Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5: WHO ARE YOU?

CHAPTER 5
WHO ARE YOU?

       
"Sana lang ay hindi mo ako patayin."

Ang narinig kong bulong niyang iyon ay isinawalang bahala ko dahil baka iba ang sinabi niya sa narinig ko. Kailangan ko lang sigurong maglinis ng tainga.

Sumakay ako sa van ng kanyang campaign team, hiwalay sa sinasakyan ni Evan kaya hindi ko siya kasama. Sa unahan ako nakaupo.

Habang hinihintay ang iba ay napatingin ako sa driver. Kung susuriin ay magkasing edad lang kami. Lumingon naman ito nang mapansing tinitingnan ko siya.

"Gusto ko bubble gum?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Napaisip ito sa taning ko pero nagkibit balikat ito at tumanggo na rin.

Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng bubble gum. Imbes na ibigay agad sa kanya ang gum ay isinubo ko ito at nginuya ng tatlong beses, sandali pa ay muli kong inilabas ang bubble gum sa bibig at itinapat iyon sa labi niya.

"Open your mouth baby." ani ko at parang bata siyang sumunod sa akin at ibinuka ang bibig. Napangiti naman ako nang ipasok ko ang bubble gum sa bibig niya. Tiningnan ko siya at hinintay na nguyain ang bubble gum.

"I'm Red Ortega." pagpapakilala ko.

"Donny Aviado." pagpapakilala niya at napangisi ako sabay subo ng bagong bubble gum na kinuha ko.

"Share mo lang?" pambabara kk at umiking lang siya.

Ilang minuto pa ang hinintay namin nang tukuyang mapuno ang van at tsaka kami umalis kasunod nang nasa unahan na sasakyan ni Evan.

Buong byahe ay magkausap kami ni Donny. Nabanggit niya sa akin na tatlong taon na siyang nagtatrabaho kay Evan. Ang kwento pa nito ay sobrang bait daw ni Evan at matulungin talaga sa kapwa.

Gusto ko sanang sabihin na hindi lahat ng sinabi niya ay tama. Na lahat ng sinasabi at kwinekwento niya ay kabaliktaran ng lahat kay Evan, sadyang hindi nga lang nila nakikita.

Mayor ngayon si Evan at kung mananalo ulit siya sa pagka-Mayor ay marami na naman siyang maloloko at mananakawan. Mabuti na lang talaga ay pumayag ako sa plano ni Henry na magmatyag sa kampo nila.

Nang makarating sa baranggay nankung saan mangangampanya si Evan ay naunang bumaba ang mga nasa likuran at huling bumaba kami ni Donny. Nasa hulihan din kami nang maglakad dahil nagkwekwentihan kami at tawanan.

Natigilan naman ako sa pagtawa nang biglang may humablot sa braso ko nang madiin. Agad nagbago ang ekspresyon ni Donny habang ako naman ay tawa kang ng tawa pero natigilan din nang makitang matalim na nakatingin sa akin si Evan.

"You gave him a bubble gum?" tanong ni Evan at madilim na nakatingin kay Donny na nagngunguya.

"Oo." sagot ko naman.

"Paano mo binigay yung bubble gum sa kanya?" usisa pa ni Evan na siyang dahilan ng pagkunot ng noon ko.

"Bubble gum lang yun. Bakit itatanong mo pa kung paano ko ibinigay." sagot ko.

"Binigyan mk ba siya ng bubble gum sa paraan na binigyan mo rin ako?" tanong ni Evan at nakatingin lang sa akin.

"Oo." sagot ko.

"Fuck!" rinig kong mura niya at hinila na ako palayo kay Donny. Binigyan kami ng daan ng mga taong nasa paligid hanggang sa makarating kami sa unahan.

"Sa akin ka sasabay paguwi. Bawal kang mamigay ng bubble gum at bawal kang makipagtawanan sa kung sino." mariin niyang sabi.

"Ok Boss Evan." pagsagot ko na lang kahit hindi ko naiintindihan ang mga kinikilos niya. Parang ulol!

...

Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Evan sa harap nang maramig tao nang makita ko ang pagkain na ihahain sa mga taong naririto. Agad akong umalis sa kinatatayuan at pumunta doon sa may pagkain na inihahanda.

Nasa isang malaking kawali ang lugaw na niluto. Kita ko po ang usok nito dahil sa init at bagong ahon lang.

Napatingin naman ako sa paligi kung may tao bang nakatingin sa akin o may papalapit. Nang masigurong wala ay kinuha ko ang boteng binigay sa akin ni Gilbert na siyang pinapautos ni Henry na ilagay ko sa pagkain na ihahain sa mga tao.

Mabilis kong itinaktak ang laman ng bote at mabilis rin na umalis at bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Pagbalik ko ay nagtatakang nakatingin sa akin si Evan pero isinawalang bahala ko iyon dahil mapaghihinalaan lang ako na may ginawang iba.

Lumipas pa ang minuto ay nagsimulang bigyan ng pagkain ang mga taong pinagkampanyahan ni Evan. Kami namang mga staff at team niya ay hindi muna kumain dahil pinauna muna ang mga taong dumalo.

Napapatingin na lamang ako sa mga taong nagsisimula nang kumain. Agad naman akong kinabahan at nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang biglang may mga nagsuka at nahirapan na huminga.

Nakita ko si Evan na agad na lumapit sa mga tao at nagtawag ng mga tutulong. Inabot ako ng konsensya at takot nang makita kong nahihiraapan ang lahat ng tao na nasa harapan ko na kumain ng lugaw.

"What did you do Red?" galit na tanong sa akin ni Evan. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Umiling ako kay Evan at yumuko lang.

"Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh." sambit ko. Hinawakan ako ni Evan sa braso ng sobrang higpit.

"Who are you woman?" tanong niya sa akin at umiling ako. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa akin na kahit ano.

"I'm Red Ortega." iyon lang ang sinabi ko.

Wala akong lakas na magmatapang at pilosopohin siya dahil sa nangyari. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari dahil sa ginawa ko.

Natapos ang araw ay hindi ako pinakawalan ni Evan. Kung saan siya pupunta ay hila hila niya ako. Kinagabihan ay lumabas ang balita na sinisisi ng mga tao si Evan dahil sa nangyari. Napagalamanan kasi na nalason ang mga taong kumain kanina.

"You want this game? Then be ready!" sabi ni Evan sa akin at tila hindi ko siya makilala sa boses niya noong sabihin niya iyon sa akin.

Nakita ko ang pagsenyas niya sa mga bodyguard niya at lumapit ito sa akin. Ang sumunod na nangyari ay sapilitan nila akong hinala papasok sa sasakyan at may itinakip sa ilong ko. Unting-unting bumigat ang talukap ng aking mata hanggang sa nawalan ako ng malay.

Hindi ko alam king anong klaseng tao si Evan at kung anong pinasok kong gulo. Muntikan pa akong makapatay ng tao ngayong araw. Ang tanging nataramdaman ko lang ngayon ay takot at baka mamaya ay katapusan ko na.

  




MISTERCAPTAIN
Captain

Maraming salamat po sa pagbasa at paghibtay ng update!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro