CHAPTER 1
[Chapter 1]
Ang Harrison High ay isa sa mga sikat at tinitingalang schools dito sa Palawan kaya maraming mga estudyante ang nag-aaral dito na galing pa sa iba't ibang panig ng Pilipinas o maging sa buong mundo. Isang ordinaryong school lang naman ang Harrison High kung saan makikita ang mga iba't ibang uri ng mga estudyante. May mga estudyanteng matatalino, may mga average type din, at may mga tamad ding mag-aral at puro laro lang ang inaatupag.
Mag-aapat na taon na akong estudyante ng Harrison High kaya masasabi kong isa sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay ay ang makapag-aral dito. Sabi ko nga kanina ay may iba't ibang uri ng estudyante akong nakikita at nakakasalamuha sa loob ng campus. Masasabi kong may mga nabubuhay talagang genius o hindi kaya'y mga gifted o prodigy sa iba't ibang larangan. Ang Harrison High ay may tatlong special curriculums para pagpipilian ng mga estudyante base sa kanilang mga interes. Ito ay ang Special Science and Technology Class (SSTC), Special Art Class (SAC), at Special Mathematics and Business Class (SMBC).
Under sa SMBC Curriculum ay dito pag-aaralan ng mga estudyante ang mga subjects ng Algebra, Geometry, Trigonometry, Arithmetic, Statistics, Calculus, Business Math, Business Management, Entrepreneurship, Pre-Accountancy, at Pre-Engineering. Kung mahilig ka sa business at magaling sa pagso-solve ng mga komplikadong mathematical equations ay dito ka sa curriculum nababagay.
Sa SSTC Curriculum naman ay dito pag-aaralan ng mga estudyante ang mga subjects ng Biological Science, Chemistry, Physics and Robotics, Scientific Research, Environmental Science, Earth Science, Computer Science at Health Science. Kung magaling ka sa mga theories, memorization, at pag-iimbento ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa science ay dito ka naman nababagay.
At ang panghuli ay ang SAC Curriculum kung saan dito naman pinag-aaralan ng mga estudyante ang mga subjects ng Visual and Fine Arts, Theatrical Arts, Literary Arts, Media Arts, Fashion Designing at Pre-Architecture. Kung magaling ka sa larangan ng pagguhit, pagkanta, pagsayaw, pagsulat, pag-arte at pagdisenyo ay dito ka naman nababagay sa curriculum na katulad ko.
Hindi naman ako nagsisisi na kinuha ko ang Special Art Class Curriculum dahil sa totoo lang ay mas dito ko nakilala ang aking sarili. Dito ko kasi naipapakita at naibabahagi ang aking mga talento sa iba't ibang tao na hindi binibigyang pansin ng aking mga magulang dahil sa kanilang pananaw ay wala itong kabuluhan sa aking magiging future.
Siyempre sa panahon ngayon gusto ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak na doctor, engineer, pilot, lawyer, sea captain, at mga iba't ibang propesyon na may malalaking kinikita. Nakapagtapos nga ang kanilang mga anak na may matataas at kilalang titulo sa kanilang mga pangalan ngunit sila ba'y masaya sa kanilang ginagawa?
Ako nga pala si Beanovelle Ress Lunaire, isang third year Arties (tawag sa mga SAC students) at ako ngayon ay tutungo na sa Harrison High. Hindi naman kalayuan ang aking tinitirahang apartment sa aming school kaya nag-decide na lang akong mag-bike papunta 'run. Maganda ang sikat ng araw at habang ako'y nagbi-bike ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa aking dinadaanang view kung saan makikita ang magandang baybayin. Masarap ang simoy ng hangin mula sa dalampasigan na sumasampal ngayon sa aking mukha at talaga namang masayang pagmasdan ang paligid dahil sa mga masisiglang estudyanteng naglalakad papuntang school.
Ang aming school uniform ay base pala sa curriculum. Strictly implemented kasi ang pagsusuot ng complete uniform which consists of blazers, white shirt, striped necktie, gray skirt (for female) and pants (for male), black trousers, black socks and black shoes. By color coding din per curriculum to avoid confusion sa mga guro't estudyante. Kapag under ka ng SSTC, ang color coding nila ay maroon. Color maroon 'yung kanilang mga blazers at saka necktie. Sa SMBC naman ay color blue at sa SAC ay color purple. Parang uniform lang sa UK noh?
Dumating na rin ako sa loob ng campus at saka pinarada ang aking bisekleta sa bike lane na malapit sa guard house. Sa totoo lang inaantok pa rin ako dahil hindi pa rin ako nakatulog kagabi dahil sa ginagawang assignments at projects. Lilisanin ko na sana ang aking puwesto ngunit nagulat na lamang ako nang may kumurot sa aking tagiliran.
"Good morning, Belle! Did you miss me?" ngiti pa niya habang kaharap ako. Agad ko naman siyang tiningnan na may kunot sa aking mukha.
"Naku, tigilan mo 'ko Cornelia ha. Kay aga-aga kinurot mo na naman ako eh!" reklamo ko ngunit mas lalo pa siyang napangiti habang tumabi sa aking gilid.
"Sus, kapag hindi naman ako nangkukulit eh hindi ka naman nagsasalita. Mapapanis 'yung laway mo, promise!" hagikgik pa niya ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Agad ko namang inayos ang aking scarf na kulay pink dahil mukhang mahuhulog na ito sa aking leeg at saka sinuklayan ang aking bobcut hair dahil talagang nagmumukha akong bruha kapag hindi ko inayos ang aking sarili bago pumasok.
Bago pa kami makapasok sa loob ng Mendel Hall which is the main hall of Harrison High ay agad nahagip ng aming paningin ang mga estudyanteng nag-uumpukan sa harap ng news bulletin na naka-post malapit sa facade ng hall. Siyempre dahil na rin sa curiousity namin ni Cornelia ay lumapit na rin kami 'run. Talagang ipinagsiksik namin ang aming mga sarili upang makalapit sa bulletin hanggang sa dumating na rin kami sa unahan at saka binasa kung ano ang nakalagay 'dun.
"Paulter Maurice Lunaire will gonna compete this year's International Science Research representing our country this coming September in California, USA. Wow, grabe naman! Ang galing, galing naman ni Pau!" rinig ko kay Cornelia ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Marami na akong naririnig tungkol sa papuri kay Paulter at sanay naman akong lagi siyang pinupuri ng mga estudyante lalo na sa mga guro. Hindi ko naman maitatangi na talagang mas matalino si Paulter kaysa sa akin.
Hindi alam ng karamihan na kami ni Paulter ay fraternal twins. Mas matanda lang siya sa akin ng almost 15 minutes according kay mama and to be exact mas mature siya mag-isip. Mula pagkabata ay palagi na siyang pinupuri dahil sa ipinamalas nitong katalinuhan. Natatandaan ko noon 'nung preschooler pa lang kami ay tinuturuan na kami nina mama't papa na magbasa ng mga iba't ibang educational books o hindi kaya sila na mismo ang nagtuturo sa amin tungkol sa kanilang mga ginagawa bilang mga scientist.
Parehong PhD holder ang aming mga parents. Si mama ay isang zoologist at nagtatrabaho siya ngayon sa Calauit Island National Park habang si papa naman ay isang Geophysicist at isa siyang head division ng Geology and Geophysics Research and Development ng PHIVOLCS sa Quezon City. Mataas ang tingin ng mga tao sa kanila kaya grabe 'rin ang expectations ng mga tao sa amin ni Paulter. Kung ano ang puno ay siya 'rin 'yung bunga kung baga kung ano ka-succesful ang aming mga parents ay dapat ganun 'din kaming dalawa. Actually nakakasakal na rin minsan na ganun na lang palagi. Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan na gawin ang aking mga kagustuhan sa buhay.
"Hoy! Inaantok ka pa rin ba ha?" Nagulat naman ako nang tapikin bigla ni Cornelia ang aking balikat dahilan upang ako'y nakakabalik sa katinuan. Napatingin naman ako sa kaniyang gawi at saka nakita ang nakakabaliw nitong ngiti.
"Ikaw, Belle ha. Kung anu-ano na namang iniisip mo. Puwede mo namang e share sa akin eh." ngiti niya.
"Wala akong iniisip baliw."
"Sus, ikaw ang baliw sa atin. May pa-scarf scarf ka pang nalalaman eh ang init-init kaya dito sa Pilipinas. Talaga bang napaka-special ang scarf na 'yan na hindi mo man lang inaalis sa leeg mo? Parang ako ang naiinitan sa'yo eh!" sabi niya at saka napahalukipikip.
Agad ko namang hinawakan ang scarf ko na gawa sa cotton at saka pinisil. Oo, importante at mahalaga ang bagay na 'to sa akin kaya lagi ko itong sinusuot upang hindi ko makakalimutan ang taong nagbigay nito sa akin.
"Tara, aalis na tayo------" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may bumangga sa akin dahilan upang ako'y nagulat. 'Nang tumingin ako sa kaniya ay agad kong nakita ang nakakairita nitong mga ngiti kasama ang dalawa nitong alipores. Napameywang lang sila sa aking harapan habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Oh, are you Beanovelle right? Did you recognize me?" sabi niya habang ako'y naglo-loading pa rin kung sino ang babaeng 'to. Teka, kilala ko ba siya?
"Mukhang hindi ka na niya natatandaan, Stella. Ang tagal mo kasing bumalik dito kaya tuloy lumipat na lang siya ng ibang curriculum." ngiti ng kasama niya habang kumakain ng lollipop.
"Ah, kaya pala nag-iba ang kulay ng uniform mo it's because you already transferred to a different curriculum. Let me tell you why. Bumagsak ka sa Research noh?" At saka tumawa sila nang hindi ko maintindihan. Wala namang nakakatawa ngunit bakit sila tawa nang tawa? Medyo na-offend ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi naman 'yun totoo. Medyo napahiya na rin ako sa mga oras na 'yun dahil pinalilibutan at saka tinititigan na ako ng mga SciTeks (tawag sa mga SSTC students).
"Okay, okay. Sandali po ha. Sino ka ba ha? At bakit pinagtitripan niyo ang kaibigan ko?" singit bigla ni Cornelia habang magkatabi na kami ngayon. Ngunit pinagtaasan lang siya ng kilay ni Stella at saka napahalukipkip.
"Is this your new bestfriend, Beanovelle? Akala ko ba'y ako lang ang magiging kaibigan mo? Kung sa bagay iniwan mo nga ako at saka lumipat ng SAC. Bakit ka nga ba lumipat? I'm just getting curious..." sabi pa niya at saka lumapit sa akin ngunit agad naman akong umatras at diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Just mind your own business, Stella. Matagal na akong lumipat ng SAC mula 'nang maging transfer student ka sa Amerika. Akala ko nga magbabago ka na ngunit katulad ka rin ng dati. Sa sobrang talino mo minsan nagiging bobo ka na sa manners. Kaya kung ako sa'yo ay pagtuunan mo na lang ng pansin ang iyong research kung gusto mo pang mas umangat kay Paulter!" sabi ko na lang sa kaniya at agad nang tumalikod. Mabilis kong hinablot ang braso ni Cornelia upang umalis na 'run. Talagang nagtitimpi na ako sa babaeng 'yun! Ayaw ko rin naman ng gulo kaya ako na lang ang umalis at umiwas sa kaniya.
Alam kong susundan ako ni Stella sa mga oras na 'yun ngunit mabuti na lamang ay agad 'nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang first period classes. Halos lahat ng mga SciTeks na nasa labas ng Mendel Hall ay mabilis na pumasok na parang mga langgam. Almost sa mga teachers kasi sa kanilang curriculum ay puro mga strict kaya hindi ka puwedeng ma-late kung ayaw mong magkagrado ng zero sa attendance.
Kami ni Cornelia ay parang chill lang lumalakad sa loob ng hallway hanggang sa nakalabas na rin kami at tutungo sa Brandis mini forest ng campus. Wala akong ideya kung bakit doon pa kami pinapapunta ng aming teacher tungkol sa magiging activity namin. First period kasi namin ang Visual Arts kaya panigurado kung anu-ano na namang bagay ang ipapaguhit sa amin. Mga alas otso y media pa naman darating ang aming teacher kaya nagdecide na lang muna kaming pumunta sa canteen upang kumain muna. Hindi pa kasi kami nakakapag-almusal ni Cornelia.
"Mukhang magkakilala kayo ng babaeng 'yun Belle ha." sabi ni Cornelia habang kumakain ngayon ng egg sandwich. Nandito kami ngayon nakaupo sa bench na malapit sa food stalls ng campus. May hinihintay din kasi kaming mga kaklase habang kami ay kumakain.
"Oo. Siya si Stella Del Rosario. Dati kong kaklase sa SSTC." tugon ko na lang at saka sumipsip ng choco drink. Totoong kaklase ko si Stela noon ngunit hindi siya naging mabait na kaibigan sa akin.
"Kung ganun ay kilala rin siya ni Pau."
"Oo. Matindi rin ang inggit niya kay Paulter dahil palagi siyang inuunahan sa lahat ng subjects. Hindi naman kasalanan ng aking kapatid kung mas matalino siya kaysa sa kaniya noh." sabi ko pa dahilan upang mapangiti si Cornelia habang nagpapalakpak na parang isang baliw.
"Uy! Mukhang nagiging defensive ka na para kay Pau ha? So talaga bang okay na kayo?" tanong niya ngunit patuloy lang ako sa aking kinakain na parang wala siya sa aking paningin.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga kami close noon ni Paulter dahil sa pagiging masigasig nitong mag-aral. Grabe ang disiplina niya sa pag-aaral kaya minsan napapatanong ka na lang kung nasisiyahan ba siya sa kaniyang ginagawa. Lagi siyang nagkukulong sa kaniyang silid dahil ayaw niyang may mga distractions habang siya'y nag-aaral. Nasa high school pa lang kami ni Paulter ngunit pakiramdam ko'y daig niya pa ang mga nag-aaral sa kolehiyo. Alam ko namang magiging PhD holder din 'tong si Paulter katulad ng ninanais ng aming mga magulang.
Hindi ko na siya tinugunan pa hanggang sa nabilaukan na lamang ako dahil sa matinding pagkagulat na ginawa sa akin. Hindi ko alam kung sino 'yun ngunit nang marinig ko ang halakhak niya ay agad naman akong sumimangot.
"Kahit kailan ang dali mong gulatin, Bellie loves. Kinurot ko lamang 'yung magkabilang gilid mo ay parang tatalon ka na papuntang outer space!" halakhak niya pa rin at agad ding tumabi sa akin. Umusod naman ako nang kaunti upang makaupo na ang bruhang gumawa sa akin ng kalokohan.
"Kahit kailan ang baliw mo, baks!" tawa naman ni Cornelia at saka nakipag-apir pa sa bakla.
"Well, nagmana kasi sa'yo ano ka ba." sabi naman ng kaibigan kong si Rainiel habang siya'y kumukuha ng kaniyang baon dahil panigurado'y hindi pa rin siya nakapag-breakfast. Masaya kaming nakipagkuwentuhan ng kung anu-anong bagay habang hinihintay ang pagpatak ng 8:25 o'clock upang pumunta na sa Brandis mini forest ng campus para sa aming activity for our first period class.
Naging masaya ang paglipat ko sa SAC dahil sa mga baliw kong kaibigan na sina Cornelia at Rainiel. Nang dahil sa kanilang dalawa ay naging makulay at exciting parati ang aking araw dito sa loob ng Harrison High. Si Cornelia Angelique Licera ay tubong Iloilo ngunit siya'y kasalukuyang naninirahan dito sa lungsod kasama ang kaniyang kapatid na babae na isang music teacher na dito rin sa school nagtuturo. Mga music producers rin ang mga parents niya at may sarili ring company na mina-manage ngayon sa Manila.
Si Rainiel Shaun Gonzaga naman ay isang rich kid na nagmula pa sa lungsod ng Makati. Sa kagustuhan niyang maging isang magaling na theater actor ay dito niya pang gustong mag-aral kahit may mga prestigious schools ding nago-offer doon ng theatrical arts. Isang businessman ang papa nito habang ang mama naman niya ay isang theater actress at isa ring sikat na artista mula sa malaking media company ng bansa. Isang lovable gay friend ang kaibigan kong 'to kahit medyo matakaw lang sa mga pagkain. Kung sa bagay pera naman niya ang ginagastos kaya okay lang naman.
'Nang matapos na kami sa aming kinakain ay sakto namang pumatak ng 8:25 ang oras sa aking relo kaya dali-dali na rin kaming pumunta sa Brandis mini forest na matatagpuan lang naman katabi ng school field. Ngunit siyempre habang naglalakad ay patuloy pa rin kami nagchi-chika ng kung ano-anung bagay. Naghagikigikan pa kaming tatlo na parang mga baliw hanggang sa may nabangga na lamang akong tao na hindi ko alam kung sino sa amin ang bulag. Ako ba o siya?
"I'm so sorry po....." sabi ko na lang ngunit natigilan na lamang ako kung sino ang aking nakita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa mga oras na 'yun nang makita muli ang kaniyang mukha. Namamalik-mata lang ba ako?
Mukhang may sasabihin pa sana siya sa akin ngunit natigilan na lamang ako nang hatakin ako ni Cornelia dahil nakita na namin ang aming art teacher na papasok na sa Brandis mini forest. Mukhang mahuhuli na kami kapag hindi na namin binilisan ang paglalakad.
"Naku, pasensiya na sa bulag naming kaibigan kung nabangga ka niya! Next time hindi na 'yun mauulit!" singit na lamang ni Cornelia habang nakangiti sa taong nakabangga ko kanina. Hindi na ako nagreklamo pa dahil agad na kaming tumakbo upang habulin ang aming teacher. Napalingon naman ako sandali sa mga oras na 'yun at saka nakita ang masaya nitong ngiti habang ako'y kaniyang sinusundan ng tingin. Ano kaya ang ginagawa niya rito?
Natapos na rin ang aming first activity for the first period class kaya medyo nakakahinga na rin nang maluwag. Two hours ang aming alloted time for the Visual Arts class kaya talagang marami kaming oras na tapusin ang aming mga activities. May maliit na bricked house ang nasa center ng Brandis mini forest na sakto lamang for one section of class. Sa loob ng bricked house ay may mga chairs at mini tables na naka-arrange at mayroon ding whiteboard na nasa unahan at saka television na nakadikit sa upper portion ng whiteboard. Siyempre before kami nagpatuloy sa aming activity ay nagdiscuss pa muna si sir sa gagawin naming mga drawings.
Kaya 'eto mabuti na lamang at natapos ko na rin ang aking mga drawings sa aking sketchbook. Nandito kami ngayon nakapuwesto sa mga benches na nasa labas ng bricked house. Mabuti na lamang may mga puno sa aming paligid kaya hindi kami masyadong nasasanagan ng matinding liwanag ng araw.
"Are you all finished class?" tanong ni Sir Eric habang tumitingin sa aming ginagawang drawings. Siyempre ang iba sa amin ay hindi pa tapos kaya binigyan pa sila ng kaunting oras upang tapusin bago matapos ang klase.
Natapos na nga ang alotted time for the said activity kaya excited na kaming lahat upang makapag-proceed sa aming next subject. Ngunit bigla na lamang kami pinigilan ni sir na umalis dahil may sasabihin pa siya sa amin.
"Class, I have some important announcements so may you stay in your places for the meantime." sabi ni sir kaya wala naman kaming magawa kundi ang umupo sa mga benches na inupuan namin kanina.
"Starting tomorrow I will not be here since I'm going to have a trip in Paris for the International Art Seminars and Workshops so probably I'll return after a few weeks. So for my replacement, we have this new young teacher who will guide and instruct for your next activities and classes. So everyone let us all welcome, our new art teacher of Harrison High, Sir Vladymhir Onyx Avelino..." At pagkatapos 'nun ay bigla na lang nanlaki ang aking mga mata 'nang may taong lumapit kay Sir Eric. Matamis siyang ngumiti sa aming lahat hanggang sa magtagpo na rin ang aming paningin dahilan upang mas lalo pa siyang mapangiti. Ba't kaya siya nandito? Ba't hindi ko siya napansin kanina?
Hindi talaga ako makapaniwala sa aking natutunghayan ngayong araw. 'Nung una ang pagbabalik ni Stella mula Amerika, ngayon naman ay siya. Agad naman kaming nagtitinginang tatlo nina Cornelia at Rainiel dahil ang taong nasa aming harapan ngayon ay ang aking nakabangga kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro