Chapter Thirty-Six
"AH!"
That was enough to startle Albie. Napunta lang sa pinto ang kanyang paningin, nagdadalawang-isip kung pupuntahan sa banyo ng hotel na iyon si Boris.
Boris let out another grunt. Tumayo na si Albie para lapitan ang lalaki. Boris was inside the bathtub with water covering him from the waist down. Blood oozed from his wounded arm. Nakaangat ang manginig-nginig nitong kamay. He was holding a tweezer gripping a bloody bullet.
Kinuha agad ni Albie ang mga iyon at in-assist si Boris. Nilinis niya agad ang sugat ng lalaki. At inalalayan ito patayo ng bathtub. Namilogang mga mata niya nang tumambad ang kahubaran nito. Warm water dripped sexily and slipped on his skin, on the deep cut of his pelvis, the hair trail from his chest to the ripped abs to the belly button to his belly to his…
Napalunok siya. Napatingala. Lord, help me!
Albie grunted, collecting all his strength to shoulder Boris' big frame and weight. Halos kaladkarin na niya ang sarili, makaya lang ang pag-alalay dito patungo sa kama. Kapwa sila napatid pabagsak. Naunang bumagsak si Boris at lumanding si Albie sa tabi ng lalaki. Albie laid on his side, just below Boris' good arm. Tiningala niya ito at nakita ang nanghihinang pagpikit nito ng mga mata.
Albie scrambled to sit up. Kinumutan niya ang lalaki. Kinuha niya ang naiwang mga gamot at bandage sa banyo para tapusin ang paggamot sa sugat nito. Nang matapos, hininaan niya ang air-conditioning ng hotel room. Inayos niya sa pagkakahiga si Boris at nilagyan ng hot compress sa noo. Umupo lang siya sa gilid ng kama, inoobserbahan kung bumubuti na ang lagay nito.
Pinalipas niya ang oras sa pag-iisip kung ano na ngayon ang gagawin. Pinili niyang tulungan si Boris dahil nakatali ito kanina at may sakit ang lalaki. Hindi man siya tiwala na hindi rin siya nito papatayin, mas may tsansa naman siyang mabuhay kaysa sa kamay ni Joey na nasa kondisyon kumitil ng buhay.
Napayakap si Albie sa sarili, bahagyang nanginig.
Nilingon niya ang tulog nang si Boris.
Pagkakataon ko na ito para makatakas. Namasa ang mga mata niya sa takot. Pero paano? Kung hindi si Joey, si Olivia ang makikita ko sa resort. Hindi nila ako tatantanan hangga't hindi ko nasasabi sa kanila kung nasaan si Boris.
Papatayin din nila ako kung wala silang mapapala sa akin.
Albie bit his lower lip. Hinihintay niya ang last pay para may mauwing malaki-laking pera at pampamasahe na rin pabalik ng Maynila. Pero paano pa siya makakabalik kung naroon si Joey? Posible pa na ikalat nito sa management na kasabwat siya ni Boris, ang responsable sa nasirang mga gamit sa isa sa mga suites nila.
How would Albie defend himself then?
Gusto niyang dumeretso na lang din ng uwi sa Manila. Pero heto at kulang pa ang dala niyang pera para makaluwas.
"Albie…"
Hindi niya nilingon ang lalaki. Sinipat ni Boris ang nabendahang braso bago binalik ang tingin sa kanyang likuran.
"This means a lot to me… that you helped me… you chose me… you trust me."
"Trust?" pagtataas ng tono niya. Lumingon si Albie sa bandang kanan niya. "How come you understand what Joey and I are talking about? I know you do!"
Boris' smile was faint. "Yeah. Nakakaintindi ako ng Tagalog."
Lalong nanlaki ang mga mata niya. Nanigas si Albie sa kinauupuan.
"Huwag kang matakot," pagsusumamo ang nasa boses nito. "I just pretend that I don't know your language for my safety."
"Safety?" harap niya rito. Hindi pa rin makapaniwala kung gaano kalaking sinungaling ang Boris na ito.
"If I pretend I don't understand, people can freely say things they like. They won't be able to lie to me because they will think I don't understand it anyway."
"How much?"
"How much?"
"How much do you understand?"
"Everything," nanghihina na ito.
"Lahat-lahat?"
"Hindi lang naman ito ang time na napadpad ako sa Pilipinas para magtago."
"Ilan pa?" tayo niya. "Ilan pang kasinungalingan, Boris?"
"What?" his pained look and frustration mixed on his handsome face. "I already told you what I am. I used to work with a Russian spy. I'm an outsider computer expert-- I hack, I inflitrate systems, I use the internet and technology at my whim to control, monitor and gain inside information for my boss!
Nag-retiro na kami sa trabahong iyon. Pero may mga nakabangga kaming mga tao na hindi pa rin maka-get over at pinagtatangkaan ang buhay namin."
Humalukipkip lang siya at iniwas ang mga mata rito.
"My son's life is also at stake here," giit nito. "Masisisi mo ba ako kung kinakailangan kong magsinungaling?"
Napalitan ng katahimikan ang tensyon na namuo kanina sa silid.
Napabuntong-hininga siya.
"Hanggang dito na lang ang ibibigay kong tulong. Masyado mo nang ginulo ang buhay ko," patak ng mga luha ni Albie. "Paano pa ako makakabalik sa Cool Waves? Paano ang mga gamit ko? Ang last pay ko? Kailangan ko ang mga iyon para makauwi ng Tondo, para makapagpanibagong simula, para tulungan ang tatay ko--"
Boris was too tired and sick. He closed his eyes.
Patuloy si Albie sa paglilitanya habang patungo sa pinto. "Aalis na ako."
"Please, don't go…" his pleading voice was faint, but Albie heard it.
Paglingon niya, nakatanaw na ulit sa kanya ang lalaki.
"I have a few money left. Use it…"
Napatitig siya sa lalaki. Nag-iisip.
"At kahit naman makauwi ako sa Tondo, hahanapin pa rin ako ng mga pulis dahil sa gulong ginawa niyo sa resort."
He let out a weak chuckle. "Aw, my sweetheart, sa tingin mo ba gusto ng mga taong papatay sa akin na makipag-interefere ang gobyerno ng Pilipinas o mga pulis dito?"
Realization struck Albie. Nakita iyon ni Boris sa pandidilat ng mga mata niya kaya mahina itong natawa.
"That's right. No police will chase you, so don't worry, Albie. And as long as you are with me, you'll remain safe--"
"Safe eh ganyan ang lagay mo," singit niya sa pagsasalita ni Boris.
"--and you'll always be. Mark my word on that."
At napatitig sila sa mata ng isa't isa.
.
.
.
***
.
.
.
STROKE TALAGA ang sakit ni Mang Alberto, ang ama ni Albie, pero mukhang mada-diagnose na rin ito na na-heart attack nang masilip mula sa pinto ang papalapit na mga bagong dating.
Alam ng ginoo na hindi dapat maging assumero o malisyoso, pero hindi lingid dito ang sexual preference ng anak. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin nito tanggap na bakla ang anak.
Mukhang sasagarin pa nito ang pasensya ng matandang lalaki dahil ang lakas naman ng loob ni Albie na mag-uwi ng lalaki! At sa mismong pamamahay pa nila!
Kaya nagmatigas ito. Hindi natinag si Mang Alberto sa kinauupuan sa dining table na gawa sa plastic at monobloc. Nalalatagan ang lamesa ng bulaklaking cover na gawa sa plastic.
Nasa pintuan na ang dalawa, nakakapagtakang walang dala na bag o gamit ang mga ito. Pero kakailanganin pa ba iyon ng anak nito? Malaking tao ang inuwi nito sa kanilang bahay. Mga six-footer na magse-seven na yata, greyish platinum ang buhok, namumutok ang mga muscle sa katawan, humahapit ang pantalon nito at bahagyang nakabitin ang scoop neck shirt nitong dark blue sa malapad na mga balikat.
Napansin ng matanda ang benda sa braso ng banyagang lalaki. Inangat na lang ni Mang Alberto ang lumang mug nito para inumin ang natitirang tubig. Pagkatapos, naabala na ang isa nitong kamay sa pagsasalansan ng kanin. Nakakamay kasi itong nagtatanghalian.
Pagsubo ni Mang Alberto ng pagkain, nasa dalawa pa rin ang mga mata nito.
Albie smiled nervously. Alam niyang presentable siya sa suot na bagong t-shirt at skinny jeans na bili sa kanya ni Boris, pero ang pagdala sa lalaki sa kanilang bahay… iyon ang sanhi ng nanunukat na tingin ni Mang Alberto.
"'Tay," nag-aalangan niyang lapit. Gusto niyang mag-mano pero hindi inaabot ni Mang Alberto ang kamay.
"Wala na bang kahihiyang natitira diyan sa katawan mo?" marahas nitong sita bilang pambungad sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro