Chapter One
KATAHIMIKAN ang namamayani sa backseat ng isang Grab taxi. Maging ang driver ay naka-focus lang sa pagmamaneho nito sa kasagsagan ng maluwag na highway patungo sa isang beach resort sa Zambales. Ang pasahero nito ay isang bata na nasa pitong taong gulang at si Boris Molchalin na halos mamaluktot na sa kinauupuan.
Hindi na nakapapagtaka kung may bahid ng intimidasyon sa driver kaya hindi makadaldal masyado sa kanya. Sa nakakalula niyang taas— he was freaking seven feet tall!— at malaking katawan, kahit sino ay makakaramdam ng pagkaduwag sa presensya niya. Boris has a fierce set of gray eyes, long lashes and strikingly-straight eyebrows. Trimmed na ang kanyang yellow-blonde na buhok dahil kailangan niyang magmukhang kaaya-aya lalo na para sa kanyang anak na si Nikolai.
Nikolai, at seven, was already athletic in figure. Masyado kasing aktibo ang bata sa pagbibisikleta at paglalaro sa Russia kaya naman ganoon ito kapayat. His platinum blonde hair hung straight in a bowl cut that suited his dream-like face— like a lifeless doll with clear blue eyes and an intricate bow on his lips.
Nag-angat ng tingin ang bata at nilingon siya. Dama ni Boris ang titig nito pero inignora iyon dahil abala siya sa pagbabasa ng Russian-Tagalog dictionary. Hindi pa siya ganoon ka-confident sa napag-aralan niya sa loob ng isang taon kaya heto at nagre-review na naman siya.
Suplado ang dating ng pagtataas ng kilay ni Nikolai bago nito binaba sa kandungan ang gamit na tablet. His gaze was piercing.
"Papa," tawag nito sa kanya bago nakipag-konberso sa wikang Russian, "kailangan mo ba talagang matutunan ang salita rito? Nakakaintindi naman sila ng English, 'di ba?"
He closed the book and looked at his child with pride. Hindi masasabi ni Boris na dahil sa pagpapalaki niya kaya may sense of maturity si Nikolai kung magsalita at kumilos. Lagi niyang pinagpapalagay na marunong ang bata mag-isip para sa sarili nito at nang mapagtanto na silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay, walang nanay na mag-aaruga rito kapag wala siya, natuto si Nikolai sa sarili nito at mula na rin sa kanyang paggabay.
Proud siya dahil hindi tulad ng ibang bata si Nikolai na maraming arte sa katawan.
Malulungkot siya kung ang nagtutulak sa bata na magkaroon ng ganoong behavior ay dahil alam nitong ampon lang ito, at nagpapakabait dahil baka pakiramdam nito ay itapon niya si Nikolai kapag hindi sumunod sa kanyang mga gusto.
Hindi sana siya nagkulang sa pagpaparamdam dito na mahal na mahal niya ito.
Pagmamahal na para sa isang tunay na anak.
"Alam ko," malumanayniyang sagot. "Pero siyempre iba na rin 'yung maalam ako. Ang hirap sa pakikipag-usap sa taga-ibang bansa, wala kang ideya kung 'yung translation nila sa iyo ay 'yung aktwal na sinasabi nila sa akin. Kaya dapat nakakaunawa din ako ng lengguwahe nila."
Tumango-tango ito at sumulyap sa hawak niyang libro.
"Magbabakasyon lang naman tayo rito, 'di ba, Papa? Hindi naman tayo magtatagal, kaya naguguluhan lang ako kung bakit kailangan mo pang magtiyaga diyan."
Ngiti na lang ang naisagot ni Boris. Hay, matalinong bata talaga si Nikolai.
"Palibhasa, ang tamad mong magbasa ng libro," may himig ng pagbibiro iyon.
Nikolai snorted. "Boring." At binuksan na ulit nito ang hawak na tablet para maglaro ng game app na naka-install doon.
Hinayaan na lang niya. Tutal, deserve din ni Nikolai na maranasan ang pagiging bata kaya paglalaruin niya ito hangga't gusto nito. Ang pino-problema lang ni Boris ay kung paano sasabihin sa anak na hindi talaga bakasyon ang pinunta nila sa Pilipinas.
Narito sila para magtago.
Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang makatanggap si Boris ng sulat galing kay Sloven— ang dati niyang boss na isa sa mga espiya ng GRU (Main Intelligence Agency of the General Staff of the Armed Forces of Russian Federation) noon. Wala siyang ideya kung saan mismo galing o sino ang nagdala dahil halata naman sa sobre na hindi iyon dumaan sa postal office. Binasa niya ang sulat at napagtanto na kaya hindi ito nag-email o nag-phone call ay para masigurado na walang makaka-trace sa mga sasabihin nito.
Lately, Sloven and his family were receiving death threats from someone who introduced itself as Poison. Ayon kay Poison, iisa-isahin nito ang mga dating tauhan ni Sloven, kabilang siya, bago saktan ang pamilya nito. Anuman ang layunin ni Poison, wala pa silang ideya. Sineryoso lang ni Sloven ang mga banta nito noong may magtankang dumakip sa anak nitong si Siberia Snow habang nagre-recess sa pinapasukan nitong paaralan. Inabisuhan na rin siya ni Sloven na mag-iingat at kung maaari ay magtago-tago.
He was worried about the Sokolov family too, and also Bruno and his family in Pulau Sapi, Malaysia, but he should ensure Nikolai's safety the most. Kaya kailangan niyang lumayo sa mga ito at magtago sa ibang lugar. Sloven tried his best to assure them that they will receive updates about Poison. Bukod doon, nakipag-coordinate na si Sloven kay Gregori— ang hepe ng GRU— na mag-assign ng isa sa mga taga-intelligence para magmanman para rito.
Sloven liked his idea of settling in the Philippines for a while. Mas mahihirapan si Poison na maisa-isa sila kung magkakalayo ang mga lugar na kasalukuyan nilang tinitirahan.Maliban na lang siguro kung may napakarami itong tauhan.
Sumuluyap siya saglit kay Nikolai at sa liwanag ng papalubog na araw na humahaplos sa gilid ng mukha nito na nakaharap sa katabing bintana.
Pasensya na, anak, kung ganito kagulong mundo pa ang mababahagi ko sa iyo. But I will make it a point that you'll stay safe, even if it will cost my life. I do as I say.
At binuklat na niya ang libro para ituloy ang pagbabasa sa pahina na inipit kanina ng kanyang daliri.
.
.
BUHAY na buhay ang Cool Waves tuwing sasapit ang dilim. Sa ganoong oras kasi kadalasang natitipon sa loob ng resort ang mga guests, at napupuno ang kanilang bar at restaurant. May mga safety-conscious din sa mga ito kaya pinipili na gamitin ang indoor pool imbes na makipagsapalaran sa madilim na dagat sa tapat ng resort, lalo na at kilala ang mga beach sa Zambales na may nagtataasan at malalakas na mga alon.
Chatter noises filled the building as Albie sashayed toward the bar counter. Nakasuot si Albie ng uniporme nito na kulay light blue na polo shirt kung saan may naka-embroider, gamit ang puting sinulid, na logo at pangalan ng resort na pinagta-trabahuan. His hair was cut short and neat, requirement kasi ng management ng resort. Ang pang-ibaba niya asul na jeans at puting rubber shoes.
Pinadulas nito ang kamay sa counter at malanding nagpamewang bago dramatic na pinihit ang ulo para lingunin ang bartender doon na si Prince. Pinanlakihan siya nito ng mga mata bago natawa sa pag-iinarte na nasa mukha niya.
"Aba, Albie, ano at napadpad ka rito?" ngisi na ng bartender sa kanya.
"Prinsipe ng buhay ko," papungay niya ng mga mata, "nakita mo ba ang sinisinta kong si Kael?"
Napayuko ito habang tinutuloy ang pagpupunas sa estante sa baba ng counter habang natatawa sa mga nalalaman niyang kalokohan sa buhay.
"Ang sinisinta mo ay naka-assign ngayon sa restaurant. Hindi ba, napag-meeting-an na kahapon na doon muna siya ito-toka dahil sick leave pa rin si Joey ngayon?"
Napalabi siya at pumalumbaba sa counter para pa-cute na pagmasdan si Prince. "Naku naman, kailangan ko pa naman ang laki ng mga muscle niya para sa dami ng bibitbitin naming mga kumot, no!"
"Albie—" tila manenermon na ang tono nito pero nang mapasadahan siya ng tingin ay napabuntong-hininga na lang.
"Ano, Prince, ano?" pagtataray-tarayan niya kunwari pero nakangisi naman sa katrabaho.
"Wala, kung ikaw lang ang magbubuhat sa mga iyon malamang magkalas-kalas ang buto mo."
"Wow, ha, thank you!" tawa niya.
Sure, mga kumot ang bibitbitin nila, pero hindi naman kasi 'yun isang kumot lang. Sa dami ng guests nila, palaging parang magtatalunan ang mga kumot sa cart na pinaglalagyan nila sa tuwing maglilinis ng mga silid o magpapalit ng bed sheets.
Totoo naman na hindi kalakihan ang katawan ni Albie. Wala rin naman siyang balak na magpa-macho dahil hindi siya paminta. Certified bakla siya, proud siya roon, at proven and tested na iyon ni Albie nung grade six pa lamang siya. Mula noon, hanggang ngayon, mas gusto niyang maging diyosa at slenda kaysa sa maging ma-muscle. Aba, hindi niya gusto iyon para sa sarili niya, pero gusto niya sa papa ang ganoon, 'yung may muscles.
At ang dami sa Cool Waves niyon! Kaya lang, hanggang seen-zone lang si Albie. Hanggang tingin na lang sa mga biceps, matitigas na abs at nagsisiksikang mga muscles ng mga guests nila, at nila Prince at Kael.
Nagpaalam na siya kay Prince at nilisan ang bar na napupuno na ng magkakahalong Pinoy at foreigner na mga guest. Narating niya ang receptionist area kung saan halos lumuwa ang mga mata niya nang may makita roon na isang lalaki.
Ang tangkad, beh! pasada niya ng tingin sa malaking bulto na nakatayo sa harapan ng mga receptionists at kumakausap sa mga ito.
Naningkit ang mga mata niya. The girls looked more nervous than charmed. Duwag ang mga impakta sa malalaking muscles. Excited na pinagpatuloy niyang pag-aralan ang bisita— yellow blonde ang buhok nito at may kaputian ang kutis. Hindi lang yata six-footer dahil sa sobrang tangkad ng lalaki at kailangan pang yumuko ng kaunti para matingnan sa mata ang mga kausap.
He had a pretty fierce feature, piercing eyes and straight eyebrows.
Pero wala siyang pakialam, hindi naman mukha ang unang nakikita ni Albie— 'yung mga muscle, tapos ang sarap titigan ng pagkakahakab ng pantalon nito sa mga binti at sa—
"Hoy, Albie!" tayo ni Jelly sa harapan niya.
Si Jelly ang isa sa mga hotel staff na kasamahan niya sa trabaho. Sa madaling sabi, isa sila sa mga housekeeper ng Cool Waves.
"Ano?" panlalaki niya ng mga mata rito.
"Saan ka na napunta? Mag-ayos na tayo ng mga kwarto na hindi pa natin naaayos at sigurado akong may mga guests na matutulog na maya-maya lang!"
Napakamot siya sa likod ng ulo. "Naku naman, bakit ba kasi hindi na lang ako ang tinoka sa resto? Hindi keri ng kapangyarihan ng bato ni Darna 'yung mga iaakyat natin eh!"
Jelly just rolled her eyes. Ganoon lang talaga ang babae, pero alam ni Albie na sanay na ito at hindi naiirita sa kanya.
"Iyan na naman iyang kaartehan mo, eh," hila nito sa kanya. "Tara na!'
Biglaan ang paghila nito kaya tumagilid siya at bumangga sa malaking mama.
Nanlaki lalo ang mga mata niya bago napalingon sa lalaki na hindi man lang yata natinag nung nabangga niya. Albie just could not break his eyes away from him as he rubbed his shoulder that hit his hard body.
"Aray nemen," tingala niya rito, daig pa yata kasi ni Albie ang nabalibag sa pader.
Medyo masakit naman talaga, pero bakit may sumisikdong excitement sa kanya? Nangingibabaw na naman ba ang pagiging malandi niya? Dahil matigas ang lalaki? Matangkad? Mamasel tulad nila Kael? Fierce? 'Yung tipong exciting na nakakakaba? Utang na loob! Hindi pa niya nakukuha ang sinisita niyang si Kael at ang prinsipe ng buhay niyang si Prince! Hindi siya pwedeng ma-distract at madagdagan na naman ang listahan ng mga Papa-to-be! This cannot be! Jollibee!
"Boris, darling!" tawag ng babaeng papalapit sa direksyon nila.
The woman wore a pair of high heels that clicked against the tiled floor. Nakalugay ang unat na unat nitong brown na buhok at sa totoo lang, lumaglag ang panga ni Albie dahil ang ganda-ganda nito. Mataray ang dating ng mga mata pero mapupula ang mga labi at hapit sa kurba ng sexy nitong katawan ang suot na green na dress na may floral design.
Kasabay nito sa paglakad ang isang bata na platinum blond ang kulay ng buhok. Para itong buhay na manika, walang bahid ng emosyon ang perpekto nitong mukha habang nakatingin din sa lalaki na nabanggan niya. Wala sa loob na natangay siya ni Jelly na dinedma lang ang pagkakabangga niya kay Boris.
Nakalingon pa rin ang ulo ni Albie sa mga ito at hindi na narinig ang usapan ng lalaki at babae. Humawak ang babae sa mga balikat ng batang lalaki habang nakatingala at kausap ang lalaking tinawag nitong Boris, ang lalaking nabangga niya, pagkatapos ay humawak ito sa balikat ng babae at ngumiti.
Mag-asawa? nguso niya habang naguguluhan kung bakit platinum blond ang kulay ng buhok ng bata, brown ang sa nanay nito at yellow blond naman sa tatay.
"Albie!" gigil na pukaw ni Jelly sa atensyon niya.
"Easy lang, pwede, girl?" pang-o-okray niya rito.
.
.
***
AN
Patikim pa lang ang chapter na ito, pero hey! Huling araw na ng Pebrero! <3 <3 It means, malapit ko nang ituloy-tuloy ang UD para sa mga stories ko for the month of March! These are "The Gentleman's Secret" and of course, this one-- "A Man of His Word" <3
Enjoy reading lang at kitakits sa inyo sa susunod na UD ng mga stories ko this March.
Ia-announce ko na lang dito sa Watty kapag may na-set na akong maayos-ayos na sched. Sa ngayon, wala munang sched, basta withing the week, lagi akong may UD. Ciao for now! ;) <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro