Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

HUMINTO ang babae sa tapat ng isang pinto at nilingon sila Boris na nakasunod dito. Olivia did not even smile, just glanced to check if they were still following her. Nang makasigurado, nilabas na nito ang susi at binuksan ang pinto. Pumasok ito at gumilid para bigyan sila ng daan papasok ng silid.

"Here's our suite," wika ni Olivia habang iniikot ni Boris ang paningin sa paligid.

Nang makapasok na rin si Nikolai, sinara na ng babae ang pinto at pumuwesto sa kanyang tabi.

"Na-check mo na ba ang buong silid?" walang lingong tanong niya sa babae sa wikang Ruso.

"Yup. One hundred percent safe," unat ng mapula nitong mga labi para humulma ng isang ngiti.

Si Nikolai naman ay dumeretso na ng dapa sa isa sa mga kama at nilapag sa harapan nito ang tablet. Naging abala na ang bata sa paglalaro ng games doon. Tumango-tango si Boris inisa-isa ang mga nasa silid na iyon. May dalawang hiwalay na kama roon, isang TV set, isang malaking cabinet, dresser table maliit na dining area at pintuan patungo sa nag-iisang bathroom.

Isa si Olivia sa mga agents ng GRU na pinadala para proteksyunan siya. Now, it might seem a little unfair he was getting this privilege and protection. Pero ano ang magagawa niya? Malakas talaga si Sloven sa hepe ng GRU na si Sir Gregori. Naunang pumunta ng Pilipinas si Olivia para siguraduhin na ligtas ang pagtataguan nila ni Nikolai. Para na rin may kasangga siya kung sakaling siya man ang unang target ni Poison.

"Kabisado mo na ba ang lengguwahe nila rito?" harap niya sa dalaga.

In fairness with this woman, she was vivacious— big boobs, sexy waists and everything. Mataas talaga ang standards ng GRU pagdating sa pagpili ng mga agents. Sinisigurado ng mga ito na talagang kaaya-aya sa kahit na sino ang agent nila. Logically, someone looking too pleasant was less doubted about their real intentions.

"Of course," her smile was charming. "Kaya nga kasama mo ako ngayon dito. Para tulungan ka rin pagdating sa language barriers na pwede mong ma-encounter rito." At tinanguan siya nito. "You must be tired from the trip. What drink do you want? Mayroon akong softdrinks dito at vodka. May tubig din naman if you want something more natural and refreshing."

Binaba muna ni Boris ang mga bag sa paanan ng kama nila ni Nikolai para sundan ang babae sa counter. Pinadulas niya roon ang kamay habang nakasunod kay Olivia.

"Tubig lang muna. Pakibigyan na rin si Nikolai."

Olivia opened the door of the fridge. Napaatras si Boris nang tumuwad ito sa harapan niya para abutin ang lalagyan ng tubig na nasa ibabang bahagi ng fridge. Nae-eskandalo na napatitig siya sa puwitan nito. She was round and seemed bouncy, alright. Her pencil skirt did a great job with smoothly emphasizing her bum.

Tumayo na rin ang babae ng tuwid at nilapag ang pitcher sa counter bago kumuha ng dalawang tall glass. Pagkalapag ng mga baso sa counter, sumulyap ito saglit sa kanya at ngumisi. Lalo siyang napa-atras.

Hindi yata nabigyan ng briefing ang babae tungkol sa sexual preference niya.

"Na-check ko na rin ang buong perimeter," mahina nitong wika.

Boris understood that Olivia was being careful not to be heard by Nikolai. Napilitan tuloy siyang yumuko ng kaunti at umusog palapit dito. He walled Olivia with his arms, his hands against the counter as she poured water in the tall glasses.

"Ano ang na-observe mo?" titig niya kay Olivia na halos gahibla na lang ang pagitan ng mukha mula sa kanya. She was not facing him though.

Binaba na nito ang pitsel. "The coast is clear. Pero kung dito mo gagawin ang balak mong pagsu-surveillance sa mga Sokolov, medyo mahihirapan ka dahil sa internet connection."

At nilingon siya ng babae. Kulang na lang ay maghalikan na sila sa sobrang lapit ng mga mukha.

"Don't tell me wala silang internet dito?" seryoso niyang tanong.

"Siyempre, meron. Pero mahihina ang signals dito."

He scoffed and grinned at her. Medyo naaasiwa siya sa pagkakalapit ngayon ng mukha nila kaya binaba niya ang tingin sa mapula nitong mga labi.

"Iyon lang ba? No problem."

Lumayo na si Boris kay Olivia. Dinampot nito ang mga tall glass at inabot sa kanya ang isa.

"Thank you," tanggap ni Boris bago pinanood ang graceful na pag-indak ng balakang nito papunta kay Nikolai.

Olivia sat on the side of the bed. "Nikolai, have some water."

Binaba nito saglit ang tablet at umupo mula sa pagkakadapa sa kama. Tahimik na tinanggap nito ang baso ng tubig.

"Thank you," anito bago uminom ng kaunti. Nilapag iyon ng bata sa night table bago tinuloy ang pagta-tablet.

Boris emptied the glass and put it in the sink. Nakita niya ang paglapit ni Olivia sa mga bag nila kaya pinuntahan niya agad ito.

"Gusto mo bang tulungan na kita rito?"

"Huwag na," pigil niya sa babae bago ito tumuwad na naman para bitbitin ang bag nila. "Makikiusap sana ako na maghanap sana kung saang parte nitong resort may pinakamalakas na signal o internet connection."

"Sure," ngiti nito. "I have given you my contact number, so just call me, kung kakailanganin niyo ako agad dito."

"I will," ani Boris at hindi na tinanaw pa ang paglabas ni Olivia mula sa silid na iyon.

Pagsara ng babae ng pinto, nakaupo na si Boris sa harap ng mga bag at binuksan ang isa sa mga iyon. Doon na niya nilabas ang baong tatlong laptop. Napansin ni Nikolai ang pananahimik niya kaya naalerto ito. He sat up straight again and looked around until his eyes found him.

"Papa," kunot-noo nito at gumapang sa dulo ng kama para malapitan siya, "nasaan si Miss?"

Nikolai was pertaining to Olivia. Both of them conversed in Russian.

"May pina-check lang ako sa kanya sa labas," ngiti niya rito bago seryosong nilabas ang maliit na bag kung nasaan ang mga saksakan ng laptops. He tucked the laptops under his arm and stood up. Pumuwesto siya sa dresser table at sinet ang tatlong laptop. Dalawa lang ang electrical socket na malapit doon. Buti at may baon siyang extension cord.

"Trabaho na naman, Papa?" Nikolai finally narrowed his eyes. "Akala ko ba bakasyon tayo ngayon?"

"Oo, anak," bukas niya sa mga laptop, "pero siyempre, kailangan pa ring kumita ng Papa mo para may pambayad tayo rito sa resort."

Hindi ito mukhang kumbinsido habang pinapanood ang pagiging abala niya.

"Hindi ba tayo magus-swimming?" basag nito sa katahimikan.

Hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang. "Madilim na anak, bukas na."

.

.

.

***

.

.

.

KAKALABAS lang ni Olivia mula sa banyo. Nagpakawala ng buntong-hininga si Boris at tumayo na mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Kanina pa kasi siya naghihintay na matapos ang babae sa pagligo. Nakatapis bath robe lang ito pero ewan niya kung nananadya ba ang babae. Hindi kasi iyon nakatali kaya kita niya ang suot nitong two-piece bikini.

"Magsu-swimming ka na?" pasada niya ng tingin dito.

Damn, she was really sexy in that white Brazilian bikini set. Nakataas ang isa nitong kamay dahil pinupunasan pa nito ang buhok gamit ang tuwalya.

"Oh, yes," maluwag nitong ngiti. Olivia is also pretty without her natural-looking make-up. "May isa sa atin na dapat magmanman sa paligid habang abala ang isa sa hacking at pagsu-surveillance, right?"

"Right," putol ni Boris ng tingin sa babae para tumayo at lagpasan ito.

"Gigisingin ko na ba si Nikolai?" narinig niyang pahabol nito.

Nasa kama pa rin kasi ang anak niya at mahimbing na natutulog habang nakabalunbon ng comforter.

"Let him sleep," deretso lang niya sa banyo. "Hayaan mong makabawi ng lakas mula sa pagod niya sa byahe."

"You're not swimming with me?"

Huminto si Boris sa tangka na isara ang pinto at nilingon ang babae. Nakasampay sa kaliwang balikat nito ang basa pang buhok at nakaabang sa kanya ang mga mata.

"May kailangan akong asikasuhing trabaho."

She shrugged. "I just figured, you need to know the whole vicinity. Baka mamaya malagay tayo sa alanganin. At least, may ideya ka kung ano ang mga pasikot-sikot dito."

Well, Olivia was right. Napatitig tuloy siya sa babae habang nag-iisip kung ano ang magiging pasya. Inihilig lang nito ang ulo at inuusig siya ng titig nito na sumagot.

"Okay," payag niya sa wakas. "Hayaan mo lang muna akong i-set ang mga laptop ko at magmonitor saglit sa na-record ng surveillance camera sa bahay nila Sloven at Bruno. Tapos, balikan mo ako rito ng mga—" sumulyap siya sa wall clock sa pader, sa uluhan ng mga kama, "—10 AM."

"Alright," ngiti ng babae bago siya nito tinalikuran. Tumayo lang ito sa tapat ng dresser table para manalamin.

Inayos ni Boris ang pagkakabitbit ng tuwalya at bihisan sa isang braso bago sinara ang pinto ng banyo.

.

.

THERE WAS NOTHING suspicious with the video recordings. Kaya in-email iyon ni Boris kina Bruno at Sloven gamit ang isang dummy email bago hinintay ang pagbalik ni Olivia. She was now walking side by side with him, sunkissed and wet from swimming in the ocean. Panay ang patak ng butil-butil na tubig dagat mula sa basa nitong buhok pabagsak sa mga braso. May gumugulong din pasiksik sa pagitan ng mga dibdib nito.

God, why was he even looking there?

He left their suite wearing a pair of swimming board shorts and a sky blue button down shirt. Olivia toured her around the main amenities of the resort's hotel. Sumaglit sila sa bar para tingnan ang mga menu roon.

"Pwede rin naman magpadala ng pagkain sa suite," lingon sa kanya ni Olivia na bitbit sa braso ang tuwalya nito.

Inisa-isa ni Boris ang mga nakasulat sa malaking board doon. Sa tingin niya, may magugustuhan naman sa mga iyon si Nikolai kahit na walang Russian-inspired cuisine na option sa restaurant menu at sa bar na kinatatayuan nila ngayon.

"Tara na sa beach?" usig nito sa kanya.

"Sure," sulyap ni Bruno sa babae na tumalikod agad para iwan ang bar.

Sinundan niya ito.

.

.

-----------------------------

AN

Hi, everyone! Welcome sa bagong UD ng A Man of His Word! Enjoy reading lang aaaannnddd medyo mahaba ang nilagay ko na Russian Fact sa Chapter Three, but I feel like I have to put all of that kasi mae-encounter din natin iyan sa kabuuan ng kwento lalo na at nariyan si Nikolai Baby na pure Russian ang upbringing <3 <3 Maglalagay pa ako ng ilang mga Russian Facts sa ending ng chapter kapag kinakailangan, so that, you'll understand why some characters act this way or that way. (Ginawa ko na rin ito noon sa Peak). Pwede rin na within the story, mag-narrate ako ng tungkol sa Russian culture, so read with comprehension! Huwag puro scanning o skimming! hahaha~

Gusto kong gawing lima ang chapters ng UD ngayon,kaya lang, kinain ang oras ko sa pagre-research. Last year pa mula nung huli akong nagsulat ng Russia-related na kwento (Peak) kaya naman nangangapa ulit ako at nire-refresh ko ulit sa isip ko ang Russian culture ;) <3 <3 Magbabawi naman ako next week ;) For now, thank you sa pag-appreciate at pag-aabang sa UD ko for Boris' story.

Enjoy!

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro