Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

"SINGLE siya," lingon ng isa sa mga waitress sa kasamahan nito na may bitbit rin na tray. Nasa bar ang mga ito at sinusundan ng tingin si Boris habang nakasunod kay Olivia sa pag-alis doon.

"Oo nga," sang-ayon ng isang waitress. "Kasi kung girlfriend niya iyong babae o asawa, eh 'di dapat may holding hands man lang, 'di ba? O kaya akbay-akbay, gan'un."

"Hoy, hindi ko kayo pinapasweldo para magtsismisan," taray-tarayan ni Albie na nakisali sa conversation ng dalawang waitress.

"Ay, iba rin!" lingon sa kanya ni Minnie bago natatawang pinandilatan siya ng mga mata. "Huwag ka ngang magulo tinatanaw pa naming si Daddy!"

Sinundan niya saglit ng tingin ang tinutukoy nitong Daddy. At ay, daddy nga! Ito 'yung Russian daw na guest, ayon sa mga taga-receptionist. Malanding humalukipkip siya at tumabi sa mga ito.

"Ay, sobrang daddeh talaga 'yan, mga 'day! Kaya lang may junakis na iyan!"

"Oh?" panlalaki ng mga mata ng mga ito.

"Oo," lingon niya sa mga ito, "nakita namin kagabi, no!"

"Oh," taas ni Rita ng kilay, "bakit naliligaw ka rito? Hindi ka namin pinapasweldo rito para mamasyal, Albie!"

"Ay, kaloka!" tawa niya. "Gantihan lang, 'te? Napunta lang naman ako rito kasi pupunta ako sa restaurant at kakamustahin si Kael, my love kung kailan siya babalik sa pagtulong sa amin sa housekeeping!"

"Si Joey ang kamustahin mo, kung kailan matatapos ang sick leave," ani Minnie bago sumunod kay Rita na kumaway na bilang senyas na itutuloy na nito ang pagta-trabaho.

Namewang siya. "Ano ba naman iyan, nami-miss ko na si Kael, eh!" inarte niya. At napansin ni Albie na nagpipigil ng tawa si Gian sa bar. Pang-gabi kasi ang shift ng prinsipe ng buhay niya na si Prince kaya ito ang nakapwesto ngayong umaga.

"Ikaw, Gian, ha? Tatawa-tawa ka diyan!" maarteng turo niya rito. "Baka ma-in love ka na sa akin!" panunukso niya rito habang kunwari ay nagta-tuck ng hairstrand sa likuran ng tainga.

"Baliw," anito sa mababang boses at tuluyan nang natawa habang nagpupunas sa counter.

.

.

HUMIGA si Olivia sa isang bench na nalililiman ng puno at tinaas ang isang binti. The woman did not mind flaunting her sexy body as she put on her sunglasses.

"Maglalakad-lakad lang ako," lapat ni Boris ng dalang cellphone sa tabi nito. "Pakisagot na lang itong phone ko kapag tumawag si Nikolai. Tawagin mo rin ako kapag tumawag siya."

"Sure," ngiti ng babae bago tuluyang sinandal ang ulo sa kinahihigaan para magpaaraw.

Tapos na siyang ilibot ni Olivia sa resort, pero tinuro na lang nito ang dalampasigan kung hanggang saan aabutin iyon at hindi na nila nilakad pa, kaya naman siya na lang ang gagawa niyon. Ayon rin pala kay Olivia kagabi, mahina ang signal sa area na malapit sa dagat. Ang na-locate nito na may pinakamalakas na signal ay sa restaurant at receptionist area ng hotel resort.

Kaya maglilibot na lang si Boris sa dalampasigan para makita para sa sarili niya ang lugar na iyon.

Sa paglalakad, may nadaanan siyang grupo ng mga lalaki na nagva-volleyball. Muntikan na siyang matamaan ng bola kaya napaatras si Boris. It fell a few feet behind him.

Natanaw niya ang pagtakbo ng isang mamasel na lalaki papunta sa kanyang direksyon. Nagkusang-loob na lang si Boris na tumalikod at pulutin ang bola para abutin sa mga ito. As he turned to face the man, he was already standing in front of him, wearing a pair of swimming trunks and a magnetic smile.

Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagyang tumingala dahil mas matangkad siya rito.

"Thanks," tanggap nito sa bola nang iabot niya. "You're really tall."

Ngumiti lang siya.

"We need one more player, wanna join us?"

Hell, his blue American eyes were pleading.

Boris shrugged. "Sure, no problem."

Wala naman sigurong problema na paunlakan ang imbitasyon nito. Ayaw niyang magpasimula ng gulo o lumikha ng masamang impresyon sa mga tao sa resort na ito. As much as possible, he should not stand-out among all the guests in here. Making any trouble would cause that. Kaya naman sumunod na siya sa lalaki patungo kung nasaan ang net para sumali sa mga ito.

.

.

.

***

.

.

.

NIKOLAI tossed and turned before slowly opening his eyes. Nang mapakiramdaman na parang mag-isa lang ito sa silid, umupo agad ang bata at kinusot ang isang mata habang palingon-lingon sa paligid.

"Papa?" tawag nito pero walang sumagot.

Nilingon nito ang night table para kunin sa drawer niyon ang tablet. Bumungad kay Nikolai na may papel na nakapatong sa tablet kung saan may sinulat si Boris.

I-chat call o video call mo ako kapag gising ka na. – Papa

The kid let out a groan. Hinagilap nito ang tablet at pagbukas ay pa-drain na ang battery. Gusto man ni Nikolai na atupagin muna ang paglalaro, mabibitin naman siya. Nag-charge muna siya niyon bago tinungo ang banyo para asikasuhin ang sarili. He took his shower and got changed to his swimming shorts. Pagkatapos, inayos na nito ang higaan.

Pagkatapos, naghanda na si Nikolai ng kakainin nitong almusal. May nakita itong tinapay sa fridge at palaman na hinanda nito para sa sarili pagkatapos iinit sa available na microwave. Walang gatas sa ref, kaya nagtiyaga si Nikolai sa tubig.

Pagkatapos hugasan ang ginamit na kutsara at pinggan, nag-video call na ito.

Nikolai! sulpot ni Olivia sa screen.

"Kasama mo si Papa?" tanong nito sa babae. Komportable naman si Nikolai kay Olivia dahil ayon sa tatay nito ay kaibigan nila ito.

Ah, yes. Olivia seemed to look around. Sandali lang. Naglakad-lakad kasi si Papa mo. Sabi niya hintayin ko raw ang tawag mo, Nikolai.

"Pwede na ba akong mag-swim? Gusto ko na lumangoy," nguso nito.

Of course, Nikolai, sweetie. Pero huwag na huwag ka munang aalis diyan sa hotel, okay? Wait for Papa to call you back. Baka may instructions siya para sa iyo.

He sighed and waited for the video call to be disconnected.

Sinuksok ng bata sa baong backpack ang tablet at sinukbit ang bag bago lumabas ng silid.

.

.

.

***

.

.

.

SUMILIP MUNA si Albie sa opisina ng HR Manager nila. Napansin agad siya nito. Nag-angat ng tingin si Miss Malou at alam na niyang pinapapasok siya nito sa opisina. Tahimik na pumasok si Albie at sinara ang pinto bago lumapit sa desk ng ginang.

"Good morning, Miss Malou," nahihiyang bati ni Albie.

Miss Malou straightened in her sitting position. "Good morning. Maupo ka."

"Thank you po," upo naman niya.

"Regarding ito sa resignation mo," her gaze was soft. "Sigurado ka na ba talaga?"

Albie laughed nervously. Nung nakaraang buwan pa siya nag-file ng resignation letter. Nabalitaan kasi niya ang kondisyon ng ama na nagkaroon ng stroke. Dahil may kanya-kanya nang pamilya ang mga kapatid niya, siya ngayon ang inaasahang umuwi para mag-alaga rito. Ayaw man niyang iwanan ang stable na trabaho sa Cool Waves, mas mapapalagay naman si Albie kung siya mismo ang mag-aalaga sa ama. At saka na niya iisipin kung ano ang ititinda para kumita kahit nasa bahay lang siya kasama ang tatay niya.

"Opo, Miss Malou, alam niyo na naman po siguro ang kondisyon ni Tatay," he shyly smiled.

"Sana maging okay si Tatay mo, para hindi ka mahirapan na magtrabaho sa Manila habang nag-aalaga."

"Sana nga po."

Inabot na sa kanya ni Miss Malou ang dalawang kopya ng resignation letter na pinasa niya. May approval na iyon mula sa HR.

"Paki-pirmahan mo na lang 'yung isa na na-receive mo na ang kopya mo ng resignation letter mo, okay?"

"Opo, Miss Malou," abot ni Albie sa binigay ng ginang na ballpen bago siya pumirma roon.

Matapos siyang kausapin tungkol sa mga gagawin sa huling araw niya sa Cool Waves, nilisan na ni Albie ang silid at naglakad-lakad sa hallway. Sinilip ulit niya ang binigay ni Miss Malou na turn-over checklist. Sa pagkakaalala ni Albie, maayos niyang naitabi ang mga nakalista roon tulad ng susi para sa staff quarters ng resort na tinutuluyan nila kaya tiniklop na niya ulit iyon.

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang tunog ng elevator sa tapat niya. Bumukas ang pinto niyon at bumungad ang isang cute na bata. Maputi ito, pero may talim ang mga mata kung makatitig. Tumaas ang isa niyang kilay.

Ito 'yung batang kasama ni Russian Daddeh, naiintrigang sunod niya sa bata.

Hindi naman siya pakialamerang tao. Kaya lang paslit ito at mag-isa lang na nagpapagala-gala sa resort. Madalang naman siyang makakita ng ganitong scenario. Madalas sa mga bata sa resort nila ay may kasamang magulang o 'di kaya'y mga kalaro.

Mabilis na lumingon ito kaya nahuli si Albie. His smile became awkward.

"Are you following me?" paniningkit ng mga mata nito.

Ay, Ingleserong bata! Paano ko ba kakausapin itey...

Napatingin ito sa uniporme niya bago siya hinarap. "Can you help me find Papa?"

Help him find papa raw! Oh, my gahd, gusto ko 'yan, hanapan ng fafa!

Ngumiti si Albie. "Are you lost?"

"No," seryoso nitong sagot.

Bakit parang nakakatakot kausap itong batang ito?

There was something intimidating with the child's confidence. May mga bata na kapag mag-isa sa hindi pamilyar na lugar ay nagpapakita ng pagkabalisa o mga matang maluha-luha na. This kid was different. He was acting as if he knows how to protect himself. Naka-swimming shorts lang ito, nakabaligtad ang pagkakasuot ng cap, at may sukbit na asul na back pack.

Sumilip ang ilang hibla ng platinum nitong buhok mula sa pagkakaipit ng cap, ang asul na mga mata ay matiim ang titig sa kanya, naghihintay sa isasagot niya sa sinabi nito.

"Well... Ano... So... So you know where Papa is?" ani Albie. He was trying to look as friendly as much as possible.

"I don't know, that's why I want your help."

"Ah, okay, okay," tiklop niya sa dalang kopya ng approved na resignation letter at turn-over checklist para isuksok sa bulsa ng suot niyang jeans. "I will help you!"

"Great, thank you," talikod nito para manguna sa paglakad. Sumunod agad si Albie rito.

.

.

-----------------------------------------

RUSSIAN FACTS:

If you will notice, Nikolai, at a young age, is almost able to take care of himself. Hindi ito dahil sa pinabayaan siya ni Boris. Based on various websites, ang mga Russian parents ay may magkahalong pagkamahigpit at pagka-maluwag pagdating sa parenting style. Sa murang edad, tinuturuan na ng mga Russian parent ang anak nila na maging independent sa pamamagitan ng pagmulat sa kanila kung paano tumulong o gumawa ng mga gawaing-bahay. Wala rin silang bedtime sched (kahit anong oras pwedeng matulog ang isang bata, basta magigising sila kung anong oras dapat gumising para um-attend ng school.

Russian children were also allowed to go out on their own, meaning without parental guidance. Pero may mga pagkakataon na nagpapakita ng pagka-istrikto ang mga Russian parent tulad ng laging pagmo-monitor sa mga anak nila kahit online. They allow their kids to go out on their own, but parents make it a point that they have an idea where they are going. Plus, kultura rin sa Russia 'yung kasabihang "it takes a village" pagdating sa pagpapalaki sa mga bata. Therefore, malayang pumuna o makialam ang sino mang adult na makakakita sa isang bata lalo na kapag kailangan ng tulong o kung mali ang ginagawa nito. They were even free to preach the child's parents about their parenting style if they see it necessary.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro