Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

NARATING na nila Albie ang beach proper ng resort pero hindi pa rin nila mahanap ang tatay ng bata na nagpakilala sa kanya na Nikolai.

Naguguluhang napa-pamewang tuloy siya. Albie squinted his eyes because of the strong sunlight. Tumingin-tingin siya sa paligid, tanaw ang nagtataasang mga alon sa dagat at mga turistang paroon at parito sa buhanginan.

Nasaan ba ang mga magulang nito? Iniiwan mag-isa ang anak nila? iritado niyang isip. Malalagot ako nito eh. Baka ma-report pa akong out of post! Hindi ko naman pwedeng pabayaan itong batang ito.

Samantala, nakayuko na si Nikolai sa hawak nitong tablet. Matapos ang ilang pag-swipe, tiningala siya nito.

"Hey, Sir!" tawag nito sa kanya.

Naeeskandalong pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Siiiir????!

Tinaas nito ang tablet para ipakita sa kanya ang screen.

"Look very closely," wika nito. "That's my Papa."

Nilapit ni Albie ang mukha at nakita ang larawan nugn higanteng Ruso na nakita niyang kasama ng bata noong mag-check in ang mga ito sa hotel. Gwapong Ruso na mukhang nasa forties na. Sobrang tangkad. Blond. Paano niya makakalimutan ang isang lalaki kung ganoon ang features? Marami mang foreigner na guests ang Cool Waves, tinalo nitong lalaki sa larawan ang mga iyon pagdating sa tangkad at pagiging siksik ng katawan sa muscle.

And damn, that oozing sex appeal.

Naku naman, naalala na naman ni Albie nung nabangga siya sa matigas nitong katawan!

"Wow, so handsome," maluwag niyang ngiti.

Nikolai ignored his comments. Seryoso lang itong tumitig sa kanya pagkababa ng tablet.

"You search for my Papa over there," turo nito sa kaliwa nito. "And I'll go search over there," turo nito sa kabilang direksyon.

Aba, at siya pa ngayon ang inuutusan ng bata!

"But I cannot leave you alone," Albie softened his voice to appeal friendlier for Nikolai. Tinukod niy ang mga kamay sa sariling tuhod para magpantay ang mga mata nila nito. "Some people, they might, kidnap-kidnap you," pananakot pa niya.

Nikolai gave him a bored look.

"Meet me exactly here," turo nito sa gate na katapat nila bago siya iniwanan nito.

Naguguluhang tinanaw ni Albie ang bata.

Aba, sapo niya sa pisngi habang unti-unting nawawala si Nikolai sa kanyang paningin, matalinong bata. Kasingtapang din yata ng Russian Daddeh niya!

Ilang saglit pa siyang natulala bago napasighap.

"Ay, oo nga pala! Hahanapin ko si Russian Daddeh!" maarteng pilantik ng mga kamay ni Albie pataas bago tinungo ang direksyon na tinuro kanina ni Nikolai para hanapin ang tatay nito.

Tinahak ni Albie ang dalampasigan, sinisikap na maisa-isa ang mukha ng mga tao roon habang nagmamadali sa paglalakad. Mabilis niyang inaalis ang tingin sa guest kapag na-assess na hindi iyon ang taong hinahanap. Hanggang sa makarating siya sa pwesto ng mga nagva-volleyball. Inisa-isa ni Albie ang tingin sa mga ito pero naputol iyon nang tumalon ang matangkad na lalaki at malakas na pinalo ang bola.

Recognition struck him.

Wala sa sarili na tumakbo siya palapit kay Russian Daddeh para ipaalam agad dito na hinahanap ito ng sariling anak.

Siyang bulusok ng bola ng volleyball pababa at sumakto sa pagitan ng mga hita niya.

"Aw!" takip ni Albie sa tinamaang maselang bahagi ng katawan at nanlalambot na napaluhod sa buhanginan.

May ilang natawa. Sometimes, Albie could be very animated with his reactions. Napanganga siya kanina nang matamaan ng bola at nanlaki ang mga mata habang iniinda pa rin ngayon ang tinamong tama. Pakiramdam niya, malapit na siyang mangisay sa pagguhit ng sakit sa buong katawan niya bago bumalik ng triple ang sakit sa balls niya.

Gumulong sa harapan niya ang bola ng volley ball at may mga lalaking nagtakbuhan palapit sa kanya.

"Are you alright?" luhod ng isa sa mga ito kaya napaangat si Albie ng tingin.

Inisa-isa niya ang mga lalaking pumalibot sa kanya. Lahat sila mga walang suot na pang-itaas kaya nakalantad ang mga nakikislapang pandesal at matitigas na dibdib ng mga ito. Some of them remained standing, kaya nahahagip din ng paningin niya ang basang shorts ng mga lalaki na humahakab sa biniyayaan nilang mga umbok sa pagitan ng mga hita.

Kumurap-kurap siya. Nasa langit na yata si Albie.

"Hey," pukaw sa kanya ng lalaking nasa harapan.

Grey eyes met his gaze, straight eyebrows furrowed and worry sketched on his face.

"R-Russian Daddeh," habol niya ng hininga.

Lalong nagusot tuloy ang mukha nito. Napayuko si Albie dahil nananakit pa rin ang tinamaan niyang mga bola. Nilingon naman ni Russian Daddeh ang mga kasama nito.

"I guess, I hit his balls really hard."

"Why is he even getting too close to the court?" reklamo ng isa sa mga kasama nito.

Hinawakan siya ng lalaki sa balikat at tinapik-tapik. "Get up. We'll get that checked." Napansin yata nito ang suot niyang uniporme. "You surely know the closest clinic here, right?"

"A-Ayos... lang..." Albie winced and lifted his eyes on the man. Diyos na mahabagin, pawisan ito at nangingislap ang balat sa ilalim ng mainit na araw. Patuloy pa rin ang pagtagaktak ng pawis nito mula sa matigas nitong leeg pababa sa dibdib, hanggang sa tiyan nito na may linya ng manipis na balahibo patungo sa pusod, sa puson... at pinutol na iyon ng garter ng suot nitong shorts.

Napalunok tuloy siya.

Sin was standing before his very eyes.

"S-Sir..." nanghihinang tingala niya ulit sa mga mata ni Russian Daddeh. "Your... Your son... that... ano... Nikolai.... he's looking for you..."

Nagulat ito. "Nikolai," he murmured and stood up.

Nagmamadaling umalis ito nang balikan siya.

"Hey, get up, bring me to Nikolai."

Nahirapan siyang tumayo ng tuwid. Bakit ba kasi ang lakas pumalo ng bola nitong taong ito?

The Russian Daddeh seemed to have no time to just watch and wait for him to recover. Nagpaalam na ito sa mga kalaro mag-volleyball. Then he scooped him up using his strong arms. Naramdaman ni Albie ang mariing paghawak ng isa nitong kamay sa kanyang puwitan.

"Oh my God!" palatak niya. "Ang puwet ko!"

At sinampay na siya ng lalaki sa balikat nito. The man propped him up and pushed his arse to lift him higher over his shoulder. He gave him a spank.

"Where's my kid?" anito kasabay ng mabilis na mga hakbang palayo sa mga nagva-volleyball.

Natanaw ni Albie ang nagtatakang tingin ng mga ito bago niya pinihit ng kaunti ang katawan para malingunan ang dadaanan nila ni Russian Daddeh.

"S-Straight ahead, Sir!"

"Good," he muttered. "We'll find my kid, then I'll bring you to the clinic."

"Hindi naman ito napisa, Daddeh," Albie whimpered in pain. "Masakit lang ang tama ng bola..."

Hindi ito sumagot. Understandable para kay Albie kasi foreigner nga pala ito. Lumupaypay na lang muna siya sa balikat nito. He pressed his legs tightly together. Iniisip niya na makakatulong iyon para maibsan ang natamo niyang tama ng bola. Albie just found himself trying to curl his body, gasping for air.

Habang tumatagal ang pag-rehistro sa isip niya na masakit ang pagitan ng mga hita, nanunuot sa kanya ang pagsundot ng hilo at pananakit ng ulo.

Biglang huminto ang lalaki kaya napa-angat si Albie ng ulo. Paglingon, nakita niyang kaharap na nito ang magandang babae na kasama kahapon sa reception. Nahihiyang ngumiti lang siya rito bago umiwas ng tingin.

.

.

"BORIS," naunang si Olivia na magsalita kaysa sa kanya. She stood close to him and lifted her chin to look at him intently in the eye. Nakatali na ang tuwalya sa bewang nito at nakasabit ang sunglasses sa gitna ng suot nitong bikini top, sa pagitan ng malusog nitong dibdib. "Tumawag si Nikolai kanina. Nagpunta lang ako sa ladies' room kanina bago ka hanapin. Buti nahanap kita agad. Gusto raw niyang lumangoy na sa beach—"

"Pinayagan mo ba si Nikolai na lumabas ng hotel?" suplado niyang saad para putulin ang pagsasalita nito.

Nag-aalala kasi siya ngayon para sa bata. Nasa hindi pamilyar na lugar sila at dahil sa bantang hatid ni Poison, kahit na palagay si Boris na pagalain mag-isa minsan ang anak, iba na ang sitwasyon ngayon.

"Hindi," gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Olivia. "Paano mo nasabi iyan?"

"Ito," angat niya sa balikat ng kaunti para mapatingin ang babae sa hotel staff na nakasampay doon, "itong staff na ito, nakita niya si Nikolai. Humingi daw ng tulong sa kanya si Nikolai para hanapin ako."

Mukhang clueless din si Olivia kung nasaan ang anak niya kaya naglakad na ulit si Boris. Sinabayan siya ng babae.

"Nasaan daw si Nikolai? At bakit buhat-buhat mo iyan?"

Nanatiling tahimik lang ang hotel staff na buhat-buhat niya. Hindi siguro nito maunawaan ang pag-uusap nila ni Olivia dahil Russian ang gamit nilang wika.

"Natamaan ko ng bola," he answered abruptly, eyes narrowing and scanning for Nikolai. "Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras para hintayin na makatayo ito. Kailangan nating mahanap ngayon si Nikolai."

"Hahanapin ko si Nikolai," presenta ng babae. "Dalhin mo muna iyan sa clinic. Saan ba tinamaan iyan ng bola?" sumilip ito sa buhat niya. Pagkatapos, bumalik din sa kanya ang mga mata ng dalaga. "Hindi naman yata siya nagdudugo."

"Buti at hindi nagdudugo!" lisik ng mga mata niya sa babae. "Ako na ang maghahanap kay Nikolai."

Naramdaman niya ang matamlay na pagtapik ng staff sa balikat niya. Nilingon ni Boris ang lalaki.

"What?"

"Look! There!" turo nito sa likuran niya.

Dahil siguro nadi-disctract siya sa pakikipag-usap kay Olivia, kaya nakaligtas sa paningin niya si Nikolai na nakikipag-usap na sa dalawang lalaking may bitbit na mga surfboard. Dahan-dahang binaba ni Boris ang hotel staff.

Tiningala siya nito, namumungay ang mga mata.

"Wait here," mahigpit niyang bilin dito bago halos makipag-unahan kay Olivia para lapitan si Nikolai.

"Nikolai!" tawag ni Boris sa anak. His authoritative voice took Nikolai's and the men's attention at once.

Nag-aalalang tingin ang binigay ng dalawang surfer. Si Nikolai naman ay hinarap siya at kampanteng ngumiti.

"Papa!" lapit nito pero hindi naman yumakap sa kanya.

"Nikolai," singit ni Olivia na nasa tabi na ni Boris. "Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag ka munang umalis sa hotel?"

"Ayos lang ako," sagot ni Nikolai sa babae. "Nagtanong lang ako sa kanila—" tukoy nito sa dalawang surfer, "— kung nakita nila ang Papa ko."

Boris let out a sigh. Gusto man niyang sermunan ang anak kanina pa dahil pinag-alala siya nito, ngayong nakita na niya si Nikolai, gusto na lang niyang buhatin ang bata.

"Nag-breakfast ka na ba?" luhod niya para mapagmasdan ito ng mabuti.

Boris subtly checked Nikolai. Wala namang hindi normal sa bata tulad ng mga galos, pasa o sugat.

"Oo, Papa," tango nito. "Hinanap nga kita kasi gusto kong mag-swimming na tayo."

Ginulo niya ang buhok nito. "Next time, sundin mo ang sinabi sa iyo ni Miss Olivia, okay?"

"Ayoko," simangot nito. "Hindi ko naman siya nanay!"

Boris sighed. Humalukipkip lang si Olivia na nakasimangot pa rin sa bata.

"Oo, pero guardian mo na rin siya lalo na at wala tayo sa Russia, okay?" baba ng kamay niya sa balikat ng bata. "Mas alam ni Miss Olivia ang mga pasikot-sikot dito."

"Nagpatulong naman ako sa nagta-trabaho dito, Papa," paliwanag pa nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Oo ngapala, baka kailangan ng medication ng hotel staff na natamaan niya kanina ngbola sa balls nito. Nilingon ni Borisang lalaki na nakaupo na sa buhanginan at namimilipit pa rin sa iniinda nitongsakit. Bigla siyang tumayo nang makitang bumagsak na ito sa buhangin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro