Part 8
Kinaumagahan, ikinagulat ni Ella na mahaba pala ang oras ng tulog niya sa unit ni Adrian. Labis na pagkahiya ang naramdaman niya sa binata dahil dapat ay babantayan niya ito hangga't sa bumuti ang pakiramdam nito. Pero iba ang nangyari, nauna pa siyang makatulog marahil dala ng pagod niya kahapon. Mabilis siyang bumangon at ch-in-eck muna ang kanyang cellphone. Nabasa naman niya agad ang texts ni Ms. Maddie. Hinahanap na pala siya nito at pinapadiretso sa lugar kung saan nagsh-shooting kasalukuyan si Morissette.
"Diyos ko! Mali-late na ako kung kailangan na nila ako ng 12pm!" natatarantang bulalas niya. Nagmadali siyang kumilos hangga't sa bumungad na sa kanya si Adrian na nakapagbihis na at mukhang may lakad.
"Sorry, pinababantayan ka sa'kin ni Ms. Maddie pero ako pa ang unang nakatulog," apologetic na sambit ni Ella.
"That's fine. Anyway, pinapapunta ka ba sa photoshoot? Doon din ang punta ko," nakangiting sabi ni Adrian na parang hindi man lang nagkasakit. Parang nagbalik agad ang nawalang enerhiya nito.
"Bakit pupunta ka? Ano namang involvement mo doon? Eh wala ka namang kukunan ng pictures doon ah," curious na tanong ni Ella.
"Well. Basta, pinapapunta ako, eh," kibit-balikat na sagot ni Adrian.
Since male-late na si Ella, wala siyang choice kundi makisabay. Mas matindi pa nga ang kilig na 'yon kumpara sa kilig niya para kay Eric. Iba na yata ito, parang handa na siyang magmahal ng iba. Iwinaksi muna nila ang kilig hangga't sa bumyahe na sila sa set. Sila na lang pala ang hinihintay at mukhang may mahalaga silang panauhin.
"Buti at nandito ka Adrian, may naghihintay sa'yo," magiliw na bungad ni Ms. Maddie at ilang saglit pa nga, bumulaga na si Mrs. Maricel na unti-unting lumapit gamit ang wheelchair nito.
"Hinihintay ka na ng producer head na si Mrs. Maricel Tuazon. Siya rin ang asawa ng CEO ng subsidiary company ng advertising company ni Eric at siya rin ang ina ni Mr. Adrian Tuazon," pagmamalaking introduce ni Ms. Maddie.
Naging emosyonal ang mag-ina at hindi inakala ni Ella na makikita siya ni Mrs. Maricel kaya bigla siyang napatago. Naalala niya ang pagsisinungaling kahapon.
"When the lady gave me flowers yesterday, alam ko na galing sa'yo 'yon. Alam ko rin na nagsinungaling lang si Ella, wala naman akong naging kasambahay na may anak kaya imposible ang sinasabi niya. Salamat at naalala mo ako, Adrian. Salamat at nakipagkasundo ka na sa mga kapatid mo at tinutulungan mo na sila ulit sa pag-handle ng network," madamdaming pahayag ni Mrs. Maricel.
Napayakap naman si Adrian sa kanyang ina. Naging madamdamin ang kanilang reunion. Kaya lang naman sila nagkasamaan ng loob ay dahil sa ayaw ni Adrian na mag-manage ng kompanya at mas gusto niya ng sariling negosyo at mag-focus sa photography. Siya ang numero unong sumasalungat sa gusto ng kanyang mga magulang hangga't sa itinakwil nga siya ng mga ito para patunayan na hindi siya nagkamali sa tinahak na karera. Sa katunayan, hindi naman lahat ng tao ay alam na may kaugnayan siya kay Mrs. Maricel.
"Ma, sorry kung naduwag akong humarap sa inyo," naiiyak na sambit ni Adrian sa kanyang ina.
"No. It's okay. Salamat anak ko," luhaang turan ng ginang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro