Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

EVERYTHING was spinning when Boris got up from the bed. Paglingon sa tabi, wala roon si Nikolai. Inikot niya ang paningin at nakita ang bata na nakaupo sa counter, kumakain ng almusal nito katabi ni Olivia. Boris flinched and held the side of his head. Bigla-biglaan kasi ang naging pagkilos ng kanyang ulo kaya naman gumuhit ang hapdi dala ng sobrang kalasingan niya.

"Papa!" narinig niyang tawag sa kanya ni Nikolai. "Kumain ka na!"

Mukhang nakabawi na ang bata ng lakas mula sa nakakapagod na biyahe nung isang araw. Kung ikukumpara kasi kahapon, mas masigla na ito ngayon.

Pinilit niya ang ngumiti. Balewala kahit ang hang-over, basta para sa bata, pipilitin niyang ipakita rito na ayos lang siya.

"Sige, anak," baba niya ng mga paa sa sahig. "Gagamit lang muna ako ng banyo."

Pagtayo niya, binalik ni Boris ang tingin sa bata. Pagkatapos, kay Olivia naman. Hindi nakaligtas sa kanyang obserbasyon ang paniningkit ng mga mata nito. Pino pa rin kumilos ang dalaga, kaaya-aya ang postura at sexy sa suot nitong sleeveless sundress habang nakaupo ng pa-de-kwatro sa counter na iyon. Binalik na ni Olivia ang atensyon sa kinakain nito.

Boris shook his head but that did not shrug off his headache. Tuluyan na siyang pumasok ng banyo. Nagulat na lang siya nang pagbukas ng pinto, nakaabang na sa kanya si Olivia. He stepped out of the door.

"Gagamit ka?" tagilid ni Boris para bigyan ito ng daan.

Namewang lang ang babae gamit ang isang kamay. Nagsalubong ang mga kilay nito.

"So, makikipag-inuman ka lang pala kasama si Jacob," may sarkasmo sa tinig nito.

"Bakit?" tuloy ni Boris sa pagpunas ng mukha gamit ang towel na nakasabit sa kanyang balikat. "Nakita mo namang kasama ko si Jacob, 'di ba?"

"Eh sino ang kasama mo pabalik dito, hmm?" mapanghamon ang ngiti nito. Malakas din ang kutob ni Boris na pang-aasar ang kalakip ng ngiti.

Kumunot ang noo niya. "Yung... 'yung Albie."

"Ahuh," taas nito ng isa pang kilay.

"Ano at nakatingin ka sa akin ng ganyan?" likot ng mata ni Boris, naghahanap ng madadaanan para malayuan na ito. "Kailangan ba na i-report ko lahat ng ginawa ko kagabi sa iyo? Ano kita, asawa?"

Nikolai was just sitting quietly on the side of the bed. Nilalagay na nito sa maliit na backpack ang mga dadalhin kapag lumabas na ito mamaya para mag-swimming. Inikutan ni Boris si Olivia para marating ang maliit na kusina.

Sinundan siya ng babae. "Hindi sa ganoon," mababa ang tono nito ngunit dama ni Boris ang kagat ng panenermon, "kaya lang gusto kong alalahanin mo na hindi ito ang oras para magliwaliw ka."

Alertong tinapunan ni Boris ng tingin si Nikolai. Sa awa ng Diyos, mukhang wala itong narinig sa pinag-uusapan nila. Abala pa rin ito sa mga gamit. He threw a sharp gaze at Olivia.

"Gusto mo bang marinig ng bata kung ano ang totoong status natin?" lapit niya sa babae para makausap ito ng pabulong.

Matapang na nilapit lang nito ang mukha sa kanya. "I might do that, Boris Molchalin. Kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin, baka gawin ko iyan. Baka sakaling may makuha akong cooperation kay Nikolai."

Saglit silang nagsukatan ng tingin. He observed that her eyes were not really black, but dark brown...

"What are you so mad about?" iwas na niya ng tingin dito.

Tinukod na lang ni Olivia ang mga kamay sa counter habang nagpapalaman na ng tinapay si Boris.

"Mamaya na natin pag-usapan," matabang nitong wika at ninakawan ng sulyap si Nikolai. "Kapag hindi na tayo mapapansin ni Nikolai."

"So you're mad about something else. It's not about my cooperation," may panunukso sa himig niya.

"Hindi sa ganoon," titig ni Olivia.

"About Albie?" panghuhuli ni Boris.

Mariing tumikom ang mga labi ng babae at nahuli iyon ng kanyang paningin ng sulyapan ito. His lips tugged a smug smirk. Her eyes widened at him in disbelief. Pero dahil sa presensya ni Nikolai, naiawang na lang nito ang mapupulang mga labi at hindi na naisa-boses pa ang reaksyon nito.

Boris shrugged his shoulders.

He must be really drunk last night, but that doesn't mean he's susceptible to amnesia. Malinaw pa sa kanya ang mga nangyari kagabi. Tanda rin niya na natulala sa kanila noon si Olivia at hindi na nakapagsalita pa nang siya na ang mag-initiate na magpaalam kay Albie. Hinila na lang niya ang babae papasok ng hotel bago pa nito maisipang kwestiyunin ang nakakwentuhan niya kagabi.

Pagkatapos mag-almusal, sinamahan na ni Boris sila Olivia at Nikolai sa beach. Naglaro muna sila ng kanyang anak bago ito hinayaang maglaro ng mag-isa. Kahit sabihin pa na hinasa na siya ng karanasan bilang tauhan ni Sloven Markov, isa sa pinakamatinik na Russian spy agent, medyo tinatablan na rin siya nag pagtanda. He was only in his forties, yet, already no match for his athletic child.

Lalo rin siyang nag-slow down, physically, mula nang maging payapa ang takbo ng kanyang buhay. Madalas na nasa harapan ng computer o laptop si Boris, puro computer-related ang trabahong inaasikaso.

Umupo siya sa isang table na may payong, katabi ni Olivia na naka-sunglasses lang habang umiinom ng fruit shake. Deretso lang ang tingin ng babae kay Nikolai, binabantayan ang bata habang naglalaro sa buhangin. Dinampot na rin ni Boris ang sunglasses na naiwan sa mesa at sinuot iyon. Dahil sa init ng panahon, hindi na siyang nag-abalang punasan ng tuwalya ang basa at nakatambad na katawan. Dama niya ang paninikit ng basang swimming shorts sa kanyang mga binti.

"Busy na si Nikolai," harap niya kay Olivia. "Pwede na tayong mag-usap ngayon."

Hindi natinag ang babae sa pwesto nito. Mahina siyang tumawa kaya nakatingin ito sa kanya.

"Ano ang nakakatawa, Boris Molchalin?"

"Umaakto ka ba ng ganyan dahil sa nakita mo kagabi?"

Kita niya ang pagtitimpi sa katauhan ni Olivia. Taas-noong pinukulan siya ng babae ng tingin.

"Tapatin mo nga ako," maingat nitong wika. "Lasing ka lang ba kaya mo nagawa iyon?"

"Nagawa ang alin?" agaw niya sa baso ng fruit shake at sumipsip sa straw niyon.

"Boris, alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

Tumuwid siya ng upo. "Bakit big deal iyon sa iyo, Olivia? Oh, right, you're a Russian."

She let out a groan. "Tigilan mo nga ako, Boris. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang totoo, pwede?"

"Para saan? Ang trabaho mo lang naman, protektahan kami ni Nikolai. Iyon lang," sisipsip sana siya ulit ng fruit shake nang maramdaman ang kamay ni Olivia.

"Mas mapo-protektahan ko kayo," hawak nito sa baba niya at pihit ng kanyang ulo paharap dito, "kung may ideya kung sino ang pinoprotektahan ko. Kahit mga routine ninyo, as much as possible kailangang alam ko. Lalo na kung sino ang mga taong nakakasalamuha ninyo."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi at inangat ang ulo para mapabitaw si Olivia sa pagkakahawak sa baba niya.

"That's nothing, Olivia," nawala na ang iinumin niyang fruit shake dahil nilayo na iyon ng dalaga.

"Paanong wala? Paano kung tauhan iyon ni Poison? What if, that man is Poison?"

"Staff dito, tauhan ni Poison? You must be kidding."

"Sinasabihan lang kita, Boris," seryoso na ito. "Mag-iingat ka sa mga taong kinakasalamuha mo. Lalo na sa mga taong ngayon mo lang nakilala. Tingnan mo nga, kailan mo lang nakilala iyang Albie na iyan, dinala mo pa siya sa tapat ng hotel room natin! Kung tauhan iyan ni Poison, alam na nila ang location natin!"

Boris let out a sigh. May punto nga naman ang dalaga para magalit sa kanya ng ganito. Nawala siya sa wastong takbo ng pag-iisip kagabi. Nasuklay lang niya paitaas ang buhok, nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Napapansin mo naman siguro na wala na akong gana sa ganitong klase ng buhay, Olivia."

Tahimik na tumitig lang ito at hinintay na ipagpatuloy niya ang pagkukwento.

"Simula nung dumating si Nikolai sa buhay ko, sinantabi ko na 'yung kung sino ako noon," nag-angat siya ng tingin, dahil sa sunglasses na suot kaya hindi rin niya natitigan sa mga mata ang kausap. "Hindi ko na maramdaman 'yung Boris noon na... na kriminal."

Tumango-tango si Olivia.

"Ang gusto ko na lang ngayon sa buhay ay mapalaki ng maayos si Nikolai. At... At kung posible... palayain ang sarili ko na...na mahalin kung sino man ang gusto kong mahalin."

"Are you trying to tell me that... that what I saw is what's true?" Olivia softly spoke, making Boris glance her way. "Bakla ka?"

"I did not choose to be like this," Boris sighed. Sumandal na siyasa backrest ng upuan at tinutok ang paningin kay Nikolai. "Sinong Ruso ba ang gugustuhing maging bakla siya? Alam mo naman ang estado ng LGBT community sa Russia."

Olivia lowered her eyes as she fell into deep thinking.

"Pero Olivia, sinasabi ko sa iyo," patuloy niya, "may mga pinagdaanan ako na inudyok ako para maging ganito. Hindi ko ginusto pero sa huli... sa huli hinanap-hanap na ng katawan ko ang ganitong klase ng pangangailangan."

"You're raped," pagkumpirma ng babae.

Tango ang sinagot ni Boris dito.

Napunta sa malayo ang tingin ni Olivia. Narinig niya ang mahinang pagsagap nito ng hininga.

"It's all in the mind, Boris," wika nito matapos ang pananahimik na pumagitan saglit sa kanila. "Change your mindset."

He chuckled lowly. "Wala kang alam. Hindi mo alam ang sinasabi mo, Olivia. Kahit buhay ko pa ang nakadepende, hindi ko nagawang baguhin ito. Ito ako. Ito na ako. Ito ang nakatakdang maging ako."

"Paano mo ipapaliwanag iyan kay Nikolai?"

Hindi magawang sagutin ni Boris ang tanong na iyon. Umiwas na lang siya.

"Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang ako, Olivia? This is just going to be a harmless, temporary fling."

Napailing-iling ito. Parang matatawa sa kanya.

"I need to de-stress somehow," pangungumbinsi pa niya rito.

"Harmless fling or fubu?" lingon nito sa kanya.

"Diyos ko naman, Olivia, bakit ganyan ka magtanong!" naeeskandalong pagtataas na niya ng boses dito kahit hindi naman talaga galit si Boris.

"Like what I said earlier, Boris Molchalin," pagtataray ng babae, "I have to know everything."

"Paano pumasok sa isip mo na makikipag-fubu ako?"

"Sexual ang dahilan ng pagiging bakla mo, so in what way ka mag-aaspire ng relationship? In sexual way, right?" walang gatol at prangkahan nitong birada sa kanya.

"Napaka-judgemental niyo talagang mga straight," agaw niya sa fruit shake.

"Magpakatotoo ka na lang," higpit ng kamay ni Olivia sa basong kinukuha niya, "wala naman kaming problema sa inyo basta maging honest lang kayo sa amin."

"Well, syempre, malaki ang chance na may mangyaring ganoon—" Boris grunted when Olivia would not let go of the glass. "Olivia, painumin mo na ako, pwede?"

Binitawan na nito ang baso ng walang pasabi, aksidenteng napalakas tuloy ang hila doon ni Boris at tumapon sa mesa.

"Sayang," bulong na lang ni Olivia sa sarili.

.

.

***

AN

Good evening, everyone! <3 <3 <3

Thank you for patiently waiting! Ongoing ko pang sinusulat yung Chapter Eleven ng #AManofHisWord so, ipopost ko na itong mga nagawa ko na Chapters Nine at Ten.

Enjoy reading!

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro