CHAPTER 10
[Chapter 10]
"Paulter, what is the meaning of this?!" galit na sinabi ni papa kay Paulter.
Hindi ko akalian na pumunta ngayon si papa sa aming apartment. Kasama niya ngayon si mama na mukhang iiyak na rin sa maaaring mangyari sa amin. Nandito pa rin kami sa salas ng aming unit, naghihintay kung sino sa amin ni Paulter ang magsasalita.
"I just went to your school to confirm kung nandun ka nga nagsta-stay para maka-focus for the International Research Competition. Pero ano 'tong nalaman ko na matagal ka nang nag-quit? And the worst thing is that you kept telling lies to us at nalaman ko na lamang na nandito ka pala nakatira sa kakambal mong walang ibinigay kundi pasakit lang sa ulo!!!" muli niyang sigaw at agad niya kaming pinuntahan kung saan kami ngayon nakatayo. Nakayuko lang ako habang iniinda na naman ang masasamang salita tungkol sa akin.
"Are you out of your mind, Paulter? Do you even know what you were thinking? The opportunity was given to you already but you just let it pass to your hands! Sa pagkakataong 'to ay mauunahan ka na ni Stella! Paano na lang kung hindi ka ga-graduate na Valedictorian sa inyong batch?!" sabi pa ni papa habang nakatingin ngayon sa aking kakambal. Napasulyap naman ako sa kaniya sa mga oras na 'yun at saka nakitang nakayuko rin siya habang nanginginig ang kaniyang kamao.
"And you!!" sigaw muli ni papa at alam kong sa akin naman siya nakatingin.
"I don't know what you were feeding to your brother but please stay away from him. Talagang malas ka sa pamilya namin! Akala mo hindi namin malalaman ng mama mo na ang pera pa ng kakambal mo ang ginagamit mong pang-allowance at saka pambayad ng apartment mo?! You have no shame at all!!!" pagduduro niya pa sa akin hanggang sa nararamdaman ko na lang ang pagpitik niya sa aking noo dahilan upang humapdi nang tuluyan.
Mabigat at masakit ang aking nararamdaman ngayon dahil sa mga sinasabi niya sa akin na pawang walang katotohanan. Pinilit ko pang hindi umiyak sa kaniyang harapan ngunit kusa na lang tumutulo ang mga luha kong puno nang galit at kalungkutan. Hindi ko ininda ang sakit ng kaniyang pagpitik sa aking noo ngunit sadyang tumatagos talaga ang masasakit niyang salita sa aking dibdib. Agad ko siyang tiningnan sa mga oras na 'yun upang depensahan sana ang aking sarili ngunit naunahan na ako ni Paulter magsalita.
"Belle has nothing to do with my decisions. Kusa lamang akong nag-quit 'cause I want to do some things aside from joining research competitions! Kaya don't blame everything on Belle! Wala siyang ginawang masama! And to be clear, ako rin ang nagkusang nagbibigay ng kaniyang allowance at pambayad ng kaniyang apartment." depensa ni Paulter habang pinipilit na maging matatag sa harapan ni papa.
"Wait, did you just defend her?! Did you defend your sister from me?!" Hindi makapaniwalang sinabi iyon ni papa dahilan upang mapahilamos siya sa galit at pagkabigla. "Mukhang naimpluwensiyahan ka nga ng kapatid mo nang tuluyan! "
"Beanovelle is a good person and responsible. You should know that first since you were our father!"
"She was not already part of our family since she had moved here. She doesn't even care kung pinagsabihan ko man siya nang paulit-ulit. Talagang matigas pa sa bato ang kaniyang utak!"
"Because you don't even care kung ano ang mararamdaman niya. Naitanong mo na ba sa kaniya kung ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay? Naitanong mo na rin ba kung ano-ano ang mga paborito niyang pagkain, hobby o pasyalan? Kinamusta mo na rin ba siya sa mga studies at activities niya sa school? Have you ever asked these before to your daughter? Have you even wondered kung bakit ayaw ng kakambal ko na gawin ang mga gusto mong ipagawa sa kaniya? It's because you were inconsiderate and you don't even listen kung ano ang mga gusto niyang gawin!" sabi na lamang ni Paulter dahilan upang mas lalong uminit ang ulo ni papa sa kaniya.
"PAULTER!!" sigaw ni papa at agad sanang sasampalin si Paulter dahilan upang ako'y maalarma sa gagawin nito.
"STOP IT!!" singit ni mama at saka nilapitan na si papa.
"Please stop it, Antonio..." iyak niya bigla habang nagmamakaawa kay papa.
"Please, please...Just leave our children. Let them be what they wanted to do..." pagmamakaawa pa rin ni mama at saka hinawakan ang braso ni papa upang hindi na niya masampal si Paulter. Agad naman akong lumapit sa aking kakambal at saka napahawak sa kamay nito.
"Tama na... They were already big enough to decide for themselves. I think its time for them to let their wings spread and fly on their chosen paths...." dagdag pa ni mama habang napayakap sa braso ni papa. Hindi naman umimik si papa pagkatapos 'nun at saka nakita na lamang namin na kumalma siya dahil sa mga katagang binitawan ni mama sa kaniya.
"You know whose to blame for all of these? It was you pa! You pushed Belle too much that's why she doesn't want to obey you anymore. You chained her to your thoughts and desires which made her drowned and lost into nowhere!" bintang pa ni Paulter habang nakatingin pa rin kay papa.
Agad ko namang hinawakan ang kaniyang braso upang patigilin siya. Ngayon ko lang nakitang nagkakaganito si Paulter. Ngayon ko lang din nasaksihan kung paano siya nakipagsagutan kay papa. Ang kilala ko kasing Paulter noon ay tahimik, magalang, at masunurin sa tinuran ni papa.
"That's enough, Pau. Please..." pagmamakaawa ko sa kaniya dahilan upang kumalma na rin siya sa mga oras na 'yun.
"Umuwi na tayo, Maria...." mahinang sambit ni papa habang hindi siya nakatingin sa amin ni Paulter. Agad naman niyang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ni mama at saka umalis na rin siya sa aming harapan. Naiwan naman si mama sa kaniyang kinatatayuan habang umiiyak pa rin. Gusto ko sana siyang puntahan upang siya'y yakapin ngunit hindi ko rin magawa dahil tinatawag na siya ni papa.
"Pagpasensiyahan niyo na ang inyong papa, ha? I know he does terrible things on you but I hope you will forgive him soon. After all, he was still your father..." mangiyak-ngiyak na sinabi ni mama sa amin at saka hinawakan pa ang mga kamay namin ni Paulter. Pilit siyang ngumiti sa aming harapan kahit na alam naman namin na hindi siya okay. Ngumiti na lamang kami ni Paulter pabalik upang gumaan man lang ang kaniyang pakiramdam. 'Nang maging okay na si mama ay agad na siyang nagpaalam sa amin upang umalis at saka iniwan na kami ni Paulter na nakatulala dahil sa nangyari.
"I don't know why you did that..." sabi ko sa kawalan habang inaalala ang pagtanggol ng aking kakambal kanina.
"I just did what it should...."
"Thank you...." sabi ko na lamang at saka napatingin na rin sa kaniya. Tiningnan rin ako ni Paulter at saka hinawakan pa ang magkabila kong balikat upang kami'y magkaharap.
"There's no need for you to thank me. I am your brother. It is my duty to protect and defend you. I have to keep it." 'Nang dahil sa sinabi niya ay agad naman akong napangiti. Talagang naninibago ako ngayon kay Paulter. Ikaw ba talaga 'yan ha?
"I hope this night will not affect you. May practice pa tayo for tomorrow so we need to focus..." sabi pa niya at saka inalis ang pagkakahawak niya sa aking balikat.
"How about...papa?" concern ko dahil alam kong nabigla si papa sa pagsagot-sagot sa kaniya ni Paulter kanina. Kahit galit ako kay papa ay hindi rin maalis-alis ang aking pag-aalala sa kaniya. Alam kong disappointed na siya ngayon kay Paulter but I hope it wouldn't affect his health too much. Sana matanggap na niya kung ano man ang magiging desisyon namin sa buhay at sa mga gusto naming gawin.
"Don't worry about him. He will realize what I told him awhile ago. I hope his anger on you will disappear soon. And even though I quit my participation in International Research Competition ay hindi ko hahayaang matatalo ako ni Stella sa academics. I won't let that happen! And I will prove it to him!"
*******
"OH MY GHAD!!" bulalas bigla nina Cornelia at Rainiel habang nagkakape kami ngayon sa Harrison Brew. Dumating kami rito kanina mga 9:00 'o clock ng umaga for our final session at practice para sa aming International Arts Olympics. Si Paulter ay nauna nang umalis papunta sa gymnasium upang makapag-practice sa kanilang cheer dance.
"Grabe talaga 'yung father mo, ang bangis!" komento na lamang ni Cornelia at saka humigop ng kaniyang brewed coffee. Katabi niya ngayon si Rainiel na hindi pa rin makapaniwala sa ikinikuwento ko sa kanila ngayon.
"Ang tanong, sino kaya ang nagsumbong sa papa niyo?" tanong naman ng bakla dahilan upang mapaisip na rin ako sa mga oras na 'yun.
I just went to your school to confirm kung nandun ka nga nagsta-stay para maka-focus for the International Research Competition. Pero ano 'tong nalaman ko na matagal ka nang nag-quit?
Itong kataga ang biglang sumagi sa aking isipan nang sinabi ito ni papa kay Paulter. Oo, nga naman. Ba't hindi ko 'yun naisip? At sino naman kaya ang nagsumbong kay papa?
"I have one possible person in my mind..." biglang sinabi ni Cornelia dahilan upang mapatingin naman ako sa kaniya.
"Sino naman baks?!" usisang tanong ni Rainiel.
"Sino pa ba? Eh 'di 'yung evil, feeling famous bitch ng SciTeks na si Stella!" 'Nang dahil sa sinabi niya ay bigla na lamang uminit ang dugo ko.
"Can't you see? Siya lang naman ang inggetera na palaging nakabusangot ang mukha everytime na makakuha ng great achievements si Pau! Hindi pa nga siya nakuntento sa pagiging representative nito sa International Research Competition at sinumbong niya pa talaga si Pau sa parents niyo dahil sa pag-quit nito! I know she planned this para ma-ruin 'din ang relationship ng kakambal mo sa father niyo! How evil she is!!" inis na paliwanag ni Cornelia at saka napahalukipkip.
Tama nga si Cornelia. Posibleng si Stella nga ang nagsumbong kina mama't papa tungkol 'run. Hindi naman itatago ni Paulter ang biglaang pag-quit nito sa competition ngunit ang masama lang dahil sa ibang tao pa nila nalaman agad. Kahit kailan walang naidudlot na maganda si Stella!
"Hoy, baks. Huwag munang magpabuga ng usok, ha? Kay aga-aga nabi-beast mode ka na. Hayaan mo kapag nakita natin mamaya ang bruhang 'yun ay agad natin siyang susugurin at saka ihahagis sa outer space para makasama niya rin 'dun ang mga aliens dahil doon siya nababagay!" sabi sa akin Rainiel dahil sa mga oras na 'yun ay talagang gusto ko nang makipag- one on one kay Stella. Ang init sa aking katawan ay bigla na lamang umakyat sa aking ulo na mas nagpapapula pa ng aking pisngi dahil sa matinding inis.
"Kailan nga 'yung competition ng bruha?" dagdag pa ng bakla at si Cornelia lang ang sumagot.
"I think tomorrow. Nakita ko kasi 'yung pinost niya sa social media kanina na naka-impake na siya ng mga bagahe niya at saka ipinakita ang passport..."
"Hay, sayang! Akala ko pa naman ay babalik siya rito sa school. Hindi pala guys matutuloy ang plano nating pagsugod sa bruha mamaya.." ngiti naman ng bakla dahilan upang humagikgik si Cornelia sa tabi nito.
"Hays, ewan ko nga ba sa babaeng 'yun panay post sa social media everytime na may ginagawa siya. Baka pati pagpunta sa CR ay nagpo-post 'din!" patuloy sa paghagikgik naman itong si Cornelia at saka hinampas pa ang bakla sa braso.
"Correct, baks! Hay, naku. Mahal ko ang Harrison High ngunit sa pagkakataong 'to ay talagang ipinagdarasal ko na matatalo ang bruha sa competition para naman makita ang kabiguan nito sa kaniyang mukha at saka ipakita na mas magaling talaga si Paulter kaysa sa kaniya!!"
Patuloy lang ang pagba-backstabbed ng dalawa habang nakikinig lang ako sa kanila. Ngunit sa mga sandaling 'yun ay hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano na lang si Paulter pagkatapos ng Harrison Special Week. Mapapatawad pa kaya siya ni papa dahil sa pagsuway nito sa kaniya? Maiintindihan pa kaya siya ni papa kung bakit ginawa niya 'yun?
"Shocks! Bukas din pala ang ating competition?!" biglaang sinabi ni Cornelia dahilan upang maalarma na rin kaming dalawa ni Rainiel.
"Teka, sino nagsabi?" tanong ko naman at saka nakitang binasa ulit ni Cornelia ang message sa kaniyang phone.
"I thought sa Saturday pa, baks?"
"Hindi, baks. Nag-message sa akin ang aming team leader na bukas na raw ang Arts Olympics. Kahit sila ay nagulat din. Kaya pala mukhang prepared na 'yung Brunelleschi Art Center according kay ate kasi kahapon ay nandoon siya kasama ang mga estudyante nito." komento na lamang ni Cornelia at saka napahinga na lamang nang malalim.
"Mabuti nga't tomorrow na rin ang competition at least mapapanood na rin natin ang cheerdance competition this Saturday!!" galak naman ni Raniel at saka inubos na rin ang kape niya nang tuluyan.
"Hays! Kinakabahan na ako guys! Kayo? Prepared na rin ba kayo for tomorrow?" tanong bigla ni Cornelia dahilan upang mapalunok ako sa aking kinauupuan. Talaga bang prepared na ako for tomorrow? Sa totoo lang kinakabahan na rin ako.
"Sus! Keri na 'tin 'to guys! Ano ba kayo! Wala ba kayong bilib sa inyong mga sarili?! Kaya nga tayong pinili dahil may tiwala sa ating kakayanan si Sir Riche. Huwag nega ha?" sabi na lamang ng bakla dahilan upang mapangiti kaming dalawa ni Cornelia.
"Iba talaga ang confidence level mo baks! Kaya idol na idol kita eh!" sabi na lamang ni Cornelia dahilan upang humagikigik kaming tatlo sa mga oras na 'yun.
Tomorrow will be our greatest event for us as an artist kaya kailangan naming ipakita sa lahat ang aming kakayahan at abilidad upang manalo sa kompetisyon. Whatever happens, we shall claim that championship that will bring honor to Harrison High! And that is our promise.
Pagkatapos naming magkape sa Harrison Brew ay na agad kaming dumiretso sa Brunelleschi Art Center. Talagang nagulat kami sa aming nasaksihan dahil marami nang stalls ang ipinatayo sa gilid nito. Nang pumasok na rin kami sa loob ay agad naming nakita ang malapad na banner kung saan nakasabit ito sa itaas.
21st International Arts Olympics Pura, Passio et Creativity
'Nang nilibot ko ang aking mata sa paligid ay agad kong nakita ang mga iba't ibang palamuti na ngayon ko lang nakikita. Puro bago na rin ang mga ilaw sa paligid at makikitang pinunturahan pa nang bago ang mga dingding. 'Nang dumako ang aking mga mata sa kaliwa ay agad kong nakita ang Art Competition Schedule na nakapaskil sa isang metallic pole malapit sa gilid ng entrada. Dali-dali ko 'yun pinuntahan at saka binasa ang nakasulat.
21st International Arts Olympics
Room Assignments for Competition
First floor
Time Schedule: 8:00- 12:00 AM
Brunelleschi Theatre- Musical Arts (Classical Singing and Dancing competitions)
Time Schedule: 1:00- 5:00 PM
Brunelleschi Theatre- Theatrical Play (Shakespeare's Dramas)
Second floor
Time Schedule: 8:00- 12:00 AM
2R1 and 2R2- Graphic Arts, 2R3 and 2R4- Fashion Designing, 2R5 and 2R6- Fine Arts (Sketching and Painting competitions)
Time Schedule: 1:00- 5:00 PM
2R1 and 2R2- Literary Art (Short Story and Poem Making), 2R3 and 2R4- Clay Sculpture, 2R5 and 2R6- Architectural Drafting
"Mukhang may time pa kaming manuod ng drama neto. 'Di ba, Beanovelle?" singit sa akin ni Cornelia dahilan upang mabigla naman ako sa kanilang paglapit sa akin.
"Sa hapon pa ang aming competition, kaya may time pa akong pumunta ng simbahan upang ipagdasal ang aming performance..." rinig ko mula kay Rainiel habang nagbabasa rin siya ng schedule.
"Uy, ipag-pray mo rin kami Rainiel. Ba't ba kasi sa umaga pa ang schedule namin..." sabi na lamang ni Cornelia habang napasimangot.
"Hindi ba't sabi mo manunuod kayo ng aming drama? Kaya 'eto pinagbigyan na kayo ni Lord!" tawa naman ng bakla dahilan upang mapatawa naman kaming dalawa ni Cornelia sa mga oras na 'yun.
"Ms. Lunaire, Ms. Licera, and Mr. Gonzaga. Kanina ko pa kayo hinihintay!" rinig naming boses mula sa likuran at nakita ang isang senior Arties na papunta sa aming kinaroroonan.
"Kindly proceed to Room 3 dahil doon tayo magkita-kita for our meeting para bukas." habol niya at agad naman kaming tumango at saka sinundan siya papunta 'run.
*******
"Excited na talaga akong makita ang mga foreign artists na sasali bukas! Ito na ba ang tamang taon na makilala ko ang aking soulmate?" galak naman ni Rainiel na para bang kinikilig sa mga pinag-iisip niya. Napailing na lamang kami ni Cornelia sa mga pinagsasabi niya habang papalabas na kami mula sa Room 3.
"Sus, gutom lang 'yan baks. Gusto mo bang kumain muna tayo riyan sa labas?" tawa naman ni Cornelia at mabilis namang tumugon ang bakla sa kaniyang sinabi.
"Ano ka ba naman. Alam mo namang always akong game diyan!"
Napangiti naman ako pagkatapos 'nun hanggang sa tumigil ako saglit nang makita ko si Vlad na dali-daling naglalakad papaliko ng ibang direksiyon. Nandito pala si Vlad? Ba't wala siya kanina sa meeting namin? Siya pa naman ang hinahanap kanina.
Nang dahil nakita ko si Vlad ay agad kong naaalala na kailangan ko nga palang isauli ang ibinigay niyang notebook noon. Alam kong medyo hindi maganda ang naging pag-uusap namin 'nung nakaraan kaya sana'y maging okay na kami ngayon. I know Vlad is very understanding kaya alam kong naiiintindihan niya ang aking nararamdaman.
"Uh, guys. Magba-banyo muna ako saglit. I'll catch you up later!" pagmamadali ko at hindi ko na hinintay pa sa magiging reaksiyon ng dalawa. Sinundan ko kung saan lumiko si Vlad hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa labas. Ibig sabihin ay may iba pang exit aside sa main door ng Art Center? Nilibot ko pa ang aking paningin sa paligid hanggang sa nakita ko na lamang si Vlad na nakatayo malapit sa parking area. Mabilis ko namang binuksan ang aking backpack at saka kinuha ang notebook upang isauli sa kaniya.
Napalunok na lamang ako at saka nagpapalakas ng loob upang harapin muli siya. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag siya'y aking kaharap. Sinubukan kong lumapit sa kaniya at saka dumaan pa sa mga malalaking sasakyan upang doon dumaan ngunit agad naman akong napatigil at nagitla nang may babaeng yumakap sa kaniya bigla. Napasinghap ako sa aking nakita at saka mabilis na nagtago sa likuran ng malaking kotse. Teka, at sino naman siya?
Dahan-dahan akong sumilip sa kanila sa mga oras na 'yun at saka nakita ang mukha ng babae na yumakap sa kaniya. Naka-sleeveless blouse ito at saka naka-long skirt with matching wedge sandals. Bumilog naman ang aking mga mata dahil sa aking nasaksihan! Magkakilala sila?!
"I'm going to miss you!" rinig ko mula kay Stella habang kumalas na siya sa pagkakayakap niya kay Vlad.
"Good luck and God bless, Stella. I know you can do it." rinig ko naman mula kay Vlad at saka ginulo pa ang buhok ni Stella na parang isang bata.
"Will you please stop it, kuya! I'm already a teenager!"
"Teenager ka nga pero ang childish mo pa rin. That's why ikaw ang paborito kong cousin." hagikigik nilang dalawa habang ako'y nakatulala at hindi makapaniwala sa aking naririnig.
"So, ginawa mo na ba kuya?"
"Ang alin?"
"Oh! You know what I mean!"
"Ah, yeah. I did it." At agad na lamang humalakhak si Stella bagay na aking kinaiinisan bigla.
"Kawawang, Paulter. Nang dahil sa desisyon niya ay ito pa ang naging tulay upang masira ang relasyon niya sa kaniyang papa. I also pitied Beanovelle dahil alam kong siya pa rin ang sisisihin ng kanilang papa. Mukhang mas lalong masira ang kanilang pamilya. How sad naman!"
"I know you want revenge against her kaya ginawa mo 'yun, right? I don't know kung anong nakita mo sa babaeng 'yun but to be honest hindi ko siya gusto para sa'yo."
"Can you please stop that?"
"Blah, blah, blah! Talaga bang hindi mo pa tanggap na wala nga siyang pagtingin sa'yo? You're old enough to realize that! 'Di ba nga sabi mo sa akin crush ka lang niya as in na para bang ina-admire ka lang niya without any romantic feelings?"
"But I don't understand. I just really thought na mahal niya ako. Ngunit nang maging malapit sila ng kaniyang kakambal ay parang nagbago na ang lahat! And I hate it that much!"
"Wait, are you jealous to her twin brother?"
"Yes! That's why I did that upang mas lalong magalit si Mr. Lunaire kay Beanovelle at saka mawalan rin siya ng tiwala sa paborito nitong si Paulter. In that way, mapagtanto rin ni Paulter na malas nga sa kanilang pamilya ang kakambal nito at saka nagsisisi kung bakit naging malapit sila sa isa't isa. And everything will now place within my hands!"
"You're crazy as hell, cuz!"
"At kapag tuluyan nang mawasak ang pagsasama nila ay alam kong ako pa rin ang lalapitan ni Beanovelle upang samahan siya. I will do everything upang bumalik na rin sa dati ang aming pinagsamahan! Hindi ko hahayaang may taong lumalapit sa kaniya!"
"Okay, whatever you like to do. Alam mo namang susuportahan kita! O, siya. Aalis na ako papuntang airport. Susunduin ko nga pala ang aming sasamang science teachers upang suportahan ako sa competition. Kung hinahanap mo si grandma ay nandun nga pala siya sa loob naglalaro ng Candy Crush." sabi na lamang ni Stella at saka napatingin sa kaniyang kotse na may kaunting layo mula sa kanila.
"Sige, sige. Mag-iingat kayo 'run. Just promise me na maiuwi mo ang championship!"
"I promise that." At saka yumakap pa ulit kay Vlad bago umalis papunta sa kotse nito.
Agad akong napahawak sa aking dibdib dahil sa sakit na naidulot ngayon ni Vlad sa akin. Talagang hindi ako makapaniwala sa aking narinig kanina. Siya pala ang may pakana nang lahat! Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha na tumutulo ngayon sa aking pisngi. Sakit at pighati ang bumabalot ngayon sa aking puso. Parang pinagsasaksak ang aking dibdib at mas lalong bumibigat habang iniisip ang aming masasayang nakaraan. Sinira niya ang aking tiwala. Sinira niya rin ang pagkakilanlan niya bilang isang mabait na tao.
Agad na rin akong lumabas mula sa aking pinagtataguan at saka sinalubong ngayon si Vlad na may halong pagtataka sa kaniyang mukha nang makita ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro