Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Two

KINABUKASAN, pagkauwi na pagkauwi ni Boris sa bahay, naibagsak niya ang dalang bag nang makita na tila naninigas sa kinauupuan nito si Mang Al. Mukhang patayo na ito mula roon nang matigilan dahil inaatake ng stroke.

Naguguluhan man siya at hindi alam ang gagawin, lumapit agad si Boris sa matanda. Umalalay siya para siguraduhin na hindi ito babagsak. Nang maisampay ang braso ni Mang Al sa balikat, hinagod-hagod niya ito sa dibdib, tumapik-tapik doon ng maingat. He scanned the old man.

"Mang Al..." tawag niya para matingnan kung ano ang magiging response nito.

He let out a labored grunt until his freezing body slowly relaxed. Palagay niya, nakatulong ang paghagod ng isa niyang kamay sa dibdib, balikat at braso nito, kaya tinuloy-tuloy iyon ni Boris. Hindi siya masyadong eksperto pagdating sa mga medikal na bagay, pero pinalagay na lang niya na nakatulong ang ginawa niya para magtuloy-tuloy ang daloy ng dugo patungo sa utak ni Mang Al.

Dahan-dahan niyang pinaupo ulit ang matanda para malayang mamasahe ang mga braso at binti nito.

"S-Salamat," usal nito nang mahimasmasan. Medyo hirap pa rin gumalaw ang panga nito pero mukhang bumubuti na.

Boris looked up to him, lowered his head again and sighed in relief. Tinuloy niya ang pagmasahe hanggang sa paa nito. Salamat sa Diyos at hindi tuluyang inatake ang matanda. Hindi niya alam ang gagawin kapag tuluyan itong inatake.

Nang makasigurado na ayos na ito, tumuwid na ng tayo si Boris.

"Where's Albie?" kontrolado niyang tanong.

"E-Ewan ko," matabang nitong saad. "Nandun!" kumpas ng kamay nito. "S-Sa... Sa bakla niyang kaibigan yata!"

Naningkit ang mga mata ni Boris. Nag-isip. Tapos, humawak siya sa balikat ni Mang Al at tinitigan ito sa mga mata.

"Ayos na po ba ang pakiramdam ninyo?"

Tumango-tango ito. "O-Oo..." Humingal pa ng kaunti para maghabol ng hiniga bago tumango ulit at nanatiling nasa mesa ang tingin. "Ayos na ako."

"I'll be back," pangako niya rito. "I'll go get Albie, alright?"

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Nasagi lang ng paa niya ang nabagsak na bag na bihisan niya ang laman para lisanin ang bahay. May ideya siya kung saan ang bahay ni Georgia dahil naikwento iyon sa kanya ni Albie nitong umaga lang, nung lumabas sila para mamili ng pandesal na aalmusalin bago siya pumasok sa trabaho sa talyer ni Nato.

Malalaki ang mgahakbang na dumere-deretso siya hanggang sa loob ng maliit na bahay. Bukas naman ang pinto niyon kaya mula sa labas, tanaw na niya ang grupo nila Albie na sinisipat ang ilan sa mga makukulay na gown doon at tinahing mga kulay bahagharing mga bandera.

Naghalo-halo ang mahinang pagtili, mga gulat na bulalas at pagsinghap ng mga bakla na nagkukumpulan doon. Hinanap ng paningin ni Boris si Albie na natiyempuhan niyang may tinatapat sa katawan nito na skyblue na gown.

Sinugod niya ito, inagaw ang gown at binagsak sa kung saan bago ito hinila.

"Hoy, Boris!" gulat na sulpot ni Georgia na kalalabas lang nito ng banyo. "Naparito—" Natigilan ito nang mapansin sa wakas ang iritasyon sa kanyang mukha, at ang marahas na paghila niya kay Albie.

Parang hangin lang na dumaan si Boris dahil nang makuha niya si Albie, nakalabas na rin sila agad ng bahay ni Georgia.

Nagpalitan ng tingin ang mga bakla bago nagtatanong ang mga mata na sinulyapan si Georgia.

"Hay," buntong-hininga nito habang napapailing-iling. "Hayaan niyo na ang mga iyon, mga sister. Fafa iyon ni Albie, baka may emergency kaya nagmamadali."

"Naku," nag-aalalang wika ng isa na pinupulot na ang nabitawang gown ni Albie, "huwag sana si Mang Al ang emergency na iyon. Kawawa naman si Albie."

"Kaya nga sinasabi ko sa inyo, mga bakla, pahiramin niyo na ng datung si Albie," balik ni Georgia sa iniwanan nitong upuan, katabi ng isa pa nilang kaibigan na naka-short-shorts at t-shirt na fit. "Para 'di ba, may emergency fund ang bakla, kung sakaling biglang atakehin ulit ng stroke ang Fadir niya."

"Hay naku," upo na ng bakla na dumampot sa gown ni Albie, "kung marami lang akong kwarta, 'di ba? Hindi naman ako mahirap kausap!"

"Sundan kaya natin?" suhestiyon ng isa sa kanila na nag-aayos sa maliit na rainbow flags bago itali ng goma sa hawakan ng mga iyon. "Baka need niya tayong mga beki to the rescue."

Nag-alala bigla si Georgia, natulala bago pinasadahan ng tingin ang mga kasama.

"Siguro naman, tatawagan tayo ni Albie kung kailangan nila ng tulong."

"Hay naku, dinapuan ka na naman ng hiya, Georgia!" tayo na ng isa sa mga ito. "Gora na tayo, check na natin para sure tayo."

Sumang-ayon na ang iba pa at iniwanan ang ginagawa para sumaglit sa bahay nila Albie.

.

.

"BORIS," pakiusap ni Albie na pinakinggan lang ni Boris nang marating ang tapat ng bahay nila.

Binitawan na niya ito at nagharap sila.

"Where have you been?" he tried to lower his voice as much as he could despite his irritation.

"Nakita mo naman, 'di ba?" may malumanay na pakikiusap na kahalo ng tila pagmamakaawa ng mga mata nito. "Nandoon ako kina Georgia."

"Your father," he hissed, drawing his face close to Albie, "he almost got a stroke attack."

"Ano?"

Sa loob-loob ni Boris, nakaramdam siya nang panlalambot. Humalili kasi ang pag-aalala sa maamong mukha ni Albie. Bigla itong pumihit para takbuhin ang loob ng bahay at saklolohan ang ama, pero mabilis niyang nahablot ito sa braso.

"Boris," he begged, "ang Tatay—"

"He's okay now—"

"Hindi—" pagpupumilit nito na makapasok ng bahay kaya mahigpit na hinablot na niya ito sa magkabilaang balikat.

"He's already fine!" he roared.

Albie slightly stepped back, looking up to him with shock all over his dark eyes.

Napabuntong-hininga na lang siya.

"Albie," nagtitimpi niyang lapit ng mukha rito, "you're supposed to be looking after your father!"

"Alam ko naman iyon..." malungkot na salubong ng takot nitong mga mata sa maalab niyang titig, "p-pero..."

"But what? That parade is more important than your father?"

"Sumaglit lang naman ako, eh..."

Damn, Albie's soft pleading look. And that weak, weak little voice begging for his mercy.

Hell, he didn't need to beg for it. He was instantly wrapped around this man's fingers.

Pero nagpakatatag si Boris.

"Still," he gritted. "What if I didn't get here on time? When you come back, Mang Al would be already dead!"

"Tama na iyan!" saway sa kanila ni Mang Al na medyo hukot ang katawan habang nakahawak sa hamba ng bukas na pinto. "Pumasok na kayong dalawa rito."

Nilingon nila ito at pinakinggan bago binalik ni Boris ang mga mata kay Albie. Nanatiling nakahilig paharap ang mukha nito sa ama, pero yumuko nang matapos nang magsalita si Mang Al.

Siyang sulpot ng mga kaibigan ni Albie. Mabilis na bumitaw siya sa mga braso nito. Lalong nag-alala ang mga ito nang ma-sense na nagkaroon sila ng pagtatalo nito.

Napunta kina Georgia ang tingin ni Mang Al. "O, ano iyang pinagtitinginan ninyo?" angil nito. "Magsipag-alisan nga kayo sa tapat ng bahay ko!"

Malungkot na lumipat ang tingin nila Georgia sa kanya, tapos kay Albie.

"Ayos ka lang ba, bakla?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie rito.

Albie turned to them and let out a weak smile. Sadness was in his eyes as it darted on each of his friends' faces.

"Oo..." pigil nito ang pagsikdo ng damdamin pero namimintana ang overwhelm na dala ng sobrang pag-aalala para sa ama. "Oo, ayos lang ako. Bumalik na kayo roon... nandito... nandito na naman si Boris... May ibibilin lang ako, tapos susunod ako sa inyo."

"What?" he could not help hissing that. He didn't want Albie to go back to his friends for that freaking parade again!

Binigyan ni Albie ng nakikiusap na tingin ang mga kaibigan na umalis na. Boris could see their reluctance before finally surrendering to Albie's request. Paglingon niya sa pinto, wala na roon si Mang Al. Tumuloy na sila ni Albie sa bahay. Nasa salas na ang matanda, nakaupo matapos nito magbukas ng TV.

Lalapitan sana ito ni Albie pero hinawakan niya ito sa braso.

Lumingon ito sa kanya.

"Let's talk," giya niya rito sa dining table.

Albie pulled away his arm. "Pwede bang kamustahin ko muna ang tatay?"

Tinanaw niya si Mang Al na tahimik nang nanonood ng TV. Then he returned his eyes on Albie.

"Oo," sagot niya.

Pagod na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago nilapitan ang ama.

.

.

NAGTATAKBUHAN ANG MGA BATA sa kalsada, naglalaro at naghahabulan. Humahalo ang masayang halakhakan ng mga ito sa tawanan ng ilang mga lalaking nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan. Olivia controlled the urge to cringe. For her standards, the whole community was not very Philippine like. She had always viewed the country with rose-colored glasses. Pero ang bumungad sa babae na parte ng Tondo, hindi nito masyadong ma-appreciate.

Halos magsiksikan na ang mga bahay at magkandabuhol-buhol ang mga wire ng sampayan sa wire ng kuryente mula sa mga tahanang may ikalawang palapag na malapit sa mga poste.

Mailaw pa ang paligid dahil gising pa ang mga tao sa bawat bahay. Medyo maalinsangan kaya nakatambay ang ilan sa tapat ng bahay ng mga ito at nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay.

Come to think of it, despite this condition, they sound very happy, impresyon iyon ni Olivia mula sa masiglang mga tawanan at maingay na kwentuhan ng mga tao sa paligid.

"Hey, watch it!" irap ng babae sa nalingunang bata nung banggain nito.

"Hey, wachhit!" patudyong mimic sa dalaga ng batang makulit, naglalaro ang pang-aalaska sa mga mata nung tinawanan bago nito tinuloy ang pagtakbo palayo sa kalaro na humahabol dito.

Pinagpagan niya ang gilid ng suot na denim jeans. Damn!

Iritadong binalik ni Olivia sa harap ang tingin.

Nasaan na ba ang Roger na iyon? Usap nito sa sariling isip sa wikang Russian. Gabi na at hindi pa bumabalik sa hotel namin. At ang sabi ng lalaking iyon, dito siya banda nagmamanman at pasimpleng nagtatanong-tanong kung saan banda 'yung address nung Albie na iyon!

May nakabangga na naman sa kanya kaya kokomprontahin na ito ni Olivia nang may humila sa balikat nito. Pagkaharap, bumungad kay Olivia ang mukha ni Roger. Lalong gumusot ang mukha nito.

"Where have you been?"

"I told you, don't follow me," alalay nito kay Olivia paalis sa lugar na iyon.

"It's already evening," panlalaki ni Olivia ng mga mata kay Roger.

"Obviously."

Mataray na nag-iwas siya ng tingin dito. "Let's just get out of this place and find somewhere else to eat—" kapa niya sa back pocket nang matigilan. "'Tchyo za ga'lima?"

Her What the fuck? made Roger stop walking too. Naguguluhang pinanood ng lalaki ang nalilitong pagkapkap ni Olivia sa pantalon nito.

"What happened?" kunot ng noo nito.

"My fucking wallet!" gigil na bulalas ni Olivia na ginagala na ang tingin sa paligid.

Roger let out a groan. Dahil ang pagkakaalam lang naman nito ay isang Russian wife ang kasama at hindi secret agent mula sa GRU, hindi na ito nagtaka pa kung nanakawan ito ng wallet.

Inakbayan na lang nito si Olivia. "Let's just leave before you lose something else in here."

"I need it to buy food!"

He let out a sigh. "My treat."

"Oh no," she shook her head while throwing a doubtful look at Roger, "you can't afford the foods I want to eat."

"You'll like whatever I'll make you eat," walang lingon nitong sagot. "Because you'll be in a very good mood to know that I already know where Albie exactly lives."

Bahagyang namilog ang mga mata ng magandang babae. Napatitig saglit kay Roger. May kalakip na disbelief at paghanga.

"Really?"

Tumango-tango ang lalaking kasabay nito sa paglalakad. Hindi pa rin nito tinatapunan ng tingin ang kasama. Alerto kasi ito sa paligid.

"Well, Roger," her smile was a blend of deadly beauty and slyness, "let's have dinner then and fill me in with the details."

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.

.

.

***
AN

Ano, mga dear, tiwala pa rin ba kayo kay Miss Olivia? (- -,) <3

Anyways, here goes my UD for AMOHW! <3 <3 <3 Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sinubaybayan ito. Tapos ko na i-plot ang buong kwento ni Boris, kaya positive na malapit ko nang ma-complete ang story na ito. So stay tuned ;) Kitakits sa susunod na update!

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro