Chapter Twelve
NAPAYUKO si Albie, hindi malaman kung ano ang sasabihin sa lalaki. Bakit parang ang haba-haba na ng hair niya ngayon? Napasinghap siya at napapitlag sa kinauupuan nang maramdaman ang paghagod ni Boris sa kanyang hita.
"Ay!" tampal niya sa kamay ng lalaki kaya biglang inalis iyon ni Boris sa hita niya.
Gulat na nag-angat si Albie ng tingin at sinalubong ang titig ng abuhin nitong mga mata. Kinabahan siya dahil seryoso ang hitsura ni Boris, pero nang unti-unting umunat ang mga labi nito at ngumisi sa kanya, nakaramdam siya ng kaunting relief. Gayunpaman, may nerbyos pa rin sa tawa na namutawi sa kanyang mga labi.
"You're a very, very bad boy," usog pa niya palayo sa lalaki pero umabot na siya sa dulo ng upuan.
He chuckled lowly. "Playing hard to get on me, eh?" palumbaba nito sabay malagkit na titig sa kanya.
"It's not that, okies?" nangingilag niyang sagot.
Mahina itong sumagot. "So, it means, you like it."
"Eh?" pamumula ng kanyang mga pisngi. Hindi lang iyon masyadong lantad dahil malamlam ang ilaw na tumatama malapit sa table na inookupa nila sa dalampasigan.
Lalo itong natawa. Damn, the man has a very sexy laugh. Albie could see the amusement in his eyes.
"I'm dalagang Pilipina, no," depensa ni Albie sa sarili. "It means, I am not basta-basta. I'm not easy!"
Nakatitig lang sa kanya ang lalaki. "A challenge? I like that."
Jusko, determinado si Fafa! Albie was already internally shrieking.
"Why me?" tanong na lang niya.
"Because you're open-minded about it," lapit na naman nito. "Aren't you?"
Nilapat ni Albie ang mga kamay sa dibdib ni Boris at dahan-dahan itong tinulak palayo. Napalunok siya sa tigas ng dibdib ng lalaki.
"Can I eat na? This is dinner, 'di ba?"
"What would you eat?" he hotly murmured, gazing into his eyes.
Nakagat ni Albie ang pang-ibabang labi. "The food, Russian Daddy."
"When will you eat my food for you?"
"You're so naughty!" palo niya na sa braso nito at inabala agad ang sarili sa pag-abot sa bote ng alak at isang piraso ng fries.
Umayos ng pagkakaupo si Boris at inabot ang bote ng alak nito. Sumimsim ito ng kaunti habang pinapanood ang bawat galaw niya. Albie cutely ate some fries that it slightly puffed his cheeks. Maingat siya sa pag-inom ng alak dahil baka mamaya isahan siya ng lalaki. Mas mabuti na ang maging maingat.
Boris sure was hot, pero may shock pa sa sistema ni Albie ukol sa inaalok nito.
Sex?
Nakikipag-sex ang lalaking ito sa kapwa nito lalaki?
At ang laki ng katawan nito, kakayanin ba niya ang pwersa ni Russian Daddy?
Napainom tuloy siya ng alak habang ninanakawan ito ng sulyap. Mukhang ito ang tipo ng tao na madaldal kaya naman si Albie na lang ang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila.
"So... Boris," pihit niya ng kaunti paharap sa katabi, "why are you here in the Philippines? For vacation?"
Nilapag nito ang bote ng alak. "Oh yes," he smiled before turning to him, "I am with my anak— Nikolai. Can I speak a little Tagalog? I want to know if I really learned from, you know, studying Tagalog."
"Wow," liwanag ng mukha niya. "You really studied Tagalog?"
"Yeah." Kainis naman kapag ngumingiti sa kanya ang lalaki. Nawawala ang intensidad sa mukha nito at napapalitan ng hindi niya maipaliwanag na charm. Nakakakilig! "I'm the foreigner here, Albie, so it's rightful that I learn a little bit of Tagalog and make the effort to relate with the people here."
"Ay, maganda iyan, that's good," excited niyang wika. "You speak to me in Tagalog na. Let's see if you learned a lot."
"Okay," tuluyan na nitong pinihit ang katawan paharap sa kanya at pinatong ang braso sa ibabaw ng backrest ng upuan nito. "Hello. Magan-dang gabi."
"That's nice," ngiti ni Albie. "Tell me you name naman."
"Ah..." he rubbed his chin ang looked away. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Boris, parang may inaalala. "Ako... ako si... Ako si Boris?" hindi siguradong sulyap nito sa kanya.
Tumango-tango si Albie. "Wow, that's magaling. Do you know what magaling means?"
Kumunot ang ulo nito at umiling habang may alanganing ngiti. "I don't really remember."
"It means you're great," harap na ni Albie sa mesa para kumuha ulit ng fries.
"Will you tell me that when I fuck you?"
Muntik na siyang maubo dahil saktong ngumunguya na si Albie ng fries. Pinanlakihan niya ang lalaki ng mga mata na natatawa lang bago kumuha ng fries. Kumain na ito at nilapit sa kanya ang mga daliri nito.
"Lick it off, please," ngisi sa kanya ni Boris patungkol sa naiwang ketchup at cheese dip sa daliri nito.
"Use tissue," hanap ng mga mata niya sa tissue nang maramdaman ang paglapat ng mga daliri ni Boris sa kanyang labi.
Natigilan si Albie at pinanood ang dahan-dahang pagpasok ng mga iyon sa kanyang labi.
"Suck it," he rawly demanded.
Hindi niya alam kung bakit sinunod naman niya ang utos ng lalaki. Boris slowly dragged his fingers out his lips and gave it a stare. He chuckled lowly and sucked his own fingers.
Napamaang si Albie sa lalaki.
"You left some on my fingers," may yabang sa panibago nitong ngisi sa kanya. "You got to suck harder than that, Albie."
Diyos ko! Ang katawang lupa koooo! nawiwindang na pagwawala niya sa sariling isip.
.
.
MAAGANG BUMALIK sa hotel room si Boris. Nadatnan niya na nakadapa si Nikolai sa kama at naglalaro sa hawak nitong tablet. Umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ang bata sa tuktok ng ulo. Siyempre, kasabay na niyon ang pasimple niyang pagsilip kung ano ang nilalaro nito sa tablet.
"Kamusta?" tanong niya kay Nikolai na hindi ma-pause ang game kaya hindi pa siya nito masyadong pinapansin.
"Ayos lang naman ako, Papa. Saan ka galing?"
Hinagod niya ang buhok nito. Boris felt more soft and gooey whenever he would look at Nikolai. Sobra-sobra ang pagmamahal niya sa bata dahil parang hulog ito ng langit sa kanya. Pakiramdam niya, pinagkaloob ng Diyos si Nikolai sa kanya para maging anak niya dahil alam na Nito na malayo sa realidad na magkakaanak pa siya.
Malabo na iyon dahil sa sexual preference niya.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni Miss Olivia?" nakaw niya ng sulyap sa dalaga na nakaupo sa sarili nitong kama habang nagtitipa sa laptop.
"Ang sabi ni Miss Olivia may kakausapin ka lang daw. Saan kayo nag-usap, Papa?"
"Dito lang din sa resort," ngiti niya kay Nikolai nang tingalain na siya nito. "Nagtanong-tanong lang ako kung ano ang magandang hobby rito."
"Talaga?" Natawa siya nang biglang umupo si Nikolai at humarap sa kanya. Natutuwa lang siya kapag ganitong excited ang anak niya. "Ano ang sabi, Papa?"
Buti na lang at napaghandaan na niya ang isasagot dito.
"Pwede tayong mag-jet ski," aniya.
"Jet ski?" labi nito, may bahid ng pagkadismaya.
"Well..." napakamot siya ng batok, "gusto mo mag-surfing lessons?"
Bumalik agad ang sigla nito. "Oo, Papa!"
Lalo siyang napangiti. Seeing Nikolai happy always made him happy as well. Ginulo niya ang buhok ng anak.
"Sige, buka na bukas din, magsu-surfing lessons ang Nikolai ko."
Umayos na ang bata ng higa. "Tara, Papa—" pinutol iyon ng paghikab nito. "Matulog na tayo."
"Aba, kakauwi lang ni Papa matutulog ka na agad?"
"Ang tagal-tagal mo eh," tagilid ni Nikolai ng higa matapos nito kumutan ang sarili. The kid closed his eyes.
Napailing na lang si Boris at nilingon si Olivia na abala pa rin sa laptop nito.
Iniwanan muna ni Boris ang dalawa para gumamit ng banyo. Nakapagpalit na siya ng damit at bagong paligo nang lisanin iyon. Umupo ulit siya sa gilid ng kama at sinipat si Nikolai. He always wanted to make sure that his child was sleeping comfortably.
Pagkatapos, tumayo siya at lumapit sa tabi ng kama ni Olivia.
"Ano na ang balita?" tanong niya rito.
Hindi nag-angat ng tingin sa kanya ang babae na nakasuot na ng night dress nito. Patuloy pa rin ito sa pagtitig sa monitor ng laptop na kandong.
"Wala pang naoobserbahan na kakaiba ang dalawa pang agents na sumusubaybay kina Sloven at Bruno," sagot nito.
"Wala pa?" pamewang niya. "Paanong wala pa?"
"Wala silang napansin na kakaiba sa mga taong nakakasalamuha nila. Wala ring kakaiba sa mga tao sa paligid ng clients nila."
"Eh sa atin? May napansin ka bang kakaiba sa mga tao rito?"
Tiningala siya ni Olivia. "Wala pa akong napapansin."
Pigil niya ang matawa. Napailing-iling si Boris at tutunguhin na ang mga laptop niya na nasa ibabaw ng dresser table. "I need to talk to Sloven."
"Teka lang," baba nito ng laptop sa gilid ng kama. "You can't just contact them."
"At bakit?" lingon niya rito.
"Baka ma-trace kayo ni Poison!"
Kahit na padala pa ng GRU si Olivia para sa proteksyon nila ni Nikolai, gamay na ni Boris ang klase ng mundo na ginagalawan nila. Sa klase ng kanyang pamumuhay, natutunan na niya na huwag ibibigay ang buong tiwala sa kahit sino. Kaya naman walang kaalam-alam sila Olivia na may secret email sila ni Sloven at Bruno na ginagamit para palihim na padalhan ng mensahe ang isa't isa.
"Iniisip ko lang naman na baka hindi naman kami dawit dito ng anak ko," matapang niyang wika sa babae. "Sila Sloven naman ang nakakatanggap ng threats, 'di ba? Maybe I should not be alarmed about this."
"Nakasaad sa sulat kay Sloven na iisa-isahin kayo ni Poison," mariin nitong wika.
"Baka sinabi lang iyon ni Poison para takutin si Sloven, pero si Sloven lang talaga ang target niya. That makes sense, right, Olivia?"
"Pero mas mabuti na rin ang nag-iingat, hindi ba, Boris?" titig ng babae sa kanya.
Hindi na siya umimik pa.
"If you're worried about Nikolai's schooling, be rest assured that before this week ends, makakabalik na tayo sa Russia. Posibleng magkaroon siya ng isa o dalawang araw na absent, pero mas mabuti na iyon kung para naman sa kaligtasan niya, 'di ba?"
Umupo si Boris sa tapat ng kanyang mga laptop. "Kapag hindi pa natin ito nasolusyunan bago matapos ang Linggong ito, babalik kayong dalawa ni Nikolai sa Russia. Iwan ako rito."
"Ha?" lukot ng mukha nito.
In-on na ni Boris ang mga laptop at piniling huwag nang imikin pa ang babae.
"Boris," usog nito sa gilid ng kama para doon umupo, "linawin mo nga sa akin? Ano'ng maiiwan ka rito?"
"Iwan ako rito," ulit lang niya.
"Dahil?"
"Mas mabuting malayo sa akin si Nikolai," isa-isa niya sa nakuhang video ng surveillance cameras niya. Ini-fast forward iyon ni Boris para mas mapabilis ang pagpanood doon. "Mas ligtas siya. At sa iyo ko ipapaubaya ang pagbabantay sa kanya."
"Is it really for Nikolai's safety?" titig nito sa kanya.
Kumunot ang noo ni Boris. "Pinagdududahan mo ba ang pagiging tatay ko kay Nikolai?"
Nanatiling tutok ang mga mata niya sa video. He did not want to miss a clip.
"Kamusta ang dinner date niyo nung baklang iyon?"
"Si Albie?"
Hindi ito sumagot, pero dama ni Boris sa titig ng babae na iyon nga ang tinutukoy nito.
"It's good," sagot niya sa tanong nito. "That one is playing hard to get. I don't mind."
"Kaya magpapaiwan ka rito?"
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Natawa tuloy siya at sumulyap rito. He shook his head and reached for the laptop. Ini-pause muna niya ang video para mapagpukulan ang babae ng atensyon.
"Paano mo naman naiisip ang ganyan?" ngisi niya. "May mga pangangailangan ako, Olivia, pero hindi ako nakakalimot kung bakit tayo nandito."
"Siguraduhin mo lang," tiklop nito sa laptop at tinabi iyon sa drawer ng night table sa side ng kama nito. Tinaas na ni Olivia ang mga paa, kinumutan ang sarili at pinatay ang lamp shade sa tabi nito. Umayos na rin sa wakas ang babae ng pagkakahiga at tumahimik na.
Napapailing na binalik ni Boris angatensyon sa video na papanoorin. He clicked play.
.
.
------------
Russian Influence:
In Russia's educational system, from Sept to May ang school year nila. Nahahati sa apat na sem at kada tapos ng isang sem ay may isang linggong bakasyon ang mga estudyante. This explains why Boris said that Nikolai can only stay in the Philippines for a week to resume his studies.
-------------
AN
Hi, everyone! Pwede niyo nang basahin ang bagong mga chapters para sa #AManOfHisWord !! <3 <3 <3 Ngayon ko lang na-post kasi anong oras na ako nakapagstart magsulat. Enjoy reading! ;)
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro