Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

[Chapter 3]


"Belle!" rinig kong tawag ni Paulter habang ako'y nasa labas na ng aming tahanan. Sinundan niya pala ako ngunit hindi ako kumibo. Patuloy pa ring tumutulo ang aking mga luha at mabilis ko naman 'yun inalis dahil baka may makakita sa akin. Papalabas na rin ako ng gate nang bigla niyang hinawakan ang aking braso.

"Teka, Belle. Sandali." sabi niya kaya agad akong lumingon at nakita ang nag-aalala niyang mukha.

"I'm sorry." usal niya dahilan upang kumunot naman ang aking noo.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang iyong nararamdaman para sa akin. Patawad kung nasaktan kita. Hindi lang man kita ipinagtanggol kay papa kanina. Isa akong duwag na kapatid." sabi niya at agad binitawan ang aking braso. Napayuko siya sa aking harapan at mukhang nahihiya na rin sa mga oras na 'yun.

"Ba't ka naman nagso-sorry? Ano ka ba naman? Wala naman 'yun sa akin at saka wala ka namang kasalanan." sabi ko naman sa kaniya at saka ngumiti nang marahan.

"Mabuti pa't bumalik ka na sa loob baka papagalitan ka pa ni papa mamaya. I'm going to be okay kaya kailangan ko nang umalis." dagdag ko pa at agad tinapik ang balikat nito. Kailangan ko nang umuwi dahil may gagawin pa ako. Gabi na kung tutuusin kaya magta-taxi na lang ako pauwi.

"No. I need to bring you back sa iyong apartment. Delikado na ngayong gabi." sabi niya pa ngunit pinigilan ko siya.

"No, Paulter. Alam mo namang mainit ang mga mata sa akin ni papa. Kapag nalaman niyang hinatid mo ako ay talagang magagalit 'yun." sabi ko ngunit mukhang hindi siya kumbinsido.

"No, Belle------"

"Pau, I insist. Please, don't make this worse. I beg you..." sabi ko sa kaniya dahilan upang hindi na niya matapos ang kaniyang sasabihin. Sa huli ay huminga na lamang siya nang malalim at sa hindi inaasahan ay agad niya ako niyakap nang mahigpit.

"I'm so sorry...." usal niya dahilan upang tapikin ko ang kaniyang likuran.

"There's no need for you to feel sorry, Pau. Please take care of them always..." sabi ko na lang at agad kumalas mula sa aming pagkakayakap. Ngumiti siya sa akin nang marahan at saka ginulo pa ang aking buhok na parang isang bata. Sa totoo lang naninibago ako sa kaniya ngayon. Hindi naman siya ganito noon at sa totoo lang hindi rin kami gaano nag-uusap katulad ngayon.

Tuluyan na rin akong nakalabas ng gate at agad kumaway sa aking kakambal habang siya'y nagbabantay sa aking pag-alis. Mabuti na lamang at may taxi akong nakita kaya pumara na ako at saka tuluyan na ring umalis mula sa lugar na 'yun.

Habang binabagtas ang kalye na aming nadadaanan ay agad kong natatandaan na may bibilhin pa akong poster color paint na gagamitin ko para sa aking project. Bukas pa sana ako bibili ngunit dahil nandito na naman ako ay ngayon na ako siguro bibili. Agad kong sinabihan si manong driver na tutungo na lang kami sa department store at 'dun na lang ako bababa.

Mag-aalas siete na ng gabi at katatapos na akong bumili ng poster color paint. Bumili na rin ako ng bagong sketchbooks, pencils, at paint brushes para hindi na ako bibili by next week. Agad akong namahinga nang malalim habang nakikita ang mga taong nagsasaya habang bumibili ng mga pagkain sa mga food stalls na nakahilera sa gilid ng park. Magkatapat lang kasi ang department store at saka ng park at sa mga oras na 'yun ay nandito ako nakatayo sa labas ng store.

Hindi ko alam ngunit nakatulala lang ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na bumibyahe ngayon sa daan. Patuloy ko pa ring naaalala ang mga nangyari kanina lalong-lalo na ang mga binitawang salita ni papa para sa akin. Bumigat tuloy ang aking dibdib at mukhang iiyak na naman ako sa mga oras na 'yun. Ba't ko naman naaalala ang mga nangyari kanina? Agad akong umiling sa aking mga iniisip at saka lumakad na lang upang tumawid sa kabila.

Marami akong nakikitang mga pagkain sa mga food stalls katulad na lang ng fries, fish balls, kwek-kwek, kikiam, at iba pa na talagang magpapatulo ng iyong laway. Ngunit habang ako'y nakatingin nang matagal sa mga ganito ay mukhang nawalan na agad ako nang gana at hindi ko naman maintindihan kung bakit.

"Miss, ano pong bibihin niyo?" tanong bigla sa akin ng tindera ng fish balls ngunit ngumiti na lamang ako sa kaniya at saka umiling senyales na hindi ako bibili.

Pumunta na ako sa park at makikitang maraming mga tao ang namamasyal at nakapag-picture sa mga magagandang displays. Marami ring mga nagkikislapang mga ilaw sa paligid at halos ang mga pumupunta roon ay ang magkakabarkada o 'di kaya'y ang magkasintahan na masayang nagde-date ngayon.

Agad na akong pumunta sa swing upang umupo muna at magmumuni-muni. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip sandali. Marami na 'ata akong ginawa lately kaya hindi ko ring maisip na mag-unwind muna. Habang ako'y nakatulala sa kawalan ay agad kong nararamdaman ang mga yabag papunta sa aking direksiyon. Hindi ko na 'yun pinansin pa baka bata lang 'yun na gustong mag-swing katabi sa aking inuupuang swing.

"Hindi talaga mawawala ang pagiging deep thinker mo.." rinig ko mula sa taong 'yun dahilan upang ako'y magitla. Dahan-dahan naman akong tumingin sa taong 'yun at sa hindi inaasahan ay nakita ko naman siya ulit sa ikalawang pagkakataon.

Nakita ko naman ang palangiti niyang mukha at sa simpleng ngiti niya ay agad nawawala ang aking mga iniisip sa mga oras na 'yun. Ba't kaya siya bumalik? Ano naman ang pumasok sa kaniyang isipan kung bakit sa Harrison High pa niyang gustong magturo?

"Here, take this..." sabi pa niya at saka ibinigay sa akin ang isang plastic cup na naglalaman ng fish balls. Napatulala naman ako sa kaniyang ginawa.

"Alam kong gusto mong kumain niyan kaya binilhan kita." dagdag niya at saka ngumiti ulit sa akin. Hindi ko alam ngunit automatic ko namang kinuha ang binili niyang fish balls habang nakatingin pa rin ako sa kaniya. Magdadalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang aking paghanga sa kaniya.

Naaalala ko noon 'nung ako'y nasa SSTC pa lang, thirteen years old, si Vlad na mismo ang aking inspirasyon upang i-pursue ang aking passion sa larangan ng fine arts. Isa kasi siyang fine art student na nag-aaral sa college at habang siya'y nag-aaral ay nagsa-slide line din siya as art curator at painter. Marami na siyang experience sa ganitong larangan kaya siya ang naging inspirasyon ko at ang dahilan kung bakit ako lumipat sa SAC after a year.

"Kamusta?" tanong ko sa kaniya bigla

"Heto, masaya dahil nagkita tayong muli. Hindi ko rin inaasahan na lumipat ka talaga ng SAC. I am really happy for you, Beanovelle." ngiti niya dahilan upang mapangiti na rin ako.

"Sorry, if hindi ako nagpaalam sa'yo nang personal. It's urgent kasi 'nung time na 'yun kaya wala na 'kong time upang makipagkita pa sa'yo. But to tell you the truth, I regret it. Mas maganda talagang magpaalam sa'yo nang harap-harapan." dagdag pa niya habang unti-unting naging seryoso ang mukha nito.

Naaalala ko na naman ang mga araw na 'yun kung saan ay naging exchange student siya ng Royal College of Art sa London. Isang malaking karangalan iyon na mapili upang makapag-aral 'dun ngunit huli ko lang nalaman na siya'y binigyan ng ganoong opportunity at ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya pa sinabi sa akin nang mas maaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang aking nararamdaman. Sa totoo lang ay may parte sa aking puso na napunit at hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ulit.

"It's okay. I know you are striving to reach that goal and I think you deserved it. After all, you are one of the most talented artist that I know. I hope I can reach that kind of achievement one day.." sabi ko na lang sa kawalan at saka napabuntong hininga.

"Just trust the process, Beanovelle. Maaabot mo rin ang iyong mga pangarap balang araw. Just do your thing and God will do the rest." rinig ko mula sa kaniya at agad napatingin nang diretso sa mga mata nito na kumikinang dahil sa mga repleksiyon ng mga lights sa paligid. Sa mga oras na 'yun ay parang gumaan agad ang aking pakiramdam. Kahit kailan ay palagi niyang pinapagaan ang aking mga mabibigat na nararamdaman.

Ngumiti naman ako nang palihim at agad kinain ang fishballs na binigay niya sa akin. Marami na talagang mga tao ang nagliliwaliw ngayon sa aming paligid. Halos ay puro kasing edad ko lang at mukhang makikita mong masaya sila sa kanilang mga pinag-usapan.

"Kamusta naman kayo ni papa mo? Okay lang ba sa kaniya na lumipat ka ng SAC?" tanong niya bigla kaya agad naman akong tumingin sa kaniya.

"No. He's not okay but I'm okay with it. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya pa rin matanggap ang aking desisyon." tugon ko at agad bumuga nang hininga na parang bang pinalalabas ko ang lahat ng negativity sa aking katawan.

"Mahirap sundin ang expectations ng ating mga magulang but you tried to become different and make your own path. I am happy that you already make your decision.." ngiti niya.

"Balang araw ma-realize din ni papa mo kung bakit mo ginawa 'yun. Sino ba naman ang mga magulang na hindi masaya kapag nakikita nilang masaya ang kanilang mga anak, 'di ba?" dagdag pa niya.

"I hope so. Sana nga dumating ang araw na 'yun." sabi ko na lang habang ngumunguya ng fish balls.

Sana nga dumating ang araw na matatanggap na ni papa ang aking desisyon, ang aking mga pangarap. Alam kong matagal pa 'yun mangyayari kaya kailangan kong ipakita sa kaniya na determinado ako at gustong-gusto ko ang aking mga ginagawa.

"Gumagabi na kailangan mo na sigurong umuwi." sabi niya bigla at agad tumayo mula sa kinauupuan nitong swing. Nabigla naman ako sa kaniyang sinabi at mabilis na inubos ang fish balls. Oo nga. Gumagabi na at may gagawin pa akong mga assignments!

"Ihahatid na kita sa iyong apartment..."


*******

Ayaw ko sanang magpahatid kaso mapilit talaga si Vladymhir. Nakatayo na kami ngayon sa harap ng aking apartment at mabilis ko namang kinuha sa kaniya ang binili kong mga gamit dahil siya mismo ang nagpupumilit na magbit-bit niyon.

"Thanks." sabi ko na lang at ngumiti naman siya sa akin.

"There's nothing to be thanked of. Ako naman ang nag-insist na ihatid ka rito." At agad ginulo ang aking buhok dahilan upang tapikin ko papalayo ang kaniyang kamay ngunit tumawa lang siya.

"Anyway, I hope to see you tomorrow sa greenhouse ng Gertrude Garden by 7:30 o'clock. Huwag kang magpapa-late ha?" dagdag pa niya dahilan upang magulat ako.

"Huh? Teka, ba't naman 'dun? At saka anong gagawin natin 'dun?"

"May mga nakikita akong mga sketches mo na hindi masyadong consistent ang mga details and we need to work it out if gusto mong maging isang magaling na artist. I'll give you some tips and notes upang ituwid ang mga errors mo regarding 'dun. Actually mga 9 o'clock pa naman magsta-start ang inyong first period for tomorrow." tugon niya dahilan upang mapasimangot ako. Sayang! Mukhang hindi ako makakatulog nito nang mas matagal.

"Wala ka nang choice dahil ako pa rin ang masusunod. And by the way, dahil ako na ang guro mo ngayon ay tatawagin mo na akong sir, is that clear?" tawa niya ngunit siningkitan ko lang siya pagkatapos 'nun.

"Oo na, sir? O, okay na ba? Huwag mo namang masyadong galingan baka hindi na babalik si Sir Eric galing Paris." tawa ko naman at agad naaalala na isa ring magaling na artist ang guro kong 'yun. Sa pagkakaalala ko, pareho rin silang exchanged student sa Royal College of Art ngunit mas nauna lang si Sir Eric sa kaniya ng isang taon.

"Baka nga hindi rin siya babalik dito kasi dream country niya 'yung France. O, siya. Kailangan ko nang umalis dahil may pupuntahan pa ako. Matulog ka nang maaga ha?" sabi niya ngunit bago siya lumayo ay agad naman akong napatanong.

"Uhm, saan ka pupunta?"

"May dinner kami ngayon with the faculty sa bahay ng ating school principal. I don't know kung ano ang magiging flow ng meeting namin mamaya but I guess the meeting was all about sa Harrison Special Week na gaganapin for this coming next month ayon sa aking naririnig kanina." salaysay niya.

"Harrison Special Week? Teka, what do you mean? Kasi as far as I know eh by curriculum ang pagce-celebrate ng mga special weeks for this coming September. Like SAC Curriculum Week, SSTC Curriculum Week, and SMBC Curriculum Week..." paliwanang ko naman sa kaniya.

"Ang boring naman kung ganun. Kaya siguro hindi masyadong nagkakahalubilo ang mga estudyante sa bawat curriculum ng school dahil sa social barriers. Mas maganda kung makikita ang kagalingan ng curriculum sa iba't ibang events na gaganapin sa September. First time ko sigurong makikita na makikipaglaban ang SAC against SSTC against SMBC sa isang Palo-Sebo." ngiti niya dahilan upang kumunot ang aking noo sa huli nitong sinabi.

"Palo-Sebo? Ano 'yun fiesta?" tawa ko at agad naman siyang natawa sa pinagsasabi niya.

"Biro lang 'yun. O, sige. Mauuna na ako baka ma-late pa ako sa aming dinner!" sabi niya at saka tumalikod na sa akin.

"Ingat!" At agad kumaway sa kaniya habang tinatanaw siyang papunta sa kaniyang kotse. Nakita ko naman ang mga ngiti niya nang magtama ang aming mga mata at agad na niyang pinaandar ang kotse nito.

Huminga na lang ako nang malalim at nakita na umalis na siya nang tuluyan sa harap ng aking apartment. Sa totoo lang masaya ako ngayon dahil nakita ko ulit si Vlad sa halos dalawang taon without communication at walang assurance kung makikita pa ba kami ulit. Kaya nga talagang nagulat ako 'nung magpakita siya sa akin sa Harrison High.

Agad akong napatingin sa aking relo at bumilog bigla ang aking mga mata dahil magaalas-otso na pala. Naku, kailangan ko nang pumasok dahil may tatapusin pa akong mga gawain!

BWOK-BWOK-BWOK-BWOK-BWOK!!!!

Rinig ko sa chicken ringtone ng aking cellphone kaya agad kong kinuha 'yun at saka pinatay. Alas sais y media na nang umaga kaya kailangan ko nang bumangon at maghanda ng aking agahan. Ayaw kong magpa-late mamaya baka magtampo si Vlad if hindi ako makakarating before ng 7:30 o'clock sa Gertrude Garden.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong naghanda ng aking agahan. Nagprito lang ako ng scrambled eggs with sliced hotdogs para sa magiging palaman ng toasted pan bread ko. Gumawa ako ng dalawang sandwich dahil ibibigay ko rin ang isa mamaya kay Vlad. Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong nagbihis ng aking uniform at tuluyang umalis ng apartment.

Nakarating na rin ako sa wakas ng Harrison High at saka mabilis na tinahak ang daan upang makarating sa aming tagpuan. Habang naglalakad papunta 'run ay agad namang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko naman 'yun at saka napangiti habang naghihintay sa sasabihin ni Cornelia.

"Goooood moooorneeeng! Mabuti na lang at napaaga ang pagtulog ko kagabi. O, ano na? Sabay na lang tayong papasok mamaya? Hihintayin na kita sa gate para sabay na rin tayong pumasok ni Rainiel."

"Huwag niyo na akong hintayin pa dahil nandito na ako ngayon sa Harrison."

"What? 'Yung totoo? Masyado ka ring excited noh? Eh, mamayang 9 o'clock pa 'yung klase natin sa Literary Arts!"

"I know. May gagawin pa kasi ako eh. O, siya. Ibababa ko na 'to ha? Bye!"

"Wait--------" Agad ko nang pinutol ang aming pag-uusap ni Cornelia dahil papalapit na rin ako sa Gertrude Garden ng school. Ang garden ay matatagpuan lang naman malapit sa Brandis mini forest ngunit hindi ito masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil kailangan pa ng permission galing sa principal.

Bago pa ako makatapak ng garden ay agad akong tumigil nang may taong pumigil sa akin. Napalingon naman ako at nakita ang isang gardener na papalapit sa akin bitbit ang kaniyang hand trowel.

"Hija, alam mo namang bawal ang pumasok dito. May permission letter ka ba?" tanong niya dahilan upang mapakamot ako sa aking batok.

"Ah, eh. Pinapunta kasi ako rito ni Vlad, uh I mean ni Sir Vladymhir Avelino. Actually, kahapon-----"

"Ah, ikaw ba si Beanovelle Lunaire?" tumigil naman ako nang banggitin niya ang aking pangalan.

"Uh, opo. I'm Miss Lunaire and I am a student of Sir Avelino."

"O, siya. Puwede ka nang pumasok rito. Alam mo kanina pa siya nandun sa loob ng greenhouse at mukhang may ginagawa. Mukhang kailangan mo nang pumasok 'dun." sabi naman ni manang gardener kaya agad na rin akong tumango sa kaniya at saka na umalis papunta sa greenhouse. Mga 7:20 o'clock pa naman ngunit nandito na siya. Ano kaya ang kaniyang ginagawa?

Pagpasok ko sa loob ng greenhouse ay agad akong namangha sa aking nakikita. Marami nga talagang mga bulaklak ang nakatanim at makikitang organized ang pagkakalagay sa loob. Lahat ng mga Marigolds ay nakalagay sa bandang kanan habang ang mga Chrysanthemums ay nasa kaliwang banda naman. Hindi ko na pinangalanan ang iba dahil napakarami talagang mga bulaklak ang inaalagaan dito.

"Finally, you already here." rinig ko mula sa aking likuran. Mabilis naman akong lumingon hanggang sa nakita ko si Vlad na nakatayo habang may bitbit itong Dahlia na kulay pink. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa aking kalamnan hanggang sa makalapit na rin siya sa akin at agad binigyan ng bulaklak. Mukhang napako naman ako sa kaniyang ginawa. Huh?

Nakasuot siya ngayon ng polo na kulay light blue at saka naka-rolled sleeved pa. Naka-maong pants rin siya with matching white shoes. Sa totoo lang napakalinis niyang tingnan. Kahit ano naman ang kaniyang susuotin ay bagay na bagay naman sa kaniya. Nagkatitigan lang kami sa mga oras na 'yun at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Bakit naman niya ako bibigyan ng bulaklak?

Agad namang naputol ang ganoong eksena nang tumikhim siya at saka binuksan ang notebook na hawak-hawak niya pala sa kaniyang kaliwang kamay. Mabuti naman at gumalaw na rin siya. Nakita ko na lamang nang nilagay niya doon sa loob ng notebook ang Dahlia at saka isinara na rin ito. Ngumiti siya sa akin at agad ibinigay sa akin notebook.

"Here...."

"Uh, ano pala....'to?" sabi ko habang nararamdaman pa rin ang kakaibang damdamin na nababalot ngayon sa buo kong katawan.

"It's my notes. Kailangan mo 'yan pag-aralan upang makapag-practice ka ng sketching. I hope makakatulong 'yan sa 'yo." ngiti niya at saka ibinaling ang aking mga mata sa notebook na hawak-hawak ko ngayon. Ibinuklat ko muli ang notebook na iyon at agad nakita ang Dahlia na mukhang naka-flattened na sa pagitan ng mga pahina. Muli kong sinulyap si Vlad ngunit nagulat na lamang ako nang tumalikod siya at mukhang lalabas ulit.

"Uhm, why are you giving this Dahlia?" sinikap kong makapagsalita sa mga oras na 'yun ngunit hindi ko pinahahalata sa kaniya na kinakabahan ako. Agad din siyang lumingon sa akin at saka diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"It's my expression towards you." sabi niya sa akin ngunit kumunot lamang ang aking noo.

"Uh, wait I don't understand-------"

"You should go now.." singit niya dahilan upang hindi ko matapos ang aking sasabihin.

"Mamayang 9 o'clock ay may school assembly na gaganapin sa auditorium. So may time ka pang basahin ang notes na ibinigay ko sa'yo." dagdag niya dahilan upang mapalitan ng pagkagulat ang aking nararamdaman ngayon.

"School assembly?" At agad din siyang tumango sa akin.

"Sa totoo lang ay wala tayong permission letter galing sa principal na pumunta rito. Mabuti na lamang ay napapayag ko si manang na bigyan tayo ng 30 minutes. Sige na, you should leave now. May tatapusin lang akong painting sa labas." ngiti niya at saka iniwan ako sa loob, nakatulala. Agad ko namang kinuha ang Dahlia mula sa notebook na iyon at saka napangiti nang marahan dahil first time kong makatanggap ng bulaklak mula sa kaniya.


*******

Nandito ako sa canteen habang nagbabasa ng mga notes na ibinigay ni Vladymhir kanina. Mag-aalas otso na kaya dito lang ako nakatambay habang hinihintay sina Cornelia at Rainiel. Bumili lang ako ng lemonade at saka kinain na rin ang dinala kong sandwich na hindi ko ibinigay kanina kay Vlad. Ano ba kasi ang pumasok sa kaniyang isipan kung bakit binigyan niya ako ng bulaklak?

Mabuti na lamang at dalawa lang kami ang nandun sa Gertrude Garden. Mahirap na baka may makakita sa amin na ibang estudyante at pag-uusapan pa kami. Mabilis pa namang kumalat ang balita.

"Beanovelle!!!" rinig ko mula sa aking likuran. Mukhang nandito na ang mga matalik kong kaibigan. Mabilis naman silang umupo sa aking tabi at saka nilapag ang mga bag nila sa mesa.

"Talaga bang may school assembly mamaya? Kung ganun ay wala tayong klase mamaya kay Ma'am Shayne. I'm so happy!" galak ni Cornelia at agad sinuklay ang buhok nito.

"Mabuti na lamang at nag-message ka sa ating group chat! At least naman ay ma-remind mo kami na may gaganaping event later. Teka naman baks, kay sino mo naman nalaman 'yan ha?" tanong ni Rainiel habang naglalagay ng powder sa kaniyang mukha.

"Uhm, mula kay Vlad, I mean mula kay Sir Avelino pala..." tugon ko sa kanila at nakita ko namang tumaas bigla ang mga kilay nila.

"Teka, siya ba 'yung gwapong teacher natin na papalit muna kay Sir Eric for the meantime?" tanong naman ni Cornelia at saka nag-spray ng kaniyang perfume sa kaniyang balikat.

"Oo, baks! Ay, alam mo ba, 21 years old pa lang si Sir Vlad. 'Di ba? Ang bata-bata pa. At saka sa pagkakarinig ko ha ay naging exchange student din siya ng Royal College of Art sa London katulad ni Sir Eric. Bongga rin niya noh? I wonder if my girlfriend na siya." sabi naman ni Rainiel at agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Feel ko baks, 100 percent may girlfriend na 'yan! Kahit e pusta ko pa 'yung baon ko ngayon na wan payb!" galak naman ni Cornelia dahilan upang mapahalukipkip ako sa kaniyang harapan.

"Hindi 'yan totoo, ano ba kayo?" sabi ko at agad din silang napatingin sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha. Hindi ko kasi mapigilang magsalita tungkol sa kanilang mga pinag-iisip. Huminga na lamang ako nang malalim sa mga oras na 'yun at agad ding nagsalita.

"Well, look. Oo, gwapo nga naman si Sir Avelino but I don't think may girlfriend na siya since he was very busy at may inaatupag na ibang bagay. Same also with Sir Eric. 'Di ba wala pa naman siyang girlfriend?" sabi ko na lang.

"Kung sa bagay. Tama ka nga. Mga ganung tipong mga lalake ay hindi agad-agad magkaka-love life. Mabuti lang talaga at wala pang girlfriend si Sir Eric alam niyo namang crush ko 'yun eh!" hagikgik naman ni Rainiel dahilan upang mapatawa naman kami ni Cornelia sa kaniya.

Patuloy lang ang aming chikahan dito sa loob ng canteen hanggang sa dumako ang aking paningin sa labasan at agad nakita si Paulter. Kasama niya ang ibang teachers na mukhang busy na nakikipag-usap sa kaniya. Nakita ko rin si Stella na mukhang wala sa mood habang nakabuntot sa kanilang likuran. Saan kaya sila pupunta ngayon? Hindi ba sila a-attend ng school assembly mamaya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro