Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4: BOTE

CHAPTER 4
BOTE


Tulad ng nakasanayan ay kulay pula na naman ang suot kong damit. Hindi ko na kailangan suotin ang kulay itim na wig ko dahil hindi naman si Henry ang makakasama at makakausap buong araw.

Speaking of Henry, namimiss ko na siya.

Kinuha ko na ang bag ko, susi at nang lumabas ng kwarto at nagsubo ko ang bubble gum. Bumati ako kay Tita Coleen at nagpaalam na rin.

Nakaleggings na pula ako kaya madali lang akong makakasakay sa motor ko. Excited na akong sakyang ulit yun. Biruin mo, unang beses kong maggamit 'yun ay nadisgrasya, nakadisgrasya at muntikan pa akong makulong.

Ang mga sugat ko naman ay tuluyan nang naghilom pero may ibang naiwan pa rin at paggaling pa lang.

Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong dumiretso sa motor ko. Akamang sasakay na ako dito ay biglang may tumikhim sa gilid ko.

"Hhmm!" tikhim nito at umubo ubo pa. Sa gulat ko ay napamura tuloy ako.

"Tanga!" sambit ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay naroon si Evan. "Anong ginagawa mo dito boss? Papunta na ako sa Cortez Building. Hindi ako tatakas, magtatrabaho pa rin ako." sunod sunod kong sabi.

"Sinusundo ka." simpleng sagot niya at kinatok ko ng mahina ang noo niya ng tatlong beses. "Ikaw ang boss pero bakit mo ako susunduin. Ikaw ha? Siguro may gusto ko sa akin? Yieeh." biro ko at tinusok tusok siya sa tagiliran pero umiwas siya.

"Shut up. Hindi kita magugustuhan." natigilan ako sa sinabi niya at napanguso na lang. "Same thing boss. Hindi kita magugustuhan. May iba kaya akong gusto." sagot ko at napaawang ang labi niya.

"Sino?" tanong niya.

"Si Henry Serrano, iyong kalaban mo sa pagka Mayor mo." sagot ko at hindi na siya sumagot.

"Sumakay ka na Boss Evan sa sasakyan mo. Magmomotor ako." sabi ko at isinuot na ang helmet.

Napatingin naman ulit ako kay Evan nang nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ko. Tumingin siya sa sasakyan niya at may isinenyas sa driver. Ilang sandali pa ay umalis na ang sasakyan niya na ipinagtaka ko.

"Sasabag na ako sa iyo." sabi ni Evan nang tumingin sa akin."Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Dukit." pilosopo niyang sabi. Napangisi na lamang ako sabay iling dahil pinipilosopo na rin niya ako.

"Nice one! Boss Evan." sabi ko na lamang at sumakay na sa motor. Hinintay ko siyang makaangkas at pinaandar na ang motor. "Yumakap ka sa maganda." sabi ko dahil sa likod nakakapit si Evan.

"Saan ako yayakap? Wala namang maganda." aniya at napairap ako. Ginalaw galaw ko ang pagpapatakbo sa motor dahilan para mapabitaw siya ng hawak sa likod at tuluyang yumakap sa akin.

"Edi yumakap ka rin sa maganda." sabi ko.

Nang makaratingbkami sa Cortez Building ay tulad nang nasaksihan ko noong unang araw ko dito ay may hinagawa ang lahat ng tao.

Nasa unahan ko si Evan na naglalakad habang ako naman ay nakasunod lang. Sandali pa ay kinuha niya ang atensyon ng lahat at nagsalita. Binaggit niya ang lugar na pupuntahan bukas para sa pangangampanya at ako naman ay nakinig lang dahil kailangan ko itong ireport kay Henry.

Hindi ko maiwasan na isipin sa kung paano nagtitiwala ang tao kay Evan. Maaring malinis siya sa paningin ng tao pero hindi sa akin. Paano niya naggagawa na ngumiti at makisalamuha sa mga taong niloloko niya at ninanakawan ng patago.

...

Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat at ganun din ako. Maaga akong pumunta sa Cortez Building tulad nang napagkasunduan kahapon. Ibinalita ko kay Henry ang lahat ng planong napagusapan ni Evan at ng mga tauhan niya para sa pangangampanya.

"Ilagay mo ito sa pagkain na ipapakain mamaya sa mga taong dadalo sa program." sabi ni Gilbert. Ang pinakapinagkakatiwalaan ni Henry sa lahat ng tauhan niya.

Kinuha ko ang boteng maliit na binigay niya sa akin at tiningnan iyon. Wala iyong label o kahit akong pabalat na nakadikit kaya hindi ko na naiwasan na tanungin kay Gilbert kung ano yun.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay sinabi niyang gawin na lang iniuutos ni Henry. Matapos ang patagaong pag-uusap na iyon ay itinago ko na ang bote sa aking bag.

Dumiretso ako sa office ni Evan at naabutan ko siyang may kausap na matandang babae na mukhang humihingi ng tulong. Dahan dahan akong pumasok para hindi makuha ang atensyon nila.

Naupo ako sa sofa habang pinapakinggan ang usapan nila. Napapairap na lang aki sa tuwing naririnig ko ang mga mabubulaklak na salita ni Evan. Palibhasa tumatakbong Mayor at campaign period kaya todo ang pagpapapogi at pagpapabango ng pangalan. Walang bago para sa isang politiko.

Umiwas naman ako ng tingin nang biglang tumayo na ang matandang babae. Naglakad ito papalapit sa akin at itinuro ako. "Papatayin ka niya Mayor." lakas loob nitong sabi na ikinagulat ko.

Tangina! Wala iyon sa plano at misyon ko. Makabintang naman si Nanay

Lumapit si Evan sa matandang babae at humarang sa pagitan namin. Patuloy pa rin ang pagsigaw nito na papatayin ko daw si Evan kahit hindi naman.

May ingat at kalmadong pinalabas ni Evan ang matandang babae sa office niya. Kumuha ako ng bubble gum at pinakalma ang sarili ko. Pasalamat na kang talaga yung matanda na nakapagtimpi ako ng inis at galit.

Pagbalik ni Evan ay nakahawak ito sa batok niya. "Pasensya ka na sa sinabi niya. May sakit kasi iyon ay palaging pumupunta dito para humingi ng tulong para sa kanyang gamot."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko dahil akala ko ay naniwala siya doon. Pero kung maniniwala sin naman siya doon sa matandang babae ay parang tanga lang din.

"Pero ang tanong, papatayin mo nga ba ako?" biglang t sa nong ni Evan na ikinatigil ko. Hindi ko maggawang tumingin sa kanya dahil may pakiramdam ako na may alam siya tungkol sa akin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng tumawa siya. "Nagjojoke lang ako, sineryoso mo naman agad yung tanong." sabi nito at inirapan ko siya.

Akala ko ay seryoso siya, nagbibiro lang pala. "Let's go. Aalis na ang team." sabi niya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

Nauna siyang maglakad at sumunod ako sa kanya. Nang makalabas kami sa office niya ay nagulat ako sa ibinulong niya. Hindi ko lang alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"Sana lang ay hindi mo ako patayin."






MISTERCAPTAIN
Captain

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro