12
“Dad, how are you?”
“I’m feeling better, son,” sagot ni Oliver sa anak. Mula sa pagkakahiga sa hospital bed ay buong ingat siyang umupo. “Makakauwi na rin mamaya.”
Nagising mula sa comatose state ang ama ni Mark dalawang araw mula nang atakehin ito sa puso. Pinayagan na itong lumabas ng doktor pagkalipas ng isang linggo. Iyon nga lang, dahil muling nakaramdam ng paninikip ng dibdib ay kinailangan siyang muling i-admit sa ospital kaya naroon itong muli. Mabuti na nga lamang ay wala namang kaugnayan sa isa pang atake sa puso ang idinaraing nito.
Inalalayan ni Mark ang ama na makapunta sa may bintana.
“I thought I won’t see this sunshine again. I’m glad I did,” sabi ni Oliver.
“I know you can. You’re a fighter, Dad.”
Nanahimik ang dalawa habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng ospital. Tila ba naghihintayang magsalita ang bawat isa.
Mayamaya ay nagpakawala ng hangin si Oliver. “I want to meet her.”
Wala mang binabanggit na pangalan ang huli ay nakuha na agad ni Mark kung sino ang tinutukoy ng ama. Si Lea. “I’ll take her to the mansion anytime. She’s excited to see you.”
Hinarap ni Oliver ang anak. Nakangiti siya na tila ba may iniisip. “Do you think she’ll like a barbeque party at the poolside tonight?”
“Tonight?” Napakurap-kurap ng mga mata si Mark. Hindi siya handa sa proposal ng ama. That’s too soon. Hindi pa sila masyadong handa ni Lea.
Maganang tumango si Oliver.
It’s now or never. Wala nang nagawa si Mark kundi pumayag na lang.
NAANTALA ang paglalampaso ni Lea ng sahig ng sunod-sunod na pagkatok. Agad niyang iniwan ang ginagawa para pagbuksan ang nasa labas. Bumungad sa kaniya si Mark na parang may mabigat na dinadala.
“A-Ano’ng problema?”
Dumiretso si Mark sa couch nang hindi tumitingin kay Lea. “Dad wants to meet you... tonight.”
“Mamayang gabi? P-Parang ambilis. Hindi pa ako handa.”
Sa puntong iyon ay tumingin na si Mark sa nobya. “Kaya maghahanda tayo. Come, sit here.”
Binuksan ni Mark ang TV at inilagay sa Netflix. Pumili sila ng isang romance movie roon.
“Let’s observe how the couple will treat each other. Sorry, ah. Wala akong experience sa dating kaya wala akong alam.”
“Ako rin naman,” ani Lea. Mayamaya ay lumiwanag ang mukha niya. “What if, gayahin natin ’yong ginagawa nila para mai-apply natin?”
Umiling si Mark. “That’s actually not a good idea.”
“It is,” sansala ng dalaga. “Tara, manood tayo.”
Sumeryoso na sa panonood ang dalawa. Mayamaya ay napunta sa scene na nagluluto ang babae sa kusina tapos darating ang lalaki sabay yayakap mula sa likod ng babae.
“Okay, game.” Tumayo si Lea at niyaya si Mark papunta sa kusina. Alanganin pa sa una ang binata pero sumunod rin naman ito agad.
“Oh, kunwari nagluluto ako ng barbeque. Yayakap ka sa likod ko bigla tapos tatawa ako nang medyo malandi sabay haharap sa iyo. Then mag-uumpugan ang mga noo natin sabay magtititigan. Dapat kita ng daddy mo ’yon para hindi sayang ang effort. Okay?”
Tumaas ang isang kilay ni Mark sabay halukipkip ng mga kamay. “Fine.”
“Alright. 1...2...3. Game!”
Nagkunwaring nagluluto si Lea sa harap ng stove at mayamaya pa ay naramdaman niya ang matigas na mga kamay ni Mark sa kaniyang tagiliran.
“Cut!” Marahang ibinaba ni Lea ang mga kamay ng binata sabay hinarap ito. “Ang tigas ng kamay mo. Lambutan mo nang kaunti sabay pulupot nang ganito.” Kinuha ng dalaga ang mga kamay ni Mark at ipinulupot sa kaniyang tiyan.
“Yan, ganiyan nga tapos lapit ka nang kaunti.” Bahagyang hinigit ni Lea si Mark palapit sa kaniyang likod. “Ayan, okay na!”
“I get it.”
“Okay, isa pa.” Muling tumalikod si Lea at kunwaring naghahalo.
Ginawa ni Mark ang sinabi ng dalaga. Ipinulupot nga niya ang mga kamay sa tiyan ni Lea. Napaismid ang dalaga na wari’y hindi nakuntento sa inakto ng binata.
“Para mo naman akong hinoholdap niyan, eh. Lagyan mo ng lambing tapos tawagin mo akong babe. Parang mas bongga 'yon.”
“Sige na. Alam ko na,” yamot na tugon ni Mark. Bahagya niyang tinampal ang noo sabay nagpakawala ng hangin mula sa dibdib.
Kinakabahang lumapit si Mark kay Lea. Ang mga kamay niyang naninigas kanina ay pinagaan niya bago tuluyang ipulupot sa tiyan ng dalaga. Hinapit niya si Lea palapit sa kaniya kaya ngayo’y magkadikit na sila bagama’t nakatalikod ang dalaga. He’s literally hugging her behind.
“Babe...”
Sabay-sabay na umangat ang balahibo sa katawan ni Lea nang dumampi ang mga labi ni Mark sa kaniyang batok. Kung nakatutunaw lang ang pagdikit ng mga labing iyon ay paniguradong isa na siyang likido.
“Mark...” nanghihinang tugon ng dalaga. She sounded helpless.
Kapwa nagulat ang dalawa sa paraan ng pagtawag na iyon ni Lea kaya napabitiw sila sa isa’t isa. Pumagitan ang ilang sa kanila sa loob ng ilang saglit.
“O-Okay na 'yon. M-Manood na ulit tayo.” Iniwasan ni Lea ang titig ni Mark hangga’t maaari. Natatakot siyang mahalata ng binata ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.
Tahimik na muling itinuloy ng dalawa ang panonood. Walang nagtangka sa kanilang dalawa na bumukas ng paksa tungkol sa nangyari kanina.
Dahil sa naganap ay hindi makapagpokus sa pinanonood si Lea. Nagre-replay sa utak niya ang posisyon nila ni Mark kanina. Hindi niya alam kung mas pagtutuunan ang kilig o hiyang nararamdaman.
“Have you ever kissed someone?”
Napasapo sa dibdib si Lea sa pagtatanong ni Mark.
“Hindi pa.” Bumaling ang tingin niya sa TV. Noon niya napagtanto na kaya siguro nabuksan ni Mark ang topic na iyon ay dahil nagpapalitan na ng halik ang mga bida sa palabas.
Tumango-tumango ang binata na hindi pa rin nakatingin sa kaniya. “I just can’t imagine myself kissing a girl like that. Just seeing those two freaks me out.”
“Ay, wow. Baka ’pag natikman mo ang mga labi ko, baka hanap-hanapin mo,” bubulong-bulong na sabi ni Lea sa sarili.
“What did you say?”
“Ahh, wala. Sabi ko. May point ka,” pagdepensa ng dalaga sa sarili.
Hindi na pinansin ni Mark ang sinabi ng dalaga. Tumayo siya at inayos ang sarili. “I guess I’ve gathered enough details on that movie. I’ll go ahead for now.”
Dumiretso na ang binata sa may pinto. Bago niya pihitin ang busol ay nilingon niya ang dalaga. “I’ll fetch you thirty minutes before seven. See you.”
Naiwan si Lea na nagtataka. “Anong enough details ang nakuha no’n?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro