CHAPTER 11
[Chapter 11]
Three years ago
Pumasok ako ng Harrison High bilang isang SSTC student kasama si Paulter. Hindi ko akalaing makapasok ako rito kasi ang hirap-hirap ng entrance examinations at parang pinipiga ka during interviews. Imagine, from 600 participants ay 80 lang ang nakapasok sa amin. Kung tutuusin kapag hindi ka talaga matalino ay hindi ka papasok. Puro mga honorees ang talagang nakakapasok especially ang mga valedictorian at salutatorian during elementary.
Gumadruate kami ni Paulter sa isang science primary school. Siyempre, valedictorian si Paulter at ako naman ay nasa top 5 lamang. Masaya naman ako kahit papaano at least nakapasok ako ng top 10. Sabi ko nga, kapag hindi ako pinalad na makapasok sa Harrison High ay doon lamang ako mag-aaral sa Carson High o 'di kaya sa Jamesonville High. Kaso si papa ang gusto niya ay doon kami mag-aaral sa Harrison High dahil maganda roon ang kanilang science and technology program na tiyak na magagamit namin pagdating ng kolehiyo. So ayan, talagang na-pressure ako!
"Ipakita niyo sa lahat na mas matalino kayo kaysa sa mga ka-batch niyo! Lalong-lalo ka na, Paulter. You have to be a consistent topnotcher. At kapag naging valedictorian ka ulit ay ibibigay sa'yo ang Oustanding SSTC Award which would give you a great credentials upang makapasok sa Harvard University or even sa Oxford University. Isn't that great son?" galak naman ni papa dahilan upang tumatango na lamang si Paulter sa kaniya.
"And you, Beanovelle. You should be like your brother. Look at him, marami na siyang achievements sa school. Naging valedictorian din siya. Okay na sana if naging salutatorian ka 'nung gumadruate ka last year..." paghihinayang naman ni papa habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako makaimik pagkatapos 'nun. Sanay naman ako sa mga ganyan niyang linyahan.
First day of school na namin sa Harrison High ay talagang hinatid kami ni mama sa school. Binigyan niya rin kami ng aming mga baon at saka yumakap sa amin nang mahigpit. Nang tuluyan na siyang umalis ay agad naman kaming pumasok ni Paulter sa loob ng campus. Unti-unti kong nilibot ang aking paningin sa paligid at nakita ang napakaraming estudyante na naglalakad papunta sa gymnasium dahil may welcoming program pala para sa aming mga first year students.
May napansin din akong kakaiba tungkol sa mga school uniform namin. Ang iba ay may kulay purple na blazers at ang iba naman ay kulay blue. Sa amin naman ay kulay maroon. Ba't naman kaya?
"Pau, ba't magkakaiba ang kulay ng ating blazers sa kanila?" tanong ko bigla sa aking kakambal ngunit hindi man lang siya tumingin sa akin.
"Ang Harrison High ay may tatlong curriculum. Ito ay ang Special Arts Class Curriculum, Special Math and Business Class Curriculum at ang Special Science and Technology Class Curriculum. Each color represents every curriculum at kulay maroon ang sa atin na SSTC." sabi niya dahilan upang mapanganga ako sa mangha.
"Special Arts Class.... Hindi ko inaasahan na may ganito ring curriculum dito. Kung alam ko lang-----"
"Do not pursue what is on your mind. Papa still has the power to decide where we will go both. Kahit anong gawin mo ay hindi siya papayag..." Isang babala ang pinakawalan sa akin ni Paulter dahilan upang mapalunok ako bigla. Tama nga siya. Si papa pa rin ang magde-decide para sa magiging future namin.
Natapos na rin ang two-hour welcoming program kanina sa gymnasium. Boring din kung tutuusin dahil panay introduction lang ang aking naririnig mula sa emcee. Mula sa mga guro ng tatlong curriculums, mga admins, staffs, at sa pagpapakilala ng mga curriculum coordinators at school principal. Dumiretso na kami ni Paulter papunta sa Mendel Hall at saka tinahak ang hallway papunta sa magiging advisory room namin.
Nang makapasok na rin kami sa classroom ay agad naming nakita ang magiging kaklase namin. Umupo si Paulter sa likuran habang ako naman ay hindi alam kung saan ako mauupo. Puno na kasi ang mga seats sa likuran kaya it's either sa gitna ako umupo o 'di kaya'y sa unahan. Sinensiyahan ko pa si Paulter na samahan niya akong umupo sa unahan ngunit deadma lang ang naging reaksiyon nito sa akin. Mahilig talaga siya umupo sa likuran dahil sabi niya para maiwasan raw ang pangongopya sa kaniya during quizzes at examinations.
Napahinga na lamang ako nang malalim at wala nang choice kundi ang umupo na lang sa gitnang bahagi. Gusto ko sana sa unahan kaso wala akong kasama. Mga ilang minuto rin ang aming paghihintay ngunit wala pa rin ang aming class adviser. Napatulala na lamang ako sa pisara dahil sa boredom hanggang sa may narinig akong pagtikhim mula sa aking gilid. Napatingin naman ako 'run at saka nakita ang babae na nakapameywang habang nagsasalubong ang mga kilay niya.
"Get out of my seat." pagtataray niya. Nakita ko naman ang dalawa niyang kasama na nasa kaniyang likuran na tinaasan pa ako ng kilay.
"Sorry, sige maghahanap na lamang ako ng mauupuan." sabi ko naman sa kaniya na hindi tumitingin. Hindi ko naman alam na upuan niya ito noh! Aalis na sana ako sa kaniyang harapan ngunit hindi ko inaasahan na pinatid niya ako dahilan upang mapasubsob ako sa sahig. Halos lahat ng aking mga kaklase ay nagtatawanan at nagsisimula na rin silang mag-ingay dahil sa pangyayaring 'yun.
"Stella has already picked her own doggy.."
"Kahit kailan hindi pa rin nagbabago si Stella.." rinig kong bulong-bulongan ng aking mga kaklase. So, Stella pala ang kaniyang pangalan? At paano naman nila siya nakilala? Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa aking pagkakabagsak at agad siyang hinarap.
"What's your problem ba? Hindi mo ba ako nakitang umalis?" irita kong tanong sa kaniya. Ngunit ngumisi lang siya sa akin sabay halukipkip.
"Oh, I'm sorry! Ang bagal mo kasing kumilos kaya pinatid na kita!"
"Nang dahil lang 'dun? Are you crazy?!" sabi ko sa kaniya dahilan upang pinalitan ng pagkairita ang kaniyang mukha.
"Bakit? May problema ba?" sabi pa niya at saka lumapit sa akin nang dahan-dahan. Agad naman akong napatingin kay Paulter na nasa likuran upang tulungan ako ngunit nakita ko lang siyang nakatunganga sa bintana. Kahit kailan wala siyang pakialam kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid.
Bago pa sana akong magsalita laban kay Stella ay agad naman kaming nagulat nang marinig ang boses ng aming guro na nasa pasukan ng classroom. Napatingin naman kami sa kaniya at saka nakita ang mataray niyang pagmumukha na akala mo'y kakain ng buhay na tao.
"What is the commotion all about?!" tanong niya sa amin at saka kami tiningnan isa-isa.
Three days passed at mukhang nakaka-adjust na rin ako sa aking buhay SciTek. Ngunit hindi ko mapigilan na ma-stress dahil sa mga inaaral namin. Assignments and quizzes everyday, projects every month, and lots of laboratory activities na ibinibigay ng mga teachers namin. 'Nang makauwi na rin kami ni Paulter sa bahay ay hindi namin inaasahan na makita si papa sa pasukan ng main door. Matalim siyang tumingin sa akin bagay na aking ipinagtataka naman.
"Beanovelle! I heard na first day of school niyo pa lang ay may inaaway ka raw daw? Is that true?" tanong niya sa akin dahilan upang bumilog ang aking mga mata sa gulat.
"That's not true papa!" sabi ko naman sabay lapit sa kaniyang harapan.
"Your class adviser told me na inaway mo raw si Stella Del Rosario. How could you even do that? Do you have any shame on yourself?"
"No, that's not what you think. Stella just tripped me without any reason that's why I need to defend myself! Pau, just tell papa the truth----"
"Enough! Get to your room!"
"No, pa! I'm telling the truth!"
"You're grounded! You cannot go outside this weekend, do you understand?!" galit na sinabi sa akin ni papa dahilan upang matahimik ako sa kaniyang harapan. Kahit anong rason ko ay alam kong hindi siya maniniwala. Ewan ko ba kung bakit siya ganyan. Yumuko akong umalis sa kaniyang harapan at saka tiningnan si Paulter sa aking gilid na parang walang pakialam. Hindi lang man niya ako ipinagtanggol kay papa! Kahit kailan napaka-selfish niyang kapatid. Sarili niya lang ang kaniyang iniisip!
"How are you doing son?" Mukhang nag-iba naman ang hangin nang sinalubong ni papa si Paulter.
"I'm still great." tugon na lamang ni Paulter at saka ngumiti. Agad ko nang nilihis ang aking paningin sa hagdan upang umakyat na papunta sa aking kuwarto. Halata namang paborito ni papa si Paulter at palagi niya pang pinupuri. Ngunit wala naman akong pakialam 'dun.
Lumipas ang mga araw at buwan ay ganun pa rin ang mga nangyayari sa school. Pressure at struggle is real talaga kapag isa kang SciTek. Dapat marunong kang mag-manage ng time at saka kung paano mo pagsabayin ang mga studies at pagsali ng mga activities sa school. Patuloy pa rin ang pambu-bully ni Stella sa akin ngunit hindi na lamang ako lumaban pa upang wala nang gulo. Kung anu-ano na lang ang ipinapagawa niya sa akin at sinusunod ko naman na parang isang tuta.
Si Stella Del Rosario ay pamangkin ng gobernador sa Palawam at saka ang mga magulang nito ay parehong Dean sa Palawan State University. Halos lahat ay nasa kaniya na kung tutuusin. Maganda, matalino, at saka mayaman. Ngunit sa kabila ng mga ito ay nangingibabaw pa rin ang kasungitan at kapangitan ng kaniyang pag-uugali. Mahilig siyang mang-bully at saka ipahiya ang mga naging biktima nito. Talagang matalino nga si Stella katulad na lamang sa aking mga naririnig dahil gumadruate ito na Valedictorian 'nung elementary at saka kitang-kita naman sa naging performances nito sa loob ng classroom. Mukhang may katapat na rin sa wakas sa aking kakambal na wala pa ring pakialam sa akin!
"Beanovelle, can you please buy me some food. Nagugutom na me kasi.." pagtataray niya at saka ibinigay ang pera sa akin. Pinuntahan niya pa ako sa aking puwesto upang utusan na naman ako. Katatapos lang namin kasi sa Biology subject at break time na namin.
Wala naman akong magawa kundi sundin ang utos niya. Kinuha ko na sa kaniya ang pera at saka lumabas na ng aming classroom. Ngunit agad naman akong napatigil sandali nang biglang kinausap ni Stella si Paulter. Nasa loob pa rin siya at hindi ko na inaalam kung ano man ang kaniyang ginagawa.
"You know what Pau, your twin is so obedient. That's why I really like her." rinig ko mula kay Stella na halata namang plastic. Mga ilang segundo na rin ang nagdaan ngunit hindi pa rin siya tinugunan ng aking kakambal.
"Actually matagal ko nang gusto itanong sa'yo Pau. Talaga bang hindi kayo masyadong close 'nang iyong sister? Well, look. Hindi kayo----"
"It's none of your business..." Iyan lang ang sinabi sa kaniya ni Paulter na halatang hindi interisado sa kaniya.
Nakita ko naman ang iritadong mukha ni Stella habang nakatingin sa aking kakambal. Si Paulter naman ay talagang busy sa pagbabasa ng Chemistry book habang nakasandal sa kaniyang upuan nang matiwasay. Kahit kailan ay wala pa ring pakialam kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid.
"Kung ano man ang namamagitan sa amin ni Beanovelle ay wala ka nang pakialam 'run. Got it?" rinig ko pa kay Paulter ngunit ang mga mata nito ay nasa libro pa rin niya.
Alam kong napahiya si Stella sa mga sandaling 'yun ngunit hindi na niya magawang sumagot pa sa kaniya. Patabog siyang bumalik sa kaniyang upuan habang napasimangot. Napailing na lamang ako sa mga oras na 'yun at saka pumunta na sa cafeteria.
Binilhan ko si Stella ng chicken sandwich at saka pineapple juice dahil ito ang mga paborito niyang snacks. Lumabas na rin ako ng cafeteria at saka dali-daling bumalik sa classroom. Ngunit hindi ko inaasahan na makita si Paulter sa hallway na nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at sa hindi inaasahan ay inagaw ang mga pinamili kong pagkain para kay Stella.
"Pau!-----"
"What do you think you're doing?" tanong niya sa akin.
"What do you think?" tanong ko pabalik sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya 'yun ngunit makikita sa mukha niya ang pagkairita na hindi ko maintindihan.
"I want you to stop this!"
"Stop what?"
"Stop being a pitiful puppy for Stella. Hindi ka ba talaga naaawa sa sarili mo? You're making yourself a scatterbrained clown."
"Aba! Concern ka pala sa akin! Hindi ko alam 'yun ha!" sabi ko naman sa kaniya na hindi makapaniwala na sinabi niya 'yun.
"Please, stop this nonsense! Don't you know? Kapag napapahiya ka ay napapahiya rin ako. I am your brother. Kung ano ang mga ginagawa mo ay sumasalamin din ito sa akin. Kaya please, please. I don't want to ruin my record here at school because of your foolishness!" At ang mga binitawan niyang mga salita ay biglang tumagos sa aking dibdib.
Kahit kailan ay napaka-selfish niyang kapatid! Sarili niya lamang ang kaniyang iniisip at walang alam kung ano man ang aking mararamdaman. Ni hindi lang man niya ako ipinagtanggol noon kay papa. Alam niya ang mga ipinanggagawa sa akin ni Stella ngunit hindi niya man lang ako ipinagtanggol. Tapos ako pa talaga ang may kasalanan na kapag mapapahiya ako o kung may ginagawa akong katangahan ay sumasalamin din ito sa kaniya. Nagpapatawa ba siya?
Dumating na rin ang weekend at talagang masaya ako dahil magagawa ko na rin ang mga bagay na gusto kong gawin. At ito ay ang paggawa ng mga sketches at pagpinta na matagal kong itinatago kina mama't papa. Marami na akong ginawang mga paintings at sketches na itinago ko sa aking lumang drawer. Hindi lingid sa kanilang lahat ay kinahihiligan ko na ang mundo ng Art 'nung bata pa lamang ako. Hindi ko alam ngunit kapag nakakakita ako ng mga bata na gumuguhit ay parang gusto ko na ring gumuhit. Habang ako'y nagpipinta sa aking kuwarto ay hindi ko inaasahan na bumukas bigla ang pintuan at linuwa ang galit na mukha ni papa. Hindi ko na naitago pa ang aking obra sapagkat nakita na niya ito.
"What is the meaning of this?" galit niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa mga oras na 'yun.
"Uhm, pa. I'm doing some paintings here------"
"Throw that away.." At bigla na lamang bumilog ang aking mga mata 'nang marinig iyon.
"No! What?-----" Agad ko namang napansin ang aming kasambahay na pumunta sa luma kong drawer kung saan ko tinatago ang aking mga obra. At sa hindi inaasahan ay mabilis niya itong binuksan at saka nakita ni papa ang mga iba't iba kong obra. Parang binuhusan bigla ng malamig na tubig ang buo kong sistema.
"Throw those things outside."
"No! Wait!" malakas na sinabi ko at saka inagaw ang aking obra mula sa kasambahay.
"What are you doing, pa?!"
"Don't you dare to raise your voice, Beanovelle! I am going to throw that stupid things that you kept on that drawer!"
"But why? I don't understand....." sabi ko na lamang at bigla na lamang sumikip ang aking dibdib dahil sa mga sinasabi niya.
"Ha! Akala mo ba hindi ko malalaman agad?! You're grades are getting lower especially sa Research subject and according to your teacher ay nawawalan ka nang focus! What are you even doing?! And then ano pa 'tong nakikita kong mga walang kwentang paintings and sketches na nakatago riyan sa loob? Baka 'eto pa ang dahilan kung bakit nawawala ang iyong focus sa pag-aaral!" bulyaw ni papa habang nakatingin siya nang masakit sa akin.
"That's not true pa! Hindi naman mababa ang aking mga grado----"
"You think?! Look at Pau's grades! Puro mga line of nine 'yung mga grado niya! How about you? Mayroon ka nang line of eight na grade at sa research subject niyo pa!"
"Please let me explain!!"
"There's nothing for you to explain, Beanovelle!" sigaw ni papa at agad tumingin na sa mga kasambahay. "Alright, pick up those trashes and throw them outside."
Wala naman akong magawa kundi umiyak na lamang habang kinukuha ng aming kasambahay ang aking mga pinaghirapang paintings na tinago ko pa 'nung maliit pa lamang ako. Masakit sa dibdib dahil ang magulang mo pa mismo ang sumira at humadlang sa iyong kinahihiligan. Masakit pa ring nakatingin sa akin si papa at hinayaan ang mga kasambahay na umalis ng kuwarto bitbit ang aking mga obra.
"Remember this. Walang naidulot na maganda ang iyong ginagawa. Nagmumukha ka lamang mangmang kapag ipinagpatuloy mo pa 'yan, Beanovelle.." At pagkatapos 'nun ay agad na niya akong iniwan sa kuwarto at saka ni-lock pa ang pinto. Grounded na naman ako.
Dumating na rin ang araw ng lunes. Dahil wala sina mama at papa sa bahay ay napagdesisyunan ko munang magpa-late sa school. Sa totoo lang tinatamad na akong pumasok kaso wala naman akong magagawa. Umalis na ako ng bahay ng mga alas-otso at agad nakapuwesto sa labas upang makahanap ng taxi. Ngunit nang magpalinga-linga ako sa aking paligid ay agad kong nakita ang mga nakatumpok kong obra na nasa kabilang daan. Nasa ibabaw ang mga 'yun ng malaking trash bin kaya dali-dali naman akong tumawid ng kalsada at saka nilapitan iyon.
Agad naman akong napaluha nang makita ang aking mga obra na may mga bahid ng dumi at ang iba ay nabahiran ng putik at alikabok. Hahawakan ko sana ang mga iyon ngunit hindi ko na makayanan ang aking sarili dahil sa sakit ng loob. Napayuko ako sa sobrang bigat ng aking dibdib. Patuloy lang akong umiiyak at saka napatanong kung bakit ganun na lamang ang trato sa akin ni papa. Hindi ko siya naiintindihan. 'Di ba dapat ang mga magulang ang siyang susuporta sa kung anong nais ng kaniyang anak?
Sa hindi inaasahan ay agad kong nahagip ang isa ko pang obra na nakasandal sa gilid ng trash bin. Kinuha ko iyon at saka nakita ang aking painting na impressionism art style. Ang painting ay tungkol sa babae kung saan napapalibutan ito ng mga iba't ibang bulaklak at paru-paro. Sa lahat ng aking naipinta, isa ito sa aking nagagandahan.
"Maganda ang painting na iyan, hija. Why don't you exhibit that sa art museum?" rinig ko bigla dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Isa itong matandang lalake. May katabaan at nakasuot siya ng american suit. Napapansin ko din na may bitbit din siyang malaking case.
Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha at saka tumayo upang harapin siya. "E..exhibit po?"
"Yes. I am a painter specializing surrealism art style. Marami na akong naipintang mga obra at agad ko naman iyon ibinigay sa art curator upang e-exhibit ang aking mga ginagawa. Baka interisado ka, hija? May potensiyal pa naman ang iyong obra." ngiti niya pa sa akin. Hindi ko alam ngunit sa mga oras na 'yun ay kusa na lamang gumalaw ang aking mga paa upang sundan siya papuntang art museum.
Dumating na rin kami sa loob ng art museum at talagang napapamangha ako sa aking nakikita. Ang Art Museum ay matatagpuan sa sentrong bahagi ng siyudad at hindi naman masyadong malayo mula sa bahay. First time kong makapasok sa loob ng museum kaya hindi ko mapigilang mamangha dahil sa mga art displays na aking nakikita sa paligi. Habang yakap-yakap ang aking obra ay hindi ko inaasahan na makakita ng isang binata na papunta sa aming direksiyon. Nakasuot siya ng kaniyang school uniform at may bag pang nakasabit sa kaniyang kanang balikat. Mukhang mestizo, may magandang mukha at saka matangkad. Sumasayaw pa ang magulo niyang buhok habang naglalakad.
"Good morning po, Mr. Sanchez!" bati niya at agad kumaway sa matandang lalake na kasama ko.
"Good morning rin hijo. Heto na pala ang aking mga obra na ipapa-exhibit sana..." rinig ko at saka napatingin kay Mr. Sanchez na binubuksan ang dala niyang case. Agad naman akong nagulat nang makita ang mga obra niyang magaganda. Ito pala ang tinatawag niyang surrealism art style? It's kinda weird pero nakakamangha.
"And who is this young girl?" rinig ko naman at saka napatingin sa binata na nakatingin na rin sa akin. Napalunok na lamang ako nang ngumiti siya sa aking harapan.
"Uhm, I'm Beanovelle Lunaire and I would like to exhibit my work too..."
"Really?" sabi niya pa at saka tiningnan ang aking painting na hawak-hawak ko.
"Is that an impressionism art style?"
"Ye..yess!" sabi ko at saka ibinigay sa kaniya ang painting. Tiningnan niya ito nang matagal at agad din siyang tumatango.
"Well, then. I am Vladymhir Onyx Avelino. I am one of the curators of this Art Museum. Thank you for letting your masterpiece shine inside this museum. I bet this would be another star that will attract a lot of visitors and artists.." ngiti niya ulit at saka nilahad ang kaniyang palad sa aking harapan. Napangiti naman ako 'nang dahil 'dun at agad nakipag-kamay sa kaniya.
Si Vladymhir Onyx Avelino ay isang art student at nag-aaral sa isang kolehiyo sa lungsod. Nagsa-slide line siya bilang isang art curator upang tugunan ang mga pangangailangan niya sa school. Mag-isang binubuhay ni Vlad ang kaniyang sarili kaya kailangan niyang magsumikap upang makatapos sa pag-aaral. May mga close relatives din siya na nakatira sa lungsod ngunit hindi niya gustong tumanaw nang utang na loob. He prefer to stay alone and be independent at isa iyon sa kaniyang katangian na hinahangaan ko.
"Mayroon kaming Special Program for those who wanted to hone their skills in Art in the areas of Painting and Sketching. Every 5:00 'o clock in the afternoon during weekdays at half-day morning naman tayo during Saturday. Baka willing ka mag-join, Beanovelle?" sabi ni Vlad at saka nakatingin sa mga bisita na mukhang masaya dahil sa kanilang nakikitang obra. Everyday nagbubukas ang Art museum from 10 'o clock sa umaga at ngayon lang napaaga si Vlad kasi wala siyang klase ngayong oras.
"Sayang ang talent mo kapag pinapabayaan mo. Let me help you to become a better artist.." sabi niya pa at agad naman akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam ngunit may nakikita akong liwanag mula sa kaniyang mga mata. Sincere siya sa kaniyang mga sinasabi at masasabi kong mahal niya ang kaniyang ginagawa. Naiinggit ako sa totoo lang. Gusto ko rin ang kaniyang ginagawa kaya ngumiti ako at saka tumatango bilang pagsang-ayon. Gusto ko pang paghusayan ang aking kakayahan sa larangan ng Arts. At sa mga oras na 'yun ay unti-unti na akong humahanga sa kaniya.
Araw-araw na akong pumupunta ng museum pagkatapos ng aming klase sa hapon upang makilahok sa Special Program nila. Hindi na ako nagpaalam pa kay Paulter dahil alam ko namang wala siyang pakialam. Kahit isang oras lang aking nilalaan ay marami rin akong nalalaman at napupulot na mga tricks kung paano gawing nakakamangha ang obra. Si Vlad na rin ang naging instructor namin kaya masayang-masaya ako dahil sa kaniyang mga naituro.
Mas naging malalim na rin ang aming samahan ni Vlad dahil sa programang ito. Every Saturday na rin akong pumupunta roon at dinadahilan na lamang kina mama't papa na sasali ako sa isang group study sa bahay ng aking kaibigan. Minsan gumagala rin kami ni Vlad kung saan-saan pero ang madalas naming puntahan ay ang National Bookstore at saka nakipagtinginan na lamang sa mga blank canvasses at acrylic paints dahil sa presyo nitong 'di maabot-abot. Masaya akong kasama si Vlad. Magaan at masaya siyang kasama. Mas lalo rin akong humanga dahil sa kaniyang dedikasyon at kahusayan sa kaniyang passion. He's a literal goal-oriented guy.
"Vlad..." sabi ko sa kaniya habang iniabot sa kaniya ang niregalo kong relo. Mukhang nagulat naman siya sa aking ginawa kaya dahan-dahan naman niyang kinuha iyon mula sa akin. Nandito kami sa loob ng Art Museum. Huling gabi para sa special program ng museum. Kanina pang umalis ang ibang kalakok at instructors at kami na lamang ni Vlad ang natira.
"It's just a thank you gift, Vlad. Nothing else..." Hindi ko alam ngunit sa kaloob-looban ko ay parang hindi iyon ang nais kong iparating sa kaniya. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng aking puso nang makita siyang ngumiti.
"There's no need to thank me. I just wanted you to be happy, Beanovelle. I wanted you to be yourself. I want you to show your potential and create your own path you wanted to be." ngiti niya pa at saka lumapit sa akin. At sa hindi inaasahan ay bigla na lamang uminit ang aking pakiramdam nang niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi naman ako makagalaw sa mga oras na 'yun. Talagang nagulat ako sa kaniyang ginawa.
"I wish you to be happy, Beanovelle. Promise me to be happy...." At ito ang naging huli niyang pahayag na may kaakibat na magpapagulat sa akin.
Mga ilang araw na ang lumipas ay bumabalik pa rin ako sa Art Museum sa pag-asang makita siyang muli. Pagkatapos kasi ng huling araw ng Special Program ay hindi na raw siya bumabalik. Kahit si Mr. Sanchez ay hinahanap din siya. Ba't biglang nawawala si Vlad?
Kinabukasan ay muli akong bumalik sa Art Museum. Konti na lamang ang mga taong bumibisita dahil siguro maghahapon na. Magte-text sana ako kay mama na muli akong gagabihin nang uwi ngunit agad may pumukaw nang aking atensiyon nang may tumawag sa aking pangalan. Agad akong lumingon at saka nakita ang isa sa mga curators na papunta sa aking direksiyon.
"Are you Ms. Beanovelle Lunaire?" tanong niya at agad naman akong tumango bilang sagot.
"Uhm, this is from Vlad." sabi niya habang iniabot sa akin ang isang parcel na box. Nanigas naman ako nang binanggit niya ang pangalan ni Vlad. Ano kaya ito? At bakit hindi siya mismo ang nagbigay sa akin nito?
"What is this anyway? And where's Vlad?"
"I think the answer is on there." sabi niya at agad na rin siyang nagpaalam upang umalis. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Kinakabahan ako. Agad ko namang binuksan ang parcel at saka unang kinuha ang isang letter na nakatupi. Napalunok na lamang ako at saka binuksan na ang kaniyang liham.
Dear Beanovelle,
How are you? I hope you're doing fine. I really don't know where to start but I was hoping for you to understand me. I am really happy to have you in my life. After those memories that we have shared, I genuinely cherished it and was hoping for another to come in the near future. But some things need to change, and I must do it. I need to grasp the opportunity in order for me to reach my dreams and goals in life. Aren't you like that, Beanovelle? In the name of our dreams, we need to move forward even if it was mean to leave someone. I didn't intend to leave you. But I must.
I became an exchange student in Royal College of Art in London, Beanovelle. If you are reading this, I must be already in UK. I didn't tell you earlier because I didn't want to see you sad. But I bet you will tell me a coward after reading this. But honestly, I prefer to be a coward than seeing you in grief. I meant what I told you, it's true. I hope one day, God will let us meet once again. After I graduate, I promise to find you. I am going to find you no matter what.
Wishing for your true happiness, Beanovelle. Let your heart ablaze what you truly wants in life. Choose your freedom of what you become and let your wings fly high to the path you will chose. Always praying for your success.
Love,
Vladymhir
Pagkatapos kong basahin 'yun ay hindi ko na mapigilang mapaluha sa aking kinatatayuan. Wala na akong pakialam kung may nakatingin na sa akin. Ang bigat-bigat sa pakiramdam 'nang matapos kong basahin ang kaniyang liham. Ba't hindi niya sinabi sa akin na aalis pala siya? Hindi lang man ako nagpaalam sa kaniya.
"Ang duwag mo, Vlad...." bulong ko na lang habang napapikit sa sobrang inis at lungkot. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ginawa niya 'yun. Siguro kapag sinabihan niya ako nang mas maaga ay talagang malulungkot ako. Wala na akong makakasama at babalik ulit sa dati ang aking buhay.
Masaya naman ako dahil naging exchange student na rin siya ng Royal College of Art sa London tulad ng kaniyang pinapangarap. Alam kong malapit na niyang maabot ang kaniyang minimithi sa buhay at maging isang successful na artist. Ngunit masakit pa rin sa aking dibidb ang kaniyang pag-alis. Hindi ko alam ngunit parang may anong bato ang pumukol sa aking puso. Hindi ko rin alam kung magkikita pa ba kami ulit.
"Belle...." rinig ko bigla mula sa aking likuran. Agad naman akong napalingon at nagulat nang makita si Paulter.
"Pau, anong ginagawa mo rito?...." tanong ko sa kaniya habang inaalis ang aking mga luha sa pisngi. Mukhang wala na akong kawala sa aking kakambal. Nakita na niya akong umiiyak.
"I followed you here.."
"Please, Pau. Don't tell this to papa-----"
"I've already followed you here many times. And don't worry. I won't say anything to them." tugon niya lamang at saka lumapit sa akin.
"I bet that guy have left you because you just cried. Hindi ka naman iiyak kung hindi siya umalis, hindi ba?" Hindi naman ako makaimik pagkatapos niyang sabihin 'yun. Ano naman ang alam niya tungkol dito?
"If that guy is special to you, you must accept his decisions. You must be happy for him at least. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, let the fate meet you for the second time around at siya na mismo ang bahala para sa magiging happy ending ninyo." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkatapos kong marinig ang mga iyon mula sa aking kakambal.
Sa mga oras na 'yun ay napagisip-isip ko na rin na dapat maging masaya na lamang ako para kay Vlad at sana matanggap na rin ng aking puso ang tungkol sa kaniyang paglisan.
Muli kong binuksan ang parcel upang kunin kung ano pang meron sa loob nito. Isang plastic ang naroroon at saka ko naman kinuha kung ano ang nasa loob 'nun. Hindi ko alam ngunit bigla na lamang gumaan ang aking pakiramdam nang makita ang ibinigay niyang scarf na kulay pink.
"I will always be grateful to you, Vlad..." At saka sinubukan nang isuot ang scarf sa aking leeg.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro