Zayn
"HUH?! Asan ka na ba?!" sigaw na tanong ni Maddi sa Phone habang hinihintay si Ari sa meeting place nila. Sabado ngayon, at naisipan ng dalawang mag-date ngayon. "DATE" literary means, mag-enjoy silang dalawa, bonding ba.
"O-OO! PAPARATING NA PO!" sagot ni Ari sa telepono at mukhang siya pa yung nagalit, "Napuyat nga kasi ako kagabi! Nag-memorise pa ako!" sagot nito.
"EEEESH! Oo na! Oo na!" naiinis na sagot ni Maddi, "Hihintayin na lang kita dito," pagkasabi niya nun ay agad ng pinatay ang tawag at naupo sa may bench na malapit sa kanya. Tinignan nito ang kanyang oras habang naiinip na masyado, "UGH!" napatayo ito nang mapansin niyang may lalakeng naupo sa tabi niya. Nagmukhang pamilyar kasi yung lalake sa kanya kaya sinusulyapan niya ito baka sakaling mamukhaan niya.
"Aheemm .." hindi man nakatingin sa kanya yung lalake pero alam nitong nakatingin si Maddi sa kanya.
"AH-Arghem .." natauhan din si Maddi at umayos sa kanyang tinatayuhan. Mukhang napahiya pa siya. Ngayon naman, yung lalake ang tumingin sa kanya at may ngiting nakakaaliw sa kanyang mukha.
"Hindi ka na nagbago ah .." may bungisngis na lumabas sa bunganga ng lalake habang nakatingin kay Maddi.
Napatingin si Maddi sa lalake. At kitang-kita mo sa mukha niya ang gulat na di inaasahan, "H-Haha," gusto niyang itago ang gulat na naramdaman niya nang makita ang lalakeng gwapo, "H-Hoy! BIG TIME ka na ah! Kailan ka dumating?!" napa-excited ang tono ni Maddi.
"Hahaha. Kahapon lang naman," may ngiti pa rin sa mukha ng lalake, "Ugh .. Siya nga pala, maalala ko si Ariana, Kamusta na siya??" Biglang nag-iba naman ang Atmospera nang napasok si Ari sa usapan.
"Aahh. Siya? Yeah, Ayos naman siya. Hindi pa rin siya nagbago eh," pinilit ni Maddi na magpakita ng pekeng ngiti.
"Ahh .." tumango ang lalake at muling napangiti, "Ano gawa mo dito?"
"Hinihintay si --" bago pa man masabi ni Maddi ang sasabihin niya, may boses na hinihingal sa likod na niya.
"MADDI!" ang boses ni Ari na hinihingal. Nakayuko ito noong humarap si Maddi sa kanya. At medyo may distansiyang malayuan sila.
"Si Ari," pagpatuloy ni Maddi sa kanyang sinasabi, "HOY! BABAE KA AH!" biglang galit na nitong tono kay Ari. Galit man ang tono niya pero halata mong nagbibiro lang siya.
"Ahh! Sorry! Sorry na po! Nagyon lang naman ito eh!" parang bata si Ari na humihingi ng paumanhin sa Nanay niya, "Tsaka, sino ba yung kausap mo??" napalingon ito sa likod ni Maddi. Sa likod ni Maddi, nakita niya ang isang napakagwapong nilalang na nakangiti sa kanya. Oo, may lahing English-Pakistani ito dahil sa tangos ng ilong, sa kissable lips nito, sa panga niyang malakas at SA MATA NIYANG MALALALIM ng tingin.
"Si Zayn," matipid na sagot ni Maddi. Naramdaman niya kasi ang biglaang pagkatulala ni Ari nang makita ulit si Zayn. Bumalik ulit yung damdaming AKWARDNESS. Yun bang feeling na lahat ng nakaraan ninyong dalawa ay biglang bumalik.
"Maddi, Tara na," bigalng sambit ni Ari na as if walng Zayn siyang nakita na parang multo o Anino lang yung nakaharap niya. May boses at mukhang galit si Ari ngayon. Suplada at maldita kung tawagin.
"P-Pero, Ari .." tututol na sana si Maddi nang mapigilan siya dahil sa masasamang tingin ni Ari sa kanya.
"Tara na," matipid nitong ani pero may galit na kanyang binitawan sa salita niya. Naglakad na ito paalis at di na naisip na hintayin pa si Maddi na magpapaalam na sana kay Zayn.
"Teka .." seryosong sambit ni Zayn, "Maddi, I want to talk to her alone."
Kahit na walang paalam si Maddi, agad na itong umalis sa kinaroroonan nila at tumawid sa kalsada ng makita niya ang Refreshment Store sa kabilang b\panig ng side walk. Naiwan na lang yung dalawa na may "AKWARDNESS" sa atmospera.
"Wala po akong sasabihin sa'yo," sagot ni Ari na walang karespe-respeto.
"Sikat na akong SINGER nayon, Ari. May sarili na akong banda," biglang sambit ni Zayn, "And I came back for you."
Natahimik na bigla si Ari. Ang galit sa mukha niyaay biglang nawala. Ang mga ekspresyon niya ay hindi na mawari kasi hindi niya alam kung magagalit ba ito o hindi.
"Ngayon na sikat ka, hindi mo na ako kailangan," matalim na sagot ni Ari at humarap ito kay Zayn, "Alam naman ng lahat na yung boses ko lang ang kinailangan mo. Alam naman ng lahat ng nagpaasa ka lang taong inosente. Dinamay mo lang ako sa mga plano mong sumikat dba??"
"Hindi kita ginamit .."
"Ohh? Ngayon na bumalik ka? ANONG GUSTO MONG GAWIN KO? TUMAWA ng malakas? TUMALON-Talon nang dahil sa tuwa dahil sikat ka na?!" nanginig ang boses ni Ari at halatang pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mata. Sa huli, tumalikod na lang ito at naglakad paalis ni hindi man lang pinigilan siya ni Zayn.
Tanong niyo siguro kung anong konek nilang dalawa? Maya-maya na lang po yan.
Tumakbo si Ari. Hindi naman yung gaanong mabilis, hindi naman yung mabagal. Naglalakad lang ito habang ang patak ng luha ay pinipigilan. Hindi na niya namalayan ang mga taong nakakabunggo sa kanya. May nakabunggo siyang tao, di niya alam kung babae o lalake pero pamilyar ang gamit nitong pabango.
Na sa may Train Station na lang ito nang naisipan niyang maupo at tumigil sa paglalakad. Lahat ng mga taong dumadaan ssa kanya ay halos wagas makatitig dahil sa nakikitang hitsura ni Ari. Nakaupo siyang parang bata habang yakap-yakap ang dalawang tuhod.
"Hoy," nagulat na lang ito nang may biglang sumulpot na nagsalita sa may likod niya. Akala ni Ari isang mamang pulis na sisita sa kanya pero laking gulat niya noong nakitang si Cole lang pala. May inaabot itong panyo sa kanya. Hanggang sa maamoy niya ang panyo, tsaka niya naalala ang taong nakabuggo niya kanina na parehong-pareho ang amoy ng panyo sa kanya.
"K-Kanina mo pa ba--" hindi natuloy ang sasabihin ni Ari.
"Oo, kanina mo pa ako nakabunggo. Umiiyak ka kasi kaya sinundan nalang kita," sagot ni Cole pero may blangkong ekspresyon ito, "Halika na. Baka ano pang sabihin sa'yo."
Agad naman tumayo si Ari at sumunod kay Cole. Napnsin niya na alng na naglalakad sila kung saan-saan na wala namang patutunguhan.
"Aahh .. S-San ba tayo talaga pupunta?" tanong niya.
"Wala," matipid na sagot ni Cole habang naka-bulsa.
Napansin ni Ari mukhang hindi ito yung ugaling araw-araw niyang nakikita kay Cole doon sa school nila. Palagi kasi itong nangbobola ng mga babae, naninira ng mood o nang-iinis pero ngayon, ibang-iba siya. Para bang hindi siya yung Cole na dati niyang nakilala, parang hindi siya yung Cole na nahulugan ng puso niya.
"C-Cole," tuwing tatawagin niya kasi ito sa pangalan niya, kinakabahan na lang siya at nauutal-utal, "Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Uuwi pagkatapos mong umiyak," sagot ni Cole. Medyo nainis si Ari sa sagot ni Cole dahil halos di na niya alam kung saang lupalop ng mundo siya pinadpad ni Cole.
"Hinid. Joke lang, pero uuwi naman talaga ta'yo pagkatapos mong umiyak."
"Eh Bakit mo ako dinala kung saan-saan?!"
"Para may oras ka pang iiyak at mailabas mo ang lahat ng sakit na dinadamdam mo," sagot ulit ni Cole.
Mukhang natauhan naman si Ari sa sagot ni Cole. Tama naman ito.
"Wala ka bang ibang pupuntahan?" tanong ni Ari kay Cole.
"Wala. Katatapos lang kasi ng Photo Shoot namin kanina. Pauwio na sana ako nung mabunggo mo ako," sagot ni Cole.
"EHHH?! CONCERN SIYA SA'KIN?!" biglang napabulong si Ari na kinikilig-kilig.
"Hindi ako Concern sa'yo."
"H-Huh? W-Wala naman nagtanong .." napahiya tuloy si Ari.
"Tara na nga," biglang lumakas ang kutob ng puso ni Ari nang hilain siya bigla ni Cole sa kamay. TAKE NOTE: HOLDING HANDS ah. Habang naglalakad sila sa may side walk malapit ito sa may dagat kaya sunset na noong naglalakad sila na magkahawak ng kamay. Hindi nga alam ni Ari kung saang bandang lugar ito pero mukhang highway siya. Orange na ang kulay ng dagat at langit sa mga oras na yun at nakatuon ang pansin ni Ari sa karagatan.
--------------------------------
Hope you enjoy this part! Thank you so much for reading :D. PLS.VOTE and Comment na din poh! :D SALAMAT ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro