Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Nine

"KAMUSTA KA NAMAN DIYAN, BORIS?" tanong ni Sloven mula sa video call.

Nasa computer shop na si Boris. Sa awa ng Diyos, may nahanap siya na bukas pa kahit alanganing oras na. Iyon nga lang, medyo natagalan siya sa paghihintay na may mabakanteng slot. Nagsisipag-tambayan kasi roon ang mga kabinataang nago-online games.

Maingay din ang mga ito kaya imbes na pasalita sumagot si Boris sa kausap, nagtitipa na lang siya sa chat. Naka-float naman ang video kaya pareho niyang nakikita ang chat box at video sa screen. Sinadya niyang liitan ang windows para wala masyadong nakakakita sa mga napapadaan o napapapwesto sa likuran ng kanyang upuan.

Ayos lang ako.

Umamo ang mukha ni Sloven. Makikita sa lalaki ang pag-unawa, ganoon na rin ang relief. He displayed a faint smile. Makikita sa likuran ng lalaki na nasa sarili itong kwarto.

Si Asja? tipa niya bago ini-send.

Kasama niya ang mga bata sa salas. Naga-almusal na sila.

Pwede ko bang makausap si Nikolai?

Ngumiti ito. Pero hindi abot sa mga mata. Oo naman!

Kumilos ito, saglit na nawala ang imahe at naglikot ang nakukuhanang video ng gadget na gamit ni Sloven. Narinig niya ang pagtawag nito kay Nikolai.

Sumulpot na ang mukha ng bata. Patay ang mga mata nito at bahagyang nakasimangot nang makita siya sa screen.

"Anak..." hindi niya mapigilang iusal iyon sa wikang Russian.

Nagbaba ito ng tingin, naghihintay na kausapin niya ito.

"Anak," mabilis niyang usal sa suot na mouthpiece, "basahin mo ang ita—type ko sa chat ha? Maingay dito eh."

Habang nagtitipa si Boris, sunod-sunod naman ang palatak ng mura ng mga player sa comshop na iyon. Karaniwang maririnig sa mga ito ang reklamo sa sobrang kupad daw ng internet connection at pagla-lag ng mga karakter.

Anak, kamusta ka na?

Tumingin si Nikolai sa screen. Ayos lang po ako. Dinala ako agad ni Bruno dito kina Sloven.

Pumapasok ka na rin ba ng school?

Oo, anito habang naglalakad patungo sa mas pribadong silid sa bahay na iyon. Umupo si Nikolai sa gilid ng kama at tumingin saglit sa paligid.

Hindi sana masama ang loob mo sa akin. Kinailangan ko lang siguraduhin ang kaligtasan mo, kaya kailangan muna natin magkalayo.

Hindi pa rin niyon napangiti ang bata.

Ayos lang, Papa, sagot nito. Hindi naman lingid sa akin ang sitwasyon natin. At mas ligtas ako rito kasama sina Sloven. Nagpadala ng security ang presidente para sa kanya.

Napamaang siya saglit. Pero ano pa nga ba ang nakakapagtaka roon? Niligtas ni Sloven Markov ang buhay ng pangulo ngayon ng Russia na si Liev pa rin.

At ang narinig ko, Papa, pagre-report ng bata, nagtatalo sila Sloven at ang representative ng presidente. Wala kasi silang balak na tulungan ka.

Pwede ba na kami na lang ni Sloven ang mag-usap tungkol diyan?

Nikolai nodded. Ibibigay ko na sa kanya itong tablet.

"Sandali," bulalas niya na pumigil sa bata sa tangkang pag-alis.

Papa?

"Huwag ka masyadong mag-alala sa akin, okay? Makakauwi ang Papa," pigil niya ang maluha habang sinasabi iyon nang nakatitig sa mukha ng bata sa screen.

Hindi man umunat ang labi ni Nikolai, parang lumiwanag naman ang mukha nito.

Naniniwala ako, Papa, na makakauwi ka. Nung nasa helicopter ako at iyak ng iyak, kinuwentuhan ako ni Bruno ng mga misyon na nagawa mo at mga masasamang tao na nakalaban ninyo.

Boris could not help smiling, teary-eyed as he watched his son.

Kinaya mo sila talunin, kaya alam ko, makakauwi ang astig kong Papa.

Mahina siyang natawa, napayuko at napailing-iling.

Hindi na siya nag-angat pa ng tingin. Ayaw niyang mapansin ni Nikolai na namamasa na ang mga mata niya sa labis na pagka-miss dito.

Salamat, anak. Mag-aaral ka diyan ng mabuti, at susunod sa instructions nila Sloven. Maliwanag?

Opo, Papa.

Humugot siya ng malalim na paghinga at binigyan ang anak ng huling sulyap bago muling lumabas sa video call ang mukha ni Sloven.

Sloven, may ipapadala ba kayong tulong dito sa akin?

Nagbago ang anyo nito. Nagkaroon ng pag-aalala.

Nag-request ako, Boris. Kaya lang, ang sabi raw ni President, delikado kung magpapadala siya ng tao riyan. Ibang teritoryo na ang Pilipinas, Boris, sa oras na ma-expose na may pinadala siyang mga tao riyan para tulungan ka, malamang na makisali rito ang Philippine government. Hindi pwedeng mangyari iyon dahil itong problema natin kay Poison ay.... medyo personal ang dating, personal kasi hindi naman gobyerno ng Russia ang pinagbabantaan niya kundi tayo... at tinutulungan lang tayo ng GRU dahil may posibilidad lang na involved si Poison sa mga nakaengkwentro natin sa mga naging misyon natin dati.

Kaya naman... nakasalalay ngayon sa iyo ang pagdiskubre kung sino si Poison, at kung maaari, ang paghuli na rin sa kanya.

Nagbaba siya ng tingin. Sa kanilang tatlo, alam ni Boris sa sarili na siya ang pinakamahina. Kaya nga kadalasan ay nasa likuran siya ng computer. Oo, may malaki at malakas siyang pangangatawan, pero dahil tinatalo siya ng mga insecurities na nag-ugat mula pa noong bata siya at nakaranas ng sekswal na pang-aabuso at pangmamata, he crippled himself by underestimating himself.

Naniniwala ako sa iyo na magagawan mo iyan ng solusyon. Sabihan mo lang kami ni Bruno kung kailangan mo na ulit ng susundo sa iyo paalis ng Pilipinas.

He typed. Hindi na ba talaga mapapakiusapan si President na magpadala ng taong tutulong sa akin?

Mahirap na, Boris. Lalo na at may isyu pa kay Olivia. 'Yung mga pinapahanap mo na profile ni Olivia, tsinek na ng GRU. They needed a further background check. Malinis kasi ang profile ni Olivia, walang detalye na nagli-link sa kanya sa sinumang nakalaban natin noon.

Ituloy niyo lang ang pag-research. Pero sigurado akong nakasunod na sa akin si Olivia. Sasabihan ko kayo kapag napaammin ko siya kung sino talaga siya at para kanino siya nagta-trabaho... kung sino talaga si Poison.

Sa ngayon kasi, malaki ang suspetsa ni Boris na tauhan ni Poison si Joey na katrabaho ni Albie, at si Olivia. Pinapaubaya niya ang pagre-research sa background ng mga ito kina Sloven dahil wala ang mga gamit niya, at namamahalan din siya sa pagrenta ng computer. Lalo na at para sa kanya, ang inferior ng features ng mga computer sa comshop.

Pagkatayo na pagkatayo ni Boris para lisanin ang comshop, doon lang ulit umayos ang internet connection at nakalaro ng maayos ang mga nakatambay roon na gamers. Nagbayad na siya sa bantay ng comshop na iyon. Galing ang pera sa secret na compartment ng kanyang wallet na hindi nasilip ni Albie para makumbinsi na walang-wala na siyang pera.

Pagkatapos, naglakad na si Boris pauwi.

Mabigat at makapal ang anino ng magkatapat na mga bahay na pinagigitnaan ng makitid na kalsada na nilalakaran niya. Medyo baku-bako na ang semento niyon, may mga biyak na laging basa at maputik. Mabilis na umatras si Boris nang aksidenteng malublob doon ang sapatos.

He walked on and felt something heavy.

A stare.

Hindi siya lumingon, tinuloy niya ang maingat na paglalakad.

In his peripheral vision, the silhouettes were already gaining on him. Nang makalagpas sa kanya ang mga ito, mula sa gilid ng kalsada, gumitna na ang mga ito para harangin siya. Halos lahat ay mahirap kilalanin ang mukha sa dilim ng paligid dahil sa sirang poste ng ilaw.

"Give me your wallet," ma-effort na pangi-ingles sa kanya ng isa sa mga lalaki. Sa palagay niya, kanina pa siya namatyagan ng mga ito at inabangan ang paglabas niya sa comshop na pinanggalingan.

Sa likuran ni Boris ay may magtatangkang manutok sa kanya ng kutsilyo.

But his reflexes were fast. Sinalo niya agad ang kamay ng may hawak niyon. Pinihit niya ang pulsuhan nito para mabitawan ang kutsilyo. Matunog na bumagsak ang patalim sa sahig.

Doon na naalarma ang mga ito at sinugod siya. Inikot ni Boris ang hawak na braso kaya paikot na nabalibag niya sa semento ang lalaki bago hinarap ang iba pa.

Sinalo niya ng isang kamay ang pamalong pabagsak na sa kanya. Hinila iyon ng kaunti para ilapit ang umaatake at malakas na matadyakan ito sa sikmura.

Dumaing ito pagkabitaw sa pamalo nito at napaatras.

Natamaan naman siya ng tubo malapit sa nakabendang parte ng kanyang braso kaya pinaikot ni Boris ang naagaw na pamalo mula sa naunang umatake. Humigpit ang kamay niya sa hawakan ng dos por dos bago iyon pinamalo gilid ng ulo ng pumalo sa kanya. Mahilo-hilong umatras ito at bumagsak.

Nasa kasagsagan sila ng pagbabakbakan nang may matanaw siyang papalapit na ilaw. Lumaki iyon ng lumaki hanggang sa maging bilog na headlights ng motor ng patrol tricycle ng barangay na iyon.

Nagmamadaling kumaripas ng takbo ang mga kalaban ni Boris. Nagkukumahog makabangon ang lalaking pinilipit niya ang kamay. Tinutok niya ang malamig na titig dito bago hinablot sa bandang balikat ng suot nitong lumang t-shirt. Halos mawarak pa iyon dahil nanlaban ang lalaki. Hinablot niya tuloy ito sa buhok bago halos kaladkarin kasama niya.

He walked toward the tricycle.

Samantala, unang bumaba si Albie at hinubad ang isa nitong tsinelas. Walang anu-anong sinugod siya nito at pinalo ng tsinelas sa gilid ng hita.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" pagtataas agad ng boses nito sa kanya.

He pulled at the hold-upper's hair to show him off to Albie and the barangay officer.

"This one and his friends tried to steal my wallet."

Mukhang magsasalita pa sana si Albie kaya lang, natigilan dahil nakalapit na sa kanila ang kasama nitong nagpa-patrol. Mukhang humingi ng tulong sa mga ito si Albie nang ma-realize na nawawala siya.

.

.

HE MUTTERED A CURSE. Then threw a glance at Albie. Nailagay na nito ang huling ginamit na bulak sa nakahandang plastic. Tumayo na ito at mataray na tinaasan siya ng kilay.

"Iyan, ha? Magtangka ka pang takasan ako."

"I didn't!" Boris was defensive. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng papag na pinaghahatian nilang tulugan ni Albie.

Madaling araw na sila nakauwi dahil natagalan sila sa barangay para i-report ang nangyari sa kanya na pang-ho-holdap. Matapos i-detain doon ang lalaking naisama niya sa barangay hall, dumaan pa sila ni Albie sa isang convenience store para mamili ng gagamitin sa paggamot sa tinamo niyang mga sugat.

"Oh, talaga?" yuko nito para titigan siya ng mata sa mata. "Alanganing oras, nasa labas ka? Akala mo, hindi ko mase-sense na tinatakasan mo ako?"

His eyes narrowed.

"Wala akong pakialam kung gusto mo nang umalis, oy!" panlalaki pa ng mga mata nito sa kanya. "Basta mabayaran mo muna ako dahil sa backpay na hindi ko nakuha dahil sa iyo—" naputol ang sasabihin nito ng pagsinghap nang hablutin niya ito sa baba. Masusubasob ito kung hindi agad naitukod ang kamay sa papag, sa gilid ng isang hita ni Boris.

He pulled Albie to draw his face close to him.

Nang makuha ang resultang gusto, mapanghamong nginisihan niya ito.

"You think I'll run away from you? When I say something, I do it, Albie. Take my word for it."

And their gazes lingered to what felt like forever.

Unti-unting nilapit ni Boris ang mukha rito. Tinakam ang sarili sa nakaawang nitong mga labi.

"Come on, stop being so cruel now," he sexily grinned. "You used to like me so bad. Why so feisty now, Albie?"

Nilapat nito ang isang kamay sa kanyang dibdib nang tangkain niyang yapusin nito.

"Dahil nilagay mo ako sa panganib. Ginamit mo ako, kaya gagamitin din kita. Para magkaroon ng pera."

"That's what you do with us foreigners here, isn't it?" he spat bitterly. "Use us for money."

Tampal ang natanggap niya mula rito.

"Huwag kang manglahat. Remember, dinamay mo lang ako sa gulo mo. Ang gusto ko lang, maibigay mo sa akin 'yung pera na hindi ko na nakuha dahil pinasok mo ako sa kung anong gulo na dala mo." Tumuwid na ito ng tayo, tutal pinakawalan na rin naman ito ni Boris nang masampal.

Hindi na makuha pang tumingin ni Boris kay Albie. Tama naman kasi ito. May karapatan ito na tratuhin siya ng ganito. Si Boris ang naunang maggamit kay Albie. Ngayon, dapat niyang pagbayaran ang pagdawit dito sa gulo na involved siya.

Lumabas na si Albie ng silid na iyon. Mukhang hindi na rin ito babalik pa ng tulog dahil narinig niya ang paggalaw nito sa mga gamit sa kusina. Sa sobrang liit ng bahay, rinig na rinig sa kwarto ang kalansing ng takure at mga kutsara.

Boris stared blankly at nowhere, his thoughts were far from where he actually was as he felt the band aid on the side of his jaw.

.

.

.

***

.

.

.

NAGMULAT NG MGA MATA SI BORIS. Gusot ang mukha na bumangon siya, nagtataka kung anong oras na. Bumangon siya, hinihilamos ng kamay ang mukha. Hindi maipinta ang hitsura ni Boris sa sobrang panlalagkit dahil sa pagpapawis. Nasobrahan yata kasi ng init sa silid na iyon. Kahit ang hangin na buga ng electric fan ay mainit. Naghubad tuloy siya ng suot na shirt at pinamunas iyon sa sarili. He draped the shirt over his left shoulder. Tumayo si Boris, lumakad at huminto sa tabi ng pintuan na kurtina lamang ang harang. He made sure to stand on the side so that his silhouette would not be seen on the curtains. Nanainga siya sa nag-uusap sa may bandang dining table.

Kay Albie ang boses, pero ang kausap nito... hindi katunog ng tinig ni Mang Alberto.

Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinapakinggan ang mga ito.

"Ay ang swerte mo namang bruha ka!" tawa ni Albie.

Tumawa na rin ang kausap nito. Medyo boses babae...

Lalaki na pinababae ang boses.

"Well, alam mo naman itong ganda ko, girl, walang ligtas ang mga fafa sa rabies ko, este kamandag pala."

Tawanan.

Napahalukipkip na lang si Boris habang pinakikinggan ang mga ito.

"Hoy, ah, sureness na iyang nire-recommend mo na talyer, ha?"

"Oo naman, bakla! Pramis, naghahanap talaga si Babe ko ng bagong tao. Pak na pak iyang si Fafa Boris para doon."

His teeth exposed as he cringed. Bakit ba tinatawag din siya ng kausap ni Albie na fafa?

Para yata siyang maaalibadbaran.

"Ay, thank you!" masayang wika ni Albie.

"Oh, pero, 'wag magiging My Amnesia Girl, ha? Rarampa ka kasama namin sa Pride Day Parade!"

"Oo naman?"

Tumalim ang mga mata ni Boris.

Pride Day Parade?

"Oh, siya," narinig niya ang pag-usog ng mga upuan. "Gorabels na aketch, ha?" paalam ng kausap ni Albie. "Pa-beauty ka pa, girl, para bonggacious ang impression sa iyo ng mga bakla kapag pinakilala kita sa kanila."

Bumungisngis ang mga ito.

"Ako pa? Oo naman!" ani Albie na hinahatid na ang bisita nito palabas ng bahay.

Doon lang lumabas ng kwarto si Boris. Habang nakatanaw si Albie sa paalis na bisita, sumimple siya ng tayo sa likuran nito at tinukod ang isang kamay sa hamba ng pinto.

Papasok na ulit si Albie nang muntikan nang mabangga sa kanyang malapad na dibbdib.

Nanlaki ang mga mata nito. Napalunok dahil sa nakalantad niyang katawan bago nag-angat ng tingin sa kanyang mga mata.

"You're joing a Pride Day Parade?" seryoso at may pagbabanta sa himig ng pananalita niya.

"Oo," mataray na pamewang nito. "At wala ka na dun." Nakuha pa ng maldita na ngumuso. "Oo nga pala, good news, nahanapan na kita ng pwede mo maging trabaho."

"Hindi ka sasali doon," mahigpit niyang saad.

"Maalam ka ba sa mga kotse?" balewala nito sa sinasabi niya. "Kasi naghahanap daw ng tao ang boyfriend ni Mutya sa talyer."

"Talyer?" kunot-noo niya dahil hindi niya tanda ang ibig sabihin ng salitang iyon.

"Car shop," paliwanag nito. "You know, where you can fix and clean cars."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Alam ni Boris na kung ikukumpara, si Bruno ang mas maalam sa kanila sa mga kotse. But hey, he had been with Bruno for quite a long time before they decided to live a normal life.

Kaya wala siyang dahilan para tanggihan ang trabaho na sinusuhestiyon ni Albie na tanggapin niya.

Kailangan din para hindi na siya sungitan nito.

"Well... sure," yuko niya para ilapat ang noo sa noo ni Albie. "Now that I am getting a job, will you make lambing to me already when you talk?"

"Tadyak sa balls, gusto mo?"tulak nito sa ilong niya para mailayo ang mukha niya rito.

Natawa lang si Bruno. Binangga siya ni Albie para makabalik na ito sa loob ng bahay.

"Where's Mang Al?" sunod niya rito sa loob.

Nililigpit na ni Albie ang pinag-inuman nila ng kape ng bisita nito.

"Nasa kapitbahay lang," tungo nito sa lababo.

Napawi ang malapad niyang ngiti. Pinasya ni Boris na panoorin ang kilos ng binata habang naghuhugas na ng mga mug at nakatalikod sa kanya.

Medyo nalulungkot siya dahil parang nangapitbahay lang si Mang Al para iwasan na makausap ang lahat.

Bakit nga ba kung sino pa ang inaasahan nila na makakaunawa sa kanila, sila pa ang mga tao na hindi sila tanggap sa pagiging bakla nila?

Hecould not help feeling sad for Albie. Whatever Albie was going through, Borishave been there, done that too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro