2
Dalawang araw ang nakaraan...
“ONE week, Dad? You’ve got to be kidding me.” Naihilamos ni Mark ang isang kamay sa mukha sa sobrang inis.
Mapinong tawa ang pinakawalan ni Oliver sa tinuran ng anak. Iwinasiwas niya ang hawak na golf club sabay pinatama sa golf ball na nasa may damo. Bago sagutin si Mark ay tinanaw muna nito ang pagsuot ng bola sa butas ng golf course ilang metro ang layo sa kanila. Umangat ang sulok ng labi niya nang mapagtagumpayan niya iyon.
“You know me, son.” Sinenyasan nito ang isang staff. Agad tumalima ang huli at mayamaya’y lumapit na ito sa kinaroroonan ng mag-ama. Inabutan nito ng tig-isang Arnold Palmer ang dalawa.
Umangat ang isang sulok ng labi ni Mark. Nanatili ang kaniyang paghawak sa inumin. “Everyone in the world knows I am gay, Dad. Then you’re here telling me to get a girlfriend in exchange of my inheritance? You must be out of your mind!”
Tinungga ni Oliver ang juice. Napangalahati niya iyon. Inilagay niya ang kamay sa isang balikat ni Mark. “Son, alam mo nang tumatanda na ako. Bata ka pa lamang, eh, gustong-gusto ko nang magkaapo sa iyo. Kahit iyon man lang sana—”
“It’s 2019, Dad.” Namaywang si Mark at napasapo sa noo. “Can’t you just accept me who I am? Puwede pa rin naman kitang bigyan ng apo through artificial insemination. Oh, I almost forgot. You’re a devout Catholic nga pala who doesn’t support that.”
May mabigat na emosyong dumaan sa mga mata ni Oliver pero hindi niya iyon ipinahalata sa anak. Nilagyan niya ng sigla ang mukha. “I’ve already made up my mind, son. You have to present a girlfriend to me in a week. If none, I’ll distribute my wealth between Colin and Barry.” Ang mga nakababatang kapatid ni Mark ang tinutukoy ng matanda.
Sumikip ang dibdib ni Mark. Humigpit pa ang paghawak niya sa baso. “I’ll have to end this conversation, Dad. Wala itong patutunguhan.” Hindi na niya hinintay pa ang tugon ng ama.
Ilang taon pa lamang mula nang mag-debut ang Westlife ay ipinahayag na ni Mark ang kaniyang sexual preference sa publiko. Marami ang pusong nasugatan lalong-lalo na ang mga kababaihang humahanga sa binata. Sa kaniyang pamilya naman, though hindi naman siya nakatanggap ng negatibong reaksiyon ay hindi rin naman niya maramdaman ang isandaang porsiyentong pagsuporta ng mga ito sa kaniya.
Lalo na ang kaniyang ama.
Hindi naman niya masisisi ito. Bata pa lamang siya, lagi nang binabanggit sa kaniya ng amang si Oliver ang labis nitong kagustuhan na magkaapo sa kaniya, lalo pa at siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.
“Son, sa kasal mo, ako na ang bahala sa gastos. Sabihan mo lang kung kailan, basta huwag masyadong matagal, ha? Alam mo naman, hindi na ako bumabata,” banggit sa kaniya ng ama bago siya umaming parte siya ng LGBTQIA+.
Nang umamin si Mark sa kaniyang kasarian, ang reaksiyon ng ama ang una niyang tiningnan. He couldn’t see hate in his father’s eyes. Ang tangi lang niyang nakikita ay kawalang emosyon.
Matapos ng araw na iyon ay kapansin-pansin ang pagiging matamlay ng kaniyang ama. Halos isang linggo lang naman ang itinagal noon at pagkatapos ay muling bumalik ang sigla ni Oliver Feehily.
Akala ni Mark ay okay na. Nandoon ang kapalagayan sa kaniyang loob na baka, tanggap na ng kaniyang ama ang kaniyang sitwasyon. Balik na kasi sa dati ang pakikitungo sa kaniya nito.
Noong nakaraang linggo, tinipon silang lahat ni Oliver sa harap ng hapag-kainan. Nandoon din ang isang abogado, dalawang tao, at ang ina nina Mark na si Marie.
“I know you’re all aware that I am about to retire and may be gone in this world soon. That is why as early as now, I decided to sign my last will testament.”
Sa hudyat ni Oliver ay sinimulan nang basahin ng abogado ang nilalaman ng kasulatan.
“I, Oliver Feehily, a resident of Dublin, Ireland, being of sound mind and body, declare this to be my Last Will and Testament, and revoke all previous wills and codicils made by me, either jointly, or severally.”
Wala ni isa man ang nagsasalita. Lahat ay nakatutok sa abogado.
“I devise, bequeath, and give my €10 million worth of my bank account savings to my wife, Marie Feehily. The remaining €15 million will be distributed equally to my children, Colin, Barry, and Mark...”
Nagkatinginan sina Mark, Colin, at Barry sa pagkakataong iyon.
“...given the condition, that Mark should be in a relationship with a woman for a minimum of one hundred days.”
“What?” Napatayo sa pagkakataong iyon si Mark. Hinawakan naman siya ng kaniyang ina sa braso at muling pinaupo.
“In the event that Mark, was not able to fulfill this, the €15 million will be shared by the remaining children equally.”
“Unbelievable,” bulong ng gulantang na si Mark sa sarili.
°°°
Video call 📹
Kian: What’s the craic, mate?
Mark: I just had a really bad day. It’s dad again.
Shane: Iinom na lang natin ’yan. Punta kayo rito sa bahay. Tamang-tama, Gill is baking a cake. Good enough para sa atin at sa mga bata.
Nicky: Aight. Punta kami riyan. Daanan ko lang si Mark.
°°°
ILANG oras pa ay magkakasama na ang apat. Pinagsasaluhan nila ang carrot cake na niluto ng asawa ni Shane. Sinamahan nila iyon ng paglagok ng Guinness Beer.
“I don’t understand dad. Akala ba niya, madadala niya ako sa conditions niya para makuha ang mana? Sige, ibigay na niya iyon kina Colin at Barry. I-I just can’t force myself to do what he wanted.”
Nagkatinginan sina Shane, Nicky, at Kian sa sinabi ni Mark. Nanatili lang silang nakikinig.
Nilapitan siya ni Nicky at tinapik sa kanang balikat. “We understand you, mate. Intindihin mo na lang si tito. Sabik lang siguro siya na magka-daughter-in-law.”
Tumango-tango naman si Shane.
“Sundin mo pa rin kung ano ang isinisigaw ng puso mo, Mark. Wala kina tito o kanino man nakasalalay ang ikasisiya mo. It is only in your hands,” ani Kian. “So if you think Tito Oliver’s decision will not make you happy in a lifetime then follow what your heart says.”
Mark sighed. “Kung ganoon lang sana kadali iyon. Ayoko rin namang ma-hurt si dad dahil lang pinili ko ang magpapasaya sa akin.” Nilagok niya ang isang pint ng Guinness. “I need a goddamn sign. I no longer know what to do.”
Binisita sila ng ilang segundong katahimikan. Mayamaya pa ay inistorbo sila ng tunog na nagmumula sa phone ni Mark. Nang tingnan iyon ng binata ay nakita niyang mula iyon sa kaniyang ina.
Phone call 📞
Mark: Mum.
Marie: S-Son, your dad...
Mark: Dad? Why, Mum? Where is dad?
Marie: *humihikbi* Isinugod namin sa ospital. Inatake siya sa puso.
Mark: A-Ano? K-Kumusta siya?
Marie: Kritikal ang kondisyon niya, Mark. Come here as soon as you can, please?
Mark: I will, Mum.
Halos mabitiwan ni Mark ang hawak na phone dahil sa panginginig. Nasa bingit ng kamatayan ang kaniyang ama!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro