Chapter Twenty-Six
PINAKITA NA NI ALBIE ANG KANYANG KWARTO sa papalit sa kanya sa housekeeping na si Mariel. Taga-Zambales din naman si Mariel, pero nitong nakaraan nagdadawang-isip pa ang trainee kung tutuloy sa boarding house ng mga empleyado ng resort o uuwi sa bahay nito para laging nakakasama ang pamilya.
Kanina lang, nabanggit ni Mariel na nakapagpasya na itong maninirahan sa boarding house, para tipid sa pamasahe, kaya nilibot na ni Albie ang dalaga. Para pagbalik nito bukas dala ang mga gamit, alam kabisado na nito ang lugar.
"Pagkaalis ko rito sa Cool Waves, masosolo mo na itong kwartong itey," kendeng ni Albie papasok sa silid. "Pero sa ngayon," lingon ni Albie sa babae na nakatayo lang sa pinto, "matutulog ka muna kasama ni Jelly. Walang halong kyeme itech pero awkward naman kasi, day, kung tatabi ka sa akin dito," maarteng turo niya sa kama pagkalingon kay Mariel para tingnan kung nakikinig ba ito sa kanya. "Alam ko, pareho tayong girl, pero alam mo naman ang ibang tao. Chaka pa rin tingnan para sa kanila na nasa iisa tayong kwarto."
Nagpigil itong matawa dahil baklang-bakla ang boses niya. Tumango-tango rin ito bilang pagsang-ayon sa kanyang winika.
"Good," Albie clasped his hands. "At dahil bet kita, malinis na malinis kong iiwanan itong kwarto na ito para sa iyo."
Lumapit na siya rito para samahan sa kwarto ni Jelly.
"Ngayon, gorabels na tayo sa kwarto ni Jelly."
Siyang akyat sa hagdan ni Joey. Naka-tshirt lang ito at shorts.
"Albie, may naghahanap sa iyo sa baba."
"Kaloka," iwan niya saglit kay Mariel para malapitan ang lalaki. "Sino? At bakit ang baho mo?"
Joey just gave him a bored look. "Nagluluto ako ng tuyo—"
"Keberlu," he waved a hand. Nilingon niya saglit si Mariel. "Sumunod ka sa amin, girl, ha. Tapos si Joey na muna ang bahala sa iyo." At napunta na kay Joey ang tingin niya na mukhang narinig naman na ito ang mag-aasikaso kay Mariel mamaya. "Sino nga ulit 'yung naghahanap sa akin?"
Nanunukat na ang tingin ni Joey sa kanya, pigil ang ngisi. "Yung tinatawag mong Russian Daddeh."
Namilog ang mga mata niya. Aba at inaaraw-araw na ako ng fafang ito! Kunwari pa siya na gulat na gulat, pinipigilan ang magkikisay sa kilig.
"May pabulaklak ba?" bungisngis niya.
"Bakit may lamay ba sa patay rito?" natatawang alaska sa kanya ni Joey habang sinasamahan na siya nito sa pagbaba ng hagdan.
"Alam mo, mahahambalos kitang lalaki ka," mataray na ganti niya rito at nag-amba-ambahan na ng kamay. "Ang ayos mo ring kausap, no?" Pero biro lang iyon, hindi niya sasabunutan si Joey.
Natawa lang ito. "Nak-aw, Albie, may booking ka yata eh."
"Gagi," natatawa na rin niyang sagot. Masasabunutan niya ang bruhong ito, masyado siyang pinapaasa na may mangyayari ulit sa kanila ni Boris.
Straight naman na lalaki si Joey, pero dahil marunong makisama, nakaka-adapt ang lalaki sa mga gay terms niya paminsan-minsan. At nasasakyan din nito kung anuman ang trip ng mga bakla na katulad niya. Tulad na lang nga ng paglandi sa mga fafa. Siyempre, kaya makisakay ng lalaki, huwag lang daw ito mismo ang lalandiin ni Albie. Tawa siya noon ng tawa nung bantaan siya ng ganoon ni Joey.
Narating na nila ang dulo ng hagdan at natanaw sa salas si Boris.
Kasama nito ang anak na si Nikolai.
Medyo napalis tuloy ang malaking ngiti ni Albie.
Hindi naman sa ayaw niyang kasama ng lalaki ang anak nito. Pero kapag ganoon kasi ang scenario, hindi siya malayang malalandi ang lalaki. Nilingon na niya si Mariel, at ilang tinginan lang, na-gets na nilang tatlo na iiwanan siya ng mga ito para makausap ng sarilinan sila Boris. Tapos, si Joey naman ang mag-aasikaso sa baguhang si Mariel. Malamang na bilinan ito ng lalaki tungkol sa mga toka-toka sa gawain sa kusina tulad ng kung sino ang magluluto sa ganitong araw o maghuhugas ng pinggan.
Tumayo agad ang mag-ama para batiin siya.
"Oh, hi!" masiglang yuko saglit ni Albie para haplusin sa pisngi si Nikolai. "How are you?"
"I'm good," seryoso nitong sagot. "A little nervous though."
Lumambot ang mukha niya. Gumuhit ang pag-aalala sa mga mata. "Oh, why?"
"Let me talk to Albie," narinig niyang wika ni Boris sa anak nito.
Tiningala ni Nikolai ang ama at tumango-tango. Tumuwid naman siya ng tayo at sinalubong ang seryosong titig ng mga mata ng lalaki.
"Is it okay if my son will accompany your friends over there?" lingon nito saglit sa direksyon nila Mariel at Joey na napalingon dahil sa maawtoridad nitong boses.
Hindi pa naman nakakalayo-layo ang dalawa. Isa pa, abot-tanaw naman sa salas ang dining area at kusina.
Albie searched in Joey and Mariel's eyes if they were alright with that. Tumango naman ang katrabaho niya. Kaya tumango na rin siya kay Boris. Pagkatapos, hinawakan niya sa mga balikat si Nikolai.
"Go with them, we will be just here," ngiti niya sa bata.
Hindi siya nginitian ni Nikolai. Seryosong lumakad na ito papunta sa naghihintay na sila Joey at Mariel. Narinig niya ang pagbati ni Joey sa bata nang mahawakan na ito sa balikat. Tumingala ito at sumagot lang ng Hello sa Hi, ng lalaki.
Hinarap na ni Albie si Boris.
"He'll be fine with Joey," alanganin niyang ngiti rito. Seryosong-seryoso kasi ang lalaki. "Joey is good with guests naman."
Titig lang ang sinagot nito. Napayuko tuloy siya. May nerbyos sa kanyang tawa.
Bakit parang makikipag-warla itong si Russian Daddeh kung makatitig? He stole a glance into Boris' eyes and immediately shyly looked away. Grabedad, ang gwapo na nakaka-intense!
Nag-angat ulit siya ng tingin. Nakatitig pa rin ito.
Napansin ni Albie na nakatayo pa rin pala sila sa salas.
Naman! Gandang-ganda yata siya sa akin, kaya nanigas na... pinigilan niya ang matawa sa kapilyuhang kaakibat ng naisip niya. Nanigas. Albie bit his lower lip. But only for a short while.
"Take a seat!" alok na niya kay Boris.
Narinig niya ang pagbuga ng lalaki ng hininga bago ito umupo.
Tumabi si Albie rito, pero nag-iwan ng kaunting espasyo sa pagitan nila. He tilted a little to face Boris. "What is it?"
Tumutok muli ang mga mata ng binata sa kanya.
"Albie," he spoke in a low voice, drawing his face closer.
Pakiramdam niya, ganoon ang naging kilos ng lalaki dahil ayaw nitong may makarinig sa mga nasa kusina sa mga sasabihin nito sa kanya. Nakaka-hot, pero kailangan niyang magtiis-ganda muna. Kailangan niyang mag-behave! Sinalo niya ang mabigat nitong titig.
"Yes?" aniya para usigin ito na deretsahin siya sa pakay ng pagbisita nito.
"I came here to ask you a favor. Can Nikolai stay here for the night?"
Kumunot ang noo niya. "Why? Nikolai don't like your room in the hotel?"
"No," mabilis nitong sagot. "This is for temporary only. Don't worry."
Kinutuban siya ng hindi maganda. "Will you tell me why it is necessary that he stays here? Here with me?"
Tumitig lang ito sa kanya. Pero tumagos sa mga mata niya ang focus nito. Parang blangko na lang ang pagkakatitig sa kanya at nasa ibang realm na ang takbo ng isip ng lalaki. Naghahagilap ito ng mas angkop na isasagot sa tanong niya.
"I know I can trust you with Nikolai's safety," sagot na nito. "You have helped him once. And I see that you have a concern for him somehow."
Medyo nanlaki ang mga mata ni Albie nang iiwas iyon sa lalaki. Kalerkey! Ano itey, Mama na ako ni Nikolai?
Dinaan na lang niya sa kabadong tawa ang sinabi nito.
Hindi tama, eh. Bago lang kami nagkakilala ni Russian Daddeh, tapos ipagkakatiwala na niya sa akin ang anak niya? sumulyap siya sa nag-aabang nitong mga mata. Something's fishy.
"Albie," tawag nito sa atensyon niya para sagutin ito.
"I'm shocked," usog niya ng kaunti palayo rito. "You see, we are still strangers."
"I know. And I know for a fact that I am taking a risk entrusting my son to you. But I am left without a choice."
Sobrang consistent ng kaseryosohan ni Boris sa pag-uusap nila. Medyo natatakot na tuloy siya.
"Boris, what is going on?"
He let out a heavy sigh. Mukhang napipilitan ang lalaki na sumagot. "Olivia and I are having problems."
Naningkit ang mga mata niya. May problema sila ni Olivia?
Pagkatapos, sunod-sunod na ang mga ideyang naiisip ni Albie. Oo nga pala at may yaya si Nikolai— si Olivia. 'Yung babaeng sexy at parang hindi naman alalay o katulong kung manamit. Pak na pak kung maka-pencil skirt o sundress. Parang laging umaawra.
Binalik niya ang nagdududang tingin kay Boris.
Hindi kaya umaawra ang gagang iyon sa Russian Daddeh niya?
At kung maiiwan kasama niya ngayon si Nikolai, ang ibig sabihin niyon, 'di ba, maiiwan sa hotel nila si Boris at Olivia?
Hindi niya mabigyan ng rasyonal na dahilan ang pag-ahon ng pagseselos sa kanyang dibdib. Malinaw naman kay Albie na hindi naman nila balak ni Boris na magkaroon ng seryosong relasyon...
Pero, sa naiisip pa lang niya na sosolohin ng dalawa ang isa't isa sa hotel habang siya naman ay nagbabantay at nag-aalaga kay Nikolai...
Nagtimpi muna siya. Humugot ng lakas ng loob para mas usisain pa ang lalaki.
"Is it okay to know, what your problem is with Olivia?"
Nakita niya ang paghahalo ng gulat at pag-aalala sa mukha nito. His jaws slightly tensed.
Inihilig ni Albie ang ulo, binigyan si Boris ng titig na nagsasabing ano?
Pinutol nito ang pakikipag-eye contact sa kanya.
Para siyang nasaktan.
Tama ba ang hinala niya?
Ganoon nga ba ka-indecent ang dahilan kaya pinapaiwan nito sa kanya si Nikolai?
"Albie, there are some things that you should not know further."
"Why?" Pinagtatakpan niya ang pagseselos na ngumangatngat sa kanyang dibdib. "Can't I have assurance that I will not get in trouble if I keep Nikolai here?"
"That's the least I would want to happen," titig nito sa kanya. "Your safety is important to me, especially now that you will be keeping an eye on my son."
"I am not sure if I should keep him here."
"I already talked to Nikolai. He'll behave," usog nito palapit na naman sa kanya. "You don't have to worry so much. You can rely on the kid. He can help with the chores in this house if he has too."
Napayuko na lang si Albie. Napadpad ang mga mata sa matigas na dibdib ni Boris na hakab na hakab ng fitting shirt nito.
"Can you just tell me what exactly is your problem with Olivia?" natatakot man si Albie sa nararamdaman niya kapag naiisip na magsosolo ang dalawa sa hotel na iyon, naglakas-loob pa rin siya na tumitig sa mga mata ni Boris.
He had to. Ang sabi kasi nila, 'di ba, nasasalamin sa mga mata ang katotohanan?
Umaasa siya na mahahanap iyon sa mga mata ni Boris kapag sinagot na ng lalaki ang tanong niya rito. Medyo nawala ang intensidad ni Boris kanina. His face slowly relaxed before Albie's very eyes.
"It's between us, Albie. Please, respect our relationship as boss and employee. It's quite confidential."
Nagbaba na lang siya ng tingin. Matigas ang lalaki. Kahit anong kulit siguro niya rito, hindi ito magsasabi ng totoong sitwasyon nito at ni Olivia.
Nakakainis!
Nagnakaw siya ng tingin kay Nikolai. Nakaupo na ito sa dining table katabi ni Mariel. Kita niya na nahihiya ang dalaga pero sinisikap pa rin nito na kamustahin ang bata. Sumasagot naman si Nikolai dito. Samantala, bumalik na si Joey sa pagluluto sa harap ng kalan. Binalik lang nito roon ang inalis na kawali kanina para hindi masunog ang niluluto nito habang hinahanap siya dahil kina Boris.
Siguro kay Nikolai ko na lang mismo itatanong. May idea naman siguro 'yung bata kung ano talaga ang meron kina Boris at Olivia.
He returned his worried eyes on Boris'.
Pero... dapat pa ba ako makialam kung ano ang meron sa pagitan nila?
Kachukchakan lang naman ako ni Boris.
Hindi boyfriend.
At mas lalong hindi girlfriend...
Friend... oo. Pwede pa.
"Fine," matamlay niyang wika.
"Great," layo ng lalaki sa kanya at inabot nito ang bag na nasa sahig.
His eyes widened. Ngayon lang kasi napansin ni Albie na nakalapag iyon sa paanan ng sofa.
"Here are his things," panimula ng lalaki sa pagbibilin sa kanya, "you don't have to touch any. Just bring it in the room where you'll be sleeping with Nikolai."
Lalo siyang nadurog. Ibig sabihin, magdamag na solo ni Boris at Olivia ang isa't isa sa hotel.
Sumulyap ito sa kanya, walang kaalam-alam sa pinagdadaanan niya sa loob-loob.
"Make sure that you're all eyes on my son," mahigpit nitong wika. "Don't let Nikolai out of your sight. Please."
Tumango siya. Nawala na ang sigla dahil napalitan ng mga hinala. "Okay."
"Don't force him to sleep too early too," dagdag ni Boris na kinandong na ang bag ng mga gamit ng anak nito. "He'll fall asleep eventually. Don't worry too much on that. Just make sure he's never out of your sight."
He just nodded.
"I'll be back for him," tayo ng lalaki bitbit ang bag.
Tumayo na rin si Albie.
"Now, take me to your room," anito. "So that I can put this bag there."
"This way," tahimik na patiuna niyasa lalaki na sumunod naman sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro