Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Two

KABADO ANG ISA sa mga gwardiya na panay ang click sa remote habang nililipat ang CCTV recording sa camera sa hallway kung nasaan ang pinto ng hotel room nila Boris. Nakapag-ayos na si Olivia nang muling magpakita sa mga staff ng resort para maki-cooperate sa mga ito.

She just let out a bored yawn and rolled her eyes.

"You know what? I'm just leaving this damn place," tayo ng babae.

Sumulyap lang si Roger dito bago binalik ang mga mata sa maliit na TV. Wala man lang na-record na anumang video sa pasilyong iyon mula pa noong Miyerkules. Hindi niya alam kung kapabayaan din ba ng mga bantay ang dahilan kaya ngayon lang napansin ng mga ito na may ilang CCTV cameras na malfunctioning sa hotel.

Tinapik na niya ang gwardiyang kasamahan sa balikat para patigilin ito sa ginagawa. Then, he faced Olivia who was already in her red pencil skirt and fitting button-down blouse.

"We really apologize for what has happened in here. But are you sure that you can't really recall anything? For sure, you could have seen the intruder's face before they beat and tied you up, Ma'am."

"If I am awake, I could have, Sir," seryoso at medyo may katarayan nitong sagot. "But I am in the middle of my sleep when I heard noises. And before I can even move, I was beaten up until everything went pitch black for me."

"That's a very detailed explanation."

"Yes," mariin nitong wika, hindi man lang nai-intimidate kung may himig ng pagdududa sa sinabi ng namumunong gwardiya ng Cool Waves.

"Look," patuloy ni Olivia, "if you can't find my husband and child in your vicinity, most possibly they are abducted. In that case, your poor security management won't be of help. So, I'll just wait for some random person to ask me for ransom, then I will coordinate with the police about them."

Sumeryoso ang mukha ng lalaki. "I'm sorry, Ma'am, but you can't do that," pagdidilim ng anyo nito.

"Why not?"

"You'll compromise the image of our resort. Your statement will hurt this business."

"So what? Is it my fault if your security system is lousy, Sir?"

At mabilis itong tumalikod. Nagdadalawang isip man ang security guard, sa huli ay pinasya nitong habulin si Olivia.

Samantala, nanatiling confident si Olivia sa paglakad sa hallway na iyon. Taas-noo na para bang wala siyang kaide-ideya talaga sa mga nangyari.

Mautak ka talaga, Molchalin. Wala akong kaide-ideya na nagawan mo na ng paraan ang mga security measures ng resort na ito. You even managed to hack their surveillance system. You are really one heck of a hacker.

Lumingon ito nang maulinigan ang mabibigat na mga hakbang ni Roger. Dahan-dahang pumihit ang babae paharap sa direksyon ng lalaking papalapit dito.

Kailangan ko nang umalis rito. Mukhang wala akong mapapala sa mga ito. Siguradong nakaalis na kayo sa resort na ito. Nakipag-cooperate lang naman ako para siguraduhin na walang magiging problema kapag umalis na ako rito.

Sa oras na sumabit ako, malalagot ako sa GRU.

Huminto sa harapan nito ang makisig na security guard.

"Mrs. Molchalin," tawag dito ng lalaki bago nagpatuloy, "if you want, I can assist you reagarding your missing husband and child."

Pinagtaasan ito ni Olivia ng kilay. "Don't you have a job to do? Why don't you ace that before you take another job?"

"This is the only thing I can do for you, Ma'am, so that you won't have to bring this incident to the local police."

She scoffed. Nakukuha na ni Olivia ang nais nitong iparating. Ang security team ng hotel ang tiyak na kababagsakan ng sisi dahil sa inimbento nitong insidente.

Pinasadahan nito ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang sa paa. Nagkaroon ang dalaga ng bagong ideya. Pero kailangan muna nitong siguraduhin kung nasa paligid pa ang mag-amang Boris at Nikolai.

Kung oo, mukhang mapapakinabangan ni Olivia ang sekyu na ito.

"Do you usually do this? Or is it just that because I am a foreigner, that's why you're doing this, hmmm?"

Natahimik ang lalaki saglit, nanunukat ang tingin kay Olivia. Sa wakas, nagpakawala ito ng buntong-hininga, sumusukong nagpaliwanag, "I don't really want to let people know about this, but our family owns this resort. I'm a Criminology graduate, Ma'am, that's why I let my sister assign me with the security team here."

Kaya pala masyadong concerned ang lalaki sa resort na pinagta-trabahuan nito— family business pala.

"Well then," taas noo ni Olivia bago nilabas ang cellphone na nasa dalang pouch. "Give me your number. If my husband is still not contacting me after twenty-four hours, I'll be calling you up."

Bakas sa seryoso nitong mukha na nabuhayan ang lalaki ng loob. Dali-dali nitong nilabas ang cellphone na nakasuksok sa back pocket para idikta sa babae ang cellphone number nito. And of course, Olivia did not share her phone number with this stranger.

.

.

.

***

.

.

.

NILIHIM NI ALBIE ang pagtataka. Gulong-gulo na siya ngayon dahil taliwas ang pagpapakilala ni Olivia sa sinabi ni Boris tungkol sa parte nito sa buhay nilang mag-ama. Ayon kay Olivia nung nakausap ito sa admin office, asawa raw nito si Boris at anak si Nikolai. Natutulog na raw nung mga oras na iyon ang babae nang makarinig ng nagkakagulo. Pero pagbangon pa lang daw nito ay nakatamo na ng bugbog hanggang sa mawalan ng malay. Iyon ang naging paliwanag ni Olivia mga pasa at galos nito sa katawan.

Sinabi rin ng babae na kaya natagalan ito ng balik sa resort ay para magpagamot at magpa-check up dahil wala naman daw clinic sa hotel-resort na iyon.

Sa ngayon, maayos pa naman daw ang pakiramdam ng babae kahit may ilang okasyon na nananakit daw ang mga masel sa katawan.

Naguguluhan si Albie dahil ang sabi ni Boris, hindi raw nito asawa si Olivia. At hindi rin nito tunay na anak si Nikolai, ampon lamang daw. At nung gabi na nangyari ang panloloob kuno sa hotel room ng mga Molchalin, nadatnan pa niya noon si Boris. Kakalabas lang nito ng silid pero halata na dumaan sa pisikalan dahil sa mga kalmot nito sa katawan at bugbog. Nakita rin iyon ni Jelly, pero pinagpalagay na resulta iyon ng pagromansa ni Boris sa asawa nito noong naiwan si Nikolai sa boarding house.

Napunta tuloy noon ang interrogation kay Albie. Ilan lang ang mga detalyeng kinuwento niya. Sinabi niyang kaibigan lang niya si Boris at hindi naman nito sinabi kung bakit gusto nitong ipaiwan si Nikolai sa kanila kagabi. Pinalagay na lang din niya na baka gusto ng mag-asawa na mag-moment at masolo ang isa't isa kaya ganoon.

Kinuwento rin niya na mukhang okay pa naman si Boris nung sinundo ito sa hotel room. Mukhang wala rin namang nangyaring gulo dahil wala siyang narinig na ingay mula sa silid nung nagkita sila ng lalaki. Kasama niya rin itong bumalik sa boarding house para balikan si Nikolai. Binanggit din niya na may iniwang mga bag doon si Boris kasama ni Nikolai. Pero dahil hindi siya sure sa kung ano ang laman niyon, pinalagay niya na baka mga gamit lang iyon ng bata. Pinaiwan lang din doon para hindi na magpabalik-balik sa hotel room kung sakaling may kailanganin si Nikolai.

Hindi niya sinabi sa mga ito ang pagpapaalam sa kanya ni Boris na uuwi na sa Russia kinabukasan niyon. Ayaw niya kasing isipin ng mga taga-admin na kasabwat siya ng lalaki, kung sakali ngang mapatunayan na ito ang may kagagawan ng pagkakabugbog ni Olivia at pagkasira ng mga gamit sa hotel room nila.

Ayaw niyang madamay kung anumang klase ng gulo ang namamagitan kay Boris at Olivia.

Inabala na lang niya ang sarili sa trabaho buong araw, at nang matapos ang shift, hindi nagtagal si Albie sa boarding house. Umiiwas siya na mausisa ni Jelly o Mariel.

Pinasya niyang mag-ikot-ikot sa dalampasigan hanggang sa lumubog na ang araw.

Masyadong malayo na ang nalalakad noon ni Albie. Mukhang mararating na niya ang dulo ng tabing-dagat dahil malapit na siya sa mga batuhan ng kalapit na bundok. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at pumuwesto sa isang malaking tipak ng bato. Hinubad niya muna ang tsinelas bago nilublob sa tubig ang paa. Naghalo roon ang buhangin at matigas na mga bato. Inakyat niya ang malaking bato at umupo roon.

Tinanaw niya ang karagatan.

Natatakot siya. Sana hindi lumapit si Olivia sa mga pulis. Natatakot si Albie na baka mga pulis na ang magtanong-tanong sa kanya at mahalata ng mga ito na may tinatago siyang detalye.

Mula sa kahel na katubigan, inangat niya sa kalangitan ang mga mata. The horizon was orange, the skies were starting to slide in the pink, purple and dark blue hues.

"Hi."

Napapitlag siya sa boses na iyon kaya napalingon agad si Albie.

Namilog ang mga mata niya nang makitang pantalon lang ang suot ni Boris. Pinunit kasi ng lalaki ang shirt nito para gawing benda sa braso nito. Kita niya na namumula na ang tela dahil sa dugo.

Natigagal siya, hindi malaman kung ano ang unang magiging reaksyon. Ginala ni Albie ang pangingin sa paligid. Masyado na silang malayo sa resort kaya sila lang yata ang nasa bahaging iyon ng dalampasigan.

Kasunod niyon ang pagkatok ng takot sa kanyang dibdib.

"Boris—" atras niya.

"Hey," paos nitong wika. Inunat nito ang isang kamay para abutin siya. "I'm... help me..." nanghihinang lubog ng mga paa nito sa tubig para makalapit.

"No—" kasunod niyon ang pagsinghap nang madulas ang lalaki. Nanlalambot na humablot ito sa bato kinauupuan niya para alalayan nito ang sarili. Boris flinched because he had to use his injured arm to steady himself.

Nagapi si Albie ng awa at nilapitan agad ang lalaki para tulungan itong makaupo sa bato.

Naghalo ang takot, pagdududa at pagpiga ng awa sa kanyang dibdib. Marami siyang gustong itanong sa lalaki, pero paano kung ganitong natatakot siya? Baka kung ano ang gawin sa kanya ni Boris.

At bakit narito ang lalaki?

Nasaan si Nikolai?

Saan galing ang sugat nito sa braso?

Humihingal na bumagsak ang lalaki sa kanyang balikat. Tinukod ni Albie ang kamay sa kinauupuan, dahil muntik na siyang mahulog sa bigat ng malaki nitong katawan.

"Albie..." he groaned.

He hissed upon feeling how soldering hot his skin was.

Nilapat niya ang palad sa leeg nito. Mataas nga yata talaga ang body temperature ng lalaki.

"Boris—"

Nag-angat ito ng tingin at nilapat nito ang nanginginig na kamay sa kanyang pisngi.

"Don't... Don't be scared..." namumungay ang mga mata nito, pagod at pagdurusa ang nasa mga ito. "H-Help me, Albie... Take me... Take me away... from here."

Bumagsak ang mukha ni Boris sakanyang leeg. Pumikit ang mga mata.

.

.

.

***
AN

See you tomorrow para sa panibagong mga chapters ng The Gentleman's Secret! ;)

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro