Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

[Chapter 12]


Naaalala ko ang panahon kung saan binigyan ako ni Vlad ng scarf na palagi kong sinusuot. Iyan kasi ang bagay na nagpapaalala sa kaniya at isang inspirasyon upang makamit ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay tulad ng kaniyang ninanais para sa akin. Pagkatapos kasi ng tagpong 'yun ay napagdesisyunan kong lumipat ng SAC at the end of school year. Alam kong taliwas sina mama't papa tungkol sa naging desisyon ko ngunit wala naman silang magagawa pa.

Dahil sa patuloy kong pagmamatigas ay pinalayas na talaga ako ni papa sa bahay. Kaya ayun, nakatira na lamang ako sa apartment at mabuti na lamang ay binibigyan pa rin ako ni mama ng allowance at saka pambayad ng unit sa apartment. Itinanghal din si Stella na isang exchange student sa Amerika at the end ng school year at lahat ay talagang nagulat. Marami sa amin ang nagtataka kung bakit dahil sa pagkakaalam ng karamihan ay wala namang exchange program ang SSTC curriculum.

Marami talaga ang nangyari noong nakaraang tatlong taon at hindi iyon biro sa akin. Dahil sa pursigido kong makapag-aral sa SAC curriculum ay nag-apply ako ng kanilang scholarship. Mabuti na lamang ay natanggap ako kaya wala na akong po-problemahin pa sa tuition fees. Kaya nga lang babalik muli ako ng first year kasi kailangan. Iba kasi ang mga subjects ng SSTC sa SAC maliban na lamang sa mga subjects na English, Filipino, PE at Values Education.

Sa pananatili ko sa SAC curriculum ay si Vlad talaga ang naging inspirasyon ko. Siya na rin ang naging motivation ko upang ako'y magpursigido sa pag-aaral dahil gusto ko ring makapasok sa Royal College of Art katulad niya. Wala na akong maisip pang iba na kapag nakapasok ako 'run ay baka malaki ang chance na magkita kami ulit. Dahil base sa sinabi ng kaniyang close friend na art curator ay baka naging art professor na siya pagkatapos niyang gumadruate at nagtuturo na rin 'dun mismo. Ngunit ang paghanga kong iyon sa kaniya ay bigla na lamang nawala. Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta na lamang iyon nabura sa aking dibdib.

Bumalik ang aking diwa nang biglang lumapit si Vlad. Agad naman akong napaatras at mas lalong napahigpit ng hawak sa notebook na isasauli sana sa kaniya. Napalunok na lamang ako habang ang aking mga mata ay nakatingin na sa kaniya.

"Napapansin kong hindi mo na suot ang scarf na ibinigay ko sa'yo, Beanovelle.." sabi niya habang nakatingin sa akin. Tumigil na ako sa pag-atras at saka napapikit dahil sa namumuong takot at tensiyon sa aking dibdib. Natatakot akong malaman ang nasa isip niya. Natatakot akong malaman kung bakit ginawa niya ang bagay na hindi ko talaga inaasahan.

"What you said to Stella awhile ago.... is that a lie....right?..." kabado kong tanong at muntik na ring mapiyok sa mga oras na 'yun.

Hindi siya umimik pagkatapos 'nun. Ang pagtataka sa kaniyang mukha kanina ay unti-unti nang napapalitan ng guilt. "Did you just eavesdrop on us?"

"Hindi naman ako magtatanong kung narinig ko ang inyong pinag-usapan kanina, Vlad. I just want to confirm kung totoo ngang------"

"What you heard is right...." 'Nang dahil sa sinabi niya ay parang nawalan ako nang balanse bigla. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"No. No, Vlad. I know your joking-----" Pilit kong sinasabi iyon sa kaniya dahil alam kong hindi ko 'yun matatanggap. Agad naman akong napatigil 'nang biglang nagtaas siya ng boses.

"Am I a joke to you, Beanovelle? Do you think I'm joking?! What you heard awhile ago is right!" pagkompirma niya at saka humakbang nang kaunti sa aking harapan. Hindi ko alam ngunit parang ibang Vlad na ang kaharap ko ngayon."Dahil narinig mo na ito galing sa akin, ano na ang sasabihin mo?"

Hindi ako umimik pagkatapos 'nun. Tahimik akong umiiyak na hindi tumitingin sa kaniyang harapan. Yumuko lang ako habang hinigpitan ang aking pagkakahawak sa dala-dala kong notebook. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya sa mga oras na 'yun. Mas lalo lamang bumibigat ang aking pakiramdam kapag hindi ko 'yun ginawa.

Galit ako sa kaniya. Galit na rin ako kay Stella na walang ginawa kundi sirain kaming magkakapatid. At higit sa lahat ay nagagalit ako sa aking sarili dahil masyado na akong nabulag kay Vlad. Nabulag ako sa mga magaganda nitong ipinapakita sa akin at dahil na rin sa paghanga ko sa kaniya. Malakas ko namang ipinaslak ang notebook sa kaniyang dibdib at agad humugot nang lakas upang tingnan siya.

"I loathe you.... a lot! I thought you're a great person. But I made a mistake!" sigaw ko at saka hinampas nang paulit-ulit ang notebook sa kaniyang dibdib. Wala na akong pakialam kung magalit man siya sa ginagawa ko ngayon. Talagang nagagalit na ako sa kaniya!

"You disappoint me, Vlad! You disappoint me! Isa ka sa naging malapit sa akin, ngunit sinira mo 'yun! I really hate you!!" patuloy ko pa habang ipinalalabas ang masamang damdamin. Ngunit agad naman akong nagulat nang pinigilan niya ako. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kanang kamay dahilan upang mapatingin na ako sa kaniya.

"Kung hindi lang kayo naging malapit ni Paulter ay hindi ito mangyayari, Beanovelle! Because of him ay parang bale wala na ako para sa'yo!" sabi niya habang nilalapit ang mukha niya sa akin. Agad naman akong naalarma at saka puwersa siyang itinulak dahilan upang mabitawan niya ang aking kamay. Hindi ko na napansin pa ang paghulog ng notebook mula sa aking kamay ngunit wala na akong oras pa na pulutin 'yun.

"Are you out of your mind?! Vlad, he's my twin brother! You're jealous of him?! That's freaking ridiculous! Matagal ko nang ipinagdarasal na maging malapit kami ni Paulter but you ruined it because of your nonsense reasoning! My family was already broken but you made it even worse! How dare you!!" iyak ko pa sa kaniya at saka ko na siya tinalikuran.

Ngunit agad naman akong natigilan nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit niyang pinalupot ang mga braso nito sa aking baywang at saka nararamdaman ang mainit niyang hininga sa aking tenga. Talagang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa ginawa niyang 'yun.

"Please, don't leave me. Please...." pakiusap niya ngunit mabilis naman akong kumalas mula sa kaniyang pagkakayakap at saka siya hinarap.

"Sana naisip mo 'yun bago mo ginawa ang isang bagay na mas lalong makakasira sa aking pamilya, Vlad..." Walang emosyon ang namumutawi ngayon sa aking mga mata 'nang sinabi ko 'yun sa kaniya. Agad na akong tumalikod upang umalis na sa kaniyang harapan ngunit napatigil ako 'nang bigla siyang nagsalita.

"Beanovelle, I love you------"

"Will you please it, Vlad! Stop it! I never want to hear that word coming from you! Wala akong nararamdaman sa'yo. Wala! Kaya please, please tumigil ka na!!" sigaw ko sa kaniya at agad nakita ang pagkabigla at lungkot sa kaniyang mukha. Wala na akong pakialam kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. Sinaktan niya ang aking damdamin kaya hindi ko na kaya pang tumagal sa kaniyang harapan.


*******

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ito na ang araw na matagal kong pinaghandaan. Sa kabila na nangyari sa amin ni Vlad kahapon ay hindi iyon alintana upang hindi ako magtagumpay sa aming kompetisyon. Kailangan kong mag-concentrate sa competition mamaya at e-set aside ang aking nararamdaman. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay agad naman akong tumingin sa salamin at saka ngumiti.

"This is it, Beanovelle Ress Lunaire! Ito na ang araw na matagal mo nang pinapangarap! Just give your best shot!" At saka ko naman narinig bigla ang pagkatok ng pintuan sa labas dahilan upang mapatingin ako 'run. Mabilis naman akong pumunta 'run at saka binuksan ang pintuan.

"Bellie loves, are you ready na ba?" salubong sa akin ni Rainiel habang ngumingiti nang malapad sa aking harapan.

"Hindi na 'yan tinatanong, baks. Ready na 'yan si Belle since birth. O, ano na? Let's go dahil hinihintay na tayo ni ate sa baba. Ayaw niya pa namang pinaghihintay siya..." ngiti naman ni Cornelia sa amin.

Agad na rin akong lumabas sa aking unit at saka kinandado na ang pintuan. Tuluyan na naming tinahak ang hallway at saka sumakay ng elevator upang makababa na. Paglabas namin sa apartment at agad kong napansin ang isang puting kotse na pagmamay-ari ng kapatid ni Cornelia. Nang lumapit kami 'run ay bigla na lamang bumukas ang bintana at saka may babaeng sumilip upang tingnan kami.

"Finally, you're here! It's already 7:25 'o clock kaya kailangan na nating pumunta sa Brunelleschi Art Center!" sabi niya kaya dali-dali kaming tatlo na pumasok sa kotse.

"Si ate naman, oh. Chill ka lang, ano ka ba..." komento na lamang ni Cornelia habang nakaupo na siya sa front seat. Katabi niya ang kaniyang ate na siyang magmamaneho ng kotse.

"Oh, guys. Kailangan niyong maiuwi ang championship mamaya, ha? Kung hindi, naku! Talagang kukurutin ko kayo isa-isa, lalong-lalo ka na Cornelia!" sabi pa ng kaniyang ate at saka humagikgik pa. Parang matatawa kami ni Rainiel pagkatapos 'nun at saka nakita namin si Cornelia na lumingon sa amin. Nakakunot pa ang kaniyang mukha na para bang sinasabihan niya kaming huwag pansinin ang kaniyang ate.

Pagkatapos ng halos sampung minutong biyahe ay dumating na rin kami sa wakas sa Brunelleschi Art Center. Pagbaba namin ay agad kaming nagitla dahil sa mga taong dumarating sa nasabing art center. Marami nang mga shuttle buses ang nakahilera sa parking area at halos marami na ang mga taong nakapila na gustong manuod para sa gaganaping musical art at theatrical arts competition.

"Guys, just give your best later on. I know you can do it! Hopefully ay talagang maiuwi niyo ang championship! O siya, aalis na ako ha? See you later, kiddos!" sabi na lamang ng kapatid ni Cornelia at saka na siya bumiyahe patungo sa Harrison High dahil may mga events pa rin 'dun na hindi pa natatapos. Agad na rin kaming naglakad at saka napatingin sa mga foreigners na nadadaanan namin.

"Shocks! Ang ga-gwapo naman nila mga baks!" galak ni Rainiel habang kinikilig na parang isang uod sa aking tabi.

"Oo nga, baks! Mukhang nasa foreigner ang forever natin!!" sigaw bigla ni Cornelia at saka napatakip na lamang ng bibig nang ma-realize na napalakas 'ata ang kaniyang boses. Napailing na lamang ako sa kanilang mga pinagsasabi at saka tinahak na lamang ang daan upang makapasok na sa art center.

Pagpasok namin ay agad bumungad ang napakaraming kalahok na nakatumpok sa aming unahan. Iba't ibang klaseng mga artist ang aming nakikita. May mga Americans, Europeans, Latins, Africans, Indians, Chinese, at iba pa. Pang-worldwide talaga ang competition kaya napalunok na lamang ako at saka nararamdaman ang pagtambol ng aking puso dahil sa sobrang kaba. 'Nang mapatingin ako sa aking kanang bahagi ay agad kong nakita ang aming school principal na si Sir Bernas kasama si Sir Riche upang salubungin kami. Nakangiti sila sa aming tatlo habang naglalakad sa aming direksiyon.

"Good morning, my beloved students!" bati ni Sir Bernas.

"Good morning, principal and Sir Riche!" bati naman naming tatlo sa kanila.

"This is the day that we are waiting for! So how was your practice so far? Does it make you far beyond to others?" ngiti sa amin ni Sir Riche. Kahit kami ay hindi alam kung ang aming kayayahan ba ay mas nakakaangat sa iba. Basta ang alam lang namin ay ginawa namin ang lahat upang mas maging confident sa aming ginagawang craft.

"We can't determine that for now, Sir Riche. But all I know is that, we gonna do our best to win in the competition. And that is our promise!" sabi ko naman sa kaniya dahilan upang mapangiti siya sa akin.

"And that is the spirit that I wanted to see from you!" ngiti niya sabay halukipkip sa aming harapan.

"This Art Olympics is once in a lifetime opportunity at masuwerte kayo dahil pinili kayo ni Sir Riche. And this will also serves as a recruit ground dahil may mga international schools na pipili kung sino ang gusto nilang e-recruit. Kaya paghusayan niyo nang mabuti upang kayo'y mapili. I don't want to pressure you guys. Hindi ko naman masasabi na kayo ang pinakamagaling dito. Remember, marami kayong kalaban at mga taga-ibang banyaga pa. The most important here is that, you are enjoying and you love your craft. 'Di ba 'yan naman talaga ang ginagawa ng mga artist? Am I right?" sabi naman ni Sir Bernas habang nakatingin sa amin.

'Nang dahil sa sinabi niya ay agad nawala ang aking kaba dahil sa kompetisyon. Normal namang maging kabado sa mga oras na 'yun ngunit bigla na lamang iyon nabura. Tama nga si Sir Bernas. Dapat e-enjoy lang ang ginagawa at huwag ma-pressure. Dahil kapag na-pressure ka ay talagang mawawala ang iyong focus at wala nang magandang idea ang pumapasok sa iyong utak.

"O, narinig niyo ba ang sinabi ni principal?" singit naman ni Sir Riche at saka napatingin sa aming tatlo. "Laging tatandaan ang mga golden rules ng artist. Just be yourself, be encouraging, learn the fundamentals, never stop learning and above all, never speak negatively about your art. Gawa niyo 'yan guys. You need to be proud of your craft since pinaghirapan niyo 'yan. I know you can do it and whatever happens, we are still proud of you!" ngiti niya pa dahilan upang mapangiti na rin kami sa kaniya.

"Thank you po, Sir Bernas and Sir Riche! 'Nang dahil sa sinabi niyo ay mas lalo po kaming naging confident! Don't worry lagi po namin tatandaan ang inyong mga bilin sa amin!" galak na sinabi ni Cornelia habang kami naman ni Rainiel ay sumasang-ayon sa kaniyang sinabi.

Sumilay naman ang mga ngiti nina Sir Bernas at Sir Riche sa kanilang narinig at saka tumatango pa. "Glad to hear that from you. Alright, the contest will going to start soon. So, nasaan na ang iba ninyong mga kasama?" sabi ng principal at saka nilibot ang paningin sa paligid.

"Sir Bernas, parating na po sila." sabi ko na lamang habang nakatingin ngayon sa entrance hall ng art center. Nakita ko na rin ang aming team na mukhang handa na handa rin sa kanilang magiging contest mamaya. Dali-dali silang pumunta sa aming direksiyon at saka gumalang na binati ang school principal at saka kay Sir Riche.

"Good morning, principal and Sir Riche. Sorry we're late..." sabi ng isa naming kasamahan habang hinahabol ang kaniyang hininga.

"Don't worry. You came just in time. Where have you been anyway?" tanong ni Sir Bernas na mukhang napansin ang pagmamadali ng aming kasamahan na pumunta rito.

"We just came from Harrison High kasi sinamahan pa namin ang Graphics team na kumuha ng kanilang gagamitin later on." tugon naman ng isang senior mula sa theatre team.

"Don't worry. It's alright. Okay, since the time was ticking I would like to wish everyone a good luck. I hope that God will help you later on to unleash your greatest potentials. Just do your best and I hope that all of you will be succeeded and wished that you may be chosen and recruited by the International schools to prepare for your future. Don't waste this moment, guys. It's you're time to shine! Good luck and God Bless again, Arties of Harrison High!!" pagmamalaki ni Sir Bernas.

Napangiti naman kaming lahat pagkatapos 'nun at sobra namin silang pinasasalamatan dahil sa natatanggap naming suporta at mga advises para sa competition. Pagkatapos ng tagpong 'yun ay agad na kaming pumunta sa aming area sa hall upang salubungin ang mga coordinators, hosts at organizers ng International Arts Olympics. May maikling introduction lang ang naganap at pagkatapos naman 'nun ay dumiretso na kami sa aming mga respective rooms upang ganapin ang unang batch ng arts competition!

Ten minutes na lang before mag-alas otso kaya kailangan kong magmadali papunta sa Room 6 ng second floor. Pagdating ko 'run ay agad akong napalunok dahil iba't ibang mga international artists ang aking nakakasabayan sa competition. Talagang nakatingin pa sila sa akin habang ako'y papunta sa aking designated area na nasa gitna. Ang awkward naman!

"Good morning!" rinig ko naman bigla at saka napatingin sa instructor na nasa aming unahan.

"I am Mr. Alexander McKinley, a president of National Arts Committee. I am one of the organizers of this International Arts Olympics and at the same time an instructor for this morning for Fine Arts." sabi niya. Mukhang nakita ko na siya dati 'nung pumunta rin ako rito. Tama! Kasama niya noon si Mr. Hiro Takahashi upang mag-inspect at mag-check ng mga facilities na gagamitin para sa arts olympics.

"What did you see at your front?" tanong niya habang naglalakad sa harapan. Mayroon kaming tig-iisang table kung saan may nakita akong malapad na sketchpad at may mga sets din ng mga charcoal pencils, colored pencils, oil pastels, pentel pens, brushes, acrylic paint tubes, at poster paints. Sa kaliwang bahagi ko naman ay mayroong malaking blank canvas na nakatayo.

"Those things are already prepared for your comfort. So use it as you please..." dagdag niya at agad lumapit sa pinakagitna kung saan may malapad na puting tela ang nakatakip sa hugis parihabang bagay. Agad niyang kinuha ang puting tela at saka inalis upang bumalagta ang isang malaking bagay na nakatayo sa sahig. Isang portrait ni Mona Lisa!

"A Portrait of Portrait! That is your theme for this morning. You are going to paint or draw of what you have seen at the center. All should be accurately calculated and well-defined! But before getting started, let me give you the most awaited part!" galak niya at saka dali-daling kinuha ang glass bowl na nakatungtong sa center table.

"Okay. Each of you should pick any rolled papers here. I'm going to start now...." dagdag niya at inumpisahan nang pumunta sa kada artist upang sila'y makabunot ng nakarolyong papel na nasa loob ng glass bowl. 'Nang ako na ang sumunod ay agad na akong bumunot sa loob. Sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Ano naman kaya ang pakulo ni Mr. McKinley? Mukhang hindi ko na nagugustuhan ang mga ngisi nito. 'Nang matapos na ang lahat ay agad nang bumalik si Mr. McKinley sa unahan at saka tumingin sa amin.

"Alright! Then, I would like everyone to please open their chosen rolled papers in a count of three! Altogether in three, two, one......"

'Nang mabuksan ko kung anong nakasulat sa loob ay agad akong nagulat. Kahit ang iba naming mga kasamahan ay parang naguguluhan na rin dahil sa kanilang nabasa.

"Excuse me, sir! I thought sketching and painting competitions are separated? What is the meaning of this?" tanong ng katabi kong Irish artist na kahit ako ay mapapatanong din ng ganoong katanungan. Ang akala ko nga ang Room 5 ay for painting competitions while Room 6 is for sketching competitions naman.

"Well, the rules has changed! Being an artist should know how to be flexible at all times. Don't just limit yourself in one area. Be versatile in any category! For this morning competition, I decided to mix both painting and sketching category. What you got on your hands will be your category. If you picked painting category, well you have to paint. But if you picked sketching, then you have to sketch. Easy as pie!" sabi niya dahilan upang magulat kaming lahat.

Hindi ko alam na magiging ganito pala ang nasabing competition. Muli akong tumingin sa nabunot kong papel at saka napalunok. Hindi ko naman inaasahan na painting pala ang aking nakuha. Sa buong pag-eensayo ko kasi, panay sketching lang ang aking ginagawa. Sa aming fine arts team, ako lang ang nag-iisa rito sa Room 6 dahil halos sa kanila ay pinili ang painting category. Meaning pare-pareho lang ang naging sitwasyon namin ngayon.

"Alright, the time is ticking! You only have four hours to finish your masterpiece! " At pagkatapos 'nun ay agad na kaming gumalaw upang makapili ng aming gagamitin para sa gagawin naming craft. Agad ko nang itinabi ang sketchpad at saka kinuha ang palette, acrylic paint tubes, at saka paint brushes. Napalunok na lamang ako habang nakaharap na sa malaking canvas. Aminado akong medyo hindi ako sanay sa painting ngunit kailangan kong magtiwala sa aking sarili.

Napapikit na lamang ako at saka pinakalma ang aking sarili. Magagawa ko ba kaya 'to? Ngunit ang aking pag-aalala ay bigla na lang napalitan ng pagtataka 'nang may isang senaryong sumulpot kung saan nakita ko ang aking sarili na nagpipinta para sa aking scholarship application para lumipat sa SAC curriculum. Pareho rin ang nararamdaman kong nerbyos at pagdududa ngunit 'nang sa kagustuhan kong makapasok at matanggap ay kailangan kong paghusayan. Kailangan kong i-udyok ang aking sarili, kailangan kong magtiwala sa aking kakayahan!

Napamulat ako at saka huminga nang malalim. Hindi ako puwedeng maging kabado! Kailangan ko 'tong labanan at saka may ipinangako ako na iuwi ang championship! Agad kong nilipat ang aking canvas sa katabi ng aking lamesa upang humarap sa portrait ni Mona Lisa. Napalunok ako ulit at saka kinuha na ang mga acrylic paint tubes upang isalin na ang mga pintura sa palette.

Alas-singko na nang hapon at katatapos lang 'din ng Theatrical Play nina Rainiel sa Brunelleschi Theatre. Maganda ang kinalalabasan ng dula ng kanilang team ngunit hindi mo rin inaasahan ang mga abilidad at kagalingan ng ibang grupo. Talagang mapapanganga ka sa kanilang kahusayan sa pag-arte kanina! Daig pa nila ang mga artista na ipinalalabas sa telebisyon!

Nandito kami ngayon sa hallway naglalakad upang makauwi na. Maraming mga artists ang nagsi-uwian papunta sa kani-kanilang mga hotels ngunit ang iba ay mukhang may gana pang magliwaliw at nagpi-picture pa sa labas. Hindi pa kasi sila puwedeng makauwi sa kanilang bansa dahil wala pang announcements kung sino ang mga nananalo sa kompetisyon. Ayon sa mga hosts at organizers ng International Arts Olympics ay baka bukas pa ng hapon i-anunsiyo ang mga nananalo. Siyempre ba naman, maraming mga kalahok ang sumali at puro magagaling pa! Baka sumakit pa ang mga ulo ng mga judges kung sino ang pipiliin nilang maging champion.

"Baks, real talk tayo. Puro magagaling ang mga kalaban niyo kanina sa theatrical play lalo na sa grupo ng mga Americans. Napaiyak nga ako!" kuwento ni Cornelia habang binabaybay na namin ang labasan ng art center. Kahit ako rin. Hindi rin matatawaran ang kagalingan ng mga Americans sa pag-arte. Napabilib nga ako.

"Hoy, ano ba kayo? Wala ba kayong tiwala sa amin? Aminado naman akong magaling sila ngunit mas magaling kameh! Bare that in your mind mga baks!" reaksiyon ni Rainiel sabay halukipkip. Ito talaga ang nagugustuhan ko sa bakla dahil sa matinding confidence level nito. Kahit alam niyang may mas magaling sa kaniya ay hindi iyon alintana upang ipakita ang angking kagalingan nito sa kaniyang ginagawa.

Pagkatapos 'nun ay bigla na lamang tumunog ang aking phone at saka kinuha 'yun. Napangiti ako bigla at saka sinagot na ang tawag.

"O, 'bat ngayon ka lang napatawag, Pau?" tanong ko kay Paulter at saka napatingin kina Cornelia at Rainiel na panay ngiti sa aking kanang gilid.

"Pasensiya na, Belle. Katatapos lang kasi naming mag-ensayo sa cheerdance. We're here sa parking area. We will wait for you...."

"We? Wait, sino kasama mo-------" At saka na niya binaba ang tawag dahilan upang magulat ako.

"By the way, ba't hindi natin siya nakasama kaninang umaga? Sayang, meron na sana siyang free ride..." singit naman ni Rainiel.

"Nag-overnight kasi sila sa school, kaya ayun. Alam niyo namang may aim silang maging champion sa cheerdance so kailangan nilang paghusayan nang husto.." sabi ko na lang sa kanila at saka nagpaalam na dahil magkikita pa kami ng aking kakambal sa parking area.

Dumiretso na ako papunta 'run hanggang sa nagkita na nga kami. Napangiti ako 'nang makita ko ang aking kakambal ngunit agad 'yun napalitan ng pagkagulat 'nang makita kong kasama niya sa mga oras na 'yun si mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro