Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

[Chapter 2]


Nandito kami ngayon sa Harrison Brew habang hinihintay ang aming club president. Katatapos lang ng aming last period of class kaya dumiretso na kami agad dito as per club president's permission. Hindi ko alam kung bakit kaming tatlo lang nina Cornelia at Rainiel ang ipinatawag. Bumili lang kami ng apat na Iced Americano at saka anim na Croissants para may silbi naman kaming tatlo rito dahil alam naming matatagalan ang aming paghihintay.

Halos 30 minutes ang aming paghihintay at mabuti na lamang ay dumating na rin sa wakas si Michael, ang aming Arts Club President. Dali-dali siyang pumunta sa aming puwesto at nakiupo sa aking tabi. Mababakas mo talaga sa kaniyang mukha na siya'y nagmamadali at mukhang pawis na pawis din.

"Akala namin ay hindi ka na makakapunta rito Mike-senpai! O, heto oh. Binilhan ka na rin namin ng Iced Americano at saka croissants. Mag-miryenda ka muna habang nagsasalita." pabirong sinabi ni Rainiel dahilan upang mapangiti sa amin si Michael.

"Naku, pasensiya na guys if na-late ako ng dating. Actually kanina pa tapos ang aming klase but teacher Lilay called me at saka pinapunta ako sa kaniyang office for the upcoming publications of the school." sabi niya at agad uminom ng iced americano na ibinigay namin.

"Hays, iba talaga kapag talented. O, heto pa huwag ka nang mahiya kumain ka lang nang kumain dahil ako naman ang bumili niyan..." tawa naman ni Rainiel habang binibigyan pa ng natirang croissants si Michael. Napatawa naman kami ni Cornelia sa kaniyang ginawa.

"Kailangan eh. Siyempre nasa fourth year na ako kaya kailangan ko nang matinding kayod para sa aking mga pangarap. Hindi niyo ba alam, kapag nagkaroon kayo ng recognition award 'pag kayo'y gumadruate ay bibigyan kayo ng malaking opportunity at hahanapan pa kayo ng magagandang universities sa ibang bansa lalo na sa Europe?"

"For real?!" sabi naming tatlo na aming ikinagulat bigla. Tumatango naman si Michael sa amin habang kumakain ng croissant.

"Omo!!! Pangarap ko pa namang makapunta sa mga European countries lalong-lalo na ang France at Spain! Mukhang ito na ang hinihintay ko na sign na mag-aral nang mabuti upang makamit ang recognition award na 'yan!" ngiti ni Cornelia at feeling lumulutang ngayon sa ulap dahil sa mga iniisip nito.

"Ako naman ay gusto kong makapunta sa United Kingdom at makapag-aral din 'dun. At saka gusto ko ring makapag-perform sa The Globe Theater sa London! Naku, naman! Mukhang kailangan na rin nating kumayod mga baks!" dagdag naman ni Rainiel at saka tumawa.

"Walang imposible basta sa pangarap guys. Libre naman 'yun eh. At saka alam kong makakamit niyo 'rin yun balang araw. Oh, wait before I forgot....." sabi ni Michael at agad may kinuha na bagay mula sa pocket square na nasa loob ng kaniyang blazer. Napatingin naman kaming tatlo 'nang ilapag niya ang tatlong invitation cards sa mesa.

"Here's the invitation for you three para sa incoming Interschool Culinary Art Workshop na gaganapin sa Carson High. I don't know kung bakit kayong tatlo lamang ang napili but Sir Eric was expecting you to accept his invitation. Don't worry dahil exempted naman kayo sa darating na periodical examinations." pahayag ni Michael dahilan upang mapanganga kami sa aming narinig.

"Culinary? Magluluto kami ganun? Hindi ba puwedeng kumain lang ako 'run?" bulalas naman ni Rainiel at agad ininum ang kaniyang iced americano. Kahit kami rin ni Cornelia ay talagang nagulat dahil sa pag-imbita sa amin ni Sir Eric for the culinary workshop.

"Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano magluto. Ngunit kapag tinanggap natin ang invitation ay exempted naman tayo sa darating na exams kaya pumapayag na ako!" desididong sinabi ni Cornelia at saka itinaas pa ang kamao nito sa ere na nagpapakita ng pagsang-ayon.

Kahit kailan ang tamad mag-aral ng babaeng 'to. Kung sa bagay may point naman siya at saka gusto ko ring subukang magluto ng iba't ibang dishes na hindi ko pa niluluto. Marunong naman akong magluto simula 'nung tumira akong mag-isa sa aking apartment. Hindi ko masasabing independent na ako dahil binibigyan pa rin ako ng pera ni mama at hindi 'yun alam ni papa.

Wala namang magawa si Rainiel kundi ang sumang-ayon na rin at saka tinanggap ang invitation. Alam kong hindi siya marunong magluto dahil puro Food Panda lang ang alam niya pero malay natin after ng workshop ay baka biglang magluluto itong mag-isa sa kaniyang condo. Ngumiti na lamang ako at saka tumango upang ibigay ang aking pagtanggap sa invitation ni Sir Eric.

Napangiti naman si Michael at saka nag-thumbs up sa amin. "Sir Eric will be glad to know this. The said workshop will be on Friday so kailangan niyong dumating nang maaga dahil by exactly 7:00 o'clock kayong aalis sakay ng coaster bus kasama ang ibang mga teachers. Crystal clear ba guys?" 'Nang dahil sa sinabi niya ay agad kong natatandaan na aalis na pala si Sir Eric bukas papuntang Paris for the Art seminars and workshops. So meaning, hindi siya ang makakasama namin sa Friday!

"Uh, wait Mike. I don't know if alam mong aalis na si Sir Eric bukas papuntang Paris. May idea ka ba kung sino ang makakasama namin sa Friday?" curious kong tanong dahilan upang mapa-isip naman siya sa mga oras na 'yun.

"Oo nga baks noh? Nag-invite pa si Sir Eric sa atin tapos ang ending hindi naman siya sasama sa atin. Ano ba 'yan!" bulalas naman ni Rainiel at muling ininum ang iced americano nito hanggang sa naubos niya rin nang tuluyan.

"I am so sorry Beanovelle but I don't have any idea kung sino ang makakasama ninyo sa Friday. Maybe sina Ma'am Kesha at Ma'am Rosie? Well, it just a guess at baka sa mismong Friday niyo pa malalaman. So guys, let's call it a day? Kailangan ko na kasing umalis dahil may pupuntahan pa ako. Thank you for considering Sir Eric's invitation talagang masisiyahan 'yun kapag nalaman niyang tinanggap niyo ang invitation." sabi ni Michael at saka tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

"Just text or call us kung ano ang dapat naming dadalhin for the said workshop, Mike." paalala bigla ni Cornelia dahilan upang mapameywang naman sa kaniya si Rainiel.

"Naku, baks! Try mo kayang magdala ng kawali at saka sandok? Ano ka ba sila na ang bahala ng mga kagamitan for the culinary workshop. Kung ano-ano kasi ang iyong pinag-iisip!" Agad naman akong napatawa dahil sa sinabi sa kaniya ni Rainiel. Nakita ko pang sumimangot bigla si Cornelia at saka aakmang hahampasin ang kaibigan sa balikat.

"Ang kulit niyo talaga noh? Anyway, baka sasama rin ang bagong art teacher natin sa workshop kaya paghusayan niyo 'run ha? Ipakita niyo sa ibang schools na magagaling talaga ang taga-Harrison!" sabi na lang ni Michael at agad nang kumaway sa amin dahil aalis na siya sa mga oras na 'yun. Napaisip naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Si Vlad? Sasama siya sa Friday? Oh, no!

"Bye, Mike-senpai! Lab you, char! Ingat sa paglalakad baka mahulog ka sa canal!" sigaw sa kaniya ni Rainiel ngunit agad naman siyang napatakip ng bibig at saka nag-peace sign sa mga workers ng Harrison Brew dahil sa kaniyang ginawa. Napailing na lamang sila habang nagpupunas at nag-aayos ng mga mesa't upuan dahil maya-maya lamang ay magsasarado na sila.

"Nakakahiya ka baks, I swear! Sino ba naman ang baliw na sisigaw dito sa loob? Mabuti na lamang at tayo na lang ang natira dito." tawa naman ni Cornelia at agad na ring tumayo mula sa kaniyang upuan. Ngunit bigla rin siyang hinampas ng bakla sa kaniyang balikat dahilan upang siya'y magulat. Tumakbo naman palabas ng shop si Rainiel at saka binelatan pa ang kaibigan.

"Peste ka! Halika ka nga rito!" reklamo naman ni Cornelia at agad ding sumunod sa labas upang maghiganti sa ginawa ni Rainiel.

Napangiti na lamang ako sa kanilang pinanggagawa at agad na ring sumunod sa labas upang makauwi na rin sa aking apartment. Marami akong ginawa sa araw na 'to kaya kailangan ko nang magpahinga para sa bagong gagawing activities para bukas.

Gabi na nang dumating ako sa aking apartment. Umulan pa kasi kaya hindi ako puwedeng mag-bike dahil mababasa ako. Mahirap magkasakit dahil mahirap humabol sa mga classes kapag ako'y umabsent. Pagdating ko sa aking unit ay dali-dali akong pumunta sa aking kama at saka humiga. Gusto ko na talagang matulog ngunit may gagawin pa pala akong homeworks na ipapasa ko pa para bukas. Huminga na lamang ako nang malalim at agad nang babangon ngunit tumunog bigla ang doorbell na aking ipinagtataka. Sino naman kaya ang bibisita rito?

Tamad akong naglalakad papunta sa harapan ng pintuan at saka binuksan ang pinto nang walang alinlangan. Ngunit agad akong nabigla kung sinong tao ang nasa aking harapan. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt at saka maong shorts. Nagkatinginan lang kami sa mga oras na 'yun at hindi nagsasalita. Ano kaya ang kailangan niya at bakit ngayong oras pa siya bibisita? Tumikhim ako upang maputol ang katahimikan sa aming pagitan at saka napansin ko na rin ang pagbubuka nito ng bibig hudyat na siya'y magsasalita.

"Uhm, magandang gabi. Nakakaabala ba ako sa'yo, Belle?" sabi niya ngunit hindi ko na siya sinagot. Halata ba sa mukha ko? Sa totoo lang gusto ko siyang sagutin ng oo dahil may gagawin pa ako mamaya at kailangan ko na ring matulog nang maaga.

"Anong ginagawa mo rito, Pau? Baka papagalitan ka nila papa kapag nalaman nilang pumunta ka rito." Walang gana kong sinabi iyon sa aking kakambal ngunit parang wala lang iyon sa kaniya.

"Naparito ako upang sunduin kita..."

"Sunduin? Hindi na ako babalik sa ating pamamahay, Pau. At alam mo 'yun." pagdidiin ko sa kaniya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Belle. Dumating na kasi sila papa't mama kasama si lolo kanina kaya ang sabi ni mama ay doon ka muna maghapunan sa bahay para naman makita ka muli ni lolo." paglalahad ni Paulter dahilan upang ako'y mapahinto.

Dumating na pala rito si Lolo? Kailan pa? Nag-alinlangan pa akong sasama kay Paulter sa bahay dahil makikita ko ulit si papa at kung ano-ano na namang mga salita ang ididikta sa akin. Ngunit kailangan ko ring ikamusta at makita si lolo dahil maglilimang taon na akong hindi siya nakikita dahil nakatira siya sa England at doon siya nagtatrabaho bilang isang biochemist sa isang bioscience company sa London.

"Kailangan mong bumalik sa bahay, Belle. Malulungkot si lolo kapag hindi ka niya makita." Pakiusap ni Paulter at agad tinapik ang aking balikat. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kaniya. Namahinga naman ako nang malalim bago ako tumango.

"Don't worry. Ako na ang bahala kay papa mamaya.."


*******

Nandito na rin kami sa wakas ni Paulter sa aming tahanan at masasabi kong wala pa ring pinagbago ng halos dalawang taon. Mabilis kaming bumiyahe gamit ang kaniyang kotse at mabuti na lamang ay hindi masyadong traffic sa daan.

Nakatayo na kami ngayon sa harap ng main door at halos namamawis na rin ang aking palad dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay lolo mamaya. Alam niya kayang lumipat ako ng ibang curriculum?

"Let's go. Hinihintay na nila tayo sa loob." paanyaya ni Paulter at agad na niyang binuksan ang pinto upang pumasok na kami sa loob. Talagang kinakabahan na ako!

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang maaliwalas at malapad na salas kung saan may napapansin akong mga kaunting pagbabago sa paligid. Mayroon na ngayong malaking aquarium na naka-display sa gilid at may mga ornamental plants ding nakahilera sa bawat sulok. Napapansin ko rin ang mga iba't ibang plaques, medals, at trophies na nakadisplay sa aming unahan. Alam kong kay Paulter ang lahat na iyon na ipinapapanalo niya pa sa iba't ibang category ng research, quiz bee, at iba pang mga competitions.

"Uhm, Belle. Let's proceed to the dining area. Doon sila naghihintay sa atin..." pagbasag ni Paulter dahilan upang sundan ko siya papunta sa aming dining area.

Parang bumibigat ang aking mga paa habang papalapit na kami sa dining area. Naririnig ko na rin ang ingay nina mama't papa na mukhang masaya sa kanilang pag-uusap. Ilang hakbang pa ang aking lalakarin nang bigla kong narinig ang boses ni lolo. Hindi ko alam ngunit parang natutunaw ang aking puso nang banggitin niya ang aking pangalan.

"Nasaan na si Belle? Ba't hindi ko pa siya nakikita? At saka nasaan namang pumunta si Pau para makaumpisa na tayong kumain?.." rinig ko mula sa kaniya.

Agad namang lumingon si Paulter sa akin upang makita ang aking reaksiyon ngunit ngumiti na lamang ako upang maibsan ang tensiyon na nababalot sa aking dibdib. Konting hakbang na lamang ay makikita ko na ang aking mga magulang at pati na rin si lolo.

"Good evening. Sorry kung ngayon lamang kami dumating ni Belle ...." Panimula ni Paulter habang papalapit na sa mesa.

Lahat naman sila ay napatingin sa amin habang ako'y parang natutunaw na sa hiya dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko nang makita ulit ang aking mga magulang. Nakita ko si mama na talagang natutuwa nang makita ako ulit subalit si papa naman ay parang wala man lang reaksiyon nang makita ako.

"Mga apo, nandito na pala kayo. Have a seat with us upang makakain na tayo.."galak ni lolo ngunit bago pa kami umupo ni Paulter ay nagmano pa kami sa kaniya.

"You grew taller and prettier as usual. You really are my grandchildren!" dagdag niya sabay halakhak pa.

Napangiti na lamang si mama sa amin habang si papa naman ay kunwari'y nag-iinom ng wine sa kaniyang glass wine. Alam kong hindi niya ako papansinin pero ayos lang naman. Pumunta lamang ako rito para kay lolo at hindi para sa kaniya.

"Anak, mabuti na lamang at dito mo nais maghapunan sa amin.." ngiti ni mama at agad kinuha ang aking kamay na nakatungtong ngayon sa mesa. Magkatapat lang kami ni mama kaya kitang-kita ko kung gaano siya nagagalak na makita akong muli.

Nagsimula na nga kaming kumain ng hapunan at halos kina lolo't papa lamang ang aming naririnig na usapan. Si mama ay nakikinig na lamang sa kanila habang tumatango kapag siya'y sumasang-ayon sa kanila. Sa totoo lang deadma lang ako kapag si Paulter na ang kanilang usapin at halos lahat na papuri ay aking naririnig lalo na kay papa. Alam ko namang proud na proud siya sa kaniya kaya hindi ko rin maiwasang magselos o malungkot dahil 'ni isa ay wala akong naririnig na ganung bagay mula sa kaniya. Agad ko namang napansin na nakatingin na pala ngayon si Paulter sa akin kaya ngumiti na lamang ako upang hindi siya mag-alala kahit sa loob-looban ko ay sobrang bigat na.

"Paulter will be a great scientist in the future kaya kahit anong field ang gusto niya ay susuportahan namin siya ng kaniyang mama.." sabi ni papa at agad uminom muli sa kaniyang glass wine.

"Well, of course. Being an excellent was on his blood already. Kay sino naman siya magmamana, hindi ba?" komento naman ni lolo at agad din siyang napatingin sa akin bagay na aking ikinabahala bigla.

"How 'bout you, Belle? How's your studies? May naipapanalo ka na rin bang competitions just like your brother?" tanong sa akin ni lolo dahilan upang ako'y kinabahan at matakot bigla. Ano kaya ang aking sasabihin kay lolo? Hindi niya pa kasi alam na lumipat na ako ng ibang curriculum!

Agad naman akong lumunok at saka yumuko dahil hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo. Natatakot na ako sa mga oras na 'yun! Natatakot ako na baka malaman niya ang totoo ay baka itatakwil niya rin ako at hindi papansinin katulad na lang sa ginagawa ngayon ni papa.

"Belle...?" tanong niya muli sa akin dahilan upang mapatingin na rin ako sa kaniya.

"Uhm, I've done good naman sa aking mga studies lolo..." sabi ko na lang sa kaniya at agad ibinalik ang aking paningin sa pagkain. Sana hindi na siya magtatanong pa.

"Really?" rinig ko naman kay lolo at sa tono ng kaniyang pananalita ay mukhang hindi siya kumbinsido.

"Uhm, I think we should have a dessert at this time. Masarap pa naman ang fruit cake at Leche flan na pina-order ko kanina.." singit bigla ni Paulter upang ma-divert sa kaniya ang atensiyon ni lolo ngunit alam kong nakatingin pa rin si lolo sa akin. May alam na kaya si lolo at naghihintay na lamang siya sa aking paliwanag? Mukhang mas bumibilis na ngayon ang tibok ng aking puso dahil sa nararamdamang kaba.

"Beanovelle, I want you to tell me the truth. You know that I hate lies, right?" dagdag niya pa dahilan upang tingnan ko na rin siya sa kaniyang mga mata. Tama nga, mukhang may nalalaman na rin siya tungkol sa aking paglipat.

"Pa, isn't enough na sinabi na namin ang tungkol sa kaniyang paglipat? There's no need for you to ask------" Hindi na tinapos ni mama ang kaniyang sasabihin dahil pinigilan agad siya ni lolo.

"No, stay out of this. I just want to hear her side..." seryosong sinabi ni lolo kaya napalunok na lamang ako sa mga oras na 'yun.

"Uhm, I....I transferred because I really wanted to pursue my passion..." kaba kong sinabi kay lolo ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Because of that reason you just transferred? And what kind of profession would that curriculum produce? And after you graduate in college, what would you do for a living? Magiging artist ka? Singer? Dancer? Would you like to be self-employed for your entire life? Eh, hindi naman masyadong in-demand ang ganyang propesyonal? Now, tell me Beanovelle. Let me hear your side..." seryosong sinabi ni lolo ngunit makikita mong kalmado ito.

"Iyan din ang sinabi ko sa kaniya noon pa. Talagang matigas lamang ang bungo niyan..." singit bigla ni papa ngunit sinita lang siya ni mama na tumahimik muna.

"No, lolo. You've mistaken. Hindi naman lahat ay freelancing ang ginagawa bilang isang artist. Mayroon namang company na tumatanggap sa mga professional artists like mga music producers, illustrators, animators, graphic designers, novelist, at iba pa----"

"Are they in-demand nowadays? Malaki ba ang kikitain nila riyan?" singit bigla ni lolo dahilan upang ako'y matahimik bigla. Alam kong nagiging praktikal lang si lolo para sa amin ngunit talagang gusto ko ang aking ginagawa. Wala naman problema sa akin kung hindi naman kataasan ang aking kikitain in the future as long as masaya ako.

"But lolo, that's what I wanted to do!"

"Well, I don't like it for you. Sayang na sayang ang iyong talino! Why don't you just like your brother? Look at him! At his young age, he already excelled in his class at malayo ang mararating niyan. Pangarap ko pa namang magiging PhD holder kayong dalawa just like your parents ngunit mukhang ikaw lamang ang sisira! Get ahead of yourself, Beanovelle!" sigaw ni lolo dahilan upang ako'y mas lalong malungkot at bumigat ang aking nararamdaman.

Ngayon lang ako sinigawan nang ganyan ni lolo kaya hindi ko na alam ang aking gagawin. Bigla na lamang may tumulong luha sa aking pisngi ngunit kailangan ko 'yun pigilan. Ayaw kong magmukhang kawawa sa kanilang harapan.

"I know Paulter give so much triumph in our family. So puwede rin bang pagbigyan niyo rin ako sa gusto kong gawin? Honestly, I'm already sick of hearing comparisons against him. Si Paulter na palaging matalino, palaging nananalo sa mga competitions, may magandang future. How about me naman? May ginagawa naman akong maganda sa aking studies but still I didn't hear your praises for me. There are times that I envy my brother but we all know that he's really excellent ever since he was born. So, can you please stop comparing me to him? I am different and he's different. We are different individuals..." pahayag ko naman ngunit talagang hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman at hinayaan ko na lamang ang aking mga luha na dumaloy sa pisngi. Agad ko namang narinig ang paghampas ni papa ng kaniyang kamay sa mesa dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"Huwag na huwag mo kaming dadaanin sa ganyan, Beanovelle. Dahil first and foremost ikaw itong sumusuway sa amin! Ikaw 'tong may mababang grades sa mga subjects mo noon 'nung nasa SSTC ka pa lamang dahil sa hindi namin alam at naintindihan! Panay lakwatsa mo noon kasama ang mga barkada mo at hindi namin alam kung bakit ka nagkaganyan!"

"That's not true, pa! Alam kong may pagkakamali ako noon ngunit talagang gusto ko ang aking ginagawa. Gusto ko pong ipakita ang aking talento, gusto ko pong patunayan sa lahat na mage-excel din ako sa ganitong field!"

"Ha! Beanovelle, your passion will not going to feed you in our today's society. You have to be practical in order to live, to be respected and to gain image. You're not going to be successful if ganyan ang mindset mo!" galit na sinabi ni papa habang dinuduro pa ako. Pilit na siyang pinapakalma ni mama ngunit talagang hindi siya mapakali.

Hindi naman makapagsalita si mama sa mga nangyayari at tahimik din si Paulter sa kaniyang inuupuan. Hindi rin ako tumitingin kay lolo dahil alam kong disappointed siya sa kaniyang nalalaman ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin. All I need is freedom and to do what I wanted in life. Nakakasakal na talaga ang pagkokontrol nila sa akin. I just want to spread my wings higher ngunit ang pamilya mo pa mismo ang pumipigil.

"You have to drop that SAC curriculum and go back again sa SSTC..." seryosong sinabi ni papa dahilan upang magulat ako.

"Pa, that's too much! Hayaan niyo na lang si Belle. She's already happy sa kaniyang ginagawa." singit bigla ni Paulter ngunit hindi siya tinugunan ni papa. Nanatiling nakatuon ang umaalab niyang mata sa aking harapan at alam kong seryoso siya sa kaniyang sinabi.

"At kapag hindi mo sinunod ang aking nais ay wala ka nang matatangap na monthly allowance. Alam kong si mama mo ang nagbibigay sa'yo buwan-buwan. So, let us hear your side Beanovelle. What will you choose?" pagcha-challenge ni papa sa akin. Hindi ko lubusang maiisip 'yun ni papa na mas lalong nagpapabigat sa aking nararamdaman. Agad naman akong tumayo sa aking inuupuan at saka siya tinugunan.

"I'll never change my mind, pa. I'm not going to drop out." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nakita ko na lang siyang tumikhim nang malalim sa kaniyang pagkakaupo at saka tumayo na rin. Hindi ko alam kung ano na ngayon ang kaniyang iniisip but I know na mas lalo siyang disappointed sa akin.

"Alright. It's settled, then. You may now leave and never come back at this house again. Wala akong anak na suwail kaya lumayas ka na." sabi na lang ni papa ngunit bigla ring tumayo sina mama at Paulter dahil sa kanilang narinig.

"Antonio, sumusobra ka na! Anak mo pa rin si Belle!" pagtatanggol ni mama sa akin kaya napatingin na si papa sa kaniya.

"Kaya hindi ito tumitino dahil palagi mong kinukonsinti! Ni hindi mo man lang siya pinapayuhan kung ano ang magiging kahihitnan niya sa buhay kapag pinagpatuloy niya pa ang kaniyang kahibangan!" sabi ni papa at saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Malinaw na malinaw naman kung ano naman ang gusto ko para sa'yo, hindi ba? Kaya nga lang mas matigas pa sa bato ang iyong utak kaya hindi mo ako sinusunod. Lumayas ka na rito at hindi na magpapakita pa! I don't have a child like you and you're a shame to all of us!" sigaw ni papa at ang katagang iyon ang mas lalong nagpadurog sa aking puso.

Mas lalo akong napaiyak sa mga oras na 'yun at agad na ring umalis mula sa kanilang harapan. Hindi ko talaga maintindihan sila lolo't papa. Talaga bang concerned sila sa magiging future ko? Kailangan bang sila ang masusunod para maging isang successful? Hindi ba nila naiintindihan na masaya na ako sa aking ginagawa ngayon? Ayaw ko nang may dumidikta sa akin. I wanted to do things that keeps my heart alive and happy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro