Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

KAKABALIK LANG nila Albie sa tinutuluyang boarding house nang makatanggap ng tawag sa cellphone mula sa kanyang Ate Mina.

"Ate Mina," sagot ni Albie sa kausap habang nakaupo sa gilid ng papag sa silid, "alam mo naman na hindi ako agad makakauwi diyan. Sayang naman ang pamasahe kung uuwi na ako tapos babalik ako rito sa susunod na buwan para sa last pay ko at certificate."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Eh paano naman ako, Albie? May pamilya ako. May mga anak na inaalagaan at inaasikasong asawa.

He began pleading. "Ate Mina naman, oh," gusot ng kanyang mukha, "kaunting tiis naman, please?"

Kung bakit naman kasi sa pagkalayo-layong Zambales mo pa naisipang mag-trabaho! Kapag ganitong kailangan ka ang hirap mong hagilapin! pagbubunganga na nito na para bang nakalimutan na ang tunay niyang sitwasyon.

Kaya lang naman lumayo si Albie sa pamilya niya ay dahil hindi pa rin tanggap ng tatay niya na bakla siya.

Nakapagtapos naman si Albie ng kolehiyo sa kursong HRM. Nang nakapagtapos, doon na umamin si Albie tungkol sa tunay niyang sexual preference. Akala kasi niya, matatanggap siya ng ama lalo na at kahit na bakla siya, nakapagtapos naman siya ng pag-aaral.

Pero hindi natuwa ang ama niya. Araw-araw lang sila nagsusumbatan at nagpapalitan ng masasakit na mga salita. Hindi man gusto ni Albie na umalis nang hindi sila nagkakaayos, hindi naman siya makakapag-focus sa pagta-trabaho at magkakaroon ng peace of mind kung dama niya ang presensya ng ama at araw-araw itong nagagalit sa kanya.

Pinapakiusapan na lang niya ang kapatid na si Mina na huwag ipaalam sa ama na tumutulong siya sa mga gastusin nito. Pinapalabas na lang iyon na tulong galing kay Mina at sa asawa nito. Ayos naman noong una ang Ate Mina niya sa set-up na iyon. Pagpapadala lang naman ng pera ang ginagawa nito. Pero dahil magiging alagain na ang ama nila, hindi iyon convenient para sa kapatid niya na ang layo-layo ng tinitirahan mula sa tirahan ng ama niya sa Tondo. Isa pa sa pinoproblema niya ay kung makiki-cooperate kaya ito? Baka magmatigas ang ama sa kanya dahil hindi pa rin siya nito tanggap.

Pakiusapan mo ang HR mo, na sana bilisan ang pagproseso diyan sa pagre-resign mo!

As usual, hindi na sinagot-sagot pa ni Albie ang kapatid. Pagkatapos nilang mag-usap, naglakad-lakad na siya sa tabing-dagat para makasagap ng sariwang hangin. Magkakatapusan pa lang ng Pebrero, kaya naman nagtataasan pa rin ang mga alon. Madilim na ang karagatan, nakakatakot pagmasdan ang pagdidikit ng anino ng gabi at ang nangangalit na malalim nitong katubigan.

Dinig na dinig ni Albie ang paghampas ng mga alon. There were faint voices on the background. Marami-rami pa kasing mga guests ang palakad-lakad o tumatambay sa tabing-dagat ngayong alas-nuwebe pa lang ng gabi.

Bitbit niya ng isang kamay ang tsinelas habang damang-dama ng mga paa ang init ng malambot na buhangin. Napahinto siya nang may matanaw na mga lalaki sa dalampasigan. Nakaupo ang mga ito roon at kapwa nag-iinuman. He assumed they were drinking because of the bottles they were holding.

Habang papalapit si Albie sa direksyon ng mga ito, may nakapansin sa kanya at nag-angat ng ulo.

Those grey eyes watched him approach closer. Albie had to admit that it was strange to feel this way. It was strange that inspire of the dim lights from the posts feet away from the sea shore, he could recognize this man's strong presence.

"Ay, ikaw!" tarantang turo niya rito. "Ikaw!" nagmamadaling lapit ni Albie sa lalaki.

Tumingala lang ito sa kanya, tinukod ang kamay sa bandang likuran ng kinauupuan para salubungin ang kanyang tingin. His wet blond hair matted on his forehead and its sides.

"Russian Daddeh!" patuloy niya. "Why did you give me that? It's pervert!"

Hindi malaman kung matatawa ba ang lalaking kasama ni Russian Daddeh sa kanya. Paling ang naging ngiti nito habang nagpipigil matawa. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Russian Daddeh.

"Pervert?" tumuwid ito ng upo, naghahanda na tumayo. "What are you talking about?"

"The brief!" he blurted.

Napailing-iling ang kasama ni Russian Daddeh at tumayo na ito para harapin siya. Albie had to gulp when his eyes found itself scanning the man's body. Halata na lumangoy pa ito dahil pumapatak ang tubig ng dagat mula sa buhok nito at hubad na katawan. His wet shorts clad his thighs and waists... and bulge. The subtle dim light reflected against the skin of his pecks and abs, glistening before Albie's eyes.

"What's wrong with the brief?" maangas nitong saad. "I assume you're a male, so it means, you wear briefs!"

"Why give me that?" usig pa rin niya.

"Why not?" his hand holding a bottle of beer waved a bit.

"It's... It's pervert!"

"How come it is pervert?"

"It's not like a brief!" Hindi alam ni Albie kung paano ie-explain ang sarili. Ang sagwa lang kasi suotin nung jockstraps na binigay ni Russian Daddeh sa kanya. Parang ang halay pagmasdan sa salamin dahil sa disenyo niyon.

"It's a jockstrap," he sounded tired of debating with him. May pagkabagot sa pagkakatitig ng mga mata ni Russian Daddeh sa kanya. Pagkabagot o marahil senyales ng kaunting kalasingan. "It's the best kind of brief that supports your injured balls."

Hindi niya alam ang isasagot doon. Ganoong klase ba ng brief ang dapat suotin sa naging kondisyon niya kanina?

"It's okay now," hindi pa rin siya kumbinsido sa paliwanag ni Russian Daddeh, pero dahil ang sarap-sarap nitong pagmasdan, palalagpasin na lang niya. "Thank you."

"Hey, Boris," singit na sa wakas ng kasama nitong lalaki. "Let's go?"

There was something mischievous with that man's smile for Russian Daddeh. Masama ang naging kutob ni Albie.

He just could not put a finger on it. Kung bakit hindi maganda ang kutob niya tungkol sa lalaki. Sinulyapan lang ito ni Russian Daddeh, na Boris pala ang pangalan, bago tumingin ulit sa kanya.

"Go ahead, I have to talk to this one."

Hindi maganda ang nakuhang tingin ni Albie mula sa lalaki pero hindi na ito umimik pa. Tumango lang ito bago lumakad palayo sa kanila. Ngayon, na kay Boris na ulit ang atensyon ni Albie. Nahuli niya ang pagkakatitig nito sa kanya.

"Do you really have to embarrass me like that?" he hissed, leaning down to draw his face closer to his'.

Naaamoy niya ang alak mula sa hininga nito. Albie had a distaste for the scent of beer. Oo, nag-iinom din naman siya, pero hindi siya nabanguhan sa amoy ng alak. Kaya nagtataka siya kung bakit parang ang bango-bango ng alak kapag nanggaling sa mga labi ni Boris.

His lips were moist with the touch of the drops of the beer he drank. His piercing eyes stared into his eyes.

"You really have to blurt it out! All out and in front of him!" tukoy nito sa kasama kanina.

Paano ba niya ipapaliwanag na nadala lang siya nung nakita si Boris? Hindi na tuloy nakontrol ni Albie ang mga pinagsasasabi o ang lakas ng boses niya. Kahit naman siya, nakaramdam ng pagkapahiya nung natanggap iyon galing kay Boris. Parang iba kasi ang dating sa kanya.

Ie-entertain niya iyon kung single si Boris at pumapatol sa katulad niya. Pero may anak ito. May kasa-kasama pa na magandang babae. And they don't have any kind of relation at all. Kaya paano siya makikipag-deal kapag binigyan siya ng ganoong briefs?

"I'm sorry," pagpapakumbaba na lang niya.

Napasinghap si Albie nang hablutin siya ni Boris sa baba. "And..." he slurred, "tell me something."

Napalunok siya sa mas paglapit ng mukha ni Boris. He was studying his face. Na-conscious tuloy siya. Baka may naliligaw siyang pimple ngayon at mapansin ng lalaki.

"W-What?" nababahala siya at nahihirapang salubungin ang intensidad ng pagkakatitig ng mga mata nito.

His sexy slurred voice dragged out a question for him. "Are you gay?"

.

.

***
AN

Good evening!!! <3 <3 <3

I am back with new chapters for #AManofHisWord ! <3 Enjoy reading! <3

Itatayp ko pa lang pala yung Chapter 7 at 8, so it might take some time ^_^'

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro