Chapter Fourteen
THE DEAL was a second meeting. Mas late nga lang sila magkikita ngayon ni Boris. Ang paliwanag kasi ng lalaki, ayaw nitong mawalan ng oras para sa anak na si Nikolai. Dahil nabanggit na rin nito ang bata, nagtanong si Albie, out of curiosity, kung sino ang nanay ni Nikolai. Tinawanan lang siya ng lalaki bago kinalaro na ampon lang nito ang bata.
But I don't want him to know that. I want Nikolai to feel that he belongs with me as his father.
Napatitig na lang siya noon kay Boris at naalala ang sarili niyang ama. Medyo nalungkot lang si Albie dahil mukhang hindi ganoon ang tumatakbo sa isip ng kanyang Tatay. Nang malaman nito na bakla siya, pinaramdam ng ama na hindi siya nababagay sa pamamahay nito.
Gayunpaman, mapait na ngiti na lang ang ginawad niya kay Boris bago sinabi rito na nauunawaan niya ang kagustuhan nitong magkita sila ng mas late.
Alas-onse ang usapan nila at mga sampung minuto siyang na-late dahil nahirapan si Albie maghanap sa lalaki kung saang dalampasigan ba nito naisipang pumuwesto. Ang sabi lang kasi sa kanya ni Boris, sa tabing-dagat sila magkita at huwag na sa mga de-payong na table.
Aminado naman si Albie sa sarili na kahit ayaw niyang magpagalaw kay Boris, attracted pa rin siya sa lalaki. Kaya ayos lang sa kanya na magkita ulit sila. Pero siyempre, medyo may pagkailang pa rin siyang nadarama. Para siyang high school teen na pinansin na sa wakas ng crush niya pero nahihiya pa rin dito. Isa pa, hindi pa rin alam ni Albie kung paano kakausapin si Boris tungkol sa sex na gusto nitong mangyari sa kanila.
Open-minded naman kasi siya. Aware siya na kung anuman ang mamagitan sa kanila, huwag na siyang umasa na seseryosohin ni Boris o ng kung sino mang lalaki na dumating sa buhay niya. Tanggap man ngayon ang third sex, alam naman niyang mahirap pa rin para sa mga katulad niya ang makahanap ng tao na totoong magmamahal sa kanya.
So, if Boris just wanted to have fun, well sure. Game siya. Pwede sila mag-enjoy. Pero ibang usapan na ang sex...
Huminto si Albie sa paglakad nang matanaw ang lalaki na nakaupo sa buhanginan malapit sa area ng beach na may volleyball net. Sumaglit ang mga mata ni Albie sa sarili. Shorts lang ang suot niya at fitting na striped-shirt na pink.
Okay, relax, hinga niya ng malalim bago nilapitan ang lalaki na nakatalikod sa kanya mula sa pagkakaupo nito sa buhangin.
Dahan-dahan lang siya sa paglakad para hindi nito mapansin ang paglapit niya. Albie suppressed his giggle and immediately covered Boris' eyes with his hands. Nawala ang ngiti niya nang humagod na ang mga kamay nito mula sa kanyang kamay na pumipiring sa mga mata nito. Humagod iyon pababa sa kanyang mga braso. Mariin ang pagkakakiskis ng balat ng palad nito sa kanya hanggang sa marating nito ang mga balikat niya. Boris gently massaged Albie's shoulders.
"Come on, Albie, I already saw you."
"How?!" tanggal niya ng mga kamay sa mga mata ng lalaki.
Nakangising tiningala siya ni Boris. "I stole a glance, I saw you look down and put some sand off of your slippers."
Bumungisngis na lang siya dahil tama ito.
Umupo si Albie sa tabi ng lalaki at tinanaw ang madilim na karagatan. Nangingibabaw ngayon ang malakas na hampas ng mga alon dahil halos wala nang katao-tao sa beach. Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig ng hangin mula sa dagat.
"How is your day?" lingon niya sa lalaki na nakasuot lang ng shorts.
Nagtataka tuloy si Albie kung bakit parang hindi man lang ito giniginaw. He relaxedly sat on the sand, leaning back his body which helped reveal his hard, sexy body. Nakatukod sa bandang likuran nito ang isang kamay.
"It's great," he answered with an exhale. "Nikolai had his first surfing lessons and so far, he's challenged but enjoys it. He wants another session tomorrow," sulyap nito sa kanya.
"That's great!"
"Ma-ga-ling, right?" ngiti nito.
"Yes, magaling!"
"And so, I just did some of my work in the hotel room after you cleaned it up—"
Tumango-tango si Albie.
"—then I joined Nikolai and Olivia for lunch."
Ayon na rin sa kwento sa kanya ng lalaki nung nag-dinner sila, pinsan daw nito si Olivia na katuwang ng lalaki sa pag-aalaga kay Nikolai. Kaya naman hindi na naguguluhan pa si Albie kapag nababanggit ito ng lalaki.
"Then, Nikolai and I had a great time swimming. Olivia swam a bit, then..." medyo nag-isip pa ito. "Then she got busy with sunbathing and social media. Some girl things."
"Wow," ngiti na lang niya at napasinghap nang biglang iharap ng lalaki ang mukha nito sa kanya.
"How about my hardworking little pet? What have you done while your master is away?"
"Master?" nganga niya saglit. "Stop calling me pet, okay?"
"Then what should I call you?"
"Beautiful," kunwari, mahaba ang buhok niya at ini-flip niya iyon.
That made Boris laugh. "Seriously?"
"Why?" lapit niya ng mukha sa lalaki. "Am I not beautiful?"
Pumitik ang tensyon sa dibdib niya nang hablutin ng lalaki ang baba niya. He firmly held it as his stare dragged from his lips, lifting it to his eyes so that their gazes would lock.
"Why would I want to fuck you if you're not beautiful, hmmm?"
Napalunok siya. "My gosh, Boris..." nag-aalangan na hawak niya sa braso at kamay ng lalaki na nakahawak sa baba nito.
"Let's go and swim," bitaw na nito sa kanya. Humanda na ang lalaki sa pagtayo.
"No," there was warning in Albie's tone. "It's dark already! And the waves are huge!"
"Come on! Don't be a yellow-belly!" lapit na nito sa tubig.
"The waves are strong!" tayo niya habang pilit pa rin itong kinukumbinsi na bumalik na lang sa buhanginan.
Natatawang binalikan siya ng lalaki at hinila sa braso.
"Come on, you're with me, don't be afraid of the little wave."
Little wave? Nasa Zambales sila at nakakabingi ang hampas ng malalaking alon ngayon! Ano'ng little wave ang pinagsasasabi nito?
Naputol ang paga-agam-agam niya nang maramdaman ang kamay ni Boris sa ilalim ng suot niyang shirt. This man was really impatient, wasn't he? Hinila nito pataas ang shirt niya.
"Wait!" Albie yanked down his shirt.
"What?" matiim nitong titig. His smile became softer.
"Malamig," pakikiusap ang nasa kanyang boses. "It's cold."
"Oh," understanding was in his eyes. "You can hug me then," maingat na hila nito sa kanya palapit dito. "Let me help you take that off," balik na nito sa panghuhubad sa shirt niya kaya hinayaan na ito ni Albie na gawin ang gusto.
Albie could feel the skin of Boris' hands... his knuckles brushing against his waists dragging up to the sides of his body. Hindi maiiwasang dumikit ang kamay nito dahil fitting ang shirt na hinuhubad ng lalaki mula sa kanyang katawan. Tinaas ni Albie ang mga braso at nagpatuloy ang pagkiskis ng mga daliri ni Boris sa kanyang mga braso, hanggang sa hinayaan na lang siya ng lalaki na hubarin ng sarili niya ang shirt. Kakababa pa lang ni Albie ng mga braso nang kunin na agad nito ang shirt.
Maingat na nilapag iyon ni Boris sabuhanginan at tinapunan siya ng nagyayayang tingin. Nang tumakbo na ito patungosa dagat, sumunod si Albie rito.
.
.
***
Note: "Yellow-Belly" means "Coward".
***
AN
Yeheeeeyyyy! <3 <3 <3 Finally may updates na ang A Man of His Word! <3
I also have an announcement. Simula sa April 1, Wednesday to Thursdays na ang UD ng A Man Of His Word! Pero mas marami ang UD sa Thursday kaysa tuwing Wednesday kasi, isasabay ko sa Wednesday ng UD rin ang The Gentleman's Secret ;) <3
Thank you so much for avidly reading my works. It's amazing that until now we are all together here in Watty :*
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro