CHAPTER 2: SHARE MO LANG
CHAPTER 2
SHARE MO LANG
Isang linggo ang nakalipas mula nang mapagusapan namin ni Henry, isasabay ko na rin ang mission ko kay Mr. R. Ibinigay ng isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Henry ang mga lugar kung saan pumupunta si Evan.
Sinubukan ko kasing mag-apply kahapon para sa mga magmamanage ng campaign nito pero may nakuha na kaya nagisip ako ng ubang paraan para mas mapalapit kay Evan.
Mula sa informat ion na pinadala sa akin ni Mr. R ay wala pang nagigi ng girlfriend o babae si Evan. May mga sumubok na babae na lumapit at landiin ito pero walang nagtatagumpay.
Ang sabihin lang nila ay weak talaga yung mga babaeng iyon. Pag ako nalandi ko yung Evan na iyon, tingnan lang natin.
Suot at kulay pulang tube at high waist na palda na kukay pula rin ay hindi ko maiwasan na purihin ang sarili ko. Ang sexy at ang hot ko, paniguradong kahit sino ay lilingon sa akin.
Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng isang bubble gum. Paglabas ko ng kwarto ay nagdahan dahan ako sa paglalakad palabas ng bahay dahil hindi alam ni Tita Coleen ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko.
Nang makalabas ng gate ay agad akong sumakay sa bagong motor na ko na ni-request ko kay Mr. R. Pwede daw magrequest ng kahit anong bagay na kakailanganin sa mission at itong motor nga ang ni-request ko.
Hinalakan ko ang ulo ng motor at isinuot na ang helmet. Inayos ko ang pagkakaupo ko at matapos nin ay pinaandar ko na ang makina.
Tuwang tuwa ako at hindi maiwasana ng ma-amaze sa motor kong sinasakyan ngayon. Sobrang ganda kasi at high tech nito. Tumawa ako ng malakas nang bilisan ko ang pagpapatakbo sa motor, wala akong pake kung huluhin ako, sisiguraduhin ko naman na hindi ako mahahabol.
May sarili akong motor na kung minsan ay ginagamit ko pagpasok sa trabaho pero kadalasan ay hindi ko iyon ginagamit dahil sayang ang ganda ko kung magmomotor ako ng nakadress.
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa may narinig akong sumigaw ng mura sa akin. Naggalit siguro sa akin dahil nagover take ako at dahil na rin sa over speeding.
Lumingon ako sa likod at tiningnan kung sinong driver ang sumigaw ng mura sa akin. Umirap na lamang ako nang makita ko ang hitsura niya at nakipagsabayan din ng bilis sa pagpapatakbo.
Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo at iyong lalaki naman ay binilisan rin at halos magunahan kami sa daan. May mga ilang sasakyan naman na muntikan ko nang mabangga pero naiiwasan ko naman.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang lalaking nakikipagkarera sa akin na gusto akong bungguin at patumabahin ang motor na sinasakyan ko.
Napatingin naman ako sa harapan ko at laking gulat ko na may isang sasakyan na paliko. Sinubukan kong nagpreno ang motor pero sobrang bilis ng pagpapatakbo at tuluyang bumangga ang motor ko sa sasakyan.
"Shit!" sambit ko sa sarili at tumalbog ako. Napahiwalay ako sa motor ko at bumagsak naman ako sa kalsada. Hindi ko naman agad naigalaw ang braso ko nang makitang may malaking sugat ito.
Tube lang ang suot ko kaya sobrang daming gasgas ko sa braso. Isama pa natin ang mga sugat sa binti ko dahil nakapalda lang ako. "Kapag minamalas ka nga naman oh."
Dahan dahan akong kumilos at inalis ang suot kong helmet. Napatingin naman ako sa isang bulto na nasa harapan ko at sinula sa sapatos niya ay umangat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa harapan ko ngayon si Even Cortez, ang taong misyon ko.
"Are you okay?" tanong nito at napailing ako.
"Kung hindi ka tanga. Okay lang ako, wala naman akong galos, wala akong sugat, hindi masakit ang katawan ko." pilosopo kong sabi.
Akmang hahawakan niya ako para tulungan akong lumayo ay pinagsalitaan ko siya. "Don't touch me, kamay mong marumi, wash your hands muna before touch me." pagkanta ko sa pambatang pangasar noon.
"I think you're okay. Nakuha mo pang mamilosopo sa akin at makipaglokohan. Sumama ka sa akin at pupunta tayong prisinto." aniya at agad na hinawakan ako sa braso at kinaladkad.
"Sino ka ba?" inis kong tanong at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Sasakyan ko lang naman ang nabangga mo." sagot nitong bwisit na Evan.
"For your information, pwet mong may lotion. Hindi ako ang bumangga sa iyo kundi ikaw ang bumangga sa akin. Don't me." matapang kong sabi.
"Crazy woman." rinig kong sambit niya at umirap ako.
"Sandali." sabi ko. "Kukunin ko lang yung bag ko." sabi ko. "Hindi ako tatakas."
Binitawan niya ako at inilibot ko ang paningin sa paligid. Tsaka ko lang napagtanto na nag cause ng traffic ang nanggawa kong aksidente. Napapikit ako ng mariin dahil akala ko ay simpleng pagbangga lang ang naggawa ko.
Hinanap ko ang bag ko at nanlumo ako nang makita ko ang bagong motor ko na sobrang laki ng sira. Naglakad ako papalapit dito at nakita ko ang bag ko sa gilid nito. Kinuha ko ang bag at naglakad na pabalik dun sa Evan Cortez.
"Did you see what you did?" may halong pangaakusa ni Evan sa akin. Tumahimik na lamang ako dahil kasalanan ko naman talaga.
Sumakay kami sa tricycle dahil ang sasakyan niya ay may sira at inaalis pa sa kalsada ng mga traffic enforcer. Nang makarating sa prisinto ay kinaladkad niya ako.
"Dapat sa iyo ay makulong." galit niyang sabi sa akin. "Paano na kang kung may namatay sa aksidenteng ginawa mo?" sumbat pa niya.
Sa halip na makinig sa kanya ay kinuha ko ang lipstick na nakatago sa pagitan ng aking dibdib at naglagay ako nito sa labi.
Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya dahil nasa harapan niya mismo ang malaki kong dibdib na halos lumuwa sa suot kong tube.
Napahawak siya sa sentido niya at nagulat ako ng tanggakin niya ang suot na coat at ibinigay sa akin. "Suotin mo." sabi niya.
"Hindi kita boss." sabi ko.
"Suotin mo dahil pinagpyepyestahan ka ng mga mata." sabi niya. Napatingin ako sa paligid at may mga nakatingin sa akin at tutok na tutok ang tingin sa dibdib ko. Nang dahil dun ay kinuha ko ang coat na bigay niya sa akin at isinuot iyon.
Naupo kami sa isang tabi habang naghihintay sa pulis. Binuksan ako ang bag ko at kumuha ng bubble gum. Ang bubble gum na nginunguya ko kanina ay wala nang tamis kaya itinapon ko na.
"What's your name? Your address? At bakit nagpapatakbo ka ng mabilis? Hindi mo ba alam na bawal iyon. Kababae mong tao pero akala mo ay ikaw ang may ari ng kalsada." dire-diretsong salita ni Evan.
Narindi ako sa boses niya kaya kinuha ko ang bubble gum na nginunguya at nang bumuka ang bibig niya ay agad kong ipinasok ang bubble gum sa bibig niya na nginuya ko na.
"Shut up." sabi ko at natigilan si Evan sa ginawa ko. Akala ko ay magrereklamo sa siya sa ginawa ko pero nagulat ako nang nginuya niya ang bubble gum na isinalpak ko sa bibig niya.
Kumuha ako ulit ng bubble gum para may nguyain. Habang naghihintay sa pulis ay tahimik kaming nagngunguya ng bubble gum at kung minsan naman ay pinapalobo ko ito.
"I'm Red." pagpapakilala ko.
"Evan Cortez" aniya.
"Share mo lang?" pambabara ko.
MISTERCAPTAIN
Captain
Maraming salamt po sa pagbasa at paghintay ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro