Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

[Chapter 13]


"Beanovelle, anak...." rinig ko kay mama habang napatakip ng bibig. Tahimik siyang umiiyak sa tabi ni Paulter ngunit nakita kong ngumiti siya at saka humakbang nang dahan-dahan papunta sa aking direksiyon.

"I'm so sorry..." usal niya. Talagang hindi ako makaimik pagkatapos 'nun. Tiningnan ko si Paulter at saka ngumiti lang sa akin hudyat na magiging maayos lang ang lahat. Hindi ko inaasahan na makikita ko si mama.

'Nang makalapit na si mama sa akin ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. Nararamdaman ko ang mainit niyang pagtanggap sa akin at saka naririnig ang iyak ng isang ina na matagal nang hindi nakikita ang anak. Napangiti ako nang kaunti at saka hinagod ang likuran niya upang tumahan na sa pag-iyak.

"It's alright, ma. Tumahan na po kayo.." sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na umiyak. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang tagpo namin. Pagkatapos 'nun ay agad na rin kaming kumalas mula sa pagkakayakap.

"I'm such a worse mother to you. To the both of you..." iyak niya sabay tingin kay Paulter na nasa kaniyang likuran.

"To be honest, I don't really know you well. Funny to say. Even I, your mother, don't know what your likes and dislikes. Even your favorite food and things. I really didn't see how you grew since I am busy. We're busy. We put everything on you. We put unnecessary pressure on you even you were still a little. We didn't give you a freedom to play with the other kids, we didn't give you a freedom to do what you want..." pagkatapos 'nun ay bigla na lamang lumapit sa amin si Paulter na mukhang pinipigilan din ang pag-iyak.

"Beanovelle, I am such a worse mother. I didn't even defend you from your father. I hope you will forgive me....." sabi ni mama at saka muling tiningnan ang aking mukha. Sa totoo lang, may kaunting galit din ako kay mama noon dahil ni isang salita ay wala siyang sinabi upang hindi ako umalis sa bahay dahil pinalayas ako ni papa. Ngunit alam ko namang nag-aalala siya sa aking sitwasyon kaya binibigyan niya pa rin ako ng allowance kahit papaano.

"Please...forgive me...." pagmamakaawa ni mama at saka hinahawak ang aking kamay.

"Ma.." usal ko at saka nararamdaman ang pagtulo ng aking mga luha sa pisngi.

"There's no need for you to apologize. Nangyari na ang nangyari kaya wala na tayong magagawa. It already happened and actually ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang ating pamilya. Pinairal ko kasi ang aking kagustuhan but I never regret it. I just wanted to live in my dreams, not with the dreams that was dictated on me. Even though na alam ko na ang mangyayari ay ginawa ko pa rin..." sabi ko at sa mga oras na 'yun ay nilabas ko na ang lahat ng aking nararamdaman.

"I suffered... a lot... but I still manage to be okay..." iyak ko at saka pinahid na ang mga luhang patuloy na tumutulo mula sa aking mga mata.

"I have already enough to be compared with Paulter. Its already enough for me to obey what you wanted for us without even realizing if we want it too. Nakakasakal, nakakapagod na. Kaya minsan naiisip ko rin kung mahal niyo po ba ako. Siyempre alam kong mas mahal niyo si Paulter kaysa sa akin..." mapait kong sinabi iyon kay mama at saka nakita kung paano siya umiling.

"Please, don't say that. Mahal ko kayong pareho ni Paulter. Walang mas nakakaangat sa inyong dalawa dahil pareho ko kayong mga anak. Hindi ko alam na ganyan pala ang iyong nararamdaman kaya sana huwag mong iisipin ang mga ganung bagay. I love you so much, Beanovelle. From now on, hindi na ako aalis sa inyong tabi ni Paulter. I will support you kung ano man ang gusto ninyong gawin sa buhay. Just ask me everything and I'll grant it. After all, it's my responsibility to support and make you happy..." masayang inihayag ni mama at saka muli akong niyakap. Nagyakapan kami ni mama hanggang sa nararamdaman ko na lamang na yumakap din si Paulter sa amin.

"Thank you for allowing us, ma. Don't worry, I and Belle will make you very proud..." rinig ko kay Paulter dahilan upang mapangiti si mama.

"Noon pa man ay proud na ako sa inyong dalawa...."

Pagkatapos 'nang dramang 'yun ay napagdesisyunan na naming kumain sa isang restaurant. Sumakay na kami sa kotse ni mama at saka tinungo ang kabisera since marami 'run na mga kainan. Halos mga kalahating oras ang naging biyahe namin at saka dumiretso na sa piniling restaurant ni mama. Masaya kaming kumakain sa restaurant. Nagkukuwentuhan kami ng kung ano-ano ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagkukuwento niya tungkol sa kanila ni papa noon.

"Alam niyo ba si papa niyo noon ay talagang mahiyain. Ako lang talaga ang nakakalapit sa kaniya at naging magkaibigan. Pareho kasi kaming mahilig magbasa kaya ayun mukhang ako lang lang ang nakakarelate sa kaniya. Naalala ko rin noon na marami na siyang inalok na maging kapareha sa JS Prom 'nung high school kami. Kaso walang babae ang tumanggap sa kaniya. Mabuti na lamang inalok niya ako kaya pumayag na rin ako..." masayang ikinuwento ni mama habang kami naman ni Paulter ay masayang nakikinig.

Sa totoo lang ay ngayon ko lang nalaman na magkaklase pala sina mama't papa during high school. Mas naging malapit silang dalawa during college kahit na magkaiba sila ng kursong kinuha. Makikita talaga sa mga mata ni mama na masaya siya at siyempre, first time naming kumain na magkasama na masaya at nagkukuwentuhan. Sana, palagi na lang ganito. Sana, maging ganito kami na kasama si papa.


*******

Ginabi na kami ng uwi mula kabisera. Hinatid na kami ni mama sa apartment at saka binigyan pa kami ng allowance ni Paulter. Pinilit niya pa kaming umuwi na sa bahay ngunit umayaw kami. Hindi na kami pinilit pa ni mama at saka umuwi na siya sa bahay.

'Nang dumating na rin kami sa aming unit ay agad muna kaming nagpahinga ni Paulter sa sofa. Nakakapagod ang biyahe pero mas nakakapagod ang kuwentuhan namin kanina. Pagkatapos 'nun ay agad na akong dumiretso sa kuwarto upang makaligo at magbihis ng pantulog. Bukas na pala ang cheerdance competition nina Paulter kaya panigurado ay matutulog 'yun nang maaga. Matagal na rin siyang natutulog sa sala ngunit ni isang salita ay wala akong naririnig na reklamo mula sa kaniya.

Matapos kong maligo at lumabas ng banyo ay agad namang tumunog ang aking phone na nakatungtong sa kama. Kumunot bigla ang aking noo at nagtataka kung sino ang tumatawag ngayong gabi.

"Hello?"

"Baks! Si Cornelia 'to!" rinig ko at saka napatingin sa aking phone. Number lang kasi ang nakalagay. Teka, nagbago na ba siya ng SIM card?

"Belle, huwag mong e se-save ang number kasi nakikitawag lang ako kay ate." tawa niya dahilan upang bumuntong hininga ako.

"Ba't ka naman napatawag? Mabuti na lang at kakalabas ko lang mula banyo." sabi ko habang kumukuha ng suklay mula sa ibabaw ng aking study table.

"Good news, baks! Sa overall scoring ay naging tie tayo with the Vent Herpies na nasa first place! Mabuti na lang naging champion tayo sa basketball, dance sports at archery! Ang gagaling talaga ng mga team mates natin! At kapag manalo tayo sa cheerdance ay tiyak na tayo ang tatanghaling champion!" galak ni Cornelia dahilan upang mapangiti ako sa balita niya.

"Wow! Nakakaproud naman. Isang event na lang ang matutunghayan natin bukas kaya dapat grabe ang suporta na ipapakita natin! Teka may mga props na ba tayo?"

"Of course naman! Ano tayo, poor?" halakhak naman niya dahilan upang ako'y mapatawa na rin.

"Don't cha worry! Andun na 'yung mga props natin kay Michael. Siya na ang bumili at nagbayad kaya wala ka nang aalahanin pa. Pagsabihan mo si Pau na galingan nila bukas, ha? Kapag sila'y manalo ay magbibigay ako ng lechon. Magpapa-fiesta tayo!" galak niyang muli dahilan ako'y humalakhak na sa kaniyang mga pinagsasabi.

"Kahit kailan ang baliw mo, Cornelia. O, siya pagsabihan ko mamaya 'yung kakambal ko."

"Dapat lang noh. O sige, maaga pa kayong gumising bukas ha? Dahil by 8:00 'o clock ay susunduin na namin kayo ni ate." sabi niya.

Naubusan na kasi ng battery ang sasakyan ni Paulter kahapon pagkatapos ng kanilang practice. Kailangan niya pang makabili ng bago kaso gipit pa siya ngayon. Iniwan niya lang pansamantala sa loob ng campus ang kaniyang kotse para safe. Mabuti na lamang ay dumating si mama at magkasama silang pumunta sa Brunelleschi Art Center upang ako'y salubungin.

"Wow, kahit kailan ang bait mo, Cornelia. Pinagpala ka talaga ng langit!" bola ko naman sa kaniya dahilan upang siya'y mapabungisngis. Pagkatapos ng aming munting pag-uusap ay agad ko namang binaba ang aking phone kaso may biglang kumatok sa pintuan.

"Pasok.." sabi ko naman at agad tumambad ang aking kakambal. Mukhang kababago din niyang maligo at saka sinuot ang kaniyang ternong pantulog. Pagpasok niya ay agad niyang sinara ang pintuan at saka dumiretso sa akin. Ano naman kaya ang kailangan niya?

"O, akala ko matutulog ka na?" ngiti ko habang nagsusuklay pa rin ng aking buhok. Nakita ko pa siyang papunta sa aking kama at saka umupo 'run. Mukhang ang lalim naman ng kaniyang iniisip.

"Are you mad at me?" bigla niyang tanong dahilan upang mapatigil ako sa pagsusuklay.

"I am sorry. I didn't mean to hurt your feelings." usal niya sabay tingin sa akin. Napahinga na lamang ako nang malalim at saka tinabihan siya. Alam ko ang ibig niyang ipabatid ngunit wala na 'yun sa akin ang lahat. Nawala na lamang ang lahat ng aking mga selos at galit 'nung kami ay nagsimulang magksama sa apartment. Doon ko na lamang na realize kung anong pagkatao mayroon ang aking kakambal.

"Pau, naman. Matagal na 'yun....." sabi ko sabay tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pa ang maaari kong masabi sa kaniya ngayon. Siguro kung nandito pa rin ang sama ng aking loob ay tiyak na kanina pa akong pumutak.

"I admit matagal na akong may sama ng loob sa'yo dahil siguro palagi kang napapansin nina mama't papa. Ngunit ngayon ay naglaho na 'yun 'nang magsimulang magkasama tayo rito. Lahat nagbago 'nang makilala kita nang husto. Akala ko nga ikaw itong snobber at geek. Siguro nga talagang geek at genius ka since birth ngunit isa ka ring caring at thoughtful na kapatid. Sorry din if may nagawa man akong ikasasama ng iyong loob." sinserong sinabi ko iyon kay Paulter dahilan upang mawala ang mga pangamba niya sa mukha.

"Yesterday, I saw you and Vlad sa parking area ng art center----"

"Don't say his name again, Pau..." singit ko bigla sa kaniya. Pakiramdam ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Vlad ay parang hina-high blood ako. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yun. Ang paghanga ko sa kaniya noon ay bigla na lamang nabura na parang isang bula.

"Alam mo bang magpinsan sina Vlad at Stella? Narinig ko kasi silang magkausap bago pumunta ng states si Stella.." sabi ko at saka nakita ang pagkalito sa kaniyang mukha. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa aking nasaksihan at narinig kahapon mula sa dalawang 'yun. Talagang parehong dugo ang nalalalaytay sa kanila.

"They're cousins?"

"Yes." tugon ko na lamang at saka napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin kay Paulter ang tungkol sa pagsumbong ni Vlad kay papa. Kapag malaman niya ito ay tiyak na lalaki ang galit nito sa kaniya at baka maghamon pa ng away. Hindi naman siguro isang trouble maker ang aking kakambal. Well, malay ko naman kasi lalaki siya eh. Hindi ko naman mababatid kung ano ang nasa kaniyang isipan.

Huminga na lamang ako nang malalim at saka muling tumingin sa kaniya. Ngunit bago pa ako tumingin ay agad kong nakita ang pagkilatis niya sa aking mukha. Ngunit pagkatapos 'nun ay agad siyang ngumisi na hindi ko maintindihan. Kumunot bigla ang aking noo.

"Talagang wala ka ngang balak na sabihin sa akin. Alam ko ang tungkol sa ginawa ni Vlad. Just like you ay narinig ko rin ang pag-uusap nilang dalawa ngunit huli lang akong dumating. Kaso wala akong idea na magpinsan pala sila. I am also hiding from them. Not that far..." Talagang nagulat ako 'nang sinabi 'yun ni Paulter. Nagkataon din ba na nandun siya sa parking area? Ano naman kaya ang ginawa niya 'run?

"I hate him. Both of them. He's obsessed with you kaya ginawa niya ang bagay na 'yun. He's a jerk and a total non-sense being. Mabuti na lang pinigilan ko ang aking sarili na hindi siya gulpihin sa kaniyang mga pinagsasabi. Dahil kung hindi, naku. Ang kamaong 'to ang babaon sa kaniyang mukha." kuwento niya sabay pakita ng kaniyang kanang kamao sa akin. Kahit na medyo malamya siya ay nandun pa rin ang kaniyang matigas na personality na ngayon ko lang nakita.

"And by the way, anong ginagawa mo sa parking area? Sinundan lamang kita 'run kasi gusto ko sanang yayain kang mag-snacks sa labas."

"Isasauli ko sana ang notebook na pinahiram niya sa akin noon. Kaso, ayun nga ang nangyari. Nagalit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Mas lalo niya pang sinira ang ating pamilya."

"Notebook?"

"Oo. Yung notebook niya 'nung college. Actually malaking bagay nga 'yun upang ma-improve pa ang aking skills sa sketching." sabi ko naman.

"Teka, kung nandun ka sa mga oras na 'yun ay bakit hindi ka nagpakita? Sana sinundan mo ako para may makapag-comfort lang man sa akin. Hindi ka ba naaawa sa iyong kakambal?" kunwari tinarayan ko si Paulter ngunit nakita kong ngumisi lang siya.

"Actually, gusto sana kitang sundan 'nun. Ngunit may parte sa akin na magpaiwan muna upang harapin si Vlad. Gusto ko siyang harapin at magalit ngunit napaisip ako sandali. Walang patutunguhan din kung aayawin ko siya kasi mukhang nagsisisi rin siya. Ayaw ko sanang sabihin ang mga salitang 'yun ngunit 'yan ang nakikita ko sa kaniyang mga mata Beanovelle..." 'Nang dahil sa salaysay ni Paulter ay agad akong nagulat.

"Oo may galit ako sa kaniya ngunit ikaw lamang ang makakaayos ng inyong problema. Siya at ikaw."

"Ngunit hindi ko pa kayang harapin si Vlad." malungkot kong saad sabay huminga nang malalim. "May sugat pa rin sa aking dibidb dahil sa ginawa niya.."

"Kung ganun palipasin mo muna ang iyong nararamdaman. At kapag dumating na rin ang oras na handa ka na ay agad na kayong humarap sa isa't isa. Alam kong sa mga oras na 'to ay may mga realizations 'din si Vlad. I hope na mag-uusap na kayo nang maayos..." 'Nang dahil sa sinabi ng aking kakambal ay bigla na lamang gumaan ang aking pakiramdam. Ngumiti ako sa kaniya dahilan upang mapangiti rin siya sa akin.

Agad akong umalis mula sa aking pagkakaupo at saka naglakad papunta sa aking study table. May maliit akong drawer na nakapatong 'dun at saka may kinuha na bracelet na binili ko 'nung nakaraang araw. Isa 'yung charm bracelet na binili ko pa sa chinatown. Napalingon ako sa aking kakambal at saka nakita ang mausisa niyang hitsura.

"Pau....." sabi ko at saka bumalik sa kaniyang tabi.

"Here. Take this..." At agad ibinigay sa kaniya ang charm bracelet. Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga oras na 'yun at saka dahan-dahan niyang kinuha sa akin ang bracelet.

"Is this a mixture of jade and opal stones? Mukhang mahal naman 'to Belle?" mangha niya.

"Don't worry about the price. Basta ang importante ay maipanalo niyo bukas ang cheerdance competition."

"Teka, binigyan mo ako ng charm bracelet para lang 'dun?" tawa niya at saka napatingin sa akin. "Kahit na hindi mo ako binigyan nito ay ipapanalo pa rin namin ang competition."

"May pagkahambog ka rin noh? Sige, ibalik mo na nga sa akin ang bracelet.." aagawin ko na sana sa kaniya ang bracelet kaso mabilis niyang isinuot 'yun sa kaniyang kanang kamay at saka umalis mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Hindi na noh. Ibinigay mo na sa akin eh. At saka bagay naman sa akin." ngisi niya dahilan upang mapangiti na rin ako.

"Don't worry, Belle. Malaki ang tiwala ko sa ating team. Maraming oras ang ginugol namin sa pag-eensayo kaya malaki rin ang chance na magiging maganda ang kinalabasan nito. Ang aming dugo't pawis na inalay namin araw-araw ay magbubunga rin sa wakas. Kaya ihanda niyo na ang inyong sarili dahil handang-handa na kami bukas." Buong tiwala na sinabi ni Paulter sa akin dahilan upang mapatango ako sa kaniya.

Ang kaniyang pagiging positibo ay nagkakaroon sa akin ng katiyakan na magiging maganda at maayos ang magiging palabas nila bukas. Talagang iba ang confidence level ng aking kakambal kaya siguro palagi siyang nananalo sa mga competitions dahil sa ganitong klaseng pananaw.


*******

Maaga kaming gumising ni Paulter mga alas sais ng umaga upang makapaghanda na. Nagluto ako ng sinangag at saka ng tocino at saka nagtimpla rin ng kape para sa aming agahan. Hinintay ko pa si Paulter na naliligo ngayon sa banyo dahil mas maganda kapag sabay kaming kumain. Habang nagscro-scroll sa aking phone ay bigla na lamang tumawag si mama. Napangiti naman ako sa mga oras na 'yun at saka sinagot ang kaniyang tawag.

"Ma, good morning!" galak ko.

"Good morning 'din, anak. O, nakapag-almusal na ba kayo ng iyong kapatid?"

"Uh, actually hindi pa po. Hinintay ko pa kasi si Pau. Naliligo pa po siya ngayon." tugon ko sabay tingin sa banyo na malapit lang naman sa aming dining table.

"Ano almusal niyo ngayon? Baka gusto niyong magpapadala ako ng makakain ninyo? Mag o-order lang ako ng-----"

"No need na ma. Actually nagluto po ako ng sinangag at saka tocino." hiya kong sinabi kay mama at saka hinintay ang sasabihin nito. Hindi pa kasi alam ni mama na marunong na akong magluto. Noon kasi na naninirahan pa ako sa aming bahay ay mga kasambahay lang namin ang nagluluto. Kahit si mama ay talagang walang alam sa mga lutuin.

"Talaga ba anak? Magandang malaman 'yan. Mukhang marami ka nang alam sa buhay. Mabuti ka pa marunong ka nang magluto..." sabi niya dahilan upang mapatawa ako.

"Don't worry ma dahil tuturuan kita magluto...." ngiti ko.

"Sige, anak. Hihintayin kong mangyari 'yan. And by the way, tumawag nga pala sa akin ang iyong kaibigan kagabi na sila na lang muna ang maghahatid sa inyo ni Pau sa Harrison High..." 'Nang dahil sa sinabi ni mama ay agad kong naaalala si Cornelia.

"Si Cornelia po ba?"

"Right! That's her name. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang aking phone number but mabuti na lamang dahil may sasakyan ang kaniyang ate. And by the way, tell Pau na binilhan ko na siya ng bagong battery ng kaniyang kotse. No need for him to worry."

"Alright, ma. Makakanood po ba kayo mamaya ng cheerdance competition ni Pau?" pagbabasakali ko sa kaniya. Sana manood nga si mama mamaya.

"Of course naman! I won't missing it. Baka manood pa nga si papa niyo mamaya..." At agad namang namilog ang aking mga mata 'nang marinig 'yun. Si papa pupunta mamaya?!

"Si papa?..."

"Yes, dear. Actually sinabihan ko na siya kagabi tungkol sa competition ni Pau at hindi naman ako makapaniwala na sasama siya sa akin. Is it great na pupunta ang papa niyo mamaya? Ang ibig sabihin 'nun ay okay na siya sa inyo. Alam kong may pagkakamaling nagawa si Antonio but if you give him space and time to think ay ma-rerealize niya rin na nagkakamali rin siya sa pagiging strict niya sa inyo. I hope you will forgive him once na humingi na siya nang tawad..." salaysay ni mama dahilan upang hindi ako umimik. Sa totoo lang ay hindi ko pa kayang harapin si papa mamaya lalo na't ako ang may pinakamalaking atraso sa kaniya.

"O, siya. Nakalabas na ba si Pau? Pagkatapos niyang maligo ay agad na kayong kumain. Hindi maganda na paghintayin pa ang pagkain, okay?" paalala ni mama upang ako'y tumango-tango.

"Yes, ma. I'll take note of that. See you later. Good bye!"

"Good bye din, anak. Good luck sa inyo mamaya." At saka binaba na ang phone. Huminga na lamang ako nang malalim at sakto namang lumabas na si Paulter mula sa banyo suot ang bathrobe nito.

"Hay, mabuti naman. Let's eat!"

Pagkatapos naming kumain at maghanda ay sakto namang tumawag si Cornelia upang sunduin kami. Mag-aalas otso na kaya paniguradong nandun na sila sa baba ng kaniyang ate.

"Good morning! O, ano ready na ba kayo mamaya?" Mabuti na lamang at na loud speaker ko ang pagtawag niya dahilan upang marinig 'din siya ni Paulter.

"Yes, of course! We're ready!" masiglang tinugon ni Pau sa kaniya.

"Alright! Here na kami ni ate sa baba. Hihintayin namin kayo."

"Sure, sure. Pababa na kami." sabi ko sabay lock ng aming unit. Mabilis naming nilakad ang hallway upang makababa na gamit ng elevator. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip tungkol sa pagpunta ni papa mamaya.

Talaga nga bang okay na si papa sa amin? Baka naman mamaya ay puro lait at paninira ang sasabihin niya sa amin ni Paulter? Agad naman akong napailing sa aking mga pinag-iisip at saka napatingin kay Paulter na mukhang excited na para mamaya. Hindi ko pa siya pinagsabihan tungkol dito. Ayaw kong bigyan siya ng bagong kaisipan hangga't may kompetisyon pa siyang haharapin mamaya.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro