Chapter Twenty-One
ABALA PA RIN SI BORIS sa panonood ng screenshot video mula sa kanyang laptop na nagse-save sa tablet ni Nikolai. Sa sobrang tagal na niyang bihasa sa computer at mga software, nakapag-improvise na si Boris ng paraan kung paano magagawan ng diskarte ang ganitong bagay nang hindi mahahalata ni Olivia.
Sa totoo lang, umaasa talaga siya na sana nga, walang mahalata si Olivia o mapansing mga icons sa laptop niya para makita na may ongoing na screenrecording doon na nagagananp.
Habang pinapanood ang isa sa mga video, napansin ni Boris na panay lang ang check ng babae sa email niya. Sinubukan din nitong magsalpak ng flashdrive nang matagpuan ang folder kung saan niya sine-save ang mga nare-record na videos ng surveillance camera na nilagay ni Boris sa apartment nila ni Nikolai sa Russia. Pero dahil sinadya niya na hindi kumpletuhin ang installation ng usb port ang laptop, hindi nagtagumpay si Olivia na makonekta ang flashdrive nito.
Ang tanong, isip niya habang concentrate na concentrate sa pinapanood na video, para saan gagamitin ni Olivia ang mga videos na nakunan ng CCTV sa apartment namin. At bakit tsine-check rin niya ang emails ko?
May posibilidad ba na siya si Poison? O siya ang tauhan ni Poison?
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Imposible. Taga-GRU siya. Rekomendado siya nila Sloven. Personal na kilala ni Sloven si Olivia.
Pero paano kung siya nga si Poison?
Ano naman ang magiging motibo ni Olivia para takutin kami ng ganito?
Napa-angat siya ng tingin nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Albie. Masayang kumaway ito sa kanya para lapitan ang mga ito. He just pointed the tiger cage with his chin. Gusto lang niyang ipahiwatig rito na doon nila ituon ang pansin at huwag sa kanya.
"Wait, ha?" wika ni Albie kay Nikolai na nakatayo lang harapan ng kulungan ng tigre na sinnisilip ng mga ito.
He internally groaned as Albie approached him.
"Hoy, ano ba," usig nito sa kanya, nakangiti. Mukhang hindi nawawalan ng ngiti sa mga labi ang binatang ito. Kung isasama niya ito sa Russia, malamang mapadala si Albie sa mental hospital ng wala sa oras dahil mapagkakamalan ng mga Babushka na nababaliw na.
Teka, at paano namang masasama niya ito sa Russia—
"Why are you so busy with your tablet?" parang may panenermon sa tono nito. "Don't you want father and son bonding with Nikolai?"
Pinigilan niya ang magpakawala ng malalim na pagbuntong-hininga. Pangit tingnan ang pagiging over-reactive sa publiko. Ini-off lang niya saglit ang tablet.
"Albie," balik niya ng tingin dito, "why don't you accompany Nikolai there, hmm?"
Naningkit ang mga mata nito. "Don't tell me you brought me here to be your Nikolai's yaya while you are busy with your gadget!"
"Yaya?"
"Yes! It means maid!" pamewang nito.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Baka makahalata pa si Albie kung bakit mas gusto niyang nakatutok siya sa tablet kaya sinamahan na niya ito pabalik kay Nikolai na nakatanaw sa kanila.
"Here's daddeh!!!" masiglang wika ni Albie kay Nikolai na hindi rin makangiti dahil alam naman nilang mag-ama na walang kamuwang-muwang sa totoong scenario si Albie.
Albie glanced at him. "Carry Nikolai so he can easily see the tiger!"
Nagkatinginan silang mag-ama habang tumatabi sa kanya si Nikolai.
"Sabi ko sa kanya, huwag ka nang tawagin, Papa," depensa ni Nikolai. Inakala yata ng anak niya na maga-assume siya na siya ang nakiusap kay Albie na lumapit siya at makisali sa pagsa-sight-seeing ng mga ito.
"Alam ko naman, anak. Sakyan na lang natin ang trip niya."
"Paano 'yung trabaho mo?" labi nito.
"Mapapagod din iyang si Albie," pasimple niya ng bulong at muntikan pa siyang mahuli ni Albie na nilingon sila.
Pinaningkitan siya nito ng mga mata bago pakendeng na naglakad papunta sa direksyon nila ni Nikolai. Parang gusto niyang ngisihan si Albie dahil ang taray-taray ng dating nito kung makatitig sa kanya at makapaglakad ng ganoon palapit. Biglang pumitik ang kaba sa dibdib ni Boris nang hablutin nito ang tablet na hawak niya, pero saglit lang iyon. Hindi siya pwedeng basta-basta na kumilos o mag-react na para bang may importanteng file na nasa tablet na iyon.
Boris coolly scanned Albie with his eyes.
Masyadong lumalakas ang loob yata ng Albie na ito.
Kampante dahil alam nitong nababaliw siya sa katawan nito.
Tinatalaban ng mga pa-cute nitong ngiti na alam naman ni Boris na sa kabila ng pagpapaka-inosente ay may tinatagong pagnanasa at kapilyuhan sa katawan.
Nag-knight sit na siya para mapasan sa mga balikat si Nikolai.
Tahimik na sumunod ang bata at umupo sa kanyang mga balikat.
Nang tumayo si Boris, sumipa ang excitement sa kanyang anak.
"Wow!" bulalas nito. "Doon, Papa!" turo nito sa kulungan ng tigre."
Lumapit si Boris para sumilip doon. Naramdaman niya ang pagtayo ni Albie sa kanyang tabi. Nagnakaw siya ng tingin dito para siguraduhing hawak pa rin nito ang tablet. This time, Albie was hugging it.
"You should appreciate this, Boris," ngiti nito sa kanyang tabi. "That special father and son moment."
At tiningala siya ni Albie.
"So that Nikolai won't have daddy issues like you, huh?"
Mas tinamisan lang nito ang pagkakangiti. Damn, he wanted to wipe off that innocent smile. Panonoorin niya ulit kung paano mamula ang mukha nito habang umuungol kapag sinasalpakan na naman niya ito.
"Papa," usap sa kanya ni Nikolai na nakayakap na sa kanyang noo, "totoo ba ang sabi ni Albie sa akin na Siberian Tiger daw iyan?"
Tinutok niya ang mga mata sa tigre. Kulay orange at puti ito na may itim na stripes. The animal gracefully walked along the green grass, behind him was a small man-made pool for him to swim in. Mataba ang tigre at kumupas ang pagiging orange nito pagdating sa buntot na nagkulay puti na may itim na stripes na. The tiger's bright orange eyes gazed at him.
"Mukha siyang Siberian Tiger, anak," sagot niya sa tanong nito.
Biglang humiga si Ramses at tumihaya. Mukhang naglalaro-laro na ito kaya nanulas ang masayang tawa mula kay Nikolai.
Hindi mapigilan ni Boris na napapangiti na siya dahil doon.
"Tingnan mo, Papa!" tawa nito. "Gumugulong-gulong na siya!"
"Oo, anak," at nahagip ng kanyang paningin si Albie.
Nakatingala ito kay Nikolai at mukhang na-estatwa na ang masayang pagkakabuka ng bibig nito. Parang tumawa lang ito pero natigilan sa ganoong posisyon nang makita ang kanyang anak. How could Albie look that happy for someone he barely know like his son?
"Ramses is really cute!" ani Albie na napansin agad ang pagkakatitig niya rito.
Wait, what? Was he staring at Albie all this time?
"Ramses?" huma ni Boris mula sa pagkabigla na nahuli siya nitong nakatingin.
"Yes, it is the tiger!" turo nito sa pagulong-gulong na tigre sa damuhan. "The staff already said kanina, that his name is Ramses."
Palibhasa, tutok siya sa pinapanood na video sa tablet kaya wala sa mga sinabi nung staff ng wildlife farm kanina ang pumasok sa kanyang tainga.
"Ramses, huh?" tanaw niya sa tigre.
"Yes," napaling ang ngiti nito para sa kanya. Napuno na kasi ng kaseryosohan ang kanyang mga mata at kinabahala agad iyon ni Albie. "Why?"
"Well... do you know this story in the bible about Moses?"
Naihilig ni Albie ang ulo at tumingin ulit sa tigre. "I know, Moses. He... Ahh..."
Ewan niya kung matatawa kay Albie. Para kasing nagkukunwari lang ito na alam ang tinutukoy niya para may mapag-usapan lang sila.
"He is the man who received the tablet from God? The Ten Commandments?"
Naalala na ni Albie kung anuman ang pilit nitong inaalala. "Ah, yes! He split the sea in half!"
He smiled. It was good to know that Albie was someone with substance.
"Yeah, he's the one."
"What about him?" lingon sa kanya ni Albie at nakaabang na ang mga mata nito sa isasagot niya.
"One of his biggest rivals is his stepbrother named Ramses. I forgot if he's the second, the third, whatever, his name is still Ramses."
"Ohh..." tingin na nito sa harap. Akala yata nito tapos na siya magsalita.
"Ramses would not let the Israelites go," patuloy niya. "He wanted the Israelites to stay in Egypt. They make good slaves for him and his people. The Israelites attend to their every need."
Nakinig na lang si Albie sa kanya habang nakatanaw sa tigre.
"Because Ramses would not let the Israelites go..." pagbaba ng kanyang tono dahil pakiramdam niya malapit na siya sa climax ng kwento, "... he lost everything. Most of all," paghigpit ng mga kamay niya sa binti ni Nikolai na nakasampay sa kanyang mga balikat, "Ramses lost his son."
"Well, that is sad."
His eyes narrowed at Albie. Malungkot daw pero ang sigla-sigla pa rin ng boses nito.
"But Ramses is bad because he make people slaves, so it's karma," maaliwalas pa ang mukha ni Albie nang sabihin iyon sa kanya.
"Do you ever believe that things like the past and the future are interconnected in one way or another?"
"Huh?" naguguluhang gusot ng mukha nito. Nabilisan ito sa pagi-Ingles niya, pero para kay Boris, pakiramdam niya, hindi lang ma-gets ni Albie ang gusto niyang ipahiwatig.
"Why don't we just drink ourselves to crap tonight?" tingin niya ulit sa tigre na nanatili na lang na nakahiga sa damuhan. "So that I can explain it better to you, Albie?"
Nasulyapan niya ang hindi kumbinsidong titig at paglabi nito.
"No, thank you. I have to ready for work. I can't go out."
He shrugged. Then I'll visit tonight.
.
.
----------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** "Mukhang hindi nawawalan ng ngiti sa mga labi ang binatang ito. Kung isasama niya ito sa Russia, malamang mapadala si Albie sa mental hospital ng wala sa oras dahil mapagkakamalan ng mga Babushka na nababaliw na."
- You must be familiar with Russia's Babushka Dolls. Ito 'yung klase ng manika na "nesting doll" ang tawag dahil naipapasok 'yung mas maliit na manika sa mas malaking manika (nesting). But the term Babushka really meant old woman or grandmother in Russia. Babushka rin ang termino nila para sa mga babaeng ito.
Sobra ang respeto ng mga Ruso sa mga nakakatanda dahil sa belief na mas nakakaalam ang mga matatanda. A reason why Boris used this term in the phrase is also to express a metaphor na may authority ang mga Babushka na i-judge ang isang tao dahil anuman ang judgment ng mga ito ay tama, kaya kung isipin ng isang Babushka na nababaliw ang isang tao, ipapadala agad ang taong iyon sa mental hospital.
Another thing about Russian customs is they have an almost similar trait with Germans. They seemed too stiff and not all that smiley faced. But Russians do smile! At mas endearing sila kung close kayo o kapamilya. But for them, it is absurd when a person smiles without a good reason. There should be a good reason for a person to smile.
But there is an exemption to the smiling rule of course. Lalo na kung exposed sa kultura ng ibang bansa ang isang Russian. They may act not so Russian-like. Ganoon kasi sila kabilis maka-adapt to the point na hindi ka makakarinig ng Russian accent mula sa pananalita nila.
** Now, about Boris' topic from Ramses the tiger to the biblical Ramses... It is one of the traits of Russian people to get too deep about things. (Which is inevitable because they are super literate!)
** Lastly, Drink ourselves to crap is one of the comment Russian terms/experssions used when they invite people out to drink. Their idea of enjoying drinking is by getting drunk until they black out which is synonymous sa drink ourselves to crap. (Nabasa ko ito sa isang forum sa Quora.com) ;)
----------------------------
AN
WHEEEEEEEEW! <3 <3 <3
I know nakakabitin ang UD tonight, pero kailangan ko na rin i-update ang A Gentleman's Secret soooo magdi-dinner muna ako bago magsulat ulit!
How are you liking Albie and Boris' story so far? ;)
Kitakits bukas para sa mas maraming chapter na UD! <3 <3 <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro