Chapter Twenty-Five
NAGPALITAN SILA NI OLIVIA sa mesa na iyon. Nang mapagod silang mag-ama sa kakalangoy at paglalaro sa dagat, si Olivia naman ang lumangoy.
Lingid sa kaalaman ni Boris na wala talaga sa plano ng dalaga na mag-enjoy sa resort na iyon at lumangoy-langoy, lalo na at naroon lang naman ito para sa trabaho. Napagkakasya na ni Olivia ang sarili sa pag-upo-upo o paghiga sa tabing dagat habang suot ang sunglasses. Ginagawa iyon ng babae para mapagmatyagan ng mabuti ang paligid.
Pero dahil sa naging pagtatalo nila ni Boris, naisipan nito na lumangoy. Baka sakali na mawala ang init ng ulo nito kung idadaan sa paglangoy.
"Papa," lingon sa kanya ni Nikolai habang binabalot ang basa nitong katawan ng tuwalya. "Naguguluhan ako kay Miss Olivia."
"Dahil nakikialam siya sa laptop ko?" he fondly smiled at his child and combed his wet hair.
"Hindi na doon. Naguguluhan ako kasi gustong-gusto niya na sumama ka sa amin pauwi ng Russia. Ibig sabihin, wala siyang gagawin sa akin na masama, 'di ba? Kasi gusto niya na magkasama tayong dalawa, eh."
Hay. Minsan ina-appreciate na lang ni Boris ang ganitong mga moment nila ni Nikolai. 'Yung mga pagkakataon na nagiging matanong ang bata at nakikita niya ang kainosentehan nito. Medyo naiinggit nga siya kasi hindi niya masyadong na-enjoy ang pagiging bata at inosente.
He had to deal with a lot of scrutiny during those times. His softness was mistaken for homosexuality. Humantong tuloy iyon sa mga panti-trip sa kanya.
To the point that he was always raped.
He lowered his head. Dapat na niyang alisin ang mga ganoong alaala sa kanyang isip. Nakapag-move on na naman siya mula sa mga iyon kahit na may iniwan na bakas ang mga iyon.
Nagbago ng tuluyan ang sexual preference ni Boris.
Sometimes experiences really mold us into a different person... into a new person.
"Ano sa tingin mo, Papa?" cute na hilig nito ng ulo habang nakaabang sa isasagot niya.
He chuckled lowly. "Alam mo, Nikolai, tulad nga ng sabi ko sa iyo, hindi ka sasaktan ni Miss Olivia, hmmm? Siguro, nakikialam lang siya sa laptop ko para siguraduhin na safe tayo."
"Bakit? May mananakit ba sa atin dito, Papa?"
"Hindi!" he faked a laugh. "Pero kasi 'di ba, siya ang nag-aalaga sa iyo kapag may inaasikaso ako na trabaho, kaya siyempre, gusto niya na safe tayo."
"Eh kung makialam siya ng laptop mo, Papa, parang ang galing niya sa computer."
"Oh?" kunwari ay hindi siya makapaniwala at nagulat.
"Oo!" tuwid nito ng upo.
Tumawa lang siya at tinapik-tapik ang anak sa balikat. "Hanapin mo muna 'yung mga sapatos natin."
"Sige," iwan ng bata sa mesa para hanapin sa buhanginan. Sa sobrang excited kasi nilang mag-ama, basa na lang nila hinubad ang mga slip-on shoes at dumeretso lusong sa dagat.
Siguro naman hindi susulpot sa ganitong katao at kaliwanag na lugar si Poison, isip niya bago napansin ang naiwan ni Olivia na cellphone sa mesa.
Tinanaw niya ang babae na malayo-layo na rin ang nalalangoy. He squint his eyes against the bright sunlight reflecting on the waters while reaching for his own towel. Pinunasan ni Boris ang sariling buhok bago ang mga kamay. Sinampay ni Boris ang towel sa mga balikat at pasimpleng, dinampot ang cellphone ni Olivia.
Ginamit niya iyon patago sa ilalim ng mesa. The ends of the towel draped on his shoulder hung down to cover his hands.
In-on niya ang cellphone na may bulaklaking screensaver. Pagkatapos, hinihingan siya nito ng finger print password.
"Tsk," lingon niya sa paligid at tinanaw si Nikolai na mamula-mula ang maputing balat dahil sa sikat ng araw. Hindi na niya makita masyado si Olivia sa dami ng mga lumalangoy sa dagat, pero sigurado siya na kung umaahon na ang babae, makikita niya ito agad.
Pinatong ni Boris ang cellphone sa mesa at maingat na tinuktok iyon doon.
He glanced at the phone that remained the same. Nagkunwari ulit siya na tumitingin-tingin sa paligid habang tinutuktok iyon sa mesa.
Wala pa rin. Sinilip niya ang gilid ng cellphone at nakita ang maliit na butas doon. Naghana siya ng pwedeng ipanusok doon. Napunta ang mga mata niya sa buhanginan pero wala pa rin siyang makita na stick.
Sa katabi na mesa, may kumakain doon na dalawang lalaki.
"Hi," lapit niya sa mga ito. "Can I have that?" turo niya sa toothpick na nakatusok sa clubhouse sandwich. Isang olive ang nasa tuktok ng stick. "I just need a toothpick."
Nawiwirduhang tingin ang pinukol ng dalawa bago inabot ng mga ito ang toothpick. Siyempre, pinakuha ni Boris sa mga ito ang olives na nakatusok doon bago siya bumalik sa mesa nila.
Sinigurado niya na walang makakakita sa kanya bago kinalikot ang gilid ng cellphone ni Olivia. Pakagat pa niyang tinapyas ang toothpick para mas pumayat at magkasya.
One push and the side slot ejected open. Tumambad sa kanya ang memory card ng cellphone na iyon. Kabadong nag-angat si Boris ng tingin.
Mukhang lumalangoy pa rin si Olivia kaya dali-daling nilapag muna niya ang cellphone at memory card. Kinalkal ni Boris ang bag ni Nikolai. Una niyang nakuha ang tablet nito kaya iyon na lang ang nilabas niya at nilagay sa slot niyon ang memory card.
Palipat-lipat ang tingin niya sa tablet at sa paligid habang iniisa-isa ang mga folder doon.
So far, wala namang file folder ang memory card na may nakakaintrigang pangalan. Pero kailangan niyang siguraduhin na wala ngang importanteng file doon na makakatulong sa kanya. He just needed to make sure that Olivia did not succeed in stealing files from his laptop. Kung may madiskubre man siya sa cellphone na magkukwestiyon sa motibo ni Olivia para sa kanilang mag-ama, makakatulong din iyon.
But Boris was hoping he would find nothing.
Wala naman kasi siyang masamang kutob kay Olivia. Gayunman ang nararamdaman niya, hindi mapagtiwala masyado silang mga Ruso, kahit sa sarili nilang kutob. Kailangan niya ebidensya o katibayan na tama lang ang patuloy niyang pagtitiwala kay Olivia.
Napunta na si Boris sa camera files ng memory card. Inisa-isa niya ang iilang mga larawan doon.
Ang ilan sa mga ito ay yung litrato na pinakita sa kanya ni Olivia. Mga pictures iyon na galing kay Poison na pinadala kina Sloven at in-email daw sa dalaga. Pero kinabahan na siya nang makita ang susunod na mga larawan. Iilan sa mga iyon ang kuha noong kumakain sila ni Albie kasama ang babae nitong kaibigan sa isa sa mga mesa na may payong.
Nasa kasunod pa na mga larawan silang dalawa ni Albie. At mukhang kuha ang mga iyon kagabi, dahil kita niya ang paghahalikan nila at pagpaparaos sa ilalim ng puno ng niyog na iyon.
Sabi niya, wala raw pinadala na kung ano si Poison kina Sloven.
Ayaw niyang magkaroon ng masamang kutob kay Olivia.
He checked the time and date of the photos. Alam ni Boris na may ganoong info sa mga larawan na kuha ng anumang gadget kaya ini-tap niya ang info.
His jaws tensed. Sumakto kasi ang mga petsa at oras nung mismong nangyari ang mga nakuhanan ng larawan. Sinipat niya ang unang litrato na kuha raw ni Poison. At iyon din ang napansin niya. Of course, he could not tell the specific hour and second when the scenes in the photos really happened, but Boris has an estimate. Isa pa, kung padala ni Poison ang larawan o forwarded lang ito ni Sloven kay Olivia, dapat mayroon man lang malaking time-difference sa pagitan ng araw at oras na kinunan ang litrato sa araw at oras na na-download iyon.
Ibig sabihin, kuha ng mismongcellphone ni Olivia ang mga larawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro