Chapter Ten
HINDI MAPAKALI SI BORIS. Iniwan niya saglit si Nikolai sa pangangalaga ni Olivia para saglitin ang laptop sa hotel. Nag-double check siya sa mga surveillance cameras sa kalye kung nasaan ang apartment na tirahan nila ni Nikolai, may napansin siyang kotse na apat na beses dumaan doon.
Sinubukan niyang i-zoom in ang plate number at in-email ang na-decipher kina Sloven at Bruno. Umaasa si Boris na may koneksyon ang mga sasakyang iyon kay Poison. Pagkatapos magpadala ng email, napansandal siya sa kinauupuan at pinanood ulit ang na-record na video.
Walang lumalabas sa sasakyan, obserba niya sa pinapanood. Posible na nagmamanman muna sila bago gumawa ng anumang kilos.
Posibleng may ideya na rin sila na wala kami ni Nikolai sa apartment.
Kung tauhan man ni Poison ang nasa sasakyan, may kutob ako na hindi pa rin namin sila mate-trace gamit ang plate number na gamit nila. Hindi naman siguro sila ganoon kabobo para gumamit ng plate number na magta-track sa location nila, o sa tunay nilang pagkatao.
Pero umaasa pa rin ako na sana, ganoon sila kabobo.
Ini-stop na ni Boris ang video at ini-maximize sa screen ang kasalukuyang nire-record na video.
Kung alas-diyes na ng umaga sa Pilipinas, alas-singko naman sa Russia. The sky was dark blue, the streets were lifeless and quiet. Nilipat niya ang screen sa shot sa pasilyo ng apartment. May nakita siyang isa sa mga tagaroon na lumabas dala ang bag nito. Marahil, maagang bibiyahe papunta sa trabaho nito.
Napaangat siya ng tingin nang makarinig ng pag-doorbell.
Imposible namang sila Olivia ang mag-doorbell. Hindi siya tumayo agad mula sa kinauupuan. Nakiramdam si Boris sa paligid hanggang sa marinig ang ikalawang pag-doorbell. Alertong hinila niya ang isa sa mga drawer ng dresser table at kinapa ang tinatabing baril doon.
Third doorbell.
Baka may nagdo-doorbell lang para ma-distract siya. Posibleng kapag tinungo niya ang pinto, biglang may pumasok sa bintana, at mula sa likuran siya atakehin. Boris remained still until he heard the door click open.
"Housekeeping!" anunsyo ng pamilyar na boses.
Nanigas siya sa kinauupuan, ang kamay ay dahan-dahang binibitawan ang baril sa loob ng drawer. Bumukas na ang pinto at may narinig siyang gulong ng cart na pumapasok sa silid. Mula kasi sa pinto, hindi makikita sa anggulong iyon ang pwesto ni Boris, kaya naman nang tuluyang makapasok ang housekeeping, nagulat ito.
Boris turned and hid his reaction upon seeing Albie.
Naka-uniporme ito na kulay asul at pantalon. The calming colors balanced his animatic presence. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang makita siya. Palagay niya, naaasiwa pa ito dahil sa nangyari kagabi.
Oh, well... Boris just grinned and scanned Albie with his eyes.
"Hi," bati niya rito.
"Ah... eh..." lumunok ito. The movement of Albie's Adam's apple... he wanted to stroke that with his fingers next time...
A malicious grin played on his lips. Oh, yes. Next time.
"Sir, am I disturbing you? You can finish your stuff there, then I'll come back to clean your room."
"Not at all," kampante niyang wika habang ino-off ang sinet na mga laptop. "I'm glad I am here when you arrived. I have some instructions."
Nanatili itong nakatayo sa paanan ng isa sa mga kama at pinapanood ang kanyang pagkilos.
"Never ever touch these laptops," bilin na ni Boris dito.
"Noted, Sir," magalang nitong wika.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Mukhang nagpapaka-professional ngayon si Albie, pinapalabas na wala itong naaalala sa mga nangyari kagabi.
Maybe, he should stir things up a bit.
Give him a little hint, maybe?
A hint that he was not yet done with him.
Why wouldn't he just let Albie do his job?
Ano ba ang magagawa niya? Inaatake na siya ng pagiging pilyo.
And it was refreshing to see Albie cleaning the room... their room... his room. Pagka-off ng laptop, tumayo na si Boris at tinapunan ng malagkit na tingin ang lalaki. Let Albie be bothered and smothered by his gaze. He didn't care if he does.
After all, he stared at him for that intention.
"Never touch those laptops," maingat niyang hakbang palapit dito. "You can touch everything in this room but not those laptops," he continued throatily.
"Yes, Sir," nahihiyang tango nito at nilabas mula sa strap sa bewang nito ang isang spray bottle. Napisil ni Albie ang trigger niyon nang ilapat ni Boris ang kamay sa balikat nito.
Gulat na napasinghap si Albie. Saglit lang siyang napaatras nang makita ang basa sa suot niyang shirt mula sa spray bottle na hawak ng lalaki.
"Ay, sorry, sorry," tatalikod sana ito para kumuha ng pamunas pero marahas niyang pinihit paharap si Albie at hinapit palapit sa katawan niya.
A nervous laugh slipped from his lips. "R-Russian Daddeh, you are drunk na naman yata..."
"I am not," he spoke lowly, drawing his face closer to Albie's. "But maybe we can get drunk and have some fun tonight again, hmm?" hilig niya ng ulo para ilapit ang mga labi sa tainga nito.
"My God, your wife is going to be angry..." alanganin pa rin nitong tawa. Sa palagay niya, pinepeke na lang nito ang tawa para ipalabas na hindi ito natatakot sa kanya.
Tumuwid na siya ng pagkakatayo. "Olivia isn't my wife," abot niya sa dulo ng suot na shirt at walang anu-anong hinubad iyon sa harapan ni Albie. Nahuli niya ang pag-awang ng mga labi nito nang tumambad na sa lalaki ang pinagmamalaki niyang katawan. Maingat na pinunasan niya ang dibdib at abs gamit ang hinubad na shirt.
He made sure his strokes would be slow, and a smile crept on Boris' face upon seeing fascination in Albie's eyes. Muli itong napalunok. Binabaan pa niya lalo ang kamay hanggang sa itapat niya iyon sa pagitan ng mga hita niya.
Mabilis na inangat ni Albie ang mga mata para salubungin ang titig niya.
"Obviously, you need to get to know me much better," ngisi niya rito. "I'll see you after your shift tonight. Let's have a light dinner and some chat."
Napamaang na lang ito sa kanya,hindi mahagilap ang sasabihin. Boris liked that. Ibig sabihin wala itongpagtutol. Kinuha niya ang isa pang kamay ni Albie at nilagay doon ang hinubadniyang shirt. Sinadya niyang ikiskis ang gilid ng hita sa pagitan ng mga hitanito bago ito iniwanan sa hotel room na iyon.
.
.
***
AN
One more chapter to gooooo <3 <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro