Chapter Twenty-Four
NGINITIAN NI ALBIE ang tine-train niya na papalit sa kanya bilang housekeeper sa Cool Waves bago ito iniwanan para hayaan ito na i-apply ang tinuro niya na pag-aayos ng kama.
Nalingunan niya si Jelly na nagpupunas-punas na sa maliit na dining table roon. Nginitian siya ng kaibigan bago ito nag-focus ulit sa ginagawa. Unang araw pa lang ng tine-train niya pero mukhang okay naman ito sa mga gawaing maiiwan dito kapag humalili na sa kanya.
Albie watched the trainee— a girl— and smiled.
Sana magustuhan niya ang trabaho rito.
"Hoy," bulong sa kanya ni Jelly. "Kanina ka pa nakatitig diyan sa trainee, nagiging lalaki ka na ba?"
"Baliw," bulong niya rin dito, "siyempre, tinitingnan ko kung tama 'yung ginagawa niya."
"Asus, ang basic naman ng pag-aayos ng kama, no!" palihim na pag-usap pa rin nito sa kanya habang walang muwang ang trainee na sinasalansan na ang mga unan.
"Tse! Bumalik ka na nga sa trabaho mo!" natatawa niyang taboy kay Jelly.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko kagabi," panunukso na naman nito. "Saan kayo napunta ni Russian Daddeh mo kagabi. Nalingat lang ako, paglingon ko, hindi ka na nakasunod sa akin sa boarding house!"
"Naku naman, nag-cr lang ako nun sa malapit sa kusina!"
"Hindi ako naniniwala!" ngisi lang nito sa kanya.
"Uhm... Albie," tawag sa kanya ng trainee na hindi malaman kung ima-ma'am o sir ba siya. "Okay na po ba ito?"
Pinasadahan ni Albie ng tingin ang kama at inunat lang ang kaunting gusot sa kumot na nilatag na rin doon ng trainee.
"Iyan!" masaya niyang palakpak. "Ayos! Ang dali-dali lang yata ng mga trabaho rito para sa iyo, eh!"
Nahihiyang ngumiti lang ito.
"Naku, girl, pasalamat ka magre-resign na iyan. Hindi mo araw-araw makakasama iyang bolerang baklang iyan!"
"Baliw ka, alam mo ba iyon?" ganti niya kay Jelly bago tinabihan ang trainee. "Naku, pagpasensyahan mo na ang etchoserang iyan. Halika rito at tuturuan naman kita magpunas-punas."
.
.
SAMANTALA, NASA KAMA SI BORIS AT NIKOLAI. Magkaharap silang nakaupo roon. Nag-uusap pa rin ang dalawa habang abala sa maliit na kitchen area si Olivia para ipaghanda sila ng makakain.
"Pero Papa," protesta sa kanya ng anak, "ayoko bumalik ng Russia nang hindi ka kasama!"
"Anak," titig lang niya rito, "kailangan mong mauna munang umuwi ng Russia at may mga kailangan lang akong asikasuhin dito."
"At ano naman? Wala naman dito ang trabaho mo, 'di ba?" lumapit si Nikolai para bumulong. "Isa pa, iiwanan mo ako kasama si Miss Olivia? Papa, pinapakialamanan niya ang mga gamit mo. Baka may kung ano siyang gawin sa akin!"
"Shh," saway niya sa anak at nagnakaw ng tingin kay Olivia na mukhang wala namang naririnig sa usapan nila. "Makinig ka, anak," bulong niya, "kung may balak sa iyong masama si Miss Olivia, matagal na niyang ginawa, noong iniiwan-iwan pa kita sa kanya."
Oo, isa iyon sa mga na-assess ni Boris sa sitwasyon nila ngayon bago nabuo ang pasya na magpapa-iwan siya sa Pilipinas.
"Natatakot ako, Papa," makaawa ng mga mata nito na hindi kayang tanggihan ni Boris.
He let out a sigh. "Halika," buka ng mga braso niya para mayakap ang anak.
Pagkayakap sa kanya ni Nikolai, tiningala siya nito.
"Malakas ang loob ng mga Molchalin, anak," matatag niyang wika rito. "Don't let me down."
Kita niya ang agam-agam ni Nikolai at nauunawaan niya iyon. Nasa murang edad pa lang ito kaya panigurado na hindi pa nito maunawaan ang gusto niyang mangyari. Pero ngayon pa lang, dapat nang matuto ang kanyang anak para hindi ito maisahan ng kahit sino.
At kakailanganin nito ng tapang, kahit na hindi sila magkasama.
"Nikolai," tawag ni Olivia rito. "Halika, kumain ka na."
Nagpalitan muna sila ng tingin bago ito napipilitang umalis sa kama at tunguhin ang counter. Inalalayan ito ni Olivia sa pagsampa sa upuan bago inabutan ng bagong palaman na mga sandwich. Then, the woman lifted her eyes on him as she approached him.
Tumayo naman si Boris mula sa pagkakaupo sa kama.
Unti-unting naglapit ang mga mukha nila.
"Kita mo?" anito. "Kahit si Nikolai, ayaw umuwi nang hindi ka kasama."
"Alam ko," sagot niya, nakatitig sa mga mata nito. "At nauunawaan ko. Kaya nga pinapaintindi ko sa kanya na kailangan."
"Bakit ba kasi magtatagal ka pa rito?" pamewang nito. Olivia was also trying her best to lower down her voice. "Kung nandito nga si Poison, maganda na makaalis tayo rito at makabalik na ng Russia. Kasi, dito mas malaya siyang makakilos. Mas manganganib ang buhay ninyo rito."
His eyes narrowed on Olivia. "Hindi ba may sinend sa iyo na mga litrato si Sloven na galing daw kay Poison?"
Napatitig lang ito sa kanya.
"Ibig sabihin," mabilis na dugtong ni Boris, "hindi mo masasabi na kung nandito si Poison, dahil may ebidensya tayo na nandito nga siya o ang mga tauhan niya."
Mas nagsalubong ang mga kilay nito. "That's the point. Bakit ayaw mo pang umalis tayo rito?"
"Dahil gusto kong makaharap si Poison," sagot niya rito. "Hindi ako isang duwag na tatakbuhan siya ngayong nakumpirma ko na nasa paligid ko lang siya. Umalis lang ako ng Russia para sa kaligtasan ni Nikolai, at para siguraduhing mahihirapan si Poison na isa-isahin kami nila Sloven at Bruno sa sobrang layo ng lokasyon namin sa isa't isa. At dahil ako ang unang puntirya niya, ako ang haharap sa kanya at tatapos sa kanya."
"Paano si Nikolai, hmm? Paano 'yung bata?"
"Kasama ka niya, 'di ba? Hindi ba kita maaasahan pagdating sa pagbantay kay Nikolai?"
"Ano ba, Boris?" gigil nitong bulong. "Tungkol pa rin ba ito kay Poison?"
"Ano na naman ba ang pinag-iiisip mo, Olivia?"
"Baka naman 'yung bakla ang dahilan kaya gusto mong magtagal dito!"
He let out a heavy sigh and rolled his eyes. "Olivia, ano ba? Huwag mong idamay si Albie rito."
"Lumabas ka na naman kagabi kasama ang Albie na iyon," she seethed. "Paano kung napahamak ka? Paano kung si Albie si Poison?"
He scoffed. "Imposible. Una sa lahat, hindi siya marunong mag-Russian. Paano niya mapapadalhan ng mga threat si Sloven? Hmm? Ni hindi nga siya makaintindi ng Russian!"
"Malay mo, tauhan siya rito ni Poison!"
"Alam mo," layo niya sa babae, "tama na, Olivia."
He worriedly viewed Nikolai. Kita niya na napatigil sa pagkain ang bata at nag-aalalang nanonood sa kanila.
"Tsk," iling niya bago nilapitan ang anak.
"Papa," tingala nito sa kanya.
Dumampot si Boris ng sariling sandwich bago umupo sa tabi nito. "Kumain na tayo, anak, hmm?"
Nagnakaw ito ng sulyap kay Olivia. Kita sa mukha ng babae ang pinaghalong pag-aalala at pagkainis dahil hindi siya nito makumbinsi na sumama sa mga ito pabalik ng Russia.
Dahil sa titig niya rito, napilitan ang babae na saluhan sila sa pagkain.
Tahimik itong tumayo sa kabila ng counter at kumuha ng isang sandwich. Namayani ang katahimikan bago niya ito inimik.
"Olivia?"
Sinalubong lang nito ang titig niya.
"May natanggap na naman ba si Sloven?" hindi niya ini-specify kung ano iyong inaasahan niyang matatanggap ni Sloven dahil sa presensya ni Nikolai. Pero na-gets na agad ng babae ang ibig niyang sabihin.
"Wala," matabang nitong sagot bagobinalik ang atensyon sa pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro