Part 2
Pagkatapos ng performance na iyon, nagpalakpakan ang lahat at nag-cheer kay Ella. Nagdadalawang isip siya ngayon na ipagtapat ang nararamdaman kay Eric dahil may nakita itong magandang babae na lumapit at humalik dito. Napangiti siya kahit na kaya siyang patayin ni Eric at ng babaeng iyon sa sobrang selos. After few minutes, may ibinalita ang MC.
"Ladies and gentleman, our boss Eric has something important to announce," simula ng MC.
Lumapit si Eric kasama ang magandang babaeng iyon sa tabi niya sa harap ng buong bisita.
"I'd like to introduce you, my girlfriend, Morissette. We're about to get married in next three months," pagmamalaki ni Eric na pakilala sa girlfriend, at ikinagalit ito ni Adrian. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Ella nang mga sandaling iyon. Binigyan siya ng signs ni Eric na may gusto ito sa kanya ngunit may nobya na pala ito.
Si Adrian naman, hindi na kinaya ang tagpong iyon. Tinraydor siya ng kaibigan niyang si Eric. Kaya naman pala biglang nakipag-break sa kanya si Morissette ay dahil may iba na itong kalaguyo at sa lahat ng pwedeng maging nobyo nito, bakit si Eric pa na business partner niya?
Napa-walkout siya sa hotel at nagpunta sa jazz bar na kalapit lang din ng hotel. Nahagip ng paningin niya si Ella na nagmamadaling pumasok sa elevator na kinaroroonan niya at lumuluha rin ito. Nahulaan na niya ang saloobin nito nang magsalubong ang kanilang paningin.
"Assistant ka ni Eric, hindi ba?" tanong ni Adrian sa humihikbing dalaga.
Tumango lang si Ella at hindi na tumingin kay Adrian. Kumaripas siya ng takbo pagkalabas ng elevator ngunit hinahabol pa rin pala siya ni Adrian.
"Wait lang. Kaya ka ba umiiyak eh dahil sa nakita mo?" walang pag-aalinlangang tanong ni Adrian na bahagyang nakaramdam ng iglap na simpatya kay Ella.
"Ano naman sa'yo? Ikaw, umiiyak ka rin yata. Bakit naman?" naiiyak na tanong ni Ella sa gwapong binata na namukhaan niya agad. Ito rin ang pinagtanungan niya ng direksyon kanina bago siya magpunta sa event.
"Girlfriend ko ang pinakilala ni Eric sa mga tao kanina," turan ni Adrian.
Napaisip si Ella at tiningnan nang seryoso si Adrian.
"Seryoso ka ba? Hindi magandang biro 'yan ah. Baka nagbibiro ka lang. Hindi magagawa ni Sir Eric na tumraydor ng kaibigan. Saka bakit ka nag-walk out imbis na komprontahin sila?" tanong pa ni Ella. Kung totoo man 'yon o hindi, bigla pa rin siyang na-turn off kay Eric.
"May magbabago ba? Wala naman. Sila pa rin ang magkkagustuhan. Wala na akong balak na komprontahin si Eric. Magmo-move on na lang ako at aalis na sa advertising company niya bilang investor. Eh ikaw? Hindi ka naman niya girlfriend pero may paiyak-iyak ka pang nalalaman," puna naman ni Adrian.
"Bakit? Masama bang umiyak kahit wala kaming label? Nagparamdam siya sa'kin na may gusto siya sa'kin at feeling ko naman totoo 'yon. Bakit ba?" pataray na sagot naman ni Ella.
"Wala naman akong sinabing masama," pakli ni Adrian.
"By the way, gusto mong uminom para maka-move on?" paanyaya ni Adrian.
Agad na tumango si Ella at napadpad sila sa jazz bar na tahimik.
"Sa tingin mo, magiging concentrated ka pa rin ba sa trabaho kahit alam mong may mahal na ang mahal mo?" biglang tanong ni Adrian.
"Hindi na siguro. Saka part time lang naman ako bilang alalay at staff niya. Kailangan ko lang kumuha ng experience para makalipat sa ibang kompanya," pagsisinungaling naman ni Ella.
"Okay. Sige na, uminom ka na. Sagot ko na," paanyaya muli ni Adrian. Nagkasarapan na sila sa kwentuhan at tila nawala na sa kanilang mga sarili nang malasing na. Nag-aya si Ella na umuwi na ngunit kapwa hindi na nila kayang bumyahe pauwi. Kaya naman pinasya na lamang ni Adrian na mag-book ng hotel room para sa dalaga.
"Maiwan na kita. Papahatid na lang ako sa driver na kaibigan ko," sambit ni Adrian ngunit nawalan siya ng balanse at napaibabaw kay Ella. Nagkatitigan ang dalawa at panandaliang namayani ang katahimikan sa silid.
"Ang gwapo mo, Eric," ani Ella habang nakatingin kay Adrian. Namalik-mata na nga siya dahil sa kalasingan. Inabot niya ang pisngi ng binata at hinagkan ito. Dala na rin ng kalasingan, tila natangay si Adrian sa halik ng dalaga at nang gabing iyon, may namagitan sa kanilang dalawa.
Kinaumagahan,
"Diyos ko, nasaan ako?" halos naguguluhang tanong ni Adrian sa sarili. Nasapo niya ang kanyang ulo nang bumangon sa kama. May malalang hangover pa nga siya, naglasing kasi siya at di na niya maalala ang ginawa kagabi at napagtanto niyang nagpakalasing siya sa jazz bar at may kasama siyang babae.
"Nakakahiya!" asik niya sa sarili. Lumabas siya ng kwarto at natagpuan niya lamang ang female personal assistant niya na si Fatima sa labas ng hotel room na kanyang kinaroroonan niya.
"Sir Adrian, kailangan ko na kasing umuwi ng probinsya pero 'di ko masabi sa'yo. Magre-resign na ako," bungad ni Fatima. Napakunot ang noo ni Tristan nang makitang may dala na itong bagahe at mukhang aalis na talaga.
"Why all of a sudden? Paano na 'yong pinagagawa ko sa'yo na i-check mo ang mama ko sa ospital?" windang na tanong ni Adrian.
"Hindi na ako pwedeng magtagal dito, Sir Adrian," giit naman ni Fatima.
"Bahala na po kayo kung bibigyan n'yo pa ako ng sahod o hindi. Basta kailangan ko nang umalis. Pero may ire-refer po ako sa inyo, part timer lang naman ito ni Sir Eric at pwede n'yo siyang i-consider," suggestion naman ni fatima at binigay ang resume ni Ella. Dali-dali na itong umalis sa harap ni Adrian.
"Tama ba 'yon? talagang ako pa ang tatawag sa Ella na ito," nakabusangot si Adrian habang nakatuon ang paningin sa papel. Bigla niyang naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang babaeng nasa resume at si Ella na naka-one night stand niya ay iisa! Pero bakit wala na sa silid ang dalaga?
Kumaripas siya ng takbo papunta sa silid at wala nang bakas doon ni Ella. Magso-sorry pa naman sana siya dahil hindi naman niya sinadyang magpatianod kahit si Ella naman ang unang gumawa ng move.
"Bakit siya umalis at hindi man lang siya nagalit? Kataka-taka," pakli ni Adrian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro