Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

[Chapter 14]


Dumating na rin kami sa wakas sa Harrison High at agad dumiretso sa Gymnasium dahil doon ipapalabas ang huling event ng Harrison Special Week, ang Cheerdance competition!

Talagang napakaraming tao ang bumungad sa amin sa loob. Ingay dito, ingay doon. May mga estudyanteng naghahanda na ng kanilang banners at props upang suportahan ang kanilang team. Mukhang excited na ang lahat na matunghayan ang most awaited part ng competition.

Siyempre as a female member ng Purpure Cerberus ay nakasuot ako ng aming uniform na off-shoulder with strap na shirt at mini-skirt na kulay puti with black leggings. May bitbit din akong flaglet na kulay purple na ibinigay kanina ni Cornelia. Nandito kami ngayon malapit sa entrance ng gym at hindi namin alam kung saan kami uupo mamaya. Nasaan na kaya ang mga ka-grupo namin?

"This is it na talaga guys!" galak ni Cornelia habang ang mga mata niya'y nakatingin sa mga taong nakaupo na sa mga bleachers. 8:15 o'clock pa lamang ngunit parang puno na ang gymnasium ng mga manonood at ang iingay pa nila. Tumingin ako sa aming kanang bahagi at saka nakita ang grupo ng Sable Cyclopes na may bitbit ding tig-iisang flaglet. Mukhang may pinapraktisan din silang jingles for supporting act para sa pagdating ng kanilang representatives.

"Guys, mukhang kailangan na naming maghanda. Pupunta na 'ko sa dressing room upang makapagpalit na ng damit." rinig ko sa aking kakambal dahilan upang mapalingon ako sa kaniya.

"Paulter, galingan niyo mamaya, ha? Talagang iche-cheer ko kayo nang bonggang-bongga!" ngiti ni Rainiel na nasa aking tabi.

"Oo nga. Kapag nanalo kayo ay talagang magpapa-lechon ako! Walang halong biro 'yun ha..." singit naman ni Cornelia habang napahalukipkip. Napatawa naman si Paulter sa kaniyang narinig at saka na siya tumingin sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at saka nag-thumbs up. "Alam kong kayang-kaya niyo 'yan, Pau. Ikaw pa ba? Halos naman ng mga competition na sinalihan mo ay ikaw ang nananalo. I know you can do it."

"I know. Thank you." ngiti niya sa akin at saka napatingin kina Cornelia at Rainiel. "Better watch us later!" habol pa niya at saka lumakad na upang tumungo na sa dressing room. Nakatingin lang ako sa kaniya sa mga oras na 'yun. Hindi ko pa rin masabi sa kaniya na manonood din si papa kasama si mama. Ano kaya oras sila darating dito?

"Mike-senpai! Oh em gee!!" rinig ko mula kay Rainiel na para bang kinikilig at saka napansin ang imahe ni Michael papunta sa aming direksiyon. May bitbit siyang nakarolyong banner at isang plastic na mukhang flaglets ang laman.

"Good morning, guys!" bati niya sa amin dahilan upang bumati rin kaming tatlo sa kaniya.

"What are you doing here? Doon tayo uupo sa upper right portion ng bleachers. Let's go!" sabi niya at saka nauna na sa amin. Napatingin naman ako kung saan kami uupo at tama ngang nandoon sila. May iilan sa kanila na may bitbit na flaglets at saka may nakita rin akong isang loud cheering horn na hawak-hawak ng isa sa aming kasamahan. Mukhang pinaghandaan nga ng aming team ang araw na 'to.

"Saan ka naman nanggaling, Mike-senpai?" usisa ng bakla habang sinabayan pa sa paglalakad si Michael.

"Well, doon sa office dahil kinuha ko pa ang ating banner at saka flaglets.."

Habang binabaybay namin ang mahabang stairs papunta sa aming area ay hindi ko inaasahan na mahagip ang imahe ni Vlad na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nandoon siya nakaupo sa lower part ng bleachers kasama ang ibang mga guro.

Naalala ko na naman ang naging tagpo namin noon 'nung nasa parking area kami ng art center. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa na makausap siya. Hindi ko pa kayang humarap sa kaniya. Napapikit na lamang ako at saka umiwas ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko habang nakikita ko siya ay para bang bumibigat ang aking dibdib. Ayaw ko muna syang isipin sa araw na 'to at kakailanganin kong magreserba ng energy para i-cheer ang aking kakambal mamaya.

Nakarating na rin kami sa wakas sa aming area at saka binati na rin ang aming mga kasamahan na mukhang excited sa gaganaping event. Malapit nang mag alas-otso y media at mukhang may mga manonood pang pumapasok sa loob ng gymnasium. Kamusta na kaya sina Paulter? Tapos na kaya silang magbihis? Sana sumunod na lang kami sa kaniya kanina sa dressing room upang may tumulong lang man sa kanilang paghahanda.

"GOOD MORNING EVERYONE!" masayang bati ng lalaking emcee na nasa baba dahilan upang umupo na kami. Nakita ko pa ang kasama niyang babaeng emcee at patuloy silang naglalakad patungo sa gitna ng court.

"GOOD MORNING HARRISON HIGH!" bati naman ng babaeng emcee at saka ngumiti sa madla dahilan upang mas lalong lumakas ang ingay at hiyaw ng mga estudyante sa paligid.

"This is the day that we are waiting for! Finally, we can now witness the most awaited part of Harrison Special Week, the cheerdance competition! Are you now ready?!"

"WE'RE READY!!!" sigaw namin sabay-sabay at mukhang hindi na kami makapaghintay pa.

"But before anything else, we would like you to stand up as we are now going to sing the National Anthem and the school's hymn lead by Ma'am Cinderella Ruby Licera from Special Arts Curriculum.." dagdag naman ng lalaking emcee dahilan upang tumayo na kami mula sa aming pagkakaupo.

"Ah, kaya pala bumili talaga siya ng bagong dress. Iba 'rin..." rinig kong bulong ni Cornelia dahilan upang mapatingin kami ni Rainiel sa kaniya.

"Hindi mo ba naitanong sa ate mo?" tanong ko.

"Naitanong ko ngunit sabi niya trip niya lang daw.." tugon niya at agad naman akong napatawa dahil sa naging reaksiyon nito. Pagkatapos naming kinanta ang National Anthem at ng school's hymn ay agad na kaming umupo. Mukhang matatagalan pa 'ata magsisimula ang competition dahil may mga introduction speeches pang nagaganap.

"Guys, kapag nagugutom kayo ay huwag kayong mahiyang kumuha ng burger at saka ng dalandan juice.." rinig ko mula kay Michael habang sinasalubong ang dalawa naming kasamahan na may bitbit ng tig-iisang box. Nilagay nila ang mga boxes sa aming unahan at saka binuksan 'yun. Isang box na puno ng burgers habang ang isa naman ay puno ng plastic bottles na may lamang juice.

"May mga pagkain na rin ba sina Pau doon?" tanong ko bigla.

"Don't worry may mga food na sila doon. Mamaya sasamahan mo akong maghatid ng bottled water sa kanila once na dumating na rito ang supplier." sabi naman ni Michael dahilan upang tumango ako.

"Huy, sasama rin kami ni Rainiel, ha?" ngiti naman ni Cornelia dahilan upang tumango ako sa kaniya. Ang boses ng bawat speaker ay parang nag e-echo ngayon sa aking tenga at sa mga oras na 'yun ay nakatingin lang kami kay Ma'am Steffie ng SSTC na mukhang magtatapos na rin sa kaniyang speech.

"Thank you so much, Ma'am Steffie for the admiring speech that you've delivered on us. And lastly, may we call on Mr. Wenceslao Bernas, the school principal, to deliver his final speech before proceeding to the opening of the actual event. Sir Bernas?" At pagkatapos 'nun ay nakita na naming tumayo si Sir Bernas mula sa kaniyang pagkakaupo mula sa mga plastic chairs na nakahilera sa baba. Kasama niya siguro ang mga guests at saka mga judges. Agad siyang pumunta sa mga emcee na nasa gitna ng court at saka kinuha ang microphone sa kanila.

"Good morning my beloved students, teachers, and friends. Welcome to Harrison High!" intro ni Sir Bernas habang ang mga tingin niya'y nakalibot sa aming mga estudyante.

"I am very happy since the Harrison Special Week was delivered successfully and I'll be thanking for all of your participation and cooperation. This is the first time that this event happens and to be honest, SSTC, SAC, and SMBC had never been united to celebrate in any kinds of events. Each curriculum has their own activities and designated areas to celebrate for over a numerous years and yet, had never been together in one occasion. Uniting three curriculum was a tough act to be honest. That's why competitions occurred and it was very imperishable, am I right?" sabi ni Sir Bernas at saka napatingin sa mga teachers kung saan nakaupo sila sa lower portion ng both sides ng gymnasium. Hindi ko nakita ang mga reaksiyon nila ngunit for sure mare-realize din nila 'yun.

"I took this opportunity to unify three curriculum in one event. I somehow doubted it but the tables have turned on. Maybe at first you didn't like the idea but as the days goes by, you've already adapted with each other. You've already acquired these important traits to achieve success: collaboration, cooperation, and coordination. Remember, in times of troubles lending a hand is a vital act to survive and gain triumphs. I hope this event gave you realizations and acknowledged each others' strengths and weaknesses. I can say that my time is just about to finish and before I end this, let me hear you scream everybody. ARE YOU READY?!" sigaw ni Sir Bernas dahilan upang bumalik sa sigla ang mga estudyante. Kahit na si Cornelia na mukhang matutulog sa aking tabi ay agad bumalikwas sa gulat.

"HARRISON HIGH, ARE YOU READY?!" sigaw niya ulit.

"WE'RE NOW READY!!!" malakas na tugon ng mga estudyante at agad nag-raise ng flaglets upang ipakita ang pagsuporta ng kanilang team.

"Good morning once again and now, I am officially open the Cheer dance competition!" Kasabay ng huling sinabi ni Sir Bernas ay ang pagtugtog ng mga drums at lyres na pinapatugtog sa lower left portion ng gym.

Halos lahat ng mga estudyante ay sumasayaw sa indak ng musika at ang iba ay nagsisimula nang kantahin ang cheers and jingles ng kanilang team. May tumugtog na rin ng loud cheering horn at siyempre hindi rin magpapahuli ang aming team. Nasa bandang kaliwa lang namin ang Vert Harpies. Nasa lower right portion naman ang Sable Cyclopes habang nasa kabilang parte naman ng gym ang grupo ng Gules Chimaera at Azure Centaurs.

"GO AZURE, AZURE CENTAURS FOR THE WIN!"

"V-I-C-T-O-R-Y! WE ARE HARPIES! V FOR VICTORY!"

"LET'S GO FIGHT, FIGHT, FIGHT CHIMAERA!"

"CYLCOPES ARE BLACK! WE'RE COMING BACK!"

"O ANO GUYS, MAGPAPATALO BA TAYO?!"sigaw ni Michael at saka hinipan ang loud cheering horn upang ipakita na hindi rin magpapatalo ang aming team.

"WHO ARE WE?!" sigaw niya habang iniwagayway ang flaglet sa aming harapan.

"WE ARE CERBERUS, PURPURE CERBERUS! WE ARE THE BEST FROM EAST TO THE WEST!" sigaw namin at saka iniwagayway rin ang mga flaglets na dala namin.

"Okay guys, the time is up and the wait is finally over! We would like you to please settle down and witness each group's talents in cheer dance competition! So here's the order of group who will perform according to draw lots. So the first group to perform will be the Gules Chimaera followed by Sable Cyclopes, Vent Harpies, Azure Centaurs, and lastly, the Purpure Cerberus! Sit back, relax, and enjoy the show! And the competition will start now!!!" sigaw ng dalawang emcee at saka pumunta na sa gilid upang tunghayan ang unang grupong magpapakita ng talento.

Bigla na lamang dumilim ang buong paligid at saka may mga spotlights pang kumakalat sa buong paligid. At pagkatapos 'nun ay nakikita na namin ang mga representatives ng Gules Chimaera na nakapuwesto na sa center ng court. Talagang excited na excited na akong manood!

"C!---H!---I!---M!---A!---E!---R!---A! CHIMAERA! C!---H!---I!---M!---A!---E!---R!---A! CHIMAERA! WE ARE GULES CHIMAERA!!" At pagkatapos 'nun isang nakakaindak na music ang aming narinig habang ang mga performers ay sumasayaw habang nagpapalit ng new formation. Maganda ang naging performance nila at aside from that may mga props din silang ginamit katulad na lamang ng pom-poms at balloons. Halos lahat kami ay napamangha nang makita namin kung paano sila tumambling nang mataas, kung paano nila ginawa ang cartwheel sa iba't ibang direksiyon at kung paano nila dinala ang buong performance hanggang sa huli.

Sinundan naman ng Sable Cyclopes kung saan makikita na may mga face paints sila at parang naging tribal ang theme. "CYLCOPES ARE BLACK! WE'RE COMING BACK! CYLCOPES ARE BLACK! WE'RE COMING BACK!" sigaw nilang lahat at lahat kami ay nagulat nang may pumasok na drummers sa kanilang likuran na katulad din sa kanilang mga hitsura. Maganda ring matunghayan na sumasabay din sa indak ang mga drummers habang tumutugtog ng tambol.

Hindi naman nagpapahuli ang grupo ng Vent Harpies at Azure Centaurs. Kung costume lang ang pag-uusapan malamang mas angat ang Vent Harpies dahil talagang makikitang pinaghandaan ng bawat performers ang kanilang mga costumes. Mukhang pang-tribal din ang kasuotan nila at saka may mga pakpak din sila sa likuran. Maganda naman ang naging performance nila ngunit parang hindi masyadong nakakaindak. "HARPIES-HARPIES! V FOR VICTORY! HARPIES-HARPIES! V FOR VICTORY!"

Ang Azure Centaurs naman ay hindi rin magpapahuli na sumabay sa indak ng musika na galing sa drums at lyres. May mga pom-poms din sila at balloons at makikita na puro magagaling ding sumayaw. Tumbling dito, tumbling doon. Mukhang napasobra 'rin sa tumbling ang grupong 'to kaya nababahala na ako sa kanilang pinanggagawa. "GO, GO! AZURE!- GO, GO! AZURE!- GO, GO! AZURE! AZURE CENTAURS FOR THE WIN!"

"Beanovelle! Nandito na ang supplier. Samahan mo na kaming pumunta kina Margaret upang ipamigay ang mga bottled water." yaya sa akin bigla ni Michael dahilan upang nilihis ko ang aking paningin sa kaniya. Sayang! Gusto ko pa sanang makita ang kabuuang performance nila.

"Cornelia, Rainiel tara na------"

"I changed my mind, Belle..." Hindi ko na tinapos ang aking sasabihin 'nang sinabi 'yun ni Cornelia. Mukhang tutok na tutok sila ng bakla sa panonood ng cheer dance.

"Me too, Bellie loves." sabi naman ni Rainiel habang ang mga mata niya'y puno ng pagkamangha habang nanonood. Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila at saka tumayo na upang samahan si Michael.

Bumaba na kami ni Michael sa stairs upang puntahan ang aming mga representatives na nasa likuran ng malaking pader na gawa sa plywood. Ang pader ay itinayo upang itago ang Basketball double post ng magkabilang bahagi ng court. Doon din nagpapalipas ang ibang grupo upang makapagpahinga at makainom ng tubig. 'Nang ibinigay na ng supplier ang dalawang boxes ng bottled water ay agad 'yun tinanggap ni Michael.

"Belle!" rinig ko mula sa aking kaliwang bahagi at saka napasulyap nang makita si Paulter na nakasuot ngayon ng kanilang cheer dance outfit. Mukhang maganda rin ang naging costume nila. Isang tight fitted na long sleeved na kulay purple ang kaniyang kasuotan with matching stretchable pants na may golden laces sa gilid nito. May suot siyang makapal na fluffy brown furry belt at ganun 'din makikita sa kaniyang wrists. May malaking logo 'rin ng Cerberus ang makikita sa harapan ng kaniyang damit na dinisenyo pa ng aming kasamahan. Mukhang pinaghandaan 'din nila ang kanilang costume.

"Pau!" tugon ko habang lumalapit siya sa akin.

"Nagustuhan mo ba ang costume namin? Maganda hindi ba?" ngiti niya. Napatango naman ako 'nang dahil 'dun. "Siyempre naman, o! Magpapatalo ba tayo?!" 'Nang dahil sa sinabi ko ay agad siyang napatawa.

"I hope mom is here right now. Tumawag na ba siya sa'yo?" Ang mga ngiti niya kanina ay bigla na lamang nawala 'nang maalala niya si mama. Umiling naman ako sa kaniya habang chine-check ang aking phone. Sa totoo lang kanina pa akong nagte-text ngunit hindi lang man nag-rereply si mama. Sana maabutan niya ang performance ni Paulter. Agad kong ibinalik ang aking paningin sa kaniya at saka nag-iisip kung sasabihin ko ba sa kaniya na manonood din si papa.

"GUYS! PLEASE GATHER HERE RIGHT NOW!!" rinig kong sigaw ni Margaret habang sinesensiyahan ang mga kasamahan niya na lumapit sa kaniya. Hindi ko na napansin pa ang pagtatapos ng performance ng Azure Centaurs dahil puro palakpak at hiyawan ang aking naririnig sa paligid.

"Belle, I have to go. Wish me luck!" sabi na lamang ni Paulter sa akin at agad naman akong ngumiti sa kaniya.

Ilang minuto na lamang ang natira at ang grupo ng Purpure Cerberus na ang magpapakita ng performance. Nakailang ulit na akong tumatawag kay mama ngunit hindi siya sumasagot. Nasaan na kaya sila ni papa? Talaga bang darating sila dito? Hindi na ako bumalik sa aming area at dito na lamang sa baba manonood.

Tumingala ako sa itaas upang mapatingin sa aking kagrupo. Napangiti naman ako nang makita kung gaano sila ka-supportive sa aming performers. Ang dala-dala kanina ni Michael na tarpaulin ay agad na nilang ibinuklat at saka ipinakita sa buong madla. GO! GO! PURPURE CERBERUS! ang nakasulat at may malaking logo pa sa gitna. Nakita ko pang gumigiling na parang mga baliw sina Cornelia at Rainiel habang iniwagaygay ang mga dala nilang flaglets.

"WE ARE CERBERUS, PURPURE CERBERUS! WE ARE THE BEST FROM EAST TO THE WEST!" cheer nila.

"And now, let us all witness the last performers for the cheer dance competition. THE PURPURE CERBERUS!!!" sigaw ng lalakeng emcee dahilan upang mas lalong mag-ingay ang mga estudyante.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay bigla na lamang dumilim ang buong paligid ngunit may naririnig kaming sabay-sabay na mga palakpak animo'y parang may beat. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas at pagkatapos 'nun ay agad nang umilaw ang buong paligid. Nakita na lang namin sila na naka-pyramid formation at hindi ko inakala na si Paulter pa ang nasa itaas na position habang bitbit ang dalawang malalaking glow sticks na kulay purple.

"WE ARE CERBERUS, PURPURE CERBERUS! WE ARE THE BEST FROM EAST TO THE WEST!" sigaw nila at pagkatapos 'nun ay agad ko nang naririnig muli ang malakas na hiyaw ng mga estudyante.

"Oh my! Si Paulter ba 'yun? In fairness ha!" rinig ko mula sa mga kababaihan na malapit sa akin. Alam kong nagulat at napahanga sila dahil sa kanilang napapanood ngayon. Sino ba naman mag-aakala na ang isang science genius ay mapapasali sa isang cheer dance competition?

Isang nakakaindak na musika ang aming naririnig pagkatapos at hindi ko naman inaasahan na ang music na pinapatugtog nila ay galing sa isang Disney movie na Zombies na isa 'rin sa paborito kong panoorin.


I'll tell you how it's done

And I know how to get a crowd
Right up and on their feet
So if you want them in it
I'll show you how to get it

Sumasabay 'din sila sa indak ng musika at ang iba'y nagsisimula 'nang sumirko nang sabay-sabay. Maganda ang performance nila lalo na't sabay-sabay silang lahat. May mga props din silang pom-poms, balloons, at glow sticks na lalong nagpapaganda ng performance.

We were made for this
There's nothing we can't do
We came to play
We're here to stay and win the day
Nothing's gonna get in our way
No! So get up out of our way!

Mukhang hindi 'rin sila nauubusan nang dance steps at formations. Mabuti na lamang puro mga dancers ang nasa aming team at lahat sila ay hina-highlight sa unahan. Bilib na bilid 'din ako kay Margaret na siyang lead cheerdancer ng team dahil sa malambot niyang katawan at kung paano siyang nagfli-flip sa ere na parang wala lang. Napangiti naman ako kung paano 'rin ginalingan ni Paulter ang kaniyang part. Hindi ko rin inaasahan na marunong din siyang mag-cartwheel at mag-back flip full twist.

At sa huling parte ng kanilang performance ay mabilis silang naghiwa-hiwalay hanggang sa makabuo sila ng bowling pin formation na nasa unahan at pyramid formation naman na nasa likuran kung saan nakikita ko pa si Margaret na nasa itaas na position habang nakataas ang dalawa niyang kamay sa ere. Si Paulter naman ay nasa bowling pin formation na nasa ikalawang bahagi ng row. Malaki ang mga ngiti niya na para bang naka-perfect sa quiz!

"We are Purpure Cerberus! Nothing keeps us down, we got the stuff to light you up it's getting hotter now! !" sigaw nilang lahat bilang pagtatapos.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Talagang nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil sa naging performance nila. Grabe! Halos lahat na nasa aking paligid ngayon ay naghihiyawan sa tuwa at saya at unti-unti na silang pumapalakpak at nagsitayuan. Habang nililibot ko ang aking paningin sa madla ay agad dumapo ang aking paningin kay mama na papunta sa aking direksiyon. Si mama! Nandito si mama!

Ngunit bigla na lamang napalitan ang aking emosyon nang nakasunod sa kaniyang likuran si papa. Agad akong napaatras at napalunok dahil sa totoo lang ay hindi ko pa siya kayang makita ulit. Kinakabahan ako sa mga oras na 'yun hanggang sa magtagpo na rin sa wakas ang aming mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro