Part 9
Sa kabilang banda ay napansin ni Ella na biglang naging interesado si Morissette sa tagpong iyon. Matapos naman ang maghapon nilang pagiging busy sa set, pansamantalang nagpaalam si Adrian para pumunta sa family dinner ng kanilang pamilya at habang paalis siya, pinahinto naman siya ng isang pamilyar na boses.
"Pwede ba tayong mag-usap?" luhaang tanong ni Morissette sa dating nobyo.
"For what? Alam kong masaya ka na ngayon dahil sisikat ka na, anong kailangan mo sa'kin? At kayo na rin ni Eric di ba? Gusto mo bang malaman niya na lumalapit ka sa'kin ngayon?" tanong ng binata na wala nang nararamdaman ni katiting sa dalagang kaharap.
"Bakit ganyan ka na? Ni minsan 'di mo ako nasigawan noon, may nakapalit na ba sakin dyan sa puso mo?" naluluhang tanong ni Morissette sa harap ni Adrian Pahakbang na sana siya para lumayo pero bigla naman siyang niyakap ni Morissette. Kasabay ng eksenang iyon ay ang pagkakaroon ng ingay mula sa nalaglag na gamit malapit lang sa kinaroroonan nila. Kitang-kita ni Ella ang eksenang iyon.
Napatakbo naman agad si Ella dahil muntik na siyang makita ng dalawa. Dapat ay masaya siya na magkakabalikan na sina Morissette at Adrian pero tila ang bigat naman ng kanyang loob sa bagay na iyon. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang sabihin dahil kanina, halos hindi na siya makahinga sa labis na pagkaselos. Unti-unti na ring nawala ang pagbilis ng tibok ng puso niya kapag nakikita si Eric. Ngayon niya lang din na-realize na hindi pala niya ito mahal romantically, at pawang paghanga lang pala sa personality nito ang kanyang naramdaman sa simula pa lang. Ngayon na niya nararanasan ang tunay na sakit ng pagmamahal na hindi na masusuklian.
At nang palapit si Eric sa kanya, wala siyang ibang nagawa kundi ang pekein ang kanyang ngiti.
"Ella, may dinner pala kami tonight. Sumabay ka na sa'min kung wala kang gagawin mamaya," alok ni Eric. Pinarisan pa niya ng ngiti ang mga salita niya sa harap ng dalaga.
At ang mga ngiting iyon ay wala nang effect na kilig para kay Ella dahil alam niyang iba na ang ngiting hinahanap niya ngayon. Mas nangingibabaw ang worries niya kapag malaman niyang nagkabalikan na sina Adrian at Morissette. Baka hindi niya kayaning mangyari ang bagay na ito.
"Ella, are you okay?" untag pa ni Eric dahil napansin niyang tila wala sa mood makipag-usap si Ella.
"Sorry, may lakad po ako mamaya kaya hindi ako makakasama. At isa pa, kayo na ni Morissette, hindi ba? Ano pang sense ng paglapit mo sa'kin?" buong tapang na litanya ni Ella.
"Well. Na-realize namin na hindi pala kami compatible sa isa't isa. Kaya heto ako, handang patunayan ang sarili ko sa'yo," masuyong sambit ni Eric.
"No way. Sorry, hindi ako willing na maging kabit. Dyan ka na nga," pagtataray na sagot ni Ella at pinigilan lang siya ni Eric nang hawakan siya nito sa braso.
"Come on, gusto mo rin naman ako hindi ba? Kinantahan mo pa ako sa party. Ako na ang lumalapit ngayon tapos pakipot ka?" pambubuska ni Eric.
Labis na naasiwa si Ella at kumaripas ng takbo.
Nanatiling lutang ang pag-iisip ni Ella at parang wala na siya sa sarili. Ni hindi sumagi sa kanya na si Adrian lang pala ang magpaparanas ng heartbreak na hindi niya alam kung paano at saan nag-umpisa. At aaminin na niya sa sarili kung gaano niya na-miss kaagad ang binata na naging kaibigan niya sa loob ng maikling panahon.
Napahinto siya sa paglalakad nang maramdaman ang pagdampi ng patak ng ulan sa kanyang braso. Napasilong siya saglit at napahinto naman siya dahil sa tumigil na sasakyan mula sa kanyang tapat. Si Adrian pala ang lulan ng sasakyan na dali-daling lumabas ng sasakyan gamit ang payong na binigay sa kanya ni Ella.
"Halika na, ihahatid na kita sa bahay mo. Kapag hinintay mo pa ang ulan, late ka nang makakauwi," alok ni Adrian na hindi na hinintay ang pagpayag ni Ella. Talagang iginiya na niya ito papasok sa front seat.
"Ano ba, okay lang ako. Hindi pa nga ako pumapayag," pagtanggi naman ni Ella. Hindi na siya nakalabas dahil mabilis na naisara ni Adrian ang pinto ng kotse. Pagkabalik nito sa loob, tila hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa.
"Nakita kita kanina habang yakap ako ni Morissette. At ipaliliwanag ko sa'yo, hindi kami nagkabalikan," paglilinaw ni Tristan.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo naman ako girlfriend, saka alam kong gusto mo ring maging okay na kayo. Kaya natutuwa ako. At least, hindi na natin sila paghihiwalayin ni Eric," may himig ng pagdadalamhating sagot ni Ella.
"May natutuwa bang ganyan ang mukha? Listen, kung may gusto ka sa'kin, eh 'di tayo na? Gusto na rin kita. Hindi ko alam na naa-attract na pala ako sa pagiging mabuti mo sa taong nasa paligid mo. At hindi ko nakalimutan ang unang beses na nagpakita ka ng kabaitan, noong binigyan mo ako ng payong habang wala ako sa sarili ko dahil sa ginawa ni Morissette. At sa katunayan, napaamin ko na siya, talagang nobyo niya si Eric at kaya siya nag-attempt na makipagbalikan dahil nalaman niya na anak ako ng producer at CEO na pwede niyang maging koneksyon sa career niya," pag-amin ni Adrian na ikinagulat naman ni Ella. Hindi siya makaimik dahil hindi pa rin ma-process sa utak niya ang narinig. Parang gusto rin niyang tumalon sa tuwa.
"Si Eric din, nag-try na magpa-cute sa'kin. At nagtaka nga ako kung bakit ginawa niya 'yon. Eh part lang naman pala ng plano nila ni Morissette. Nabulag ako sa paghanga ko sa kanya at huli ko nang na-realize na hindi ko pala siya dapat na ginusto," sabi pa ni Ella at saka ngumiti.
"Kung gano'n, ibig sabihin, mahal mo rin ako? Ibig sabihin ba, willing ka na panagutan ko kung anumang nangyari sa'tin? Pinagsisihan mo ba? Kasi ako, hindi. After kitang makilala, mas lalo akong na-fall sa'yo," madamdaming pagtatapat ni Adrian at inilapit nang maigi ang sarili sa dalaga.
"Gusto rin kita at mahal na rin kita," tanging sambit ni Ella sabay yakap kay Adrian.
Umawit ang kanilang mga puso sa sandaling yakap nila ang isa't isa. Hindi rin nagtagal, nakawala na rin si Adrian bilang investor sa kompanya ni Eric at medyo nalulugi na rin pala ang kompanya ni Eric dahil sa mismanagement at pagiging gastador pala nito. Balita niya rin na hiwalay na ito kay Morissette na tuluyan na ring nagpunta sa ibang bansa para magmodelo. Lumipas ang tatlong taon na relasyon nina Ella at Adrian, nagpasya na silang magpakasal. Tapos na rin ang tampuhan ni Adrian sa kanyang pamilya at tanggap na tanggap nila si Ella kahit hindi ito galing sa mayamang pamilya. At ilang buwan matapos ang kanilang kasal, isinilang ni Ella ang malusog na anak nilang lalaki ni Adrian.
From strangers na nagka-one night stand with each other, hangga't sa maging magkatrababo para sirain ang relasyon ng kanilang mga minamahal, hindi sukat-akalain nina Adrian at Ella na sila pala ang nakatadhana sa isa't isa. Tunay nga na kahit infatuated ka sa isang tao, may isang Mr. Right pa rin na darating out of nowhere na kayang higitan ang taong hinahangaan mo.
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro