Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven

HINDI NA NAKAIMIK pa si Albie sa ama. Inaasahan na talaga niya ang malamig nitong pakikitungo pero mas tumindi ang ka nyang pangingilag dahil aware siya na mas sisidhi iyon kapag sinama sa pag-uwi si Boris.

Nang hindi siya nakasagot sa inabi ng ama, nangibabaw ang nakakailang na katahimikan. Albie turned to Boris and saw him lift a blank gaze at him. Baka lalo pang maging awkward ang lahat kaya isinantabi na lang niya ang pasaring ni Mang Alberto.

"Sige ho, 'Tay, sasamahan ko lang po saglit si Boris sa magiging kwarto niya..." at nilingon niya ang binata. "Boris, let's go."

Nag-iwan sagli ng tingin si Boris kay Mang Alberto na tinuloy lang ang pagkain nito.

Tinungo ni Albie ang plastic na kurtina na nagsisilbing pinto sa kanyang sariling silid. Pinagsasaluhan nila iyon dati ng kanyang Ate Mina, pero dahil pamilyado na ang kapatid niya, malaya sila ni Boris na paghatian iyon.

Pagkabagsak ng kurtina, nagsalita na ang lalaki.

"So, your father... what's his problem? He doesn't want you to come home?"

Napabuntong-hininga na lang siya habang pinapagpagan ang naalikabukan nang papag. Pagkatapos, ilalabas niya ang banig para latagan iyon at lag yan na rin ng mga unan at kumot.

"Well..." ewan kung magkukwento pa siya kay Boris. Masyadong marami na ang kasinungalingan na pinagsasasabi nito sa kanya. Kaya naman hirap na siyang magtiwala pa.

Ang natitirang dahilan kaya kasa-kasama niya ngayon ito ay dahil sa atraso nito sa kanya. In-involve siya ng lalaki sa gulo nito kaya nararapat lang na bayaran nito lahat ng inconvenience na idinulot para sa kanya.Ginamit nila ang pera nito para ligtas siyang makaluwas ng Tondo, Manila, pauwi sa kanilang bahay. Ang pera rin nito ang ginamit para makakain siya ilang lingo bago tuluyang bumuti ang pakiramdam ni Boris.

"Hmm?" usig nito para magkwento siya.

"Ngayong malayo na tayo sa Zambales," mahina niyang usal habang patuloy sa pagkilos, "saglit ka lang rito sa bahay namin, Boris. Pwede ka nang makauwi kaagad sa Russia bago ka pa matunton dito ng mga humahabol sa iyo." He turned to face the tall man. "Maliwanag?"

"I'll stay here until I have fully compensated for all the trouble I put you through, Albie," masuyo nitong saad.

"Of course," ekis niya ng mga braso bago nilingon ang papag na inayos. "Dito ka matutulog."

"What about you?" tila inosente nitong tanong pero napalingon agad siya kay Boris.

Wala siyang nabanaag na malisya sa mukha nito. Nakahinga si Albie ng maluwag.

"Tatabihan ko si Tatay," aniya.

"Really? He doesn't look happy that you're here, how are you supposed to make him let you do that?"

"Problema ko na iyon," tungo niya sa direksyon ni Boris dahil nasa likuran nito ang pinto.

Lalagpasan pa lang niya ang lalaki nang pigilan siya nito sa braso. Nag-angat siya ng tingin dito.

"Albie," titig nito sa kawalan, "I've been meaning to not say this, but I just can't help it."

Hinintay lang niya ang susunod nitong bibigkasin.

"I'm impressed," his smile was faint, yet sincere. "Nakakatuwa ang ginagawa mo para sa tatay mo... kahit ganoon ang turing niya sa iyo."

Nagbaba lang siya ng tingin habang nakahawak pa rin si Boris sa kanyang braso.

"I may look the strongest between us," patuloy nito, "but when I was in your situation, what I did was run away."

"Nung nalaman ng magulang mo na..." titig ni Albie sa kurtina, "na bakla ka?"

Boris nodded and Albie saw it in his peripheral vision.

.

.

.

***

.

.

.

BUMABA MULA SA KOTSE SI OLIVIA. Nagmula naman sa driver's seat si Roger.

Kung titingnan, parang mga lima hanggang sampung taon ang tanda ni Roger kina Olivia at Boris. Bukod sa maraming guhit sa mukha nito, lagi pang seryoso o 'di kaya'y nakasimangot ang mukha. Lingid sa kaalaman ninuman na ganoon na ang naging mannerism ng gwardya ng Cool Waves dahil noong bago-bago pa lang ito ay laging narereklamo sa pagiging palangiti. Napagkakamalan pa siyang malisyoso lalo na nung mga babaeng ini-inspect niya ng bag o 'di kaya'y binabati pagkarating na pagkarating ng resort.

His smiley nature was the culprit for the lines on his face, why they etched deeper and sagged a bit was due to when he suddenly decided to just maintain a serious look or a frowned face.

Bilang kapatid ng may-ari ng Cool Waves, malaki ang concern nito tungkol sa nasirang mga kagamitan sa suite na tinuluyan ng mag-asawang Molchalin. Bukod pa roon, nakakapagtaka ang pagkawala ng padre de pamilya nito at anak na Nikolai ang pangalan.

Hindi talaga maganda ang kutob ni Roger kay Olivia. Hindi rin siya 'yung tipo na mae-enggayo sa ganda nito at maayos na pagdadala ng damit na para bang ariktokada. Ang dahilan lang ng pagtulong niya ay para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

At sisiguraduhin ni Roger na hinding-hindi mananagot ang resort sa gulo na sinimulan naman ng mga banyagang ito. Bukod doon, kataka-taka na burado lahat ng browsing history mula sa internet connection sa suite nila Boris. His security team can do that by viewing the browsing logs on their router. Hindi nagagawa iyon ng ordinaryong mga guest ng resort, o naiisipang gawin. Kaya lalong lumalakas ang suspetsa ni Roger na hindi maganda ang sitwasyon nila Olivia.

Ang isa pang nakakapagtaka para kay Roger ay ang pagiging composed ni Olivia. Nawawala ang asawa't anak nito, paanong nakakapag-react ng ganito ang isang ina at asawa na tulad nito? He would not entertain the idea of cultural difference.

Nitong nakaraan din, nagtanong-tanong sila sa mga tao sa resort. Wala silang napala masyado maliban kay Jelly na kaibigan ni Albie at isa sa mga katrabaho ng mga ito na si Joey.

Isang araw lang yata ang lumipas mula nang maglaho si Boris nang nawala rin na parang bula si Albie. Labis na pinagtaka iyon ng management. Ngunit walang kaide-ideya ang mga katrabaho nito, kaya naisipan ni Olivia na mag-imbestiga. Nadatnan na lamang ito ni Roger sa boarding house ng mga empleyado at kausap si Jelly.

Medyo naiirita na ang dalaga dahil wala itong kaalam-alam daw kung saan napunta si Albie. Sinisisi pa nito si Olivia na baka dahil dito at kay Boris kaya napahamak ang kaibigan nito.

Kung alam ko lang na mapapahamak ang kaibigan ko sa pagiging palakaibigan niya sa inyo... naalala ni Roger na pagtatapos ni Jelly bago namintana ang naluluhang mga mata dala ng galit. Binitbit na nito ang mga gamit para tumungo na sa resort noon at simulant ang shift nito.

Doon lang muling nakausap ni Roger si Olivia. Kinuwestiyon ng gwardya ang hindi nito pag-contact noong lumipas ang bente-kwatro oras at hindi pa bumabalik si Boris kasama ang anak nila.

Dinahilan lang nito na ayaw nitong palakihin pa ang gulo kaya nilalagay ang trabaho sa paghanap sa pamilya nito sa sariling mga kamay.

Hanggang sa ma-encounter nila si Joey. Ang sabi ng binata, parang natanaw daw nito sa bintana si Albie na may inaakay na malaking tao na balot ng jacket na parang tinatago raw nito.

Kaya heto siya ngayon at kasama si Olivia sa isang hotel.

"Are you sure that this is where they went?" sunod ni Roger sa dalaga.

"Yes," mataray ang tinig nito. "I just need to confirm this."

"How?" anito. "I don't think the staff would openly give information to just anyone."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Mapula dala ng mamahaling lipstick na gamit nito.

"I know, that's why we'll get it secretly," hinayaan siya ng babae na masabayan ito sa paglakad. "Distract the other receptionist," wika nito habang abot-tanaw na ang receptionist desk ng hotel. "And I'll handle the other one."

Habang papalapit, in-assess na ni Roger ang isa sa mga receptionist. Muling nabuhay ang nananalaytay nitong passion para sa piniling propesyon at kurso— ang Criminology. Excitement discreetly swept all over his system. Wala naman kasi masyadong aksyon na nagaganap sa Cool Waves maliban sa nakawan at pag-aaway ng mga lasing na guest. Kaya heto at ngayon lang muling nabuhayan ng loob ang binata.

After the longest time he stopped smiling, he finally tugged a grin and stood in front of the counter.

"Good morning," aniya. "Can you please assist me to the nearest comfort room?"

Binigyan siya ng direksyon ng babae. He leaned forward to create tension, stared deeply into her eyes. And the receptionist was no exception to his malicious-looking sexual charm.

"I'm not really good with directions. Okay lang ba kung..." he slyly gazed on her breasts, decently covered by her formal uniform, and displayed a playful smile before catching her gaze, "dalhin mo na lang ako sa gusto kong puntahan? It won't take that much time. I'm pretty in a hurry because my..." mahina siyang tumawa. "Alam mo na... namimintig na."

Nahihiyang napangiti ito. "O-Okay, Sir."

Pagkatapos ay nilingon nito ang kasamang receptionist na nasa kalagitnaan ng pag-accommodate kay Olivia. Nagpaalam lang ito bago umalis ng pwesto at nagpatiuna ng lakad para i-guide si Roger kung saan banda ang comfort room.

Marahil may iba pa itong inaasahan din pero sigurado si Roger na walang mapapala ang babae. Nang marating ang palikuran ng mga lalaki, sinigurado niya na wala masyadong mga tao bago ito tinaboy. Hindi naman niya ito kinakitaan ng pagkadismaya. Siguro hindi ito kasing malisyoso ng ibang babae na na-encounter nito.

Walang pinagkaiba kay Olivia.

Nang makapag-usap na si Olivia at ang receptionist, pinag-log ito ng babae sa logbook habang abala sa pagtitipa sa software na gamit ng hotel na iyon sa computer. Sumimple ng sulyap si Olivia sa abalang staff bago tinabig ang log book.

"Oh!" atras niya para pagmasdan ang logbook na bumulatlat sa sahig. "I'm so sorry! I'll get it!" yuko nito para pulutin ang logbook.

Sumulyap lang ang babae. Saglit na nag-alala pero hindi na nagsalita nang pangunahan na ni Olivia sa pagpulot sa log book. She bent over and immediately flipped the pages while in the middle of standing up. Binilisan niya ang pagbuklat sa bawat pahina, nagi-scan ang mga mata sa bawat letrang nakasulat doon. Nang mahanap na ang pinakadulo kung saan siya pipirma, pinatong na ulit iyon ng babae sa counter. She took a pen and signed her name on it. Iniwan nitong blangko ang contact number, address at email address.

Then she smiled at the receptionist.

"Thank you," ani Olivia bago pasimpleng hinanap ng paningin si Roger.

He bit the bait. He's gone.

Nang masigurado na hindi pa susulpot ang lalaki, nagmamadaling kinuha ni Olivia ang keycard at nilisan ang receptionist area. She booked a room for two just for show... para hindi magduda si Roger. Ngayon na may pagkakataon ito na takas an ang lalaki, nagmamadaling tinungo ni Olivia ang hagdan. Nilagpasan niya ang elevator dahil nasa 8th floor pa ito. Kung maghihintay ang dalaga, maaabutan ito ng guard na iyon na daig pa ang aso kung bumuntot.

She would be unable to get her job done with this man around.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro