Part 7
Nataranta si Ella pagkabasa ng message. Kaya naman pala hindi makasagot agad si Adrian, may dinaramdam pala ito. Agad siyang pumunta sa condo unit ng binata at namataan itong namamaluktot sa kama.
"Sorry kung hindi na ako kumatok. Hindi pala naka-lock yung pinto. Nag-alala kasi ako sa text ni Ms. Maddie at baka napaano ka," nag-aalalang sambit ni Ella at tiningnan nang maigi ang mukha ni Adrian. Hinawakan pa niya ang noo nito.
"Mataas nga ang lagnat mo. Napaano ka? Kahapon okay ka naman ah," worried na tanong niya.
"Actually, kahapon ko pa ito dinaramdam. Pero don't worry, hindi ko na kailangan magpa-ospital. Baka exaggerated ang text sa'yo ni Maddie. Noong nakaraang linggo, naulanan ako tapos madalas akong kulang sa tulog. Nakainom pa ako sa party doon sa Grand Hotel tapos yung nangyari sa atin. Feeling ko inabuso ko na naman ang katawan ko," litanya ni Tristan saka pinilit na bumangon sa kama para matingnan si Ella.
"Hay naku. Pinaalala mo pa 'yong nangyari sa'tin. Sorry ha. Namalik-mata lang ako no'n, akala ko si Eric ka," dispensa ni Ella.
Biglang tumawa si Adrian at napabalikwas.
"Kailangan kong bumawi, Ella. Malaki pala atraso ko sa'yo, eh," dagdag ni Adrian saka nilakihan ang pagkakangiti.
"Bakit ka babawi?" tanong naman ni Ella.
"Kasi iniisip mo na hindi ko pananagutan ang nangyari," pagtatapat ni Adrian. Lately, tila nararamdaman niya na unti-unti na rin siyang humahanga kay Ella kahit mag-iisang buwan pa lang silang magkatrabaho.
"Saka na natin pag-usapan 'yon at hindi rin kita inoobliga na panagutan 'yon. Hindi naman ako gano'n ka-conservative saka walang ibang nakakaalam no'n kundi tayong dalawa lang. Babantayan muna kita rito. Siya nga pala, nag-text ako tungkol sa pagbigay ko ng flowers. Nakalapit ako kay Ma'am Maricel," sagot naman ni Ella.
"Nabasa ko nga. Salamat huh? At simula ngayon, hindi ko na pababantayan si Morissette," nakangiting sagot ni Adrian.
Napakunot-noo din si Ella na medyo na-curious sa pagbabago ng desisyon ng binata.
"Does it mean na hindi ka na interesado sa kanya?" tanong ni Ella.
"Oo. Na-realize ko noong sinigawan ka niya. Kung hindi niya kayang maging mabait sa ibang tao, sure ako na hindi rin niya kayang maging mabuti kapag kami na ang magkasama. Natauhan na rin ako. Kumbinsido na ako na wala siyang iba at talagang ambisyon niya lang ang dahilan ng pakikipag-break niya. Siguro kailangan ko na lang talagang magmove-on," nakangiting pagsiwalat ni Adrian.
"Sabi ko naman sa'yo noong una pa lang. Kung ayaw sa'yo, dapat mag-move-on ka agad," payo naman ni Ella habang nakangiti. Habang tinatagalan ang pagtingin kay Adrian, saka niya lang napagtanto na gwapo rin pala ito. At parang nararamdaman na niya sa binata ang bagay na kay Eric lang niya naramdaman tuwing nakikita ito. Bigla tuloy siyang umiwas ng tingin lalo na't naalala niya ang gabing namagitan sa kanilang dalawa.
"Oh no. Pinakitaan ka lang nang magandang ugali, feel mo gusto ka na agad? No. Huwag kang magpadala sa kanya. Si Eric ang crush at mahal mo. Focus ka lang sa kanya," gagad ni Ella sa kanyang isip. Bigla tuloy siyang nilapitan nang maigi ni Adrian saka ito tumawa nang malakas.
"Anong iniisip mo, huh?" untag sa kanya ng binata.
"Wala. Hayaan mo na lang na samahan kita at alalayan sa buong maghapon. Okay?" cheerful na pahayag ni Ella.
At gano'n na nga ang nangyari, nakaalalay si Ella kay Adrian sa pagkain at pag-inom nito ng gamot. Pinaunlakan pa niya ang request ng binata na samahan itong manood ng movie sa isang cable channel. Hangga't sa naunang makatulog si Ella dahil sa panonood.
"Ella, tulog ka na ba?" untag niya sa dalagang nakakawiling pagmasdan. Ngayon lang din napagtanto ni Adrian kung gaano ka-attractive ang dalaga sa kanyang paningin kahit na simple lang ang ayos nito at hindi pala-porma. And lately, nakakaramdam na rin siya ng excitement tuwing nakikita ito kaya nga nakapagdesisyon na rin siya na huwag nang utusan si Ella na manmanan ang dati niyang girlfriend na hindi naman deserve ng effort at pagmamahal.
Nabigo siyang gisingin si Ella. Hinayaan na lang niya itong matulog at kinumutan ito nang maayos. Bahagyang bumuti na rin ang kanyang pakiramdam sa mga sandaling iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro