Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6: PUNISHMENT 🔞

CHAPTER 6
PUNISHMENT 🔞

          
Naggising ako nang sa malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan ko. Pagmulat ko ay sinubukan kong iggalaw ang kamay ko pero natagpuan ko ang sarili na nakatayo habang nakadikit sa pader at ang mga kamay ko ay nakatali sa taas.

Inilibot ko ang paningin sa paligid ko at sa tingin ko ay nasa isang abandonading room ako. May karunihan ang paligid at may konting liwanag na nanggagaling sa isang bumbilya.

"Parusahan na daw iyan." rinig kong sabi ng isang lalaki sa dalawa pa niyang kasamahan. Napatingin ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko at alam kong sila ang bodyguard ni Evan.

Lumapit sa akin ang isang lalaki at bigla akong sinampal dahilan para pumutok ang pang ibaba kong labi at tumalsik ang dugo nito sa aking pisngi. Sunod na lumapit ang isang lalaki at sinuntok ako ng dalawang beses sa may tiyan.

Napaungol na lang ako sa ginawa niyang pagsuntok sa akin. Tiniis ko ang sakit ng pagkakasuntok niya at pinigilan na tumulo ang luha ko.

Tangina! Ang sarap murahin ni Evan at ng mga bodyguard niya. Ngayon ay malalaman ko ang tunay na kulay at ugali niya. Na sa likod ng maamo niyang mukha ay may tinatago siyang sungay.

Nagpalitan ang tatlong lalaki na suntukin ako at halos mamanhid na lamang ang katawan ko sa sakit. Kung papatayin lang din naman ako mamaya bakit hindi na lang ako barilin ngayon at wag nang pahirapan ng ganito.

Napayuko na lamang ako matapos lumabas ang tatlong lalaki na nambugbog sa akin. Naiyak na lamang ako sa sitwasyon ko ngayon dahil hindi ko naman ginusto na malason kanina yung mga tao.

Nanatili akong nakayuko habang umiiyak kahit narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Narinig ko ang isang mabagal na pagyapak na papunta sa akin. Nang huminto ito sa harapan ko ay sapatos pa lang ay alam ko na kung sino siya —si Evan.

"Sino ka ba talaga?" tanong ni Evan sa akin.

Nagulat naman ako nang biglang hawakan niya ang pisngi ko at pinisil iyon nang mahigpit at pilit na inaangat ang tingin ko papunta sa kanya.

"I'm Red Ortega." sambit ko sabay tawa.

Binitawan ni Evan ang pagkakahawak sa pisngi ko at sinampal ako ng malakas. Sa lakas ng pagsampal niya ay nadagdagan ng sugat ang labi ko.

Umangat ako ng tingin at tumingin sa mata niya. Tumawa ako ng malakas at inirapan siya. "Yun lang ba ang kaya mo Mayor Evan Cortez?" mapang-asar kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay at kita sa mukha niya na nagtitimpi lang siya sa akin. Pwes, pinabugbog na lang rin niya ako kanina bakit hindi pa niya tuluyang ipakita ang kanyang sungay.

Hanggang sampal lang ba ang kaya niya?

"Come on Mayor Evan Cortez, show me your demon side." mapanutya kong sabi at ilang sandali pa ay tuluyang tumama ang kanyang kamao sa aking tiyan.

Mas malakas at mas mabilis ang pinakawalan niyang suntok kumpara sa mga bodyguard niya. Ramdam na ramdam ko ang panggigil niya sa bawat pagsuntok sa akin.

Nang huminto siya ay hinang-hina ang buong katawan ko. Maraming dugo na rin ang lumalabas sa bibig ko pero naggawa ko pang ngumisi at tumawa sa harap niya.

"And here you are, Mr. Demon and not Mr. Evan Cortez." sambit ko pa at unti-unting nilamon ako ng dilim hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

...

Naggising ako nang may maramdamang humahaplos sa buhok ko. Hindi pa man tuluyang naimumulat ang mga mata ay ramdam ko ang sakit ng buon katawan ko. Pakiramdam ko ay kapag pilit akong gumalaw ay maiiyak ako sa sakit.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin si Evan na siyang humahaplos sa buhok ko. Agad akong nakaramdam ng galit nang makita siya, gusto ko siyang suntukin kagaya ng ginawa niya sa akin pero mahina ang katawan ko at hindi ko maigalaw.

"May gusto ka ba? May kailangan ka ba?" maamo niyang tanong na para bang hindi siya demonyo kanina noong binubugbog niya ako.

Umirap ako at itinabingi ang ulo. Ayoko siyang makita. At tsaka bakit niya pa ako binantayan at pinaggaling ngayon eh halata naman sa kanya na gusto niya akong patayin.

"Naggugutom ka ba? Anong gusto mo?" tanong ni Evan sa akin. Binigyan ko siya ng masamang tingin at tsaka sinagot ang kanyang tanong.

"Barilin mo yung sarili mo." sambit ko.

Hindi siya nagulat sa sinabi ko at bumuntong hininga lang siya. "Masusunod." sagot niya na ikinagulat ko. Tumayo ito sa linauupuan niya at may inilabas sa bulsa ng pantalon na isang pack ng bubble gum at ipinatong iyon sa side table.

"Magpaggaling ka Red." sabi niya pa at tuluyan nang lumabas.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nasisiguro kong wala ako sa hospital. Baka bahay ito ni Evan or condo unit.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may babaeng pumasok at may dala itong pagkain. "Good Morning po Ma'am." bati nito sa akin.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.

"Ala-una na po ng madaling araw." sagot niya at tumango-tango ako.

Sinubukan kong gumalaw at maupo para makakain pero ang sakit talaga ng katawan ko. Agad naman akong tinulungan nung babae na makaupo mula sa pagkakahiga.

"I'm Red Ortega." pagpapakilala ko sa kanya at mataman siyang ngumiti.

"Ako po si Jenny." sabi niya.

"Jenny ng Blackpink?" pilosopo kong sabi at umiling siya habang tumatawa. "Jenny Diaz po tsaka iba po yung spelling ng pangalan ko."

Naaptingin ako sa pagkain na dala niya. Naggugutom na talaga ako kanina pa pero mukhang hindi rin ako makakakain dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Naggulat naman ako ng biglang hinawakan ni Jenny ang plato at itinapat iyon sa akin. Hinawakan niya ang kutsara at nilagyan iyon ng pagkain. Matapos nun ay itinapat niya sa bibig ko ang kutsara at hinihintay na lamang na ibuka ko ang pagkain.

Ibinuka ko ang bibig ko at sinubuan niya ako. Sa sobrang gutom ko ay naubos ko ang pagkain at ang lahat ng iyon ay sa pamamagitan ng pagsubo sa akin ni Jenny.

Matapos uminom ng tubig ay inabutan din ako ni Jenny ng gamot. Kailangan ko daw yung inumin para lahit papaano ay mawala ang salit ng buong katawan ko.

"Salamat." sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya.

"Walang anuman po. Lalabas na po ako, babalik din ako dito." sabi niya at tumanggo ako. Inayos niya ang mga pinagkainan ko pero bago siya tuluyang makalabas sa kwarto ay may tinanong ako sa kanya.

"Saan pumunta si Evan?" tanong ko.

"Binaril niya po yung sarili niya kanina." sagot ni Jenny sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maggagalit sa ginawa niya. Pero napatanong na lang ako sa sarili ko ng...

Bakit niya 'yun ginawa?
Bakit niya sinunod ang sinabi ko?

  

  

     

          

MISTERCAPTAIN
Captain

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro