Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Eight

NUNG NASOLO NA NI ALBIE si Nikolai sa kwarto, sinubukan niyang diskartehan kung paano malalaman mula rito ang sinasabing problema ni Boris kay Olivia. Pero mukhang marunong talaga ito. Kung hindi siya nito sasagutin sa wikang Ruso, sasabihin nito na nahihirapan ito magpaliwanag.

"Okay," hagod na lang niya sa buhok nito bago pinahiga sa kanyang kama. "You better sleep already."

Humiga na si Nikolai. Tumagilid ng higa patalikod sa kanya. Habang nasa ganoong posisyon ang bata, umupo siya katabi nito at sumandal sa pader sa uluhan ng higaan. Binuksan ni Albie ang cellphone para i-check kung nagtext ba ang Ate Mina niya.

Wala siyang natanggap. Kaya naman siya na ang nagkusang mag-text para kamustahin ito at ang kanilang ama.

Sana hindi na ito masyadong sinusumpong ng stroke.

Habang naghihintay ng reply, sinulyapan ulit niya si Nikolai. Nakatitig lang ito sa pader.

"Albie?" tawag nito, tila nakahalata sa pagkakatitig niya.

Kinalma muna niya ang sarili mula sa gulat. "Oh, you are still awake," pagkukunwari niya. "Yes, Nikolai?"

Humigpit ang pagkakayakap nito sa backpack. Ewan ni Albie kung bakit ganoon nito kamahal ang bag at ayaw bitawan.

"Can you please tell Papa to come here already?"

Parang nanuot sa kanya ang lungkot sa boses nito.

"Are you scared?" angat niya ng kamay.

At natigilan siya.

Hindi alam ni Albie kung hahawakan ba niya si Nikolai sa braso. Ikagagaan ba iyon ng pakiramdam nito kung ang ama nito naman ang hanap ng bata? Nag-aalangan man, sumubok pa rin siya. He assuringly rubbed his arm.

"Your Papa will be here soon, okay? You want me to get him for you?"

Dumikit ang baba nito sa yakap-yakap na bag. Mukhang nahulog ito sa malalim na pag-iisip.

"Can you do that, Albie?"

"Of course," pinasigla niya ang boses.

Nag-alala siya nang dahan-dahang bumangon si Nikolai. Umupo ito, kinandong ang bag at hinarap siya.

"Please, tell Papa to come here already," pagsusumamo nito. "I'm worried."

Pinilit niyang ngumiti, umaasa na magpapagaan iyon sa loob nito. Pero hindi tinugunan ni Nikolai ang ngiti na iyon. He was very genuine with his feelings. Nasa mukha nito ang pag-aalala.

Nilapat niya ang kamay sa pisngi nito. Maingat na tumapik.

"Just stay here, okay? I will go and check your Papa and bring him here, okay?"

Kita niya ang pag-aalangan dito bago tumango-tango.

"Good. Just stay here. I will tell Jelly to watch you, ha? Be nice to Jelly, ha?"

"I will," titig nito sa kanya.

Ginawaran niya ito ng tipid na ngiti bago pinuntahan si Jelly. Nag-aalangan man ang kaibigan niya, napilitan na rin ito.

Habang naglalakad sa dalampasigan, malakas na ang kabog ng kanyang dibdib.

Pupuntahan niya kasi si Boris sa hotel nito.

At malaki ang tsansa na makita niya roon ang lalaki kasama si Olivia.

Lalo siyang nanlambot.

Nakiusap si Nikolai, 'di ba? Kaya niya pupuntahan ngayon si Boris.

Hindi niya gustong pumunta roon dahil naiintriga siya sa kung ano na ang nangyayari sa dalawa. Pupunta siya dahil nag-aalala si Nikolai. Palagay din niya, hindi ito komportable na maiwan na hindi kilala ang kasama, o wala sa tabi nito ang ama.

Nakarating na si Albie sa hotel. Nakantyaw pa siya ng mga nasa reception na nakakita sa kanya.

"Hoy, Albie! Gabing-gabi na ah, nandito ka pa!"

Nginitian lang niya ang mga ito.

"May pupuntahan lang akong friend."

"Asus! Friend daw! Akala mo ba wala kaming napapansin? Bawal 'yan, ah!"

Hagikgikan.

"Mga bruha," tawa niya sa mga baliw na nanunukso ang tingin sa kanya habang papalapit na siya sa elevator. "Babalik din ako agad dito. Makikita niya. Saglit lang talaga ako."

"Ewan namin sa iyo!"

Mabilis na bumukas ang pinto ng elevator at pumasok na roon si Albie.

Habang umaangat ang elevator, sumandal lang muna siya. Napapaisip.

Nilapat niya ang kamay sa dibdib.

Dama niya ang pintig ng puso.

Tila namimingi na ang kanyang tainga.

Hindi niya alam kung ano ang aasahan na madadatnan sa hotel na iyon.

Ewan din ba niya kung bakit kung anu-ano na itong iniisip niya.

Ting!

Albie stepped out of the elevator. Tahimik ang mga pasilyo. Wala nang magpapaikot-ikot na housekeeping sa ganitong oras dahil halos lahat ng guests ay nasa silid na nila. Malamang na 'yung mga bakanteng silid ang inaayos at nililinis ng mga naka-schedule sa gabi.

Malambot ang carpeted floor na tinatapakan ni Albie habang tinatahak ang hallway. Kumiskis sa nabuhanginan niyang mga paa ang lambot ng carpet.

Huminto siya sa tapat ng pinto ng hotel room nila Boris.

Albie sucked in a deep breath before lifting his hand.

Nakuha pa niyang magdalawang-isip kung magdo-doorbell.

Kapag nagdoorbell siya, ibig sabihin, magiging alerto ang nasa loob ng silid. Makakapag-ayos sila. Makakapag-retouch.

Pero ang bastos naman niya kung basta-basta na lang papasok. Baka naka-lock din ang pinto kaya useless din na hindi siya mag-doorbell.

At ano naman kung may sexual na namamagitan kina Boris at Olivia?

Akala ba ni Albie open-minded siya? Na tanggap niya na walang happily ever after ang mga bakla na katulad niya pagdating sa kapwa niya lalaki?

Pero hindi ba, si Boris na rin ang nagsabi sa kanya na sa lalaki lang ito pumapatol?

Nasapo niya ang noo.

Bakit ba ganito ang iniisip niya?

Ilalapat na niya ang daliri sa doorbell nang marinig ang pagbukas ng pinto.

He froze in his place.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Boris.

Wala itong suot na pang-itaas. Tanging jeans lang. Kita niya ang mahabang kalmot sa biceps nito paikot pababa hanggang sa umabot sa siko.

May pagkadismaya na umanod sa kanya.

"Albie," tila paos nitong saad.

Umawang ang mga labi niya, pero hindi malaman ang sasabihin. Tila sumisirko ang kanyang sikmura, hindi malaman kung ano ang dapat na maging reaksyon sa pawisang lalaki na nasa kanyang harapan.

"B-Boris..." sa wakas, hindi siya mukhang tanga na napipi. May nasambit din siya.

Humakbang pa ito kaya napaatras siya sa maliliit na mga hakbang. Albie lowered down his head.

Wala yatang plano ang lalaki na papasukin siya sa loob ng silid.

Bakit? Dahil hindi pa bihis ang kasama nitong babae sa kwartong iyon?

Ewan.

The door clicked close.

Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang mga braso. He squeezed.

"Are you alright? Why are you not talking?"

Tiningala niya ito. Parang manginginig siya sa sobrang pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Mahina siya kung ikukumpara sa kakisigan ng porma ng binatang nasa harapan niya.

At mukhang hindi lang sa pisikal ang kahinaang iyon.

Maging sa kalooban, nanghihina yata siya.

"S-Sorry... I'm just..."

He chuckled lowly. "I look like a mess, right?"

Tumango si Albie. So, aware siya... aware siya sa hitsura niya ngayon na parang...

"Why are you here?" matiim nitong titig. "Didn't I tell you to keep an eye on Nikolai?"

"My friend is guarding him," atras niya para pakawalan siya ng mga kamay ni Boris. "I came here to talk to you." Nakahuma na siya. "Nikolai can't sleep. He is so worried about you."

Nakipagtitigan ito sa kanya, may hinahagilap na katotohanan sa mga mata niya.

"Why is he worried?"

"I don't know," aniya. "I think, he is just scared to be with a stranger like me."

Nagulat siya nang lumapat ang palad nito sa kanyang pisngi. Mainit ang kamay nito, medyo magaspang. Umisa pa ang kamay nito sa kabila niyang pisngi.

He cupped his face and lifted it to fix his eyes on Boris'.

Para siyang lulukubin ng intensidad ng titig nito.

"Thank you," he murmured.

Gusto niyang mapaatras. Lumayo. May tangka ang lalaki na humalik sa kanya at alam niya iyon.

Ayaw niya.

Pakiramdam niya, nakaramdam din kasi ito sa paghihinala niya.

Idadaan lang siya nito sa romansa para mapagtakpan at mapalitan ang mga alalahanin niya ng pagkawindang.

Albie stepped back. Humawak siya sa mga pulsuhan ni Boris para ilayo ang sarili pero humigpit ang mga kamay nito sa kanyang mukha. Marahas siyang hinila palapit para magsalubong ang kanilang mga labi.

Nilamukos siya nito ng halik. Makukuba na ito para lang mayuko siya at magpantay ang kanilang mga mukha. Naghiwalay ang mga labi nila nang matulak siya nito pabangga sa pader. Nagpakawala siya ng singhap bago naselyuhan ang mga labi ng halik nito.

Malikot, mapusok...

Inihilig ni Boris ang ulo at pinisil ang gilid ng kanyang mga labi para ibuka iyon. His lips popped open, letting his tongue in. Napaungol siya sa ginawa nitong pagdila at pagsirko-sirko sa loob ng kanyang bibig. Tumingala si Albie kaya dumulas ang mga labi nito patungo sa kanyang baba.

His hazy eyes looked up to him.

Dinig niya ang mahina nilang paghingal.

"Take me to Nikolai," he spoke raspily.

.

.

NANG MAKABALIK SA BOARDING HOUSE, dinala niya agad si Boris kay Nikolai. Hindi man emosyonal ang pagsalubong ng bata sa ama, kita niya ang nag-uumapaw na relief nito nang yumakap dito. Nag-usap pa ang dalawa sa wikang Russian bago nagpakawala ng maliit na ngiti ang bata.

Albie saw hope in Nikolai's small smile.

Pagkatapos, humiga na ito, yakap pa rin ang backpack, habang sinusuklay-suklay ni Boris ang platinum blond nitong buhok.

"Hoy, Albie," tawag ni Jelly na nakatayo sa likuran niya, nakasandal sa hamba ng pinto.

"Mmm?" talikod niya sa mag-ama para lapitan ang kaibigan.

Umatras ito palabas ng hallway kaya sumunod siya.

Nilapit ni Jellya ng mukha sa kanya. Bumulong.

"Ano ang nangyari? Bakit ganyan ang hitsura niya?"

Albie shrugged.

"Namumula ang mga braso at likod niya sa kalmot," nakaw pa nito ng silip kay Boris na nakatalikod sa direksyon nila.

Nagbaba na lang siya ng tingin. "Ewan ko."

Tumaas ang sulok ng labi nito at inekis na lang ang mga braso. "Ah, gets ko na. Siguro, hindi sila makatiyempo nung asawa niya, kaya..."

Lalo yata siyang lumubog sa kumunoy sa mga sinabi nito.

"Grabe," napapailing na wika ni Jelly habang nakatanaw sa magtatay. Pagkatapos, napunta na sa kanya ang tingin ng kaibigan. "Ano? Babalik na ba sila sa hotel nila? Kasi inaantok na ako."

Ngumiti siya. "Pasensya na, girl. Matulog ka na at maaga ang shift natin bukas."

Ngumiti na rin ito. "Ikaw rin. At paalisin mo na iyang mga foreign friends mo."

"Kakausapin ko," aniya bago tinanaw si Jelly hanggang sa marating na nito ang tapat ng kwarto. Lumingon muna ito sa kanya at kumaway bago tumuloy sa silid nito.

Lumapat na pasara ang pinto kaya humugot siya ng malalim na paghinga at bumalik sa sariling kwarto. Nag-angat ng tingin sa kanya si Boris.

Sumandal si Albie sa kabinet, inekis ang mga braso at pinasadahan ito ng tingin.

"Sleepy?" tanong nito sa kanya. "I can sleep on the floor."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Aren't you going to bring Nikolai back to the hotel with you?"

"We can't."

Tinungo ni Albie ang pinto.

"Hey, Albie."

Akala yata ni Boris magwo-walk-out siya. Pero hindi. Lumapit lang siya sa pinto para isara at i-lock iyon. Pagkatapos, hinarap niya ang lalaki. Sumandal siya sa pinto.

Iniwan ni Boris ang kama kung saan nakatulog na ang anak nito.

He stepped toward him until they were in an uncomfortable distance from each other. Halos tingalain niya ulit ang lalaki.

"Don't worry, Albie," haplos nito sa pisngi niya. "We'll only be here for one night. Tomorrow, we're leaving."

Naalala niya ang kwento nito. Huling araw na nga pala bukas ng mag-ama rito. Bukas na bukas ay babalik na sila sa Russia.

Ah, oo. Kasama nga pala ng mga ito si Olivia.

"Is your... problem with Olivia okay now?" his gaze was softened by the overwhelming jealousy that tinged him right now.

Tumitig lang ito sa kanya. "Why do you have to worry this much, Albie? We've just met and you feel so much for me."

"Don't be so assuming."

He tugged a sexy grin. "Come on," lapit pa nito.

Sa kasamaang palad, nakasandal na siya sa pinto, wala nang maaatrasan. Kaya tinanggap lang ng katawan niya ang pagdiin ng katawan ni Boris palapat dito. He sucked a deep breath at their closeness. Sinalo nito ang panga niya, mas tinaas ang pagkaka-angat ng kanyang ulo.

Yumuko ito para ilapit ang mukha sa kanya.

"I can sense it, Albie. I am not new to this," he murmured, locking gazes with him. This man is hotter than hell... and more torturous than a devil.

Ang mga kalmot nito sa katawan ang ebidensya kung gaano katindi ito magparusa ng isang babae sa kama.

Muli siyang nilukob ng pagkadismaya.

Hindi nga talaga mapupunan ng isang bakla ang pangangailangan ng isang lalaki.

Akala niya patutunayan siyang mali ni Boris.

Hindi pala.

"But I will not take advantage of it," he throatily drew closer. "Because... I know... when a heart is fragile... you have to be careful with it..."

His lips brushed against his lips.

"Tell me what really happened," he begged.

Tumaas ang sulok ng labi nito. His half-closed eyes stared back to his expectant ones.

"Make me..." he sexily groaned.

Dahan-dahang humiwalay ito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro