning. Sorry if ngayon lang ako dumating. May pinuntahan pa kasi ako." sabi niya sabay tingin kay Vlad ngayon.

"Thank you for informing them, Mr. Avelino. If you mind puwede ka rin ba munang magstay dito? I have some concerns to clarify." 'Nang dahil sa sinabi niya ay mukhang wala namang magawa si Vlad. Tumango lang siya sa sinabi ni Sir Riche at saka napahalukipkip upang makinig sa kaniyang sasabihin.

"Okay. Sir Eric informed me na kayong tatlo raw ang ininvite niya regarding sa Interschool Culinary Art Workshop na gaganapin sa Carson High this coming Friday. But unfortunately, I pulled you out. You know why?" sabi niya dahilan upang magulat kaming apat.

"First, you are set to prepare regarding sa magiging project natin for the incoming Harrison Special Week and I believe Mr. Avelino had explained it to you awhile ago. We must prepare that task and dapat before the day of the said event ay tapos na tayo."

"I am not sure kung matutuloy pa ba ang pag-visit ng ibang teachers and coordinators sa iba't ibang schools. So kailangan nating maging prepared at ipakita ang inyong galing sa larangan ng Arts." dagdag naman ni Sir Riche dahilan upang mapasinghap naman si Cornelia sa kaniyang narinig.

"Wait, sir. Pupunta rito ang mga teachers sa iba't ibang schools? For what reason naman po?"

"Well, for some observation and evaluation sa ating school. Sumabay kasi ang evaluation at saka ng ating Harrison Special Week. And wait, eto pa ha. As I have heard from our school principal kanina baka bibisita rin dito ang mga University professors galing Amerika. Kaya kung ako sa inyo ay paghusayan niyo nang mabuti dahil malay niyo naman, baka ma-recruit kayo agad ng kanilang university." masayang ibinahagi naman 'yun ng aming coordinator kaya hindi rin naming mapigilang ngumiti.

"Second, I've seen a great potentials on you three based sa inyong academic performance. We have that kind of niche or forte on each of us and I think you three are fitted to be chosen to participate in the International Arts Olympic that will be also held during our Harrison Special Week."

"Huh?!" sabay naming sinabing tatlo kahit si Vlad ay nagulat din dahil sa sinabi niya.

"Uh, wait sir. Meaning dito rin gaganapin ang International Arts Olympic? I thought it will be held in Paris?"

"I also thought that, Mr. Avelino. But Sir Eric informed us na dito na lang daw gaganapin ang Arts Olympic. Don't worry dahil sa Brunelleschi Art Center naman gaganapin 'yun."

Ang Brunelleschi Art Center ay ang extension ng Harrison High-SAC Curriculum kung saan dito isinasagawa ang mga iba't ibang art activities ng mga estudyante at ito rin ang naging campus ng mga fourth year students. Hindi naman ito masyadong malayo sa Harrison High kaya lang kapag may mga events na gaganapin sa auditorium ay talagang ba-biyahe pa sila papunta sa main campus. Kaya excited na rin akong mag-fourth year dahil gusto ko talagang makapasok 'dun.

"You will be excused when that day comes. The Harrison Special Week celebration will only take seven days and when the fourth or fifth day comes ay e e-pull out na namin kayo sa inyong mga respective groups para sa preparation."

"I know you're good in editing and doing graphic arts, Ms. Licera. And I want you to participate together with the graphic senior team. While you Mr. Gonzaga you're going with the theatrical team. Baka sa dugo mo talaga ang magaling sa pag-arte and I found out that you were really good on it. You are going to practice starting next week. Don't worry kapag may practice kayo ay excuse ka na agad sa iyong klase." imporma ni Sir Riche kaya nakikita ko sa dalawa na talagang masayang-masaya sila sa kanilang narinig.

"And you, Ms. Lunaire....." Napalunok na lang ako bigla nang banggitin ni Sir Riche ang aking pangalan.

"You are a former SSTC student and can you tell me why you decide to transfer here? Sabi nga nila ang mga SSTC students are highly intelligent in terms of science and technology." 'Nang dahil sa tanong niyang 'yun ay bigla na lamang nanigas ang aking katawan. Walang salita na lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung bakit napipipi ako everytime kapag ito na ang naging tanong sa akin.

Sa totoo lang, wala akong concrete reasons kung bakit gusto kong lumipat sa SAC. Dahil ba sa binu-bully ako noon? Dahil ba sa mas mahina ako compared kay Paulter? At dahil ba sa pinanggagawa sa akin noon ni Stella at ng kaniyang alipores? Actually isa iyon sa naging rason ko ngunit may mas higit pa 'run. Agad naman akong sumulyap kay Vlad sa mga oras na 'yun at nakita kong nakatingin na rin siya sa akin.

"Actually, there's a person who really changed my perspective in life.." intro ko at saka ibinalik ang paningin sa aming coordinator.

"I like science but I really love art. Art is my passion. As long as can still breathe, I wanted to do things that my heart really wants. And that person had changed my view in life that we have to follow our hearts and hear every word it says. And in that way, happiness is always in our side." sabi ko habang nakangiti.

Agad naman akong tumingin sa aking mga kaibigan na mukhang masaya sa aking rason hanggang sa dumapo na rin ang aking paningin kay Vlad na talagang masayang-masaya dahil iyon ang isa sa mga kataga niya noon na hinding-hindi ko makakalimutan.

Nakita ko namang tumatango si Sir Riche sa aking sinabi at saka napangiti habang ngayo'y nakatingin sa amin ni Vlad.

"Alright! Mr. Avelino, I want you to accept Ms. Lunaire in the fine arts team. Make sure that you have to practice before the event starts. I think an artist who have a greater passion of what he does will surely claimed of what he desires. And that's the spirit that I wanted to hear from you, Ms. Lunaire. Greater desires easily got triumphs and I know that you will gonna do your best when the competition starts. Good luck and God bless, Art Olympians!" galak ni Mr. Riche sa amin at saka tumayo bigla sa kaniyang upuan.

Napatayo na rin kami pagkatapos 'nun at talagang masayang-masaya dahil kami ang napiling tatlo upang makipag-compete sa art olympics kasama ang aming bagong team.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro