Chapter Twenty-Two
"ASUS, FALSE ALARM..." nanunuksong tingin ni Jelly kay Albie nang makauwi na siya sa boarding house. "Ang sabihin mo, nagkukumpleto ka na ng mga requirements mo kaya ka um-absent!"
Natawa na lang siya. "Hindi pa, no! Doon ko na sa Manila aayusin ang mga requirements ko!" palatak niya habang iniingatan na huwag masyadong maipit ang puwitan sa pagkakaupo sa sofa.
"Eh bakit papasok ka na bukas?"
"Wala nga akong pigsa sa puwet!" panlalaki niya ng mga mata sa kaibigan.
"Eh 'di, ano 'yan? Ano? Ano?"
"Ewan ko," kaila lang niya.
Ang kulit din talaga nitong kaibigan niya. Sanay na naman siya sa pagiging mausisa ni Jelly. Kaya nga lagi silang laughtrip magkasama. Napadaan si Joey na kadarating lang. Magkakasabay dapat sila ngayon ng shift at kasabay ni Jelly sa pagbalik sa boarding house. Kaya lang, may bibilhin daw ito sa bayan kaya ngayon lang nakarating.
"Oy, Joey," tingala ni Jelly sa lalaki na padaan sa likuran nila, "may niluto na kaming hapunan dun, ha? May tinira kami para sa'yo."
"Sige, salamat," tango lang nito bago nagtuloy-tuloy sa hagdan paakyat sa mga kwarto sukbit ang bag nito at bitbit ang mga pinamili.
"Ang dami namang pinamili ni Joey," lingon niya kay Jelly. "Hindi ba sa katapusan pa ang uwi niya doon sa pamilya niya?"
Binanggit iyon ni Albie dahil sa dami ngayon ng pinamili ni Joey, imposible na pampasalubong iyon para sa pamilya nito.
"So, ano nga ba iyang nasa pwet mo?" balik na naman ng loka-loka niyang kaibigan sa orihinal nilang topic.
"Ewan ko nga! Pero huwag na nating pag-usapan 'yan at wala na rin naman ito!"
"Ewan ka diyan, baka kung ano na 'yan! Patingin nga!" pilit sa kanya ni Jelly na iangat ang puwitan niya.
"Hoy! Tonta!" pabirong sigaw niya bago ito pinagpapapalo sa braso. "Magtigil ka nga!"
Sa totoo lang pinipigilan niya ito dahil napapaupo siya sa sobrang paglilikot. Tuwing napapaupo si Albie, medyo nananakit na naman ang puwitan niya. Kaya nga ingat na ingat siya sa pag-upo.
Pabiro lang naman pala 'yung itse-tsek ni Jelly ang puwitan niya, tumigil na kasi ito at nagtatatawa.
"As if naman sisilipin ko talaga iyan!" sandal nito tapos biglang naging gulat ang ekspresyon ng mukha. "Hala, baka may tumuhog na diyan, ha?"
Lalo siyang naeskandalo sa bruha. Napamaang siya saglit, hindi makapaniwala na nagkaroon ng ganoong ideya si Jelly. At the same time, naghahagilap na si Albie sa isip-isip niya ng idadahilan dito.
"Alam mo, sira-ulo ka!" depensa ni Albie. "Kung anu-ano iyang pinag-iiisip mo!"
Bumungisngis ito. "Eh bakit masakit ang pwet mo kahapon pa?"
"Eh, ewan ko nga!"
"Ay, dapat talaga iyan i-tsek!" tumatawang tulak nito sa kanya para maipaharap ang puwitan niya sa direksyon nito.
Nanlaban si Albie. "Ay bruha ka, mapagsamantala ka!"
Sanay na naman siya sa ganoong mga biruan nila ni Jelly.
Napalingon sila sa pinto nang may kumatok.
"Oh my God," tingin ni Jelly kay Boris bago nang-aalaska na pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Wow, iyan ba ang tumuhog."
"Baliw ka," batok niya rito at mabilis siyang tumayo para salubungin ang lalaki.
"Can I get in?" hakbang na nito papasok.
"Y-Yes, yes..." naiilang na atras ni Albie nang tumuloy na ito. Napatingin pa siya sa bitbit ni Boris na paperbag.
"Hi!" sulpot ni Jelly sa tabi niya. "How are you, Sir?"
"I'm great," malapad nitong ngiti sa kanila. "I came to visit Albie. It's alright if I drop by here and stay awhile, right?"
"Oh, yes, sure, Sir!" sumisimple pa ng nang-aasar na tingin si Jelly sa kanya. "Are you friends?" turo nito sa kanya at kay Boris.
"Yes, we are."
Napatitig lang si Albie sa lalaki. Kaswal lang para rito na sagutin ang mga tanong ni Jelly, walang katinag-tinag din sa pagkakatayo nito sa harapan nila.
"Hey, let's sit, first," anyaya niya sa lalaki.
At nagpatiuna pa si Boris na umupo sa sofa.
Ano na naman ngayon ang pinunta rito ng lalaki? Ilang oras pa lang sila nagkakalayo nito dahil pagkatapos nilang mamasyal, dumeretso na si Boris at Nikolai sa hotel ng mga ito. Siya naman, dito na sa boarding house at tinulungan si Jelly magluto ng hapunan. Hindi na rin tuloy siya nakapagbihis.
"You want water?" tanong ni Jelly sa lalaki bago siya binalingan. "Ipagkukuha ko lang ng tubig iyang... fafa mo."
May kasunod pa na bungisngis iyon.
"Gaga," pananakot niya rito pero tatawa-tawa lang na umalis si Jelly.
"Boris," upo niya sa tabi ng lalaki. "What are you doing here again?"
Hindi niya masilip kung ano ang nasa loob ng paper bag. Kinakabahan siya na baka may laman na namang condoms iyon. Aba, hindi sila pwedeng magmilagro rito sa boarding house at maraming makakarinig sa kanila! Isa pa, wala pa siya sa kondisyon. Masakit pa ang pwitan niya kapag naiipit...
"Well, like what I said," lapit nito ng mukha sa kanya, "I just want to drink a little."
"I have work tomorrow, Boris. I can't get drunk."
"Then I'll drink, you eat something while we're chatting," ngiti nito. "How about that?"
Ang kulit din ng lalaking ito. Bakit ba nadidikit yata siya sa mga makukulit na tao?
Hay. Siguro kasi nae-enjoy naman niya ang kakulitan ng mga ito.
Mahina siyang natawa. "And what are we going to talk about? Why didn't you bring Nikolai here with you?"
"That kid needs to get ready for school."
"School?"
"Yeah," anito. "On Sunday we have to go back to Russia."
Oh...
Aalis na agad ang lalaki...
Napayuko na lang si Albie. Sabi na nga ba at hindi rin magtatagal itong encounter nila ni Boris. Napatitig na rin siya sa mga mata ng lalaki.
Siguro nga, dapat na niyang isantabi ang mga agam-agam. Gusto rin naman niya si Boris, 'di ba? Bakit hindi na lang siya maki-cooperate dito? If he wanted to have fun with him on his last days with him here in the Philippines, pagbibigyan na niya.
Masaya naman talaga kasama ang lalaki.
Bukod sa masaya... oo na, masarap pa.
"That's... that's like two days away."
"Yes," tango nito. "That's why I want to make the most of my stay here with you."
"Eh bakit ako?"
Kumunot saglit ang noo nito. "What?"
Natawa siya ng kaunti. Nakalimutan niyang mag-English. "I said, why me? Why you want to be with me?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Oh, you know why, cute little thing. We like the same things."
At obvious na obvious naman na bakla ako kaya ako agad ang nilapitan nitong si Boris...
"Well," umayos na si Albie ng pagkakaupo at dumistanya ng kaunti mula rito. "Then let's have a little fun, but not here in the boarding house, okay? There are house rules here about drinking. Let's go to the seaside!"
"Invited ba ako diyan?" alok ni Jelly ng baso ng tubig kay Boris.
Tinanggap naman iyon ng lalaki bago siya nilingon. Kita niya na gustong malaman ni Boris ang translation ng mga sinabi ni Jelly.
"She is asking if she can come with us."
Sumulyap siya saglit sa babae bago bumalik ang tingin sa kanya. "Sure."
"Great!" palakpak niya bago nilingon si Jelly. "Oh, Jelly, sumama ka raw."
"Weh? Talaga?"
"Oo, bruha, huwag ka nang magkunwari diyan."
Tumayo na si Boris kaya sumunod si Albie. "Then let's go. I've got everything we need here," angat nito sa paper bag na bitbit. "Drinks... snacks... some paper cups."
"Let's go," kawit ni Albie ng braso sa braso ni Boris pero tinabig lang iyon ng binata.
Napatingala tuloy siya sa lalaki na mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Nauna na itong lumabas ng pinto. Si Jelly na lang ang yumakap sa braso niya.
"Tara!" excited nitong hila sa kanya.
"S-Sige," sabay niya sa bilis ngpaglakad ng kaibigan.
.
.
***
AN
Nagulat ako. Mas maaga yata ako nakapag-post ngayon ng mga chapters? hahaha <3 <3 <3
Enjoy reading, everyone! ;* <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro